AN: Sa mga abangers d'yan. Nandito na po. Hahaha. Anyway, buhayin niyo pa po lalo ang comments section ko. Much appreciated.🥰
HE mentally shook his head. Heart was etched in his mind and he couldn't cheat on her.
Shit. Tama ba ‘yon ? Ang kabit niya ang ayaw niyang pagtaksilan sa mismong tunay at legal niyang asawa?
Hinawakan niya si Diana sa balakang at itinigil ito sa ginagawang pagkiskis ng pagkababae sa kanya.
Napatingin ito sa kanya at kahit na may kadiliman ang kwarto ay nakikita niya ang nagtatanong nitong mga mata.
"I'll pee," aniya rito saka niya ibinaling ang mukha sa kabila, bumuntong hininga.
"Mamaya na," ani Diana na parang nahalata na umiiwas siya.
Fuck. Hindi niya na kaya. Wala na rito ang interes niya. Kung may paninigas man ang paglalalaki niya, iyon ay dahil normal lang na arousal pero hindi niya interes na makipagtalik.
"I'm sorry," aniya saka ito pilit na inialis sa ibabaw niya, pero sa maingat na paraan pa rin.
He abruptly stood up and pulled his briefs and pants. Nakatulog lang siya, may naghubad na sa kanya. He had a very long day, perhaps that's the reason why he had a deep sleep.
"Why are you doing this to me Lux?" Madamdamin na tanong ni Diana sa kanya pero nagtuloy-tuloy siya sa banyo.
"Doing what?" Patay malisya siya.
"Fuck you!" Singhal ni Diana sa kanya kaya bahagya siyang napatigil sa tangkang pagdampot ng sabon.
"You've packed all your things. You thought I didn't see? Hubad na ako, tang-ina mo! You're offending me!"
"Hah!" Galit na patol niya nang humagulhol ang asawa niya.
Lumabas siya sa banyo at hinarap ito.
"Offending you, really? Did I ask you to suck my dick and get undressed? Kusa mo ‘yong ginawa tapos ngayong ayaw ko, sasabihin mo na ipinahihiya kita? E no’ng mga panahon ba na ako ang humahalik sa'yo at parang diring-diri ka na ayaw mo, anong palagay mo ang naramdaman ko? Don't make this story as if it's just all about you, Diana. Yes, I've packed my things and I'm leaving. Bukas pa dapat pero tingin ko ngayon ko na gagawin."
Napanganga ito sa sinabi niya, "What?"
"I'm getting, annulment."
"No. You can't do this to me. Not this time."
"Hah!" Pagal siyang natawa, "At kailan pa, kapag ikaw na ang nagdesisyon? Tingnan mo nga naman ang sobrang makasarili mo. You put this in my head. You were the first one who had the idea of parting ways. Kada magseselos ako, tatakutin mo ako ng annulment. When I get to return your tantrum to you you would scare me with annulment. Now, is it my fault if I'm no longer afraid of it? Here's what you've wanted, annulment."
Pinasadahan niya ito saglit ng tingin, saka siya naiiling na tumalikod. Kukunin na niya ang mga gamit niya at aalis na siya.
Hindi niya alam kung kanya pa rin ang katawan na ‘yon sa totoo lang, dahil matagal ng walang nangyayari sa kanilang dalawa. Ni hindi nga siya sigurado kung naging kanya ba, o baka nga isa lang din si Diana sa mga babaeng binili niya. Siguro ay nagkakaiba lang dahil daang milyon ang halaga ng binayaran niya sa mga magulang nito para makadagdag pa sa mga itinatayong negosyo.
Isa-isa niyang inilabas ang mga maleta niya sa kwarto.
"Napakawalang hiya mo!" Sigaw ni Diana sa kanya pero hindi na niya iyon pinansin.
Hindi naman siya walang hiya. Ang tagal nga niyang naghintay. Lahat naman ng pagpapahalaga at pagmamahal ay ibinigay na niya. Wala naman siyang nakuhang sukli roon. Siya pa ang parating nagmumukhang masama.
"Let's make this easier for both of us now. You're free to work 24/7 and free to go wherever you want. Wala ng magtatanong sa'yo kung nasaan ka."
Isinara niya ang pintuan.
Parang maiiyak si Lux na naglakad papaalis bitbit ang ilan sa mga maleta. Magpapaakyat na lang siya ng tauhan para kunin ang natitira pa.
May kudlit din sa puso niya sa pagtalikod niya pero mas matimbang na sa kanya ang umalis at makipaghiwalay na.
Kahit na ang pagsiping sa misis niya ay nakakawala na ng gana. gano’n pala kapag wala na halos pagmamahal. Ibig bang sabihin no’n ay wala ng pagmamahal si Diana sa kanya noon pa, dahil parati ‘yong walang gana?
Pathetic. He was so foolish but didn't know. And why now she wanted to make love with him? Anong nakain ng asawa niya?
Tama si Vandros. Ngayon ay nararamdaman na ni Diana ang mga naramdaman niya, at iyon na naman ang nagkakatangkang humabol sa kanya pero nagbago na nang tuluyan ang kanyang damdamin. Hindi na pala siya naghihintay ma masuklian ng maganda dahil wala na palang natirirang pag-asa sa kanya.
Ang nagkakape na si Diego ang naabutan ni Lux sa may garahe st takang-taka ang lalaki ng makita siya.
"Sir," aniyon.
"Get my luggage. Nasa pinto lang ng kwarto ang mga maleta," nagmamadaling utos niya saka niya binuksan ang pickup.
Inilapag naman kaagad nito ang kape at sumunod sa utos niya. Sumakay siya sa driver's seat at naghintay doon. Pagbalik ni Diego ay isinakay kaagad nito sa likod ang mga dala niya.
"Isunod mo sa bahay ko ang kotse ko."
"Okay, boss. Kukunin ko ang susi."
"Bukas na." Binuhay niya ang makina.
"Mag-isa kayo na lalabas ngayon."
"I'll be fine," sabi lang niya saka tuluyan na pinausad na ang sasakyan para umalis. Nang makalabas siya sa sa gate ay daig pa niya ang kinabitan ng limang tangke ng oxygen.
He feels a sudden urge of freedom. He doesn't know why but he felt so relieved. Parang ang gaan ng buhay niya na nakalaya na siya.
Gano’n na ba kabigat ang nararamdaman niya?
Napatingin siya sa smartphone na inilapag sa dashboard nang umilaw ‘yon. Tiningnan niya ang notification, dahil kapag message icon ang lumabas, alam na niya kung kanino galing ang message. Kung hindi sa network provider, kay Heart syempre.
Binagalan niya ang pagtakbo ng sasakyan at pasimpleng ini-unlock ang smartphone.
Napangiti siya nang makita sa notification panel ang pangalan ni Heart. Sa halip na mag-text back ay pinindot niya ang call.
She immediately picked it up
"And why is the billionaire's mistress still awake?" Tanong niya rito.
"Nagising lang po ako. E ikaw, bakit gising ka pa? Kakabasa ko lang no’ng text mo. Kanina pa pala ‘yon."
"I'm driving, baby."
"Ha? Saan ka naman papunta? May office pa ba ng ganito?"
"Hindi ako mambababae ha," natatawa niyang pauna rito, "I…left home."
"Ha? B-Bakit? N-Nag-away ba kayo ng asawa mo?"
Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong nito sa kanya pero wala na siyang balak na ilihim dito ang katotohanan tungkol sa kanila ni Diana.
Wala na siyang pinoprotektahan pa dahil sira na rin naman talaga. Pero hindi naman niya ugaling manira oara magmukha siyang inapi, kahit na pakiramdam naman niya ay iyon ang totoo.
"I'll tell you tomorrow. For now, you have to sleep plenty."
"Sus, pabitin ka naman."
He chuckled and smiled sexily, "At least sa kwento ka lang bitin, hindi sa–"
"Hep! Sabi ko nga matutulog na ako ulit!" Nagmamadaling saway sa kanya ng dalaga kaya tumawa ulit siya.
"Mag-ingat ka pag-drive ha. Gusto pa kitang makita," malambing na sabi nito kaya na-touch naman siya na sobra.
"Me, too. Gusto pa rin kitang makita."
Tang-ina. Kinilig siya na sobra sa kanilang dalawa.
"Babye," she said, "Text mo ako kapag nakarating ka na."
"Opo, Mrs. Montesalvo," he followed it with a chuckle which made Heart giggle.
"Sira! Sige na, end ko na."
Nakangiti niyang hinintay ang end tone ng tawag, at nang marinig niya iyon ay ibinalik niya ang aparato sa dashboard.
Kapag hindi nagbago ang nararamdaman niya at mas lalong tumindi pa, walang duda na si Heart talaga ay magiging Mrs. Deluxe Montesalvo.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...