Chapter 48

1.1K 100 19
                                    


UMIIYAK na mukha ng ina ang nabungaran ni Heart nang siya ay magmulat. Nakahiga na siya sa bangkong kahoy na mas matanda pa sa kanya. Ang nagpanday daw no’n ay ang lolo niya noong bagong kasal pa lang ang kanyang mga magulang.
"Anak…" ani Lumeng sabay hagulhol.
Ang ama niya ay nakaupo lang, nakamasid. Hindi iyon pwedeng mamroblema dahil baka magkadepekto na naman ang operasyon. Gagasinong panahon pa lang ang nakalilipas mula nang biyakin ang dibdib no’n.
She can't compromise but how?
"Anong nangyari sa'yo, anak?" Tanong ni Conrado sa anak.
Ang nauunanan ng kanyang ulo ay ang mga hita ni Lexa. Her younger sister was fondly caressing her head, and smiled at her with tearful eyes.
Umiyak siya pero hindi nagsalita.
Ang pader niyo na hindi matinag-tinag, bumigay na.
"Pakainin na muna natin si Ate, Nanay. Para siyang pagod na pagod," anaman ni Lexus sa may paanan niya.
"Oo, oo pala…" natatarantang sabi ni Lumeng saka pumunta sa kusina na nahaharangan ng isang divider na kahoy.
Pilit na naupo ang dalaga at tiningnan ang mga kapatid niya. Sa oras na ipakulong siya ni Lux sa mga pera na ibinigay sa kanya, paano na? Dala pa niya ang singkwenta mil na iniwan no’n sa mesita.
"Nanay, alis na tayo rito!" Natatakot na sabi niya. Dapat ay lumipat na sila ng bahay para huwag siyang masundan. May record siya sa restaurant at matutunton siya sa oras na ipahanap siya ni Lux at ipadampot sa mga pulis.
"Bakit tayo aalis? May ginawa ka bang masama, anak?" Tanong ng Tatay niya pero iyak ang sagot niya.
Paano niya sasabihin dito ang totoo na hindi ito masasaktan? Na hindi nito iisipin na nagkaletse-letse ang buhay niya dahil sa sakit nito sa puso?
"Basta, Tay, kailangan nating umalis dito!" Desperadang sagot niya.
"Tanu?" Nakatitig na tanong ni Conrado kay Heart. Ang salitang  ‘yon  na napakasimple ay hindi niya makuhang sagutin. Napakasimple dahil 'bakit' lang naman iyon pero kahit na matalino siya, wala siyang maapuhap na salita sa mga sandaling iyon?
She bowed down her head.
"Kung hindi mo sasabihin, paano naman maiintindihan, paano ka namin matutulungan?" Ang Nanay niya, lumabas galing kusina, may dalang kape at pagkain.
Iniabot nito iyon sa kanya, at nakita niya ang ulam na ginataang pako, na may alimasag.
Walang salitang inagaw niya  ‘yon  at sunod-sunod na sumubo. Para siyang naglaway bigla nang makita ang mga nakaikot na mga pako na iyon at sobrang sarap. Tila nawala ang kanyang pagod dahil sa totoo ay talagang gutom na siya. Kahapon pa siya hindi kumakain at nawala sa isip niya ang bagay na iyon.
Pagkatapos niya ay para siyang nagkaroon ulit ng lakas ng katawan. Tahimik ang Nanay niyang ibinalik sa kusina ang mga pinagkainan niya tapos ay bumalik at tumabi sa kanya.
"Mag-usap na tayo, Heart. Iyong totoo ang sasabihin mo sa amin kahit na ano pa 'yan. Maayos na ang lagay ng Tatay mo at kakayanin na niya. Anong nangyari at umuwi kang…" sinuri siya nito at bulag lang ang hindi makakapansin sa itsura niyang parang basang sisiw.
"Magsalita ka na, anak para naman matulungan ka namin," naiyak na sabi ng Tatay niya, "Para naman hindi na lang parating ikaw ang pumapasan ng lahat."
Lexa cried beside her. Niyakap niya ito at inalo. Ang mga ito ang dahilan ng kanyang pagsasakripisyo, pagsasantabi sa kanyang sarili.
"Hindi na ako babalik ng Maynila, Tay. Iyong pinampaopera mo…sorry Tatay pero pumayag ako na maging kabit!" Humagulhol siya ng iyak at ang nanay niya ay napatutop sa bibig.
Kung malakas ang kanyang pagtangis ay ‘di hamak na mas malakas ang pag-iyak ng ama niyang nakakuyom ang mga kamao.
"Tang-inang buhay ito!" Anito, " ng dahil sa pagiging inutil ko at walang silbi, ang panganay ko ay binenta na ang sarili!"
"Tay…" aniya at agad na napatayo, niyakap ito, "hindi ganyan. Kita niyo naman naging maayos kayo."
"Pero ikaw ay hindi! Binugbog ka siguro kaya ka umuwi rito."
Umiling siya, "iyong asawa niya inutusan si Franco na gawan ako ng masama. Nakatakas lang ako, Tay! Umuwi na ako rito dahil kino’nan ako mg mga litrato kasama si Franco at ipadadala nila kay sir…Lux."
"Ang boss mo ang kumabit sa iyo?" Nanlulumo na tanong ng Nanay niya habang ang tatay niya ay iiling-iling, yakap siya sa braso.
Alam niya ang inisiip nito, ang nararamdaman, at ayaw niyang manghina ulit. Gusto niyang lumaban para sa kanyang pamilya na maiahon sa hirap.
Tumango siya.
"Idedemanda raw ako nina Senyora dahil sa laki ng pera na nakuha ko. Dahil daw niloko ko lang si sir Lux at si Franco ang isa ko pang lalaki, pero hindi naman totoo! Muntik niya akong gahasain! Ayokong makulong, Tay! Paano na ang mga kapatid ko? Paano kayo?!"
"Hindi ka makukulong!" Umiiyak na sambit ni Lumeng, galit, "Ilalaban ka namin ng ama mo! Huwag kang matakot kung mabunyag na naging kabit ka man o ano. Sige, magkaso sila at ilalabas mo ang totoo. Hindi man maniwala ang mga boss mo at  ‘yong  sir mo, kami, naniniwala kami sa iyo. Hindi pwedeng ikaw na ang argabyado ay ikaw pa ang ididiin sa pang-i-scam! Magpapa-blotter tayo! Ikukwento mo ang ginawa ng hayop na Prangko na  ‘yon !"
Napatakip siya sa bibig at biglang naduwal. Hindi niya napigil kaya lumabas din halos ang lahat ng kinain niya sa sahig.
Ang Nanay niya ay nakatanga sa kanya at si Conrad ay agad siyang hinagod sa likod.
"Tama na ang tungkol d'yan. Magpahinga na dapat siya dahil pagod siya. Bukas tayo lalakad sa pulisya para may record itong anak natin kapag nagkagipitan. Mga hayop sila!" Umiyak na naman itong muli, "Hindi na sila naawa sa anak ko. Kahit na naging kabit man siya o ano, wala silang karapatan na pagtangkaan ang buhay nito o diginidad bilang tao!"
"Alis na tayo rito, Tay…"pakiusap niya.
"Hindi tayo aalis, anak. Hihintayin natin ang anumang sinasabi ng Prangko na  ‘yon. Huwag kang matakot dahil alam ng Diyos ang totoo. Alam niyang nagawa mo iyon para sa Atay mo at nagsasabi ka ng totoo. Hindi ka pababayaan ng Diyos dahil ikaw ay napakabuting anak. Kaya lang anak, ikaw ba ay hindi buntis?"
Umiling siya tapos ay nauwi iyon sa kibit balikat.
"Aalagaan natin ang bata! Wala ng usap pa! Atin ang bata kahit tayo ay mahirap lang!" Matatag na sambit ni Conrado sa kanya.
Hindi siya umimik pero napaisip din siya bigla. Hindi kaya ang mga nararamdaman niya ay sintomas ng pagbubuntis?
Yumuko siya. Sa sitwasyon ngayon kahit buntis man siya baka hindi na rin niya sabihin pa kay Lux. Para ano pa? Baka paghinalaan din siya no’n tulad ng ginagawa kay Diana, lalo pa at may mga litrato sila ni Franco na masagwa.
Will he even believe her that she was nearly raped and threatened? Paano naman niya iyon patutunayan? Wala siya ni katiting na pruweba at baka magmukha lang siyang tanga.
Kung scammer ang magiging tingin no’n sa kanya, lulubusin na niya. Gagamitin niya ang pera na dala niya para magkaroon ng hanapbuhay, dahil kung siya ay buntis, hindi siya makakapagtrabaho pa.
"Ate, halika na do’n sa kwarto," malambing na sabi ni Lexa sa kanya kaya tumango siya.
Ang Nanay niya ay napatutop sa noo, sumisinghot pero hindi umiiyak. Nakaramdam siya ng hiya sa mga magulang dahil sinong magulang ba ang gugustuhin na maging kerida ang isang anak?
Wala.
"Nanay, pasensya na," aniya na muling napahikbi.
"Kami ang dapat humingi ng pasensya, anak," sagot nito, "Dahil sa amin kaya ka ganito ngayon pero hindi ka namin pababayaan, anak. Huwag kang matakot."
Tumango siya at unang pagkakataon iyon na siya ay ngumiti. Ito ang yaman na mayroon siya higit sa pera, pamilyang masasandalan at kaisa kahit na naghihirap sila.





















The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon