Chapter 14NAPAKUNOT noo ang dalaga nang rumehistro sa kanya ang kabuuang bulto ng pangangatawan ng lalaking nakahandusay. Kahit na paano ay medyo nawala ang nerbyos niyang napasok siya ng isang estranghero. The security is too tight. Mahirap pumasok sa condo building kaya imposible na ibang tao ang nasa kwarto.
Si Mister Montesalvo!
Humakbang siya at may naapakan siyang malapot sa sahig. She clapped her hands. Bumukas ang ilaw. That's what she learned from him, to clap her hands to turn on and off the lights automatically.
Hindi siya maaaring magkamali sa taong nakikita niya pero agad niyang tiningnan ang paa niya na walang sapatos.
Eewwwks! Suka! Ganoon na lang ang pangiwi niya.
Nakaapak siya ng suka! Anong nangyayari? Napakandirit siya at napapikit. Iniisip niya na gwapo naman ang may-ari ng suka kaya okay lang. Malamang ito ang sumuka dahil wala namang ibang naroon. Baka lasing ito kaya nakabulagta sa sahig.
Diretso siya sa banyo, bitbit pa rin ang bag. Naghugas siya ng paa habang nakalukot ang ilong.
"Pogi ang may-ari niyan, Heart, mayaman, mabango, mabait kahit paano. Don't mind it. It's just his suka. Wala namang mikrobyo 'yan dahil billionaire si Sir Deluxe," aniya sa sarili para lang huwag siyang mandiri.
Umiipekto naman ‘yon dahil sumasagi sa isip niya ang gwapong mukha ng boss niya.
"Ahhh," mahinang ungol ang narinig niya kaya napamadali siya sa pagsaaabit ng pang-spray.
Hindi kaya inatake ng highblood ang lalaki kaya gano’n? Malaking problema. Baka mapagbintangan siyang kriminal. Agad niyang kinalkal ang kanyang cellphone sa bag, nakasilip sa lalaking umuungol.
She's going to call Vandros. Nakailang tawag siya, naka sampu siguro bago may sumagot.
"Jesus, Heart," anito sa linya, parang bagong gising, "Ano na naman?"
"Sir, nakabulagta si ano…si Sir Deluxe sa sahig." Kinakabahan na sabi niya rito.
"What?!" Lumakas ang resistensya ng lalaki dahil sa sinabi niya. Pakiramdam nga niya ay napabangon pa ito mula sa higaan.
"Is he there?"
"Opo, sir. Ayoko po sir lapitan po. Baka po kasi patay siya. Baka po inatake ng sakit na highblood."
Humalakhak ito sa ‘di inaasahang pagkakataon kaya napatanga siya. Anong nakakatawa roon?
"Wala siyang sakit. He's just drunk, Heart. Baka hindi na niya kinayang magmaneho papauwi kaya diyan tumuloy. Wake him up. Natutulog lang 'yan."
"S-Sigurado po kayo? Ayoko na pong dagdagan ang problema ko kapag pinagbintangan akong sinaktan ko ito."
Vandros chuckled again, "Believe me, he's just drunk. Mahina lang talaga 'yang uminom kaya nakabulagta, sabi mo. Sige na, matutulog pa ako."
Nawala kaagad ito sa linya kaya naitago niya ang aparato niya. Hindi naman ‘yon excited na matulog ulit.
Lumabas siya sa banyo at inilapag ang bag niya sa mesita. Lumapit siya kay Lux at pilit ‘yon na itinihaya.
He groaned.
Susko. May mga suka rin ang damit nito kaya halos mapapikit siya. Ano bang ginagawa nito sa buhay nito? Napakayaman naman nito ay naglalasing pa. Naitanong ni Heart sa sarili.
Hindi niya ito pwedeng iakyat sa kama na puro dumi ang damit nito.
She unbuttoned his shirt. Hinubad niya iyon sa katawan nito kahit na mahirap. Sunasabay ang paghikab niya ay ang paghangos.
Lux is a burly man. She's petite. Mahirap para sa kanya ang ginagawa niya pero hindi niya naman ito pwedeng pabayaan. Somehow, he had been so nice to her, too, noong ‘di pa niya alam kung anong totoo sa ginagawa nito nang palihim.
Siguro marami na itong binili na babae.
Kumuha siya ng bimpo sa aparador niya at saka niya binasa ng tubig. Binalikan niya si Lux at pinunasan niya ang bibig nito saka ang ilang parte ng katawan na may dumi. Hindi maganda ang amoy ng suka nito. Kahit pala mayaman, mabaho rin ang suka.
Napakatanga niya para isipin na mabango ang suka ng mga bilyonaryo.
Kahit pantalon nito ay amoy suka rin kaya hinubad na rin niya.
"Wala ka ng itatago sa akin, ha. Huwag ka ng mahiya. Naisubo ko na 'yan at nahawakan," kausap niya rito pero parang siya ang namumula.
Ang gwapo nito talaga kahit lasing.
Pilit niya itong itinayo kahit na halos tumumba sila pareho, para lang maiakyat ito sa kama. Hingal na hingal siya matapos niyang magawa ‘yon. Kinumutan niya ito at tinitigan sa mukha.
Ano kayang iniisip ng asawa nito at wala pa ito sa bahay? Sigurado, wala ‘yong alam na may kasama itong babae sa condo. Sa kaisipan na ‘yon at tumayo siya at dinampot ang mga damit nito.
Nakakaawa ang asawa nito. Babae rin siya at parang gusto niyang makonsensya na ginagamit siya ni Deluxe habang ang asawa nito ay nagtatrabaho.
And Heart remembered when that woman said that she would never be jealous of her because she's nothing. Tama naman nga. Isa lang siyang hamak na parausan, walang dignidad at walang delikadesa.
Lumabas siya sa kwarto bitbit ang mga damit. Dumiretso siya sa may washing machine.
Gano’n ang washing machine nila sa apartment, libre gamit. Isinaksak niya roon ang labahin at saka ‘yon pinaikot. Nasa may utility room siya, naghihintay sa ilang minuto na matapos ang timer.
Napapaisip siya habang humihikab. Mababa siyang uri pero kailangan pa niya ng pera. Saka na siya aalis kapag ayos na lahat. Iiiwan na niya si Mister Montesalvo sa asawa no’n. Ayaw niya na sanang ituloy pa ang deal nila pero makikiusap ulit siya.
Wala siyang magiging damdamin, tinitiyak niya. Purong trabaho lang ang ibibigay niya roon, tulad ng nasa kasunduan, dahil alam niyang may asawa naman itong tao at hindi nito ipagpapalit ang misis nito.
Nang maalala niya ang mga suka sa sahig ay agad na muna siyang tumayo at kinuha ang mop sa may sulok. Hindi na niya iaasa ang paglilinis sa chambermaid, tulad ng pagpapalit nv beddings sa kwarto noong nakaraan. Siguro ay si Lux din ang nagpalinis no’n dahil sila lang naman dalawa ang may hawak ng keycard.
Sinulyapan niya muli ang lalaking natutulog, humihilik ito at mukhang pagod, pagod sa kalasingan, pagkatapos ay bumalik siya sa utility area.
Nang tumigil ang washing machine ay kinuha niya ang mga damit, tuyo na ‘yon nang kaunti pero hindi pa sapat.
She went to the living room and turned on the ceiling fan. Itinapat niya ang mga tela sa hangin, nakapatong lang ang mga ‘yon sa center table, saka siya nahiga sa sofa. Hihintayin niya lang na matuyo ang mga ‘yon nang kaunti pa saka niya ipapasok sa kwarto, pero parang pumipikit ang mga mata niya sa sobrang pagod habang nakatitig sa mga damit na pinatutuyo niya.Lux
HE grimaced when his temples ached. Nagmulat siya ng mga mata at luminga. He made it to the condo. Hanggang do’n lang ang kaya niyang imaneho dahil naalala niyang pumikit siya habang nagda-drive, tapos ay pagmulat miya, out of lane na siya.
Thank God he made it but he doesn't know how he made it to the bed. Natatandaan niyang sumuka siya at bumulagta sa sahig.
Wala siyang damit maliban sa suot na boxers. Did Heart come home? Tumingin siya sa bedside table at naroon ang bag no’n.
Sa babae niya siya umuwi at hindi sa asawang mahal niya. How pathetic?
Lux tossed the comforter and walked towards the door. Madilim sa sala pero naaaninag niyang may babaeng nakahandusay sa sofa. Ni pag-angat ng mga paa no’n ay hindi na nagawa. She's still in her waitress uniform, yet fell asleep.
Did she take care of him last night?
Lumapit siya at nakita niya ang mga damit niyang nasa ibabaw ng center table, lumilipad-lipad dahil sa hangin.
Tahimik niyang kinuha ang mga damit. Tulog na tulog pa rin si Heart, at naguguluhan pa rin siya kung ididispatsa na niya ito, dahil tulad nga ng sabi niya kay Vandros, gusto pa rin niya ito.
Bumalik siya sa kwarto dahil baka may naiwan siya na kung ano. Wala roon ang smartphone niya. He remembered the it was inside his car. Isusuot na niya ang damit pero nang tumimginsa pintuan ay pupungas-pungas ang dalaga na nakatayo roon.
"Mister Montesalvo," anito sa kanya sabay hikab.
Jesus. Here's the temptation.
"Huwag na po kayong magalit. Babayaran ko pa rin naman po ‘yong pera pero hindi nga lang cash. Ituloy niyo na lang po ‘yong deal. Wala po kayong marinig sa akin. Wala akong sasabihin. Wala akong pagsasabihan. Wala pong makakaalam nito. Kailangan ko pa po ng pera. Kung interesado pa po kayo, gusto ko pong mag-extend. W-Wala naman po akong boyfriend. Wala po akong sakit po. Maawa po kayo sa pamilya ko. S-Sa akin lang po sila umaasa. Huwag niyo po akong tanggalin sa restaurant," mangiyak-ngiyak na pakiusap nito sa kanya.
The fuck. Sino namang nagsabi na tatanggalin niya ito roon? Unless maglabas ito ng kwento tungkol sa kanila, talagang sisipain niya ito papaalis ng restaurant.
Sinarili niya ang buntong hininga.
"Mister Montesalvo, sir po. Please po sir. Last chance pa po. Gagawin ko po lahat p—"
"Ah, shut up and just come here," aniya at hindi na rin niya napigil.
Nakatayo ang pagkalalaki niya, ramdam niya, at bagay hindi niya rin matanggihan si Heart, pagbibigyan niya ito.
He'll give her what she's asking for and let her repay her debt.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...