Chapter 39

1K 88 18
                                    


NAKUKUNTENTO si Lux sa pagmasid kay Heart sa ‘di kalayuan. He was smiling inwardly, kilig pa rin sa pagsabi nitong mahal din siya.
God.
He has to thank God for finding someone like her in his darkest days. Hindi na siya nagsisisi ngayon sa pagpapalipas niya ng oras sa mga babae tuwing naghahanap siya ng mapupuntahan sa tuwing nasasaktan na sobra kay Diana.
Pero kahit na gano’n siya, ngayon ay hindi niya kayang magpalipas ng oras sa iba kung sakali man na magkakatampuhan silang dalawa. Isipin pa lang niya na maghahanap siya ng iba ay siya na ang nasasaktan. Hindi niya kaya. He's so faithful to Heart. Alam niyang gano’n din ito sa kanya.
Mahal na mahal niya ito at sisiguruhin niyang hindi ito magdududa sa katapatan niya. Malayo ang mga katangian ni Heart kay Diana, sobra.
"Kanina po pa tinititigan 'yang naka-off shoulder na itim, na may clip sa buhok," puna sa kanya ni Destiny.
Hindi siya nag-abala na tanggalin ang mga mata niya sa dalagang hindi na nilulubayan ni Katy.
Mapili si Katy sa kaibigan, kahit noong bata pa. At malamang ay nakita no’n kay Heart ang nakita niya, kaya nahulog din ang loob ng kapatid niya sa dalaga.
"If I am not mistaken, siya  ‘yong  nakita kong bumaba sa sasakyan mo sa condo."
Ninenerbyos siya pero hindi siya nagpahalata.
"Umamin ka nga sa akin, Lux. Totoo bang may babae ka?"
"Wala akong babae, Destiny. Baka no’ng nakita mo ako, that's the time I was helping her because her father had an operation. Tinulungan siya ng foundation ni Mama," relax na sagot niya pero natawa ito. Nangiti rin siya dahil wala siyang aaminin kahit na ano. Si Vandros lang ang totoong nakakaalam ng lahat at wala ng iba pa.
Makikilala ng mga ito si Heart kapag siya ay totoong annulled na.
"It seems like everyone is invited but I'm not."
Sabay-sabay silang napatingin sa nagsalita na  ‘yon  sa may kaliwang gawi niya at nadismaya lang siya nang makita niya na si Diana iyon.
Ang kapal ng mukha ng babaeng ito na pumunta pero pinalayas sila sa burol ng ama nito.
Hinila nito ang bakanteng upuan sa tabi niya, na kanina ay si Vandros ang nakaupo, pero umalis ang lalaki at sumama sa mesa ng mga waitresses at chefs.
"What are you doing here?" Pasimple niyang tanong saka siya sumimsim ng alak.
Yumakap ito sa braso niya kaya nanigas na sobra ang mga panga niya. Hindi lang siya makagalaw dahil iniiwasan niya ang isang eskandalo sa mismong kaarawan ng lola niya.
It's his grandmother's day. Kailangan niyang magtimpi.
"Kadarating mo pa lang ba, Yana?" Tanong ni Vira sa dati niyang asawa.
"Oh, no. Kanina pa ako. Naglibot-libot lang ako. I was checking the whole place. Nothing's changed."
Dumako ang mga mata niya kay Heart na nakatingin sa kanila. Hindi niya masabi pero sa tantya niya ay parang naiiyak na  ‘yon  sa kinauupuan.
God demit!
Naroong lalo pang dumikit sa kanya si Diana at saka tinangkang subuan ng pagkain pero umiwas siya ng mukha.
Ang awkward na ng sitwasyon dahil kahit na sina Alejo ay hindi na mukhang komportable.
He looked at his grandmother. Nakatingin iyon sa kanya at nawala ang ngiti. He was also looking, eyes were fierce.
Bigla iyong lumapit sa mikropono at nagsalita roon.
"Ladies and gentlemen, habang kayo ay kumakain, I want to hear my only grandson's message for me. Anak, halika, Lux. Give a message to your Abuela," tinanguan siya no’n para siya ay lumalit.
Salamat sa Diyos.
Nahalata siguro ng lola niya na naiirita siya kaya gumawa iyon ng paraan para siya ay tawagin.
Agad siyang tumayo at iniwan ang mesa. Kanina pa rin niya nahalata si Katy na naiimbyerna. Wala ng natutuwa kay Diana sa pamilya niya. Paano ba naman matutuwa si Katy ay kadarating pa lang galing Cebu, mapagmataas na ere na kaagad ang ipinakita sa kapatid  niya? Kahit naman sino ay mabubwisit talaga.
Pagdating ni Lux sa entablado na puno ng mga lobo at mga bulaklak ay sinalubong siya ng halik ng kanyang lola.
"Thank God, you saved my ass, Grandmama."
"I knew she was trouble," pasimpleng sagot nito sabay tapik sa likod niya.
Tumingin siya kay Heart, pahapyaw lang at hindi  ‘yon  sa kanya nakatingin. Nakapangalumbaba iyon at may dinudutdot sa smartphone na nasa ibabaw ng mesa nakapatong. Naglalaro siguro  ‘yon.
"To my…no…to the greatest grandma in the world, well, alam mo naman kung gaano kita kamahal syempre. Basta ang gusto ko lang ay makasama pa kita ng mas matagal pa. I may not be able to be with you watching opera, kasi nakakaantok naman talaga," aniya kaya napatawa niya ang mga bisita, "Si Vandros naman ang proxy ko. You can't measure how much I love you by watching with you your favorite operas. I love you so much, Mama and thank you for being my everything, my mother, father, grandma, grandpa and friend. You're the coolest, you know that. Kahit na itinago niyo ito at nakonsensya pa ako na halos makalimutan ko na birthday mo nga pala."
Nakangiti si Carmen sa kanya at tumango, "Of course," the old lady mouthed.
Parang naiiyak siya sa pamensahe rito. Parang kailan lang ay isa siyang batang paslit at ito ay nasa kalakasan pa. Ayaw man niyang sabihin, alam niya na matanda na si Carmen, at baka ilang taon o mga taon na lang niya ito makasama.
Napakurap siya at naiyak sa kaisipan na  ‘yon.
"Oh, my boy. Don't cry," lumapit sa kanya ang matanda at niyakap siya.
Nagpalakpakan naman ang mga tao at parang naiiyak na rin sa kanilang dalawa.
"Oh, don't cry!" Malakas na sabi ni Diana saka iyon tumayo kaya napatingin sila.
Tumingala si Carmen kay Lux at parang nagtataka. Kapag gumawa ng isang mali ang babaeng ito, isinusumpa niyang kakaladkarin niya talaga papaalis.
Lumapit iyon sa may stage, napakaseksi na maglakad.
"Mama, may I have the mic please?" Nakabungisngis iyon.
"I'm warning you," banta niya sa babae na tumaas lang ang mga kilay.
"Oh, nakakatakot naman, my desr husband. May announcement lang din ako para kay Mama kasi birthday niya."
Napilitan si Carmen na ibigay dito ang mikropono na agad naman na kinuha ng isa.
"Good evening! Happy bithday muna kay Mama! Well, para madagdagan ang happiness ni Mama ngayon na birthday niya, since alam naman ng lahat na ako ang ASAWA ng kaisa-isang apo ni Senyora Carmenzita, I am so proud to say that nine months from now, Mama is going to take care of her greatgrandchild! Yes! I am pregnant with our very first baby!"
Diyos ko!
Nagpalakpakan ang mga tao maliban sa mga kaibigan niya at sa mga kaibigan ni Heart.
Fuck.
Daig pa niya ang itinulos sa kinatatayuan niya at ang unang hinanap ng kanyang mga mata ay si Heart.
Parang sinaksak ang puso niya nang makita niya ang mga kumpol ng luha sa magaganda nitong mga mata. Tapos ay yumuko ito at sinarili ang paghikbi.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon