"FRANC–" hindi nakuhang ituloy ni Heart ang sasabihin nang bigla siyang halikan ni Franco at hawakan sa may batok.
"Halikan mo ako pabalik o sasaksakin kita, kabit ka," anito sa gigil na salita at parang nagyelo ang buong sistema niya.
Napahikbi siya at nanginginig na humawak sa mga balikat nito at pikit-matang ginawa ang utos nito sa kanya.
Ngumisi ito at may tunog ‘yon. Hindi siya makagalaw dahil nasulyapan niya ang hawak nitong patalim. Oo, maikli iyon pero sapat na para bumaon sa tagiliran niya at malagay siya sa alanganin.
"Pasok," angil nito sa kanya habang yakap pa rin siya at nasa likod niya ang kutsilyo.
"Franco…'wag," pakiusap niya rito habang umiiyak.
Parang hihimatayin siya sa takot pero pilit niyang nilalabanan ang panghihina.
"Kala mo ‘di ko alam? Katulad ka rin ng nanay ko na mukhang pera. Patanggi tanggi ka pa sa alok ko, gusto mo lang pala ay bilyonaryong may asawa?" Tila nakakainsultong ngisi nito, "Matagal ng pinasusubaybayan sa akin ni Ma'an Diana ang asawa niya para hindi siya mahuli na hahabol-habol siya kay Enrico Mariano. Swerte talaga na kasama ka pala sa kwento nila. Kaya lang, ang kawawa kong ma'am inayawan ni Enrico at alam mo kung bakit, dahil may nagugustuhang waitress. Ikaw siguro ‘yon."
Nagpumiglas siya pero idiniin nito ang kutsilyo sa may likod niya kaya siya napatigil at muling napaiyak.
"Syempre, loyalty ko ay sa amo ko. Bwisit din ako sa asawa niya e, ang yabang ng asta. ‘di ko ipagpapalit ang pera sa'yo!" Gigil na asik nito sa kanya, "Napakabobo ni Deluxe para iwan ka sa ganitong lugar na ni CCTV ay wala!"
Tumawa ito at may tunog pa.
"Cellphone!" Anito kaya kinig ang mga kamay niyang hinalungkat ang bag. Naghahanap siya ng maisasaksak dito pero nakita niya ang isang babae na naka sombrero at jacket, may hawak na camera. Nakatayo lang iyon sa may pintuan at naghihintay. Kapag nanlaban siya, saan siya dadaan? Susko.
Ni katiting na pag-asa ay wala siya.
"Cellphone!" untag ni Franco kaya napaitlag ang dalaga at ibinigay dito ang aparato habang nakatingin siya roon, umiiyak.
"Ano pang ginagawa mo rito, Harriet? I-develop mo na 'yan at ipadala mo sa lola at sa pinakamamahal nitong si Deluxe 'yabang' Montesalvo. Tatanga-tanga ka pa. Umaandar ang oras."
"Hindi siya mayabang!" Galit na sigaw niya pero tumaas ang kamay ni Franco at akma siyang sasampalin kaya agad siyang napatakip at napahagulhol.
"Ano bang kasalanan ko sa'yo?"
"Malandi ka tulad ng Nanay ko! Isa kang kabit! Naninira ka ng pagsasama ng mag-asawa!"
"Wala akong sinisira dahil dati ng sira–"umigakas ang kamay nito sa mukha niya at napaupo siya sa sofa.
Naliyo siya at parang saglit na nadilim ang paligid pero nakita niya si Franco na nagtatanggal ng pantalon.
"Gusto mo ito. Mahilig ka rito," ngumisi ito kaya sa kabila ng matinding takot ay nag-isip siya ng paraan kung paano makakatakas. Hindi bale ng mamatay siya basta hindi dapat magtagumpay ang lalaking ito sa pinaplano sa kanya.
Alam ng Diyos na mabuti siyang babae kaya hindi siya pababayaan ng nasa itaas.
Alam ng Diyos na si Lux lang ang mahal niya at walang iba.
"Wala ka ng sisirain na pamilya dahil sa oras na makarating kay Deluxe ang mga litrato na ‘yon, paalam na sa'yo. Babalik na siya kay Ma'am Diana dahil magkakaanak na sila."
Muli siyang umiyak dahil do’n. Lux never wanted a cheater in his life for he never cheated just because he wanted to, too. More than any reason, he badly needed comfort, attention and companionship.
Ang mga litanyang iyon ni Franco ang naririnig ni Heart habang pilit niyang ibinabalik ang sariling huwisyo, na nawala dahil sa lakas ng sampal na inabot niya.
"Kahit na lumaban ka, wala kang mapapatunayan. Lalabas kang scammer na kabit! Idedemanda ka pa ni Deluxe at ni Carmenzita!"
Umiiyak siyang bumuwelo nang ibaba ni Franco ang pantalon at tumambad sa kanya ang pagkalalaki nito.
Sinipa niya ito sa ari at lahat ng lakas niya ay inubos niya roon. Bahala na sa kalabasan pero na out of balance ito at bumaliktad sa sahig. Namimilipit ito kaya hindi ito agad na makakahabol sa kanya.
"Aray, putang…!"
Yakap ang kanyang bag ay halos matumba pa siya nang tumakbo papalabas ng bahay.
Kahit na pagod na siya at halos wala ng lakas, pilit niyang ililigtas ang sarili sa isang demonyo.
Tumakbo siya papunta sa kabilang parte ng daan. Wala siyang lingon-lingon dahil wala siyang pwedeng pagtaguan doon.
Nananalangin siyang maligtas siya.
"Takbo, Heart!" Sigaw ni Franco kaya muli siyang napaiyak pero mas binilisan ang pagtakbo niya, "Nakikita ko ang anino mo rito sa Maynila! Umalis ka na para matahimik ang buhay mo!"
Oo. Aalis na siya.
Pagod na pagod na siya sa buhay niya. Suko na siya. Kung ‘yon ang ikatatahimik ng lahat, uuwi na siya doon sa mga taong tunay na nagmamahal sa kanya, sa kanyang pamilya.
Umaandar pa ang taxi na pinara ng dalaga ay naghahabol na siya para agad na makasakay. Takot na takot siya at buong katawan niya ay halos manginig na.
"T-Terminal po papuntang Bicol. Sa Alabang," malat na sabi niya sa driver at nang makita niya iyon na nakatingin sa kanya ay napalunok siya, takot pa rin na baka kasama ito ni Franco.
Umusad ang sasakyan kaya napalingon siya, yakap ang bag. Wala na ang lalaki, hindi sa kanya nakasunod pero natatakot pa rin siya. Palinga-linga siya habang umaandar ang sasakyan at kandahaba ang leeg kung malapit na siya sa terminal.
Nang matanaw niya iyon makalipas ang ilang minuto ay agad siyang nagbayad sa driver, hindi na inintindi ang kanyang sukli. Diretso siya sa bilihan ng ticket.
"Byaheng Bicol, Legazpi!" Agaran niyang sabi na may halong pagkataranta, “‘yong papaalis na."
Sinilip siya ng babae, "800. Sunod na byahe ay alas dyes. May papaalis, sampung minuto."
Agad niyang iniabot ang isanlibo sa babae at lumayas kaagad siya pagkakuha ng ticket. Hanap niya ang bus na papaalis at nakita niya ang sumisigaw na dispatcher. do’n siya pumunta pero nakalinga sa paligid dahil baka nariyan si Franco.
Salamat wala.
Muli siyang napahikbi nang maalala si Lux. Sana naman ay huwag siyang ipakulong no’n dahil hindi niya alam kung paano ipagtatanggol ang kanyang sarili. Pihadong sa mga mata ng lalaking minamahal niya ay scammer at lalakero ang tingin no’n sa kanya. He hates small talk. How much more kissing and hugging?
Marahas niyang pinahid ang kanyang labi at dumura. Diring-diri siya sa ginawa sa kanya ni Franco at kung pwede lang siyang magpalit ng labi ay ginawa na niya.
Sumampa siya sa bus at hinigit ang paghinga. Iniabot niya ang ticket at naupo sa isang bakanteng pwesto. Muling bumalong ang kanyang mga luha. Ang simpleng buhay niya ay naging napakagulo at ang lahat ng lakas na dala-dala niya parati ngayon ay tila naubos na…SAKAY ng traysikel ay bumaba si Heart sa tabi ng kalsada at napatakbo sa isang tabi ng nang bigla siyang maduwal. Hilong-hilo siya sa walang tulog na byahe mula Maynila hanggang sa Bicol. Maulan nang pumasok na sila sa may parteng Legazpi, at dahil hindi siya handa, nabasa siya ng ulan nang bumaba siya sa bus.
Walang humpay ang pagsuka niya at pag-iyak sa tuwing may stop over. Sa buong byahe ay walang ibang laman ang utak niya kung hindi si Franco.
Muli siyang napaiyak nang maalala ang hayop na iyon. Pinagkatiwalaan niya si Franco, hindi niya akalain ma dedemonyohin siya.
Tumawid siya ng kaldasa, pahid ang mga mata. Malalaki ang hakbang niya papasok sa daan na ‘yon, papunta sa kanilang tirahan.
Lalo siyang naiyak sa kaisipan na umuwi siya na wala man lang pasalubong kahit na tinapay para sa pamilya niya.
Naglalakad siya sa madamong daan at mabato nang kahulan siya ng asong nakatali sa may puno ng kamias. Ang aso nilang si Mocha iyon. Hindi si Mocha Uson, Mocha lang.
"Nanay!" Tawag niya sa ina at katal na katal ang boses niya.
Wala pa man lang ay umiiyak na siya na sobra.
"Si ate!" Sigaw ni Lexus at dali-dali iyon na lumabas, dala ang isang napakalaking payong.
Kakasunod no’n si Lexa na ang laki ng ngiti pero dala ng pagod at hilo, samo at saring mga emosyon ay dumidilim ang kanyang paningin.
"L-Lexus…" sambit niya sa pangalan ng kapatid at parang hindi niya ito makita pero may humawak sa mga braso niya.
"Ate," anito sa natatarantang boses pero umiling siya at halos bumulagta sa maputik na daan kaya napahigpit ang hawak niya sa balikat ng kapatid, na mas malaki pa kaysa sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...