TULAD din ng kanyang desisyon, ang utak ni Heart ay parang hati na rin sa dalawa sa paninimbang at pag-iisip. She really wanted to leave for a moment and be on her own. Gusto niya iyong mapag-iisa sana siya dahil gusto niyang kilalanin ang sarili.
Napakalungkot niya at hindi niya matiyak kung siya ba ay makakapagtrabaho ng maayos. Kapag naman hindi siya nagtrabaho, baka maburyong lang siya sa bahay. Parang lahat ng lang ng bagay ay wala siyang buong desisyon.
Nakamasid siya kay Lux habang ito ay nag-aasikaso. Naglalagay ito ng mga damit sa bag at nakararamdam siya o nag-iisip siya ng masama, na hindi na ito babalik.
Kung nariyan ang Nanay niya baka mapagalitan siya dahil ang sasabihin no'n, masyado siyang taliwas sa katotohanan kung mag-isip.
Binura niya ang isip na hindi na si Lux babalik. Bibyahe nga pala ito at masama na mag-isip siya ng gano'n.
Deep inside her, she wanted to go with him.
"Sana ako na lang siya," hindi napigil na sabi niya at huli na para bawiin.
Agad na napatingin sa kanya si Lux habang nakaupo siya sa solohang sofa.
"Baby, don't say that," anito at hindi nagsayang ng oras para hindi siya lapitan.
Nag-squat ito sa harap niya at hinaplos siya sa pisngi.
"Hindi ko siya kakausapin, pangako. Sumasabit lang naman siya at wala akong magawa dahil sa bata. Just trust me with the words that I've said, ha?" Ngumiti ito pero hindi siya ngumiti.
"Pwede bang ipaalam mo ako kay sir Van na hindi ako papasok? Masama ang pakiramdam ko."
"Of course, baby."
"Mga hapon na ako pupunta sa apartment," pag-iiba niya para mawala na sa isip niya si Diana.
Di na niya alam paano pa kokontrolin ang emosyon niya. Sobrang selos ang nararamdaman niya.
"Baby, kahit nagseselos ka, ayokong makikipag-usap ka pa rin sa iba ha."
Tumango siya. Oo naman. Hindi naman siya gano'n na problemado lang ay maghahanap na ng iba. Napakabait ni Lux. Wala siyang dahilan para tumingin sa iba. Si Diana lang ang problema nila.
"Hindi ko gagawin 'yon. Parang 'di mo naman ako kilala," sagot naman niya rito.
"I hope so, baby."
Napakunot noo siya sa sagot nito sa kanya at napaawang ang labi niya.
"B-Bakit ganyan ang sagot mo?"
"I saw you with him," mahinang sagot nito saka bumalik sa bag na inihahanda.
Napatda siya saglit, "Kasama ko si Gigi. Inaalok niya kaming sumakay pero hindi naman ako sumakay. Si Gigi ang sumabay sa kanya, hindi ako," napataas ang boses niya dahil naiinis siya sa akusasyon nito sa kanya, "Buntis lang ang asawa mo, kung anu-ano ka na!"
"I am just reminding you. Wala naman akong sinasabi. Ikaw lang ang galit," sagot din nito sa kanya.
"Bakit? Hindi ka naman ganyan noon kung sumagot sa akin! Ngayon porke magkakaanak na kayo iba ka na!"
"Jesus! Anong iba? Walang iba. You're just exaggerating, Heart. Sabi ko lang nakita ko kayo, and I'm hopeful na hindi ka madala ni Franco kahit na ganito ang sitwasyon natin. Hindi ito dahil sa buntis si Diana o magkakaanak na kami."
Hindi siya umimik. Naitikom lang niya ang mga labi at umiyak nang tahimik.
"Let's say, takot ako sa sarili kong multo dahil ako humahanap ng mga babaeng magagamit ko no'ng halos problemado na ako na sobra sa asawa ko. I needed comfort and love and understanding and I found it in random girls I've bedded. Ayoko na gawin mo 'yon. If you don't want me anymore just say it straight. I don't want you to cheat, find another man who will comfort you in times that I don't. 'yon lang naman. Siguro ito ang karma ko. Takot na takot akong gawin mo ang ginawa ko pero magkaiba ang sitwasyon. Ako, alam kong hindi na ako mahal ng asawa ko, kumakapit lang ako pero ikaw, mahal kita," paliwanag pa nito sa kanya.
Tumango siya pero nakayuko pa rin siya.
"Baby, tahan na. Ayokong umalis na umiiyak ka."
Pinahid niya ang mga luha nang isukbit nito ang backpack.
"Come here," he gently commanded her.
Tumayo siya kaagad at niyakap niya ito, mahigpit. gano'n din naman ito sa kanya at hinalikan siya sa tuktok ng ulo.
"Tahan na. Aalis na ako luha pa ang pabaon mo," natatawa nitong sabi kaya natawa na rin naman siya.
Tiningala niya ito at tinanguan, "Hatid na kita sa pinto."
"Of course," anaman ni Lux.
Bumaba sila ng hagdan at diretso sa pintuan. Doon ay tumigil ito at hinarap siya.
"Mag-ingat ka ha, sa trabaho sa lahat. Marami akong kwento pag-uwi ko, tungkol sa pag-uusap namin ni Mommy."
"Uhm, ikaw din. Ayusin mo ang usap sa kanya ha. Text mo ako kapag may pagkakataon."
"Syempre po," sagot naman ni Lux saka siya hinalikan sa labi at niyakap ulit.
Binuksan nito ang pinto at lumabas ito pero hindi matiis ni Heart ang sarili.
"Lux," she called him and ran towards him.
Natawa ito nang yumakap ulit siya. Halos naramdaman pa niya na umangat siya sa carpet saka siya nito ibinaba.
Bumalik siya sa loob ng bahay at tinanaw na lang si Lux nang sumakay sa sasakyan. Kumaway ito sa kanya kaya kumaway din siya. Medyo matagal pa itong nakatingin at parang ayaw pang umalis, hanggang sa umusad ang sasakyan.
Saka niya inilapat ang dahon ng pintuan nang talagang hindi na niya matanaw ang sasakyan ni Lux.
Boredom hits her. Para na siyang tinamad na hindi niya maintindihan at agad na napaupo nang sumakit na sobra ang puson niya. Halos mamilipit siya roon sa kinauupuan niya pero makalipas ang ilang saglit ay nawala rin naman pero hinang-hina naman siya.
Baka sakit na sa bato ang mayroon siya at hindi na basta uti lang. O baka nagkaroon na siya ng sakit sa matris dahil sa pag-inom niya ng pills noong nakaraan. Mas mabuti pang magpa-checkup siya, total ay hindi naman siya papasok sa trabaho.
Umakyat siya sa itaas matapos na mahimasmasan. She has to prepare to see a doctor. Pagkapanhik niya ay nakita niya ang bundle ng pera sa may mesa malapit sa cabinet.
She didn't notice it earlier. Nilapitan niya iyon at napangiti siya nang makita ang nakasulat sa bond paper na nakapulupot sa mga pera.
Panggastos ng baby ko habang wala ako.
May heart pa iyon na drawing kaya natawa siya.
Ang kapal naman na panggastos no'n. She flipped it and saw a number written on the other side of the paper. 50k.
Susko, baka isanlibo lang ang magastos niya roon bilang pamasahe papuntang trabaho at pauwi, sa loob ng tatlo o apat na araw na mawawala si Lux.
Libre naman sila sa meryenda at pananghalian. Sa gabihan naman ay kasya na sa kanya ang kinse pesos na ulam sa carinderia sa labasan ng apartment.
Inilagay niya iyon sa kanyang bag at ibabalik na lang niya kay Lux pag-uwi no'n. Miss na kaagad niya iyon. Pilit niyang iwawaksi ang masamang kaisipan na magiging masaya ang dalawa ni Diana sa Cebu, na mag-iinarte iyon kay Lux at gagamitin ang baby para mapasunod ang lalaki.
Binalot na naman ng matinding iritasyon ang buong sistema niya at napakamot sa ulo. Tino'ngo niya ang banyo para maligo at makapagpa-checkup sa duktor. Sasabihin na lang niya kay Lux pag-uwi na kumuha siya ng pera para sa pagpapatingin sa duktor.
She removed her clothes and lastly, her underwear. Daig pa niya ang binuhusan ng yelo nang makita niyang nakadikit sa panty niya ang isang mapulang bagay na may kasamang kulay puti na ewan.
She couldn't describe it. It is something beyond her knowledge. Was it pus with a mixture of blood? Kaya ba gano'n kasakit ang puson niya ay dahil sa bagay na iyon na inilalabas niya?
She has to see a doctor to find out if she has recurrent urinary tract infection.MATAPOS na makapag-ayos ng dalaga ay isinukbit niya ang bag at pinatay ang lahat ng ilaw. Nag-compose siya ng mensahe para kay Lux, nagpapaalam na pupunta siya sa duktor.
As usual ay walang reply kaya itinago na lang niya ang kanyang smartphone. Lumabas siya at tumingin sa paligid. Napakatahinik ng buong lugar at iyon ang isa sa gusto niya roon. Walang mga bahay at talagang walang makakapansin sa kanila ni Lux. Ang bahay na sunod sa kanila ay malayo na at palibot ng mataas na bakod. Bakante pa ang mga lote roon, at sabi ni Lux ay ide-develop pa lang para sa isang duplex townhouse.
Naglalakad na siya papunta sa kalsada nang makita niya ang dalawang lalaking naninigarilyo sa may dadaanan niya.
Hindi alam ni Heart kung bakit ang inisyal na sinabi ng utak niya sa kanya ay umiwas siya.
Hindi siya nagpahalata na natatakot nang mapansin niyang nakatitig ang dalawa sa kanya tapos ay ngumisi pa.
She immediately turned around to go back inside the house where she would be safe.
Malalaki ang hakbang niya babang kumakabog ang dibdib.
"Miss na seksi! Paisa naman!" Anang lalaki pero napamadali siya hanggang sa tumakbo na siya papunta sa pintuan pero nang akma naman niya iyong nabuksan na ay saka naman may humawak sa kanyang braso kaya napatili siya.
Diyos ko.
Nagpumiglas siya.
"Hoy!" Ani Franco sa kanya kaya napalingon siya kaagad at wala na ang lalaking papalapit sa kanya kanina.
She saw his car and she felt so relieved. Tumulo ang luha niya at agad na napayakap sa lalaki.
"Salamat dumating ka."
"Sino ba 'yon dalawang unggoy na 'yon ? Mukhang mga adik ah. Maghahatid lang sana ako ng tender docs pero namukhaan kita kaya bumaba ako kaagad."
"Hindi ko kilala. Diyos ko," nanghihina na sambit niya. Nasaan na?" napabitaw siya rito pero nakawak pa rin siya sa mga braso dahil nangangatog ang mga tuhod niya sa labis na takot.
Bakit ngayon pa ito nangyari na wala si Lux? Ngayon pa na masama ang pakiramdam niya.
"Wala na, tumakbo no'n nakita ang sasakyan ko."
Mabuti pa pumasok ka na sa loob.
Tumango siya at tumingala kay Franco pero ang ipinagtaka niya ay nakangiti ito sa kanya, ngiting tulad ng mga lalaking iyon na nagtangka sa kanyang humabol.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...