Chapter 9

941 56 4
                                    


Lux

HE was upset when he arrived home but Diana wasn't home yet. Ang kotse no’n ay wala pa sa garahe. Kanina pa niya hawak ang smartphone pero wala naman ni isang message na pumasok galing sa asawa niya. Hindi niya malaman kung nasa trabaho pa rin iyon o kung nasaan na.
"Si Diana?" Seryoso at kunot noong tanong niya sa kasambahay na nagbukas sa kanya ng pinto.
"W-Wala pa ho, sir," sagot ni Shony sa kanya kaya tuluyan na uminit ang ulo niya.
Mag-a-alas diyes na.
He decided to call his wife. Nakailang pa-ring siya pero walang sumasagot, hanggang sa ikalima siguro ay mayroon na.
"Lux," kampante na sagot ni Diana sa kanya pero siya ay hindi kampante.
"Nasaan ka?" Iba ang tono niya kaya alam niyang naulinigan ni Diana  ‘yon.
"I am in a meeting."
"With?"
Napahugot siya ng malalim na hininga saka tumingin kay Shony. Nakatayo pa rin iyon at naghihintay ng ipag-uutos niya.
"With Enrico."
"Damn it!" Singhal niya kaya noon na napalayas si Shony.
"Don't damn me," mahina pero mariin na sagot ng asawa niya sa kanya.
"I'm not damning you. I am damning because you never gave me any update. Iniisip ko kung napaano ka na, kasama mo lang pala ang ex mo!"
"Pwede ba, Lux. Walang personal na kasali rito. This is purely business."
"Business at this hour?" He chuckled sarcastically.
Parang sasabog ang sarili niya sa selos. Anong hina na ni Diana para hindi na matapos-tapos ang business kay Enrico. Sa pagkakaalam niya ay nagkukunsulta lang naman  ‘yon, bakit hanggang ngayon ay wala pa rin bang natatapos si Diana na plano para sa negosyong itatayo ni Enrico?
"Don't put a shit on me, Lux. Wala akong ginagawang masama."
Oh hell, yes. Siya na ang masama dahil siya ang nambababae.
"Wala akong sinasabing may ginagawa kang masama. May asawa kang tao, paalala ko lang."
"Oh, fuck that marriage! Kung ipamumukha mo lang 'yan sa akin sa gitna ng paghahanapbuhay ko, mag-divorce na tayo!"
Hindi siya umimik. Pangalawang beses na niya itong narinig kay Diana, ang tungkol sa divorce, sa tuwing ipinaaalala niya ritong may asawa na ito.
"My point is—"
The line was cut off.
Masama ang loob na natingnan na lang ni Lux ang kanyang smartphone. The call ended.
His point is just to inform him if she's okay.  ‘yon  lang naman sana kasi nag-aalala siya. Kanina pa siya nagchat kay Diana bago niya puntahan si Heart. Sabi niya i-chat siya kung nakauwi na. Isa lang naman ang kailangan niya pero ni seen pala ay hindi siya sineen ng misis niya. Sinong lalaki ba naman ang matutuwa sa gano’n? Parang wala  ‘yon  pagpapahalaga sa damdamin niya, hindi na lang sana bilang lalaki pero bilang asawa na lang.
Isi-shift niya si Heart sa morning shift para sa gabi ay parati siyang nasa bahay, para alam niya ang galaw ng misis niyang nagbubuhay na lang sa paggawa ng pera.
Fuck! How much money does Diana have to make in a day or a month? Ang dami naman niyang pera at hindi naman siya nagdadamot. Ibinibigay naman niya lahat kaya lang bakit parang kulang pa rin?

FEELING irritated, he went to the kitchen to get his cup of coffee. Tanghali na talaga siya nagising, at nagulat siya na naroon si Diana, gumagawa ng paborito nitong sandwich.
"Doesn't have a meeting with Enrico? Himala," sarkastikong sabi niya. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Shony, nahihintakutan ang itsura.
Hindi umimik si Diana pero maya-maya ay ibinagsak ang kutsara. Tumunog iyon nang malakas kaya alam niyang nagdadabog ito.
"Are you trying to imply something, Lux?" Tanong nito pero patuloy siya sa ginagawa niya.
"Nope."
"Huwag mo nga akong paandaran!" Anito na nasa tabi na niya at marahas na inilapag do’n ang tupperware na may mga sandwich.
"You tell me exactly what's on your mind, Lux, not like this that you're accusing me quietly."
Uminom siya ng kape pero hindi ito tinitingnan. Dumating ito kagabi na parang wala lang. Humarap ito sa computer matapos na maligo. Ni hindi man lang ito humingin ng dispensa sa kanya dahil sa nangyari. Siya na nga ang nag-aalala, siya pa ang mali. Hindi naman siya mahigpit. Malaya nga itong nakakaalis kung kailan gustuhin at kung saan gustong pumunta, pero sinasamantala naman nito ang pagiging mapagpalaya niya.
"Am I?" He looked at his wife this time.
Kitang-kita sa mukha nito ang iritasyon sa kanya.
"Once I get immune to your attitude towards me as my wife, you'll see."
"Oh hell, I'll be thankful! Huwag mo akong takutin, Lux! I'm not afraid of you. Tingnan natin kung may makuha kang katulad ko."
"Katulad mong ano?" Painsulto siyang ngumiti at umiling habang umiinom ng kape per bigla siya nitong hinampas sa likod kaya natapon ang hawak niya.
"Damn it!" Isinalya niya ang tasa sa pader kaya gano’n na lang ang tili ng mga kasambahay.
"Damn you, too! It's better for me to work all day and all night, face my papers than to face you!"
"Then don't fucking look at me! Ang hirap sa'yo hindi mo kayang tanggapin na mali ka! Gusto mo ay ako ang parating mali! Your stupid pride is as high as your ego!" Marahas niyang tinampal ang mesa saka siya naglakad papalabas ng kusina.
Wala siyang pakialam kung masira parehas ang umaga nila, total ay kagabi pa naman sira ang mood niya. Magsiraan na silang dalawa dahil napupuno na siyang magpasensya.
Hindi siya si pasensya kaya hindi pwedeng gano’n na lang parati. The more he tolerates Diana's attitude, the more her head gets bigger.  And she's using her damness towards him, all the time.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon