Chapter 6
HEART'S world giddied when she abruptly sat on the bed. Bigla siyang natumba at nandidilim ang dati na niyang madilim na paningin. Para siyang bangag na hindi niya maintindihan.
Masakit ang kanyang balakang. Masakit ang kanyang sentro. She's sore. Muli siyang nakaramdam na parang iiyak pero pinigil niya. Iiyak pa ba siya? Tanga siya at mapagpanggap kung gagawin pa ‘yon dahil nagustuhan din niya ang ginawa ng lalaking hindi niya kilala.
Kinapa niya ang kama dahil baka may tao pa roon. Natatakot siyang baka mamaya ay magtanggal siya ng piring sa mga maya, ‘yon pala ay may tao pa.
She tried to clear her throat. Anong oras na ba? May naaamoy siyang pabango ng lalaki, nakadikit sa balat niya, nakadikit sa unan, sa balot ng kama. Mabango. The scent is sweet and not tangy. Mild ang amoy na ‘yon kahit na amoy lalaki.
Masasabi ni Heart na si Mister K ay may magandang sense sa pagpili ng pabango. This kind of scent will make a woman fall for it. Hindi iyon tipikal na masangsang na amoy dahil sa sobrang bango.
"T-Tao po?" Aniya, "M-May tao pa po? Nandiyan ba po kayo, B-Boss?"
Wala siyang narinig na sagot ni kaunting ingay man lang kaya marahan niyang inalis ang piring.
Wala ng tao at may liwanag na. Ang una niyang ginawa ay suriin ang sarili niyang katawan. She saw marks on her young body. Kalat ang mga kagat at mapupulang pasa sa balat niya, sa may tiyan at dibdib.
She saw droplets of bloodstains on her bed. Dahil puti iyon ay napakadaling makita.
Nahigit niya ang paghinga. Mahapdi ang kanyang pagkababae. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagamit kagabi pero alam niyang hindi lang ‘yon limang ulit. Halos magdamag ‘yon. Tuluyan ng nawala ang kanyang puri kaya wala ng dapat na iiyak pa. Panibagong umaga na ito na dapat niyang harapin. Panibagong buhay. Panibagong pakikibaka.
Kukurap-kurap ang dalaga na sumulyap sa digital alarm clock na nasa may bedside table. Alas seis bente singko na ng umaga.
Agad siyang naalarma at napabalikwas kahit parang kulang na kulang siya sa tulog.
Kinig ang mga tuhod at mga binti na tino’ngo niya ang banyo. Hindi niya alam kung anong klase ng hayop ang gumamit sa kanya para agawin ang halos lahat ng lakas niya. Hindi niya ‘yon mahawakan, hindi niya makita. Ang mga kamay no’n ay masasabi niyang hindi matitigas. Marahas ‘yon pero malambot ang mga palad, malalaki.
Malamang, palaka kasi. Irap niya sa sarili.
Binilisan niya ang paliligo at agad na naghanap ng uniporme. Tiningnan niyang mabuti kung may mga marka rin siya sa iba pang parte ng katawan pero wala naman. May isa lang siya sa braso at pwede namang gawan ng excuse.
She has to work for her family.
Bumaba siya sa kainan pagkatapos ng lahat at doon ay nakasabay niya sa pinto ang lalaking nakabangga niya sa may elevator.
Ngumiti iyon sa kanya. Mukhang galing ‘yon sa pagja-jogging o gym. Nagkatinginan sila. Ngumiti ito at binuksan ang pinto para sa kanya, hindi itinuloy ang tangkang pagpasok.
"Ladies first."
"Thank you, po," kiming sabi niya at hindi na siya nagdalawang-isip pa na pumasok.
Tumuloy siya sa pag-o-order ng mga dati ng lutong pagkain. Dalawa kasi ang options sa fastfood, isang luto na at isang ipaluluto pa lang, depende sa gusto ng kakain. Sa tulad niyang nagmamadali at may hinahabol na oras, dapat ay fast food talaga ang i-order.
Walang tingin sa paligid na pumunta siya sa isang bakanteng mesa.
Naupo naman sa may kabilang mesa ang lalaking nakasabay niya. She just glanced at him and he smiled at her.
Hindi siya ngumiti. Yumuko siya dahil naalala niya ang nangyari kagabi. Nahihiya siya sa sarili. Nahihiya siyang makipag-ngitian sa lalaki. Pakiramdam ni Heart, mas lalo siyang naging aloof sa mga lalaki dahil do’n.
She feels so dirty because the mere fact that she never wanted that thing to happen, she liked the feeling inside her abdomen. Nasasarapan siya kapag nag-uumpisa na ang lalaking ‘yon na bayuhin siya nang mabilis at marahas, na halos ikaihi na niya sa kama. It was an intense and immense feeling. Kapag pakiramdam niya ay hinahalukay na ang puson niya at may gustong lumabas sa kanya, nakakalimot siya at sumasabay siya sa galaw ng lalaking ‘yon.
Tama ba na gano’n ang naramdaman niya? Tapos ngayon ay makikipag-ngitian siya sa lalaking ‘di niya kakilala? Baka ito ang boss na sinasabi.
Diyos ko. Nakakahiya. Kilala siya ng boss pero hindi niya ‘yon kilala. ‘yon ang nakakainis sa sitwasyon. Baka kaharap na pala niya at pinagtatawanan na siya, wala pa siyang kaalam-alam.
"Good morning," bati no’n kaya alanganin siyang sumulyap sa mga talukap ng mga mata n'ya.
Was he talking to her? Her mind asked.
Luminga siya sa paligid.
"It was for you," sabi pa ulit nito kaya tumango siya.
"G-Good morning, sir," Alanganin na sagot niya saka siya nagpatuloy sa pagkain.
Hindi ito nakatiis at lumipat sa mesa niya kaya halos hindi siya nakanguya.
She was studying this man.
"New here?" Tanong nito kaya tumango siya.
"Same," ipinatong nito ang mga braso sa mesa at doon siya napatingin. Ang laki ng mga braso nito at mga kamay.
Ang laking lalaki nito.
"I'm Eco, short for Enrico. I just came home. I was from Australia," pakilala nito sa sarili kaya bilang paggalang ay tumango naman siya pero wala siyang balak na makipagkilala rito.
"Anong pangalan mo?"
"H-Heart po," mahinang sagot niya.
"You're sad. Ang ganda pa naman ng pangalan mo."
Pakialamerong frog. Pati ba naman mukha niya ay pinag-aaralan nito? Maanong um-order na lang ito at kumain.
Binilisan niya ang pagkain at ito naman ay nakatitig lang sa kanya. Diyos ko. Gusto na niyang maglaho. Bakit ito titig na titig sa kanya?
Nawala ang atensyon niya sa lalaking kaharap nang may pumasok sa loob ng fast food. Heart averted her eyes.
Napalunok siya nang makita ang higit pa sa pamilyar na mukha. Ang apo ni Senyora Carmen, nasa kainan din.
Ang gwapo niya.
Inilibot no’n ang mga mata matapos na tanggalin ang sunglass. Tulog pa naman ang araw ay naka-sunglass na.
Nagkatinginan silang dalawa at bigla ang pagkabog ng dibdib niya, kagaya nang una silang makita. Nakapa niya ang kape niya at wala sa oras na uminom.
"Aray," reklamo niya dahil napaso siya sa labi.
Lintik. Anong tanga naman niya? Nakakita lang siya ng Greek god, daig pa niya ang naengkanto. May gana pa siyang kumirengkeng.
"It's hot," sabi ni Enrico na nagmamadaling kumuha ng malamig na tubig sa harap niya at iniabot sa kanya ang baso.
Nawala na rin sa isip niya ang kaharap na lalaki.
She looked at Mister Montesalvo again. Nakatingin pa rin ‘yon sa kanya tapos ay naglakad papunta sa kahera.
Ipinag-assist kaagad ‘yon ng mga naroon. Bakit kaya? Malamang, famous siya.
"Do you know that man?" Tanong ni Enrico na nakatingin din pala sa lalaki.
"B-Boss ko po siya. Apo po siya ni Senyora Carmen, may-ari ng pinagtatrabahuhan ko."
"I see. That explains why you're mesmerized. He owns this whole place. Asawa siya ng ex-girlfriend ko," nakangiting sabi nito.
Dito naman lumipad ang mga mata ng dalaga. Legit? Hindi rin pala basta-basta ang lalaking ito, pero mas rumehistro sa utak niya ang sinabi nitong may asawa na ang apo ng Senyora Carmen niya. At bakit naman kung wala? As if naman mapapansin siya ng lalaki? Wala naman siyang sinabi sa ganda at sosyal ng mga kababaihan na pwede no’ng mapansin, kung sakaling wala ‘yong asawa.
Muli siyang napayuko. Ang tulad niyang mahirap ay para sa mahirap lang. Mag-asawa na lang dapat siya ng Afam. Wala naman kasi siyang hilig sa dating apps. Nakasubok siya isang beses na mag-install no’n, udyok ni Gigi sa kanya pero nabwisit lang siya.
Kung hindi makatang foreigners, mga ubod ng bastos naman ang nagcha-chat sa kanya. Nabubwisit lang siyang magbasa ng mga chat na kahit buwan, araw at mga bituin ay nababanggit pa. Unang araw ng chat, may pa-i love you na. Hindi siya tumagal do’n kaya ipinag-uninstall niya. Hindi naman mga kapani-paniwala ang mga lalaking nakikilala niya, tapos may mga scammers pa. Naletse na!
Pinoy pa rin ang gusto niya. Pwede namang may lahi pero may dugong Pinoy pa rin.
Sumulyap ulit si Heart sa suot niyang relo. Agad siyang tumayo nang makita niyang 7:30 na ng umaga. Kailangan na niyang makapunta sa trabaho.
"Aalis na po ako, Sir Eco," paalam niya at uminom lang ng kaunting kape saka na umalis sa harap ng lalaking nakangiti habang nakatingin sa kanya.
May humahanga pa rin sa kanya, may asawa nga lang. Kung alam lang nito ang pagbebenta n'ya ng puri, humanga pa kaya ito?
Sinarili niya ang pag-iling.
Diretso siya sa counter at iniabot sa babae ang kanyang card.
Tumingin sa kanya si Mister Montesalvo at tinitigan siya. Daig pa niya ang aatakihin sa puso nang tumaas ang isang sulok ng labi nito.
It was a smile.
Hinagod siya nito ng tingin at saka tumingin sa card niya. Idinaan na lang niya sa pagkurap ang pagkailang. Hindi naman nito alam na ang card na ‘yon ay pinagagamit lang ni Mister K.
"Heart…" He mentioned her name.
Agad siyang napanganga rito. Kilala siya nito. Dahil doon ay ngumiti ang dalaga. Nakikilala siya nito. It's such a pleasure to be recognized by her boss.
"G-Good morning po, sir."
"Really good morning, Miss Chavez," nanulas sa labi nito ang kanyang apelyido.
Mas kilala pala siya nito higit pa sa inaakala niya. Well, who wouldn't recognize a woman who spilled tea on a man's fly?
Iniabot sa kanya ng kahera ang card kaya agad niya iyong itinago sa bag.
"Excuse me, s-sir but I have to go to work," magalang na paalam niya saka siya tumalikod pero muling pumihit, "S-Sorry po ulit sa nangyari sa restaurant."
He smirked.
Sapat na ‘yon na sagot nito kaya tumalikod na siya ulit. Hindi siya makakatagal sa tiim ng titig nito. Daig pa niya ang hinuhubaran. Diyos ko. Baka maihi siya. Napakagwapo ng boss niya. Nakakatanga. Nakakapaso dahil napaso na nga siya ng kape.
Hindi na siya lumingon pa. Ayaw niya. Baka mahalata no’n na may crush siya roon. May asawa pa naman ‘yon kaya hindi na dapat.
Focus na lang siya sa trabaho at hindi sa among ubod ng gwapo.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...