Chapter 36

1K 75 10
                                    

Napakasama ng loob ni Heart habang nagmamartsa siya papalabas ng bahay. Para siyang biglang nawala sa sarili at daig pa niya ang isang araw na natabunan ng mga ulap.
Her eyes were clouded by tears. Napakasakit ng damdamin niya sa nabasa niya. Masikip ang dibdib niya at naiinis siyang papasok sa trabaho na gano’n ang nararamdaman.
Tuloy-tuloy siyang naglakad at nilagpasan ang sasakyan ni Lux na nakaparada sa may gilid ng bakuran.
"Hey, baby!" Tawag no’n sa kanya pero dire-diretso pa rin siya at hindi iyon inintindi.
Ang inakala niyang tahimik na pag-iyak ay naging may tunog na. Napahikbi siya. Kagabi lang, hindi niya masagot ang mga text nito dahil sa sobrang selos niyang nagkita ang dalawa sa funeraria. Akala niya okay na nang dumating si Lux sa townhouse. Nawala lahat ng selos niya. Tapos, biglang hindi na naman okay.
"Babe, let's talk and fix our marriage. I promise to be a good wife now. Let's do counseling. I'm  begging you. Binawi ko na kay Mommy ang mga sinabi ko. Nasabi ko lang  ‘yon  dahil galit ako sa'yo. ‘di mo na ba ako mahal? "
Bumalong ang kanyang mga luha nang maalala ang mga huling salita hanggang sa bigla na lang may kumarga sa kanya kaya natauhan siya at napatili.
"Tatakasan mo pa ako," sabi ni Lux, bitbit siya na parang sako ng bigas.
"Ibaba mo ako!" Tili niya habang nakasampay siya sa balikat nito at pinalo siya sa pwet.
Susko.
"No. Tatakasan mo ako, wala naman akong ginagawa sa'yong masama," anito pa saka siya dinala sa sasakyan.
Isinakay siya nito sa loob at sinuotan ng belt. Mabilis itong lumipat sa kabila at sumakay.
"Heart…" anito pero ngumiwi siya, nakatingin sa labas ng bintana.
Kinuha nito ang kamay niya, "Wag naman ganyan. I didn't even reply. You even saw it. I deleted her number already. Hindi ko lang  ‘yon  pinag-blacklist dahil baka kailangan ko siyang kausapin tungkol sa annulment."
"Talaga ba?!" Galit na harap niya rito. Matindi ang selos na nararamdaman niya dahil naalala niyang minsan siyang hinamak ng Diana na  ‘yon, na hindi siya kaselos-selos na babae dahil mababang uri siya.
"O, umaasa ka pa rin na may kayo pa pagkalipas ng mga araw? Alam mo ang nakakainis?  ‘yong  alam kong dapat saan lang naman ako pero hindi ko mapigilan itong nararamdaman kong selos. Hindi ko nga alam kung bakit ganito," hikbi niya, "Ilang beses ko na ngang kinontrata ang sarili ko na hindi pwedeng ganito dahil ako ay bayarang babae mo lang pero wala e, ang tanga-tanga kong gusto kita kahit hindi naman dapat! Sobrang tanga ko! Tapos ngayon ganyan ang asawa mo, naghahabol sa iyo. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko e tatlong taon kayong nagsama!  ‘yong  mga ginagawa natin, ginawa niyo na! Lahat ng ito, naranasan na niya. Ako, wala pa akong isang buwan. Ano naman laban ko do’n?"
Bumaling ulit siya pakabila at pinakawalan ang mga luha na agad din niyang pinahid.
Nakipahid ito sa luha niya pero umiwas siya.
"I can't force you not to feel that way. Ikaw 'yan at pakiramdam mo 'yan."
Hinarap niya ito at saka niya sanapak sa braso, "Ang ganda ng sagot mo!" Gigil na sambit niya na ikinatawa pa nito.
"Hindi…" Lux laughed, "ang ibig kong sabihin ay wala naman akong magawa kung 'yan ang nararamdaman mo. But for me, hindi naman ako babalik sa kanya dahil naisip na niya na magpakabait. Bago pa ako nakatutong bumili ng babae, alam kong ganito na ang plano niya. Hindi na nga ako magtataka kung siya rin ang sumira sa pagsasama nina Enrico at ng asawa no’n. Please naman, baby. 'Wag mo naman akong pangunahan. Diana has never never been a good wife to me. Oo, nambabae rin ako pero marunong naman akong tumino at igalang ang relasyon na meron ako kung maayos din naman ang babae. In your case, ano pa ba ang hahanapin ko?" Malamlam ang mga matang tanong nito sa kanya, "You made me feel a feeling which I never felt before and perhaps that is true happiness and contentment. 'Wag ka ng umiyak, please. Diana was just a part of my past and you're my present and I'll do everything for us to work and face the future together."
Ngumiti ito kaya hindi na siya umimik. Kumalma siya kahit paano. Lambing lang pala ang kailangan niya at matamis na salita. Mabuti na lang at marunong si Lux na pawiin ang sama ng loob niya at hindi siya sinabayan sa kanyang sumpong.
Nang halikan siya nito sa noo ay tuluyan siyang lumambot at napaayos nang upo sa upuan.
"Akala ko maglalakad ka hanggang restaurant," natatawang sabi nito kaya tumawa na rin siya.
Natawa rin siya sa sarili niya. Hindi niya rin alam ang gagawin kanina sa sobrang inis niya. Basta maglalakad siya at kung saan siya makarating ay bahala na.
"Ibababa kita malayo sa restaurant, baby."
"Sige," sagot naman niya rito.
Biglang sumagi sa isip niya si Franco at ang mga sinabi no’n sa kanya sa chat. Wala siyang nireply ni isa man o pinag-seen. Baka mamaya ay nariyan na naman  ‘yon  at makita siya.
"May aasikasuhin lang ako kay attorney, ha. Update me," bilin pa ni Lux kaya naman tumango siya.
Ilang minuto lang ay nasa malapit na sila sa restaurant.
"Kiss na," anito sa kanya kaya mabilis siyang humalik dito saka siya pasimpleng bumaba sa sasakyan.
She walked without looking back and walked casually.
"Hearty!" Tilian ng mga kababaihan ang narinig niya kaya naman ngumiti siya at hinanap ang mga  ‘yon.
Nakita niya ang mga kaibigan na bumaba sa isang service lang tapos ay mabilis na lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Ang taray ng lola! Balik trabaho na!" Tili ni Aiza sabay yakap ulit sa kanya pero bigla siyang siniko ni Gigi at ang mata ay gumalaw papunta sa sasakyan ni Lux na dumadaan.
Dahan-dahan iyon at nakatingin sa kanya pero hindi siya makangiti nang maayos.
"Miss ka namin!"
"Miss ko na rin kayo," aniya naman pero ang mga mata niya ay nasa kay Lux.
"Ang taray, ang taray," pasimple siyang kinurot ni Gigi sa may pwet kaya gano’n na lang ang hagikhik niya.
"Saan ka bumaba? ‘di ka namin nakita." Usisa naman ni Janet sa kanya.
"Mga bulag!" Sambot ni Gigi, "Do’n sa taxi na dumaan. Alangan naman na ihinulog siya ng langit."
Nagkatawanan sila.
"Tara na nga!" Sabi pa ni Gigi sa kanila kaya humakbang na sila pero natanaw niya ang sasakyan ni Lux na nasa may tapat ng restaurant.
"Iwas stress tayo ha. Wala tayong topic na pangit kasi kababalik lang ni Hearty sa trabaho. Need nitong ganahan para makakuha ulit ng award," sabi ni Havanah kaya nagkatawanan silang muli.
Namiss niya ang gano’n na tawanan kahit nasa tabi sila ng kalsada at maraming tao.
"Salamat pala sa tulong niyong lahat ha. Sa GC lang ako nakapagpasalamat. Ngayon ang personal," aniya pero naiilang siya dahil bumaba si Lux sa sasakyan at pasimple siyang kinindatan bago nagsuot ng sunglass.
"Walang anuman. What are friends for? Basta kapag ikaw ikinasal lahat kami ay flower girls," sabi ni Sheena kaya nagkatawanan ulit sila.
"Baka pwede naman akong groom," ani Lux sabay tikhim sa may likuran ng mga kaibigan niya kaya sabay-sabay ang mga itong napalingon.
"Ay si Sir Deluxe!"
Susko.
Ang bilis ng mga babae na pumulupot sa braso ni Lux at pinag-ipunan ang binata.
"Lumalandi si Sir Lux. Baka totohanin namin 'yan," biro rin naman ni Gigi pero alam ni Heart na may laman din yon.
"Who knows, one day!"
"Si sir talaga. Mamaya marinig kayo ng asawa niyo, sirain ang kagandahan nitong aming kaibigan."
"That will never happen. Against  ‘yon  sa batas. Ang ganda naman ni Heart," anito kaya halos mamula ang mukha niya.
"Ayeeeee…" sabay-sabay na sabi ng mga ito kaya nanulis ang mga labi niya.
"Kapag ako nawalan ng asawa, liligawan ko 'yan."
Muling nagtilian ang  mga kaibigan niya at siya naman ay kinikilig na rin. Si Gigi kahit walang imik ay nagtatago ng ngiti.
"Hoy, babaerong ligaw ang kaluluwa!" Sigaw ni Vandros sa kalayuan, sa smoking area, "Dito na at nandito na ang kwarta!"
"Excuse me, ladies. My friend is calling me."
"Baka naman sir pwedeng makapalibre ng pizza mamayang uwian. Pa-welcome back lang namin kay Hearty sa trabaho," hirit ni Aiza kaya halos kurutin iyon ng iba.
Ramdam niyang tiningnan siya ni Lux habang nakapameywang, "Sure. My treat!"
"Yeeeeeey!" Tili ng lahat at siya man ay napatili rin.
Masaya silang naglakad para pumasok na sa tagilirang bahagi ng restaurant.
Naaalarma rin siya sa mga pasaring ni Lux. May tsismis na nga na naganap tungkol sa kanya, parang dinadagdagan pa nito ngayon. Pero sa mga kaibigan naman niya ay tiwala siya, huwag lang sa iba. Akala ng mga ito ay biro biro lang ang lahat pero siya sa sarili niya at kay Gigi, alam nilang may katotohanan.
At isipin pa lang niya ang biro na sana ay ito ang groom, susko parang tinamaan ng epilepsy ang puso niya, hindi lang nanginig, nangisay pa.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon