"'NAY, tumawag ako kay Lexa kanina para kumustahin sila ni Lexus," imporma ni Heart sa ina niya habang naglalakad sila sa pasilyo.
Papalabas na siya at ihahatid daw siya Lumeng sa sakayan. Pinilit niyang patatagin ang sarili at huwag pakita ng kahinaan sa Tatay niya. Gusto niya ay maayos ‘yon sa operasyon.
Natutuwa siya dahil sabi noong una, sa ospital sa Legazpi, dapat ay operahan daw kinabukasan ang Tatay niya, pero nagbago naman dahil wala nga silang pera. Nakaabot pa si Conrad sa Maynila.
"Anong sabi ni Lexa, anak? Maayos naman ba sila? Nag-iwan naman ako ng pera do’n. Sabi ko ay papagkasyahin na lang nila na muna. Kumusta raw sila?" Tanong ng ina sa dalaga. Magkayakap sila ng mga braso nila habang naglalakad.
"Hindi raw pumasok si Lexus, Nay. Titigil na raw sa pag-aaral."
"Diyos ko! Sira ulo ba siya?" Galit na tanong nito at napatigil pa sa paghakbang.
"Naiinis din nga ako dahil nangunguna pa siya sa desisyon ko."
"Mas lalong aatakihin ang Tatay niyo sa ginagawa niya. Sa halip na makatulong ay gano’n pa ang gagawin."
"Kagagalitan ko nga mamaya."
"Oo, pagalitan mo. Sira ulo siya. Kung kami lang ng tatay mo ang masusunod, walang titigil sa inyong tatlo. Gusto na nga rin niyang makapag-aral ka. Awang-awa na siya sa iyo."
"'Wag na kayong mag-alala sa akin, 'Nay. Mag-aaral din ako ulit. Ang mahalaga ngayon ay malagpasan natin ito."
"Oo, anak."
Kahit mahirap ay lalagpasan nila. May diabetes na rin ang Tatay niya, nakita sa resulta, bukod sa nagbabarang ugat papunta sa atay, dahil sa sakit sa puso. Ngayon ay kumpirmado na niyang kailangan pa niya ng pera talaga.
"Ang bait anak ng may-ari ng restaurant. Biruin mong abutan tayo ng tulong na isandaang libo."
Ngumiti siya, "Oo, Nay. Tapos pinayagan akong mag salary deduction. ‘di ko pa alam magkano ang ipauutang sa akin ng restaurant."
Napansin niya ang pananamlay ng Nanay niya nang nasa pintuan na sila ng ospital. Tiningnan niya ito.
"Nag-iisip ako kung kaya ba natin ang maintenance," naiiyak na sabi nito sa kanya.
Ayaw niyang isipin. Pipilitin niya na kayanin kahit na buong buhay pa niya siyang maging bayarang babae.
"Kaya natin, Nay. Kakayanin natin. May trabaho naman ako kahit paano. Ang masama kung wala, wala tayo ni katiting na pag-asa.
Tumango ito pero nakikita ni Heart ang matinding awa ng ina niya para sa kanya. Kailangan niyang pagbutihan ang pakikitungo niya kay Mister K. Hindi dapat ‘yon agad na umayaw sa kanya. She has to be passionate. If she has to ask him to pay him again for another set of services, she'll do it. Dapat ay magustuhan siya no’n. Hindi pwedeng iiyak-iyak siya sa kama.
Sumulyap siya sa cellphone na hawak at halos manlaki ang mga mata niya. Ilang sandali na lang at pupunta na ang lalaki sa condo. Kailangan na niyang magmadali.
"Aalis na ako, Nay. Balitaan mo kaagad ako, Nay ha. Kapag hindi ako nakapag-reply, b-busy lang ako."
"Sige, anak. Mag-ingat ka. Mag-teks ka ha kapag nakauwi ka na."
Tumango siya bago tinalikuran ang Nanay niya. Nagmamadali siyang naglakad papunta sa labasan. Nang makapagpara siya ng sasakyan ay lumingon siya at kumaway sa ina.
Doon naman sa loob ng jeepney ay balisa siyang nagbukas ng cellphone at binasa ang text ni Mister K.
Mister K: I'll see you in a bit. Can't wait to fuck you.
Susmaryosep!
Agad niyang naitago ang cellphone. Baka may makabasa na katabi niya, nakakahiya. Ang laswa ng lalaking ‘yon pero aaminin niyang parang bihasa na ‘yon sa mga gano’ng bagay. Baka talagang ugali na no’n na magwaldas ng pera para sa babae. Kahit naman paano ay nawala ang kaba niya dahil hindi naman iyon ang tipo na nanlalatigo.
Pagdating niya sa condo ay nagbukas ulit siya ng cellphone. May text na naman do’n kaya habang naglalakad ay binasa na naman niya.
Mister K: I want you to wear any uniform, just your uniform and no undies.
Napalunok na lang dalaga at saka siya nagreply dito.
Heart : Okay po.
Pumasok na siya sa loob ng unit at kumilos nang mabilis. Dahil may mga pagkain naman sa kusina ay ‘yon na lang ang kakainin niya. May cup noodles siya. Busog pa naman siya sa meryenda sa foundation. Bukas ay magpapalit siya ng pera. do’n na lang siya sa one percent ang charge para mabilisan. Kung maghihintay pa siya ng clearing, baka nakalabas na sa ospital ang Tatay niya hindi pa tapos ang clearing ng pera.
Pagkatapos niyang kumain ay naglinis na siya ng sarili. Nagsuot siya ng uniform, kagaya ng utos sa kanya. Hindi na siya uminom ng sleeping pills. Wala naman silbi ‘yon sa kanya dahil hindi siya dinadalaw ng antok. Habang naghihintay ng oras ay tiningnan niya ulit ang mga texts sa kanya.
Binasa niya ang text ni Lexa, bandang alas seis y media ng gabi. Nakauwi na raw ang kapatid niya at pwede na siyang tumawag.
May oras pa siya ngayon nang sulyapan niya ang orasan. She has to talk to her brother.
Tinawagan niya ang phone number no’n pero hindi siya sinasagot, tulad lang kanina na walang humpay ang pag-ring. Si Lexa ang tinawagan niya habang ngingit siya sa kapatid na lalaki.
Hindi niya pwedeng pabayaan si Lexus. Sa mga gano’ng edad, dapat ay magabayan niya ang kapatid, kahit na ba sabihin na nasa Maynila siya at malayo siya sa mga kapatid, gagawin niya pa rin ang obligasyon na hatakin ang mga bunso niya sa maayos na daan.
"Ate," boses ‘yon ni Lexa.
"Ibigay mo kay Lexus ang telepono. Hindi kamo habang buhay ay matatakasan niya ako," galit na sagot niya.
Kapagkuwan ay may kumaluskos.
"Te," boses na ‘yon ni Lexus na walang buhay.
"Anong ginawa mo sa buhay mo?" Galit na umpisa niya, "May sakit na nga si Tatay nagpapasaway ka pa? Gusto mo ba talagang mamatay na ako sa sama ng loob?"
"Nagbabawas na nga ako ng problema mo para hindi mo na ako maging pasanin."
"Aba," lalong uminit ang ulo niya, "May lakas ka pa ng loob na sumagot. O sige, kung wala kang awa sa akin, maawa ka na lang kay Atay. Gusto mo atakihin siya nang tuluyan kapag nalaman niyang titigil ka na sa pag-aaral? Anong magiging trabaho mo, sige nga? Huwag mo akong masagot-sagot, Lexus."
Hindi ito umimik.
"Hindi kita magiging pasanin? Talaga ba? Bakit, kapag ba nagkasakit ka sa kakatambay mo, may ipampapagamot ka ba sa sarili mo? Ako rin ang mamomoroblema sa'yo. Hindi kita sinusumbatan. Kailan ko ba ginawa ‘yon ? Ang hinihingi ko lang, pahalagahan mo naman ang hirap ko rito, ‘yon ay mag-aral kang mabuti hangga't kaya ko kayong papag-aralin. Hindi mo alam kung ilang bata ang gustong makapag-aral, pero ikaw naman na pinapag-aral, sinasayang mo lang! Ganyan ka ba pinalaki nina Nanay at Tatay?" Sermon niya.
"Ang gusto ko nga ay igastos mo na lang kay Atay ang para sa akin kasi alam ko naman na mahirap tayo at hindi mo kakayanin lahat. Nagiging praktikal lang ako ate."
"Huwag mong hulaan ang kapalaran! Asikasuhin mo ay ang pag-aaral mo hindi ang problema na ako ang gumagawa ng paraan para maresolbahan. Lexus naman…" napapagod na sabi niya, naluluha siya, "Kaunti na lang, susuko na ako. 'Wag mo naman tuluyang papaghinain ang loob ko. 'Wag mo naman ako bigyan ng dahilan para sukuan kayo."
Heart cried. Hindi na niya napigil ang sarili kaya naiyak na rin siya. Problemado na siya at depressed na rin siguro.
Hindi rin ito umiimik sa kabilang linya pero makalipas ang ilang saglit ay nagsalita ito.
"Tahan na, ate."
Lalo siyang umiyak nang marinig si Lexus.
"Sorry, Ate. Papasok na ako. 'Wag ka ng umiyak."
"Mag-aral kayong mabuti dahil ang hirap maghanap ng magandang trabaho kapag hindi naka-graduate ng College. Pinagsisumikapan ko kayo kaya pagsumikapan niyo rin."
"Oo, Ate. Sorry."
"Sige na. Mag-adjust na lang kung mahirap ang buhay. Ayokong magbarkada ka sa mga taong ang ituturo sa'yo ay bisyo. Ang bisyo hindi nakakatulong sa tao. Sa halip na ibibili mo ng pagkain, ibibisyo mo pa. Si Lexa ang bantayan mong mabuti."
"Oo, Ate."
"Sige na. Kumain na ba kayo?"
"Tapos na, Ate. Papasok ako bukas. Gagawa lang ako ng assignment."
"Sige," nakahinga siya nang maluwag, "Matulog kayo ng maaga ni Lexa. Mag-ingat kayo. Update niyo ako ha. Kapag may kailangan, magsabi kaagad kayo sa akin."
"Sige, Ate. Babye. Sorry ulit."
"Okay lang," aniya saka pinatay ang tawag at napangiti.
Tumingin siya sa oras at laking panghihilakbot niya dahil alas otso diyes na.
She reads a message, wiping her tears.
Mister K: I'm already here. Shut the lights off. Are you done whining now?
Lintik. Narinig pala nito lahat? Napatingin siya sa pinto ng kwarto at nakaawang na iyon, samantalang inilapat naman niya iyon kanina.
She sighed.
Heart: Lalagay ko na po ang blindfold. Pwede na po kayong pumasok after three minutes.
Hindi na siya naghintay ng sagot. Binuo niya ang sarili at ipinalagay ang isip. Kahit na may mahapdi pa sa kanya, wala siyang magagawa. She was paid and this man owns her, head to toe.SHE smells like candy.
Fuck.
Nahila ni Lux ang mahabang buhok ni Heart sa unang pagpasok niya sa masikip nitong pagkababae. He sniffed her nape and sinks his teeth in her flesh.
Nakataas lang ang laylayan ng suot nitong restaurant uniform sa may baywang. Tulad ng utos niya, wala itong ibang saplot, maliban doon.
Bakit amoy candy ito? Hindi ito amoy candy kagabi. Hindi niya alam kung nagpabango ba ito pero mukhang oo.
Mahinang daing ang narinig niya mula rito at daig pa nito ang itinulos sa kinatatayuan. She seems in pain. She wasn't wet yet but he already penetrated her.
Kapagkuwan ay humikbi ito bigla. Hindi pa niya gaanong naipapasok ang kanyang ari, halos ulo pa lang.
Dahan-dahan siyang gumalaw pero ito naman ay halos ipitin ang mga hita at parang ayaw siyang papasukin. Sa bawat pag-ulos niya ay sumasama naman ang katawan nito papalayo at pigil na pigil ang mga daing.
Shit.
He held her boobs inside her dress. Pinisil niya ang mga iyon nang mariin at saka siya napapikit nang labasan siya kaagad.
Heart was suppressing her cries, muffling herself so she wouldn't be heard. Hindi pa rin naman nito napipigil ‘yon. Kahit na madilim, alam niyang umiiyak ito.
He stopped.
"M-Masakit po na sobra…" she confessed but he didn't say anything, "P-Pasensya na po. Pakiramdam ko sugat ako…"
Hinugot ni Lux ang pagkalalaki at umani siya mula rito ng isang pagdaing. Hindi naman siya hayop para hindi makaramdam ng awa. Sa dami ng naka-sex niya mula noon pa man, alam niya ang totoong nasasaktan, sa hindi. Her body language goes along with her words. Nai-imagine lang niya ang mukha nitong umiiyak, parang nakikinita niya at naaaawa siya.
He wiped his manhood using the towel and just pulled his pants up to his waist. Inayos niya ang sarili.
Tumalikod siya para iwan na ito at makapagpahinga na. Saka na lamang siya babalik.
He clapped his hands before he walked out of the room. Dumiretso na siya sa paglabas sa main door at ini-lock na lang niya ang pinto. Hindi naman disappointed si Lux dahil hindi niya nagamit magdamag si Heart. Totoong naaaawa siya roon kaya mas mabuti pang iwan na lang niya. Nakaisa naman siya.
Napabuntong hininga siya nang pumasok siya sa kotse.
Agad niyang pinaandar ang sasakyan at umalis na sa lugar na ‘yon. It's time to go home and rest. Pagpapahingahin na muna niya si Heart ng ilang araw. There are still so many nights ahead of them.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...