NOTE: Sir, kain ka na lang po diyan. May niluto po akong ulam at kanin. Kailangan ko pong umalis ng maaga. Pinababalik po ako sa DSWD para pumila. Balik na lang po kayo bago ako pumasok sa work kung gusto niyo pong mag-lab. Ingat po sa pag-uwi, sir.
He smirked, staring at the sticky note plastered onto the door. Nakapameywang siya pero sumulyap siya sa relo na suot.
Mag-lab? Did she just call it love making? O baka wala lang sa sistema ni Heart ang bumanggit ng salitang 'sex'. Hindi naman kasi siya bulag para hindi makita na hindi naman ‘yon bulgar.
Nagtatanong siya sa sarili kung natulog ba ang babaeng ‘yon, o baka siya ang tulog na tulog kaya hindi niya namalayan kung tumabi ba sa kanya sa pagtulog.
Tinanggal niya ang sticky note at dala niya sa paglabas ng kwarto. He walked towards the kitchen to eat. Nagugutom na rin talaga siya at siguro ay dapat nga siyang kumain dahil hindi siya kumain kagabi dahil sa sobrang inis niya kay Diana. Kahit na lola niya ay hindi halos nagsasalita dahil sa mga narinig na bangayan nilang mag-asawa.
And now he will have a taste of the food that Heart cooked.
He opened the dish cabinet. Naka-set iyon sa warm. Kinuha niya ang glass bowls. Dinala niya ang mga ‘yon sa island counter. Mukhang masarap.
Kumuha siya ng mug at nagtimpla ng kape. Natutuwa si Lux na isipin na may mga pagkain talaga roon na naka stock. Ang perang ibinigay niya para sa allowance ay talagang nagamit para sa pagkain.
He was stirring his coffee when he noticed the flowers on the island counter. The first thing that came up into his mind was to ignore it. Kay Heart ‘yon, alangan naman na sa kanya. ‘yon ang sabi ng isip niya na gawin niya, huwag pansinin pero bilang isang chismosong lalaki ay itinigil niya ang ginagawa at inabot ang bulaklak.
Hinanap niya ang card at nang makita niya ay binuksan niya.To the prettiest and sexiest,
I love you, baby.
FrancoLukot ang noo niya. Ang Franco bang ito ay iisa sa Franco na nasa firm ni Diana? Pero ang mas ipinagtataka niya ay bakit baby ang tawag kay Heart ng lalaki? Ang pagkakaalam niya ay walang boyfriend si Heart.
Damn it. Mapapatay niya si Vandros kapag may ibang gumagamit sa babaeng ikinakama niya. That man was not doing enough background checking.
Inilapag niya ulit ang mga bulaklak sa counter at saka siya naiiling na lumapit sa ref para kumuha ng tubig na malamig pero sa pagbukas niya ay paper bag ang nakita niya.
Out of curiosity again, he grabbed it and looked at what's inside. Mga tsokolate ang laman no’n. Baka kasama ‘yon ng bulaklak dahil halos parehas ang kulay ng mga lalagyan, mapula.
May nakasulat sa labas na I love you, gamit ay pentouch.
Kumuha siya ng isa at kinain niya. Basta na lang niya itinapon sa sahig ang balat. Hindi pa siya nasiyahan ay kumuha pa siya ng marami bago siya kumuha ng talagang sadya niya, ang tubig.
"Hmn, not bad for some cheap chocolates," aniya habang sinisipsip ang tsokolate.
Naupo na siya at nag-umpisa na kumuha ng totoong pagkain. Sa unang subo pa lang niya ay nasarapan na kaagad siya kaya ginanahan siya. Nawawala ang stress niya sa lasa ng caldereta ni Heart.
Kasing sarap niya ang luto niya.
Fuck. His dick had an immediate reaction to his thoughts. Nalilibugan siya. Hindi siya naka-iskor kagabi dahil plastado siya. Now, he could imagine his face buried in between her thighs, legs spread apart.
Hmn shit. Nakagat niya ang labi niya at medyo napapikit.
His phone vibrated inside his pocket while he was chewing his food. Nalipat do’n ang atensyon niya. Kanina pa ‘yon vibrate nang vibrate pero ngayon ay iba ang vibration. It was long so he knew that it was a call.
Nang kunin niya iyon para tingnan ay ang lola niya ang tumatawag.
"Hi, Ma," bati niya sa matanda.
"Uhm, hello, apo. How's my apo?" Tanong nito na ang tunog ay bini-baby na naman siya.
"I'm fine, Ma," aniya naman saka sumubo ng pagkain.
"Wait. Are you really okay or pretending to be okay?"
He sighed and chewed his food slowly. Okay nga ba siya? Hindi na siya naiiyak, hindi tulad ng noon na kapag nag-aaway sila ay sobrang sama ng loob niya. Ramdam niya na talagang tila nawalan na rin siya ng pakialam sa sitwasyon. Nakukuha na niya. Unti-unti siyang nasanay sa mga ipinakikita ni Diana sa kanya, na ngayon ay dumating sa puntong parang namanhid na rin siya.
Lux is truly exhausted and consumed.
"Hindi ko maintindihan, Mama," aniya sa matanda, "I feel okay."
"You tell me honestly. Matagal na bang ganito ang sitwasyon niyo ni Diana? ‘yong totoo ang kailangan ko, Lux."
"A bit. I mean, she was okay at first. I thought it would work out and would prosper but it went the different way around. Hindi naman kami nag-aaway, Ma, only that she always spends her time working. Dumarating siya sa bahay na pagod na, o kung ‘di naman pagod, nagtatrabaho pa rin. When I questioned her because she wasn't even seeing my chats even though it had been a couple of hours later or more, she always gets mad," balewalang kwento niya.
"And what's going to happen next, Lux? Wala pa kayong anak ni Diana. Baka nagkakaganyan ang reslasyon niyo dahil wala pa kayong baby."
"Paano magkaka-baby, Ma? She said she wasn't ready yet to have a baby. Ang rason niya, bata pa siya para magkaanak. Ma, you think we went this way because I only bought her from her parents?"
Hindi naman niya literal na binili si Diana. Sa ibang term, ang tawag doon ay dowry o dote. It was his way of assuring her parents that he would take care of her. Si Diana naman talaga ang gusto niya sa lahat ng mga babae na dumaan sa buhay niya. At tingin naman niya ay gusto rin siya no’n dahil pumayag naman ‘yon nang alukin niya ng kasal.
"You didn't buy her. We both know that. Gusto ko na sanang makita ang apo ko. Matanda na rin ako at gusto ko naman na bago man lang ako mamatay ay makita ko ang mga magiging anak mo. But now I know. Hindi na siguro ako aasa pa kung ayaw pa ni Diana na magkaanak kayo," bumuntong hininga si Carmen, "Anyway, nasaan ka?"
"Nandito lang, Ma sa bahay ng kaibigan."
"Lalaki 'yan?"
He chuckled.
"My God, Lux. Don't tell me na babae 'yan! You will only make the situation worse."
How will he make the situation worse if he feels okay wherever he's in the condo with Heart? Dito, tahimik ang buhay niya at wala siyang iniisip na anumang problema. Wala siyang kabangayan. Wala siyang sinisita. Masama mang sabihin, may peace of mind siya, may nag-aasikaso sa kanya.
Walang sinumang babae na naging bayaran niya ang nangahas na pagsilbihan siya, sex lang ang parating nagkokonekta sa kanila. Kapag wala siya sa condo ay wala rin ang mga ‘yon.
At hindi siya nakilala ng mga ‘yon.
Heart was his real mistress. She does what a real wife does, or he rather says that she surpasses what his wife does to him.
"Don't worry. Hindi na ako magdadagdag ng problema. Try to relax and let me fix my life, my married life. Hindi mo na ako dapat na intindihin pa, Ma. Dapat sa'yo ay masaya ka na sa buhay."
"Paano ako sasaya sa mga narinig ko kagabi? Normal na mag-away pero parang iba na ang dating ng away niyo, lalo pa at umamin ka na sa akin. I know you so well. Nakakatakot kang masagad," anito, "Ako ang natatakot para kay Diana."
He just smirked but he was halted when the door swung open. Pumasok si Heart, nagmamadali.
"Wait, Ma," pinatay agad ni Lux ang tawag pero nakamata pa rin sa dalaga.
"Don't mind me, Sir Lux. Kukuha lang po ako ng pera," anitong pawis na pawis.
She walked hastily towards the room's door. Daig pa nito ang hagibis sa bilis ng kilos. Naka-backpack ito at nakapantalon pero ang pang-itaas ay spaghetti strapped na blouse, kulay puti.
Parang isang hila lang niya sa strap no’n ay mapuputol ‘yon kaagad.
Ah fuck! Iba na naman ang nasa isip niya. Agad siyang tumayo at uminom ng tubig, saka siya naglakad papunta rin sa kwarto.
Wala ito roon kaya balak niyang silipin sa banyo pero lumabas ito at muntik pa silang magkabanggaan.
She smiled at him, "Good morning po," anito sabay halik sa pisngi niya, tapos ay diretso ito sa kama.
Daig pa niya ang naparalisa pero kapagkuwan ay sumunod na naman siya rito sa may kama.
"Tumawag po si Nanay, humihingi raw po ng another down ang ospital. Bumuka raw po ang tahi ni Tatay sa may bandang dulo ng opera, pero maayos naman po siya," humahangos nitong sabi at parang nalilito sa pagbibilang ng pera tapos ay tumingala sa kanya, naluluha.
"M-Magiging maayos naman po si Tatay, ‘di ba po?" Her lips curved downwards, as if trying to suppress a sob.
"It happens but he'll be fine," anaman niya rito para umayos ang pakiramdam nito.
Para itong nabuhayan at nagbilang na naman ng pera.
"How did it happen?"
"Matigas po ang ulo. Wala siguro si Nanay nagpilit ma tumayo at pumunta raw sa banyo," nanginginig nitong sabi, "Ewan ko po do’n. Nagbuhat siguro ng balde kasi sira raw ang flush ng inidoro."
Bumulong na naman ito, nag-umpisa sa one ang pagbibilang. Kitang-kita niya ang panginginig ng mga kamay nito tapos ay bigla na lang itong umiyak.
"Pagod na po ako, Sir Lux!" Bulalas nito at binitiwan ang pera, "Pagod na akong maging ate! Isinakripisyo ko na po lahat ng para sa sarili ko!" Anitong parang masama na ang loob sa mga nangyayari, pero alam niyang pagkatapos nitong umiyak, lalaban ulit ito.
Nakita niya kung gaano katapang si Heart. Normal naman na sumama ang loob nito pero alam niyang hindi nito susukuan ngayon ang pamilya.
He sat in front of her and held the money, "Tahan na. How much do you need? Hindi ka yata marunong magbilang, puro ka one, two, three," aniya na ngumiti kaya natawa ito nang mahina saka nagpahid ng mga luha.
Lumakas ang tawa nito nang siguro ay ma-realize na kanina pa ito paulit-ulit na nagbibilang.
"Twenty thousand, sir," anito sa kanya kaya siya na ang nagbilang para rito.
"Nawala tuloy ‘yong pila ko sa DSWD," anitong nakasimangot.
"It's okay. Mahaba pa ang araw," aniya pero nagbibilang sa isip, saka niya ibinigay dito ang pera, "Your father will be okay. Magre-restitch lang sila ulit, but other than that, his heart is now okay."
Tumango ito at ngumiti. Kinuha nito ang ilan pang pera, mga limang libo siguro saka inilagay sa bag.
"Kung wala ka, hindi ko alam kung paano ko ito tatawirin. Buti na lang kahit ang laki ng bayad, binili mo ako," sabi pa nito saka tumayo at pumunta ulit sa banyo, kung saan naroon ang vault.
"Alis na ako ulit," Heart told him when she stepped out of the bathroom.
"Wait for me for a while. I'll just finish my food. Sabay na tayo dahil pupunta rin ako sa office."
Mabilis na kumilos si Lux at bumalik sa island counter kung saan siya kumakain. Kasusunod niya ang dalaga at tumingin sa mga balat ng chocolates na kinain niya.
"Boyfriend mo si Franco Rodriguez?" Tanong niya rito nang damputin nito ang mga kalat niya.
She looked at him with confusion, "H-Hindi po. Wala po akong boyfriend. B-Bigay niya lang kagabi ang mga 'yan."
Tiningnan niya ito nang matiim at para itong ninenerbyos sa kanya.
"H-Hindi po ako nakikipag-ano sa iba."
"So, ako lang?" Diretsong tanong niya rito saka siya ngumuya ng pagkain.
Tumango ito at kukurap-kurap, "I-Ikaw lang."
"I believe you,' aniya na ngumiti saka uminom ng tubig. Nagpahid siya ng napkin.
Mabilis na kumilos si Heart at kinuha ang mga ginamit niya sa pagkain. Napakabilis nitong kumilos, parang nasa restaurant. She moves fast yet she's really careful.
"Mag-ingat ka sa kanya, assistant siya ng asawa ko."
Tumango ito kahit na nakatalikod, "Alam ko po, sir Lux.
Hindi siya nakuntento sa pagtitig sa likod nito kaya lumapit siya at hinalikan ito sa balikat. Hinaplos niya ito sa mga braso at inire-relax ang sarili niya.
Naalala niya ang kagustuhan ng lola niya na magkaroon na siya ng anak. Hindi nga rin niya alam kung gusto pa ba niya lalo na at wala namang kwentang asawa ang misis niya. Baka mas unahin pa no’n ang trabaho kaysa sa magiging anak nila. Dalawa na silang mababalewala.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...