Chapter 44

966 70 11
                                    

HEART was nowhere to be found and he's so down and nervous. Hindi malaman ni Lux kung paano pipigilin ang pagkawala ang luha sa kanyang mga mata sa mga sandaling iyon habang naglalakad papunta sa kwarto ni Katy.
Sabi ni Elisa ay may mga nakita iyong pregnancy test kits sa kwarto ng kapatid niya. Humingi raw siya ng isa para sa binabalak niya.
Itutuloy pa rin niya ang plano kahit na gulong-gulo siya sa pagkawala ni Heart.
Nag-utos na siya kay Vandros na pumunta sa pulis kahit na wala pang bente kwarto oras ang nakalilipas para ideklara na iyon ay nawawala. Binasehan niya ang huling text no’n sa kanya, bandang alas nueve ng umaga, na sabi ay pupunta na sa duktor.
"Generic lang ito, Kuya ha pero this works like magic, too. Mabilis ang result, segundo lang.  And Kuya, wala talagang sagot si ate Heart," ani Katy nang iabot sa kanya ang kit, "out of coverage area siya."
"'Wag naman sanang may mangyari sa kanya, Katy," sagot niya sa kapatid.
"My God, kuya. Don't think of that thing. Wala sa kanyang nangyari. Baka…baka…" anito na hindi rin malaman ang sasabihin dahil sa maikling panahon na nakasama nito si Heart, alam nila pareho na hindi iyon nagpapabaya na hindi magreply ng matagal, liban kung oras ng trabaho.
And since Heart never went to the restaurant to work, there's no reason for her not to give him an update, unless she left.
Damn it. No.
Napahimalos siya ng mukha at malungkot na tumingin sa kanya si Katy.
He sighed and controlled his emotion. Hindi na niya alam kung anong klase ng emosyon ang pumupuno sa dibdib niya.
Nagdududa siya na baka iyon ay umalis na, may kasamang iba, o umalis dahil ayaw na sa sitwasyon nila, at ang huli ay napahamak.
Hindi alam ni Lux kung alin doon ang mas matimbang dahil lahat ng mga iton ay nag-uunahan sa pag-okupa sa kanyang isip at damdamin.
"Kuya, phone mo," ani Katy sa kanya kaya napatingin siya sa hawak na smartphone, tumutunog, umiilaw at nagba-vibrate.
Vandros calling.
"Bro," aniya kaagad sa ninenerbyos na boses.
"Galing na ako sa presinto. Nakiusap ako na hanapin ngayon na ngayon din si Heart. Hiningian ako ng litrato at ipapakalat daw nila bukas kapag wala pa. Sabi ko ipakalat na ngayon, magbibigay ka kako ng pabuya na dalawang milyon. Ikaw magbabayad ha."
"Kahit isang bilyon pa," matigas na sagot niya. Aanhin niya ang bilyones niya kung mawawa naman ang totoong kasiyahan niya sa mundo. Kahit na gaano pa karami ang pera niya, hindi iyon makakahulma ng isang bagong Heart.
"Ginagawa na ba nila ang trabaho?" Usisa niya.
"Ayaw nga sana at sayang daw baka raw namamasyal lang naman."
"Hindi si Heart ang tipong mamamasyal mag-isa ganitong oras," bwisit na sagot niya.
"Sabi ko nga na hindi niya ugali  ‘yon  lalo na ang best friend niya ay nasa apartment. Kumpare ko naman iyong pulis kaya nakiusap ako kahit hindi pa 24 hours na nawawala si Kapuso. Baka naging kapamilya na," humalakhak ito pero lalo siyang nabwisit.
"Ulitin mo 'yan at matatanggalan ka ng ngipin."
"Biro lang!" Tawa pa ulit nito, "Pero nag-aalala si Gigi dahil inactive na ang messenger ni Heart mula raw kanina pang umaga."
"Jesus Christ! Uuwi na ako bukas ng umaga. May aasikasuhin lang ako dito."
"Tumawag ako dahil si Lola Carmen pinapupunta ako sa mansyon. Tumawag sa akin via landline. Hindi raw siya marunong mag-send sa iyo kaya ako ang pinaaasikaso."
"Mag-send ng ano?" Kunot noo siya.
"Ewan ko bro. Walang sinabi pero galit sa akin. Hindi ko naman inaano. Tatawagan kita. Isend ko raw sa iyo at magpaliwanag ka raw."
Hindi na siya umimik. Pakiramdam niya ay magkaka-tumor na siya sa utak sa mga nangyayari.
"Masisiraan na ako, Vandros!" Galit na singhal niya sa kinakapatid.
"Ipamemental kita."
"Tang-ina ka!"
Humalakhak ito, "Easy ka lang, kapatid. Walang mangyayari kung mauunahan ka ng panic. Basta ako ang masasabi ko ay konektado ito sa lahat. 'Yan, 'yan hinayupak mong asawa ang sobra. Nakakapanggigil, Lux. Sinasabi ko sa'yo mauuna ko pang sakalin 'yan. Drama e, napaka arte. Hmn!" Gigil na sambit nito at ramdam niya rin iyon.
Kung siya nga lang ay matagal na niyang nasakal si Diana.
"Inform me about Mama."
"Oo."
Pinatay niya ang tawag at napapagod na nalaglag ang mga balikat.
"Aabangan ko na si Diana, Katy."
"Oo, Kuya," mabilis nitong sagot, "Three drops or four, Kuya," paalala nito ulit sa kanya at tumango naman siya.
Diyos ko, Heart. Nasaan ka na?
Parang umi-echo echo sa utak niya ang sinabi ni Vandros na iisa ang lahat ng pangyayaring ito. Kung talagang umalis si Heart, mas matatanggap niyang umalis iyon nang kusa. Kaya niyang tanggapin pero kung may kumuha roon o napahamak iyon, hindi niya matatanggap.
Pumasok si Lux sa kwarto, nakatago ang kit sa bulsa niya.
Nakita niyang umiinat si Diana tapos ay napatingin sa kanya.
"Bakit gumising ka na? Maaga pa?" Aniya, kunwari ay concerned, "Get back to sleep."
"Dito ka na sa tabi ko," anito kaya lihim siyang napatiim-bagang, "I want to make love."
Umingos ito kaya tumikwas ang labi niya, "Bed rest. No love making. Pinadalhan ka nga ni Mommy ng portable toilet, para raw hindi ka mapagod sa paglalakad papunta sa banyo."
"Really?" Nakangiti itong sumilip sa puting ihian, "She's so sweet."
"Of course. She's so excited to see her apo. Parehas sila ni Mama. Tell me if you want to pee, aalalayan kita."
Made in China na ba siya? Purong plastik? Ang galing din niyang magpanggap dito na concern siya pero gigil na gigil na siya sa pamba-blackmail gamit ang baby niya.
"I will pee and I'll go back to sleep. Dito ka na sa tabi ko."
Kaagad niya itong inalalayan na bumangon. Heto na ang pinakahihintay niya. Umaayon sa kanya ang pagkakataon.
"Pull down my undies, masakit ang balakang ko," anitong humawak sa balakang.
Sumunod siya, patay malisya. Wala na talaga siya ritong katiting na interes man. Napakaganda ni Diana pero hindi na siya rito naaaakit. Kahit pa siguro maghubad ito da harap niya ay wala na, manhid na ang kanyang pagkalalaki.
Naupo ito sa bowl at laking ginhawa niya nang marinig niya ang ihi nito.
Agad niya itong kino’nan ng tissue.
"Don't throw it inside. Baka magbara sa bowl pagtapon ko. Hand it to me," aniya.
Todo ngisi ito nang iabot sa kanya ang tissue na ginamit na pamunas.
Mukha siyang tanga pero sa sandaling iyon ay ito ang tanga sa harap niya.
"Lie down. Itatapon ko lang ito para malinis ang ihian mo."
"Okay," maarte na sabi nito saka pumosing sa ibabaw ng kama nang mahiga.
Agad siyang pumunta sa banyo at inilock ang pinto, "Maliligo lang ako saglit, babe!" Aniya.
"Okay!"
Dali-dali ni Lux na inilabas ang kit mula sa kanyang bulsa at kumuha ng ihi mula isang sosyalin na arinola.
Inilapag niya ang kit sa ibabaw ng puting lavatory.
Nanginginig siya.
One.
Two.
Three drops.
Four.
Higit ang kanyang paghinga nang makita niya ang likido na umaandar sa pregnancy test kit. Segundo lang daw lalabas na.
One line negative and two is positive.
He saw the first line and patiently waiting as the urine was slowly making its way to the next one.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon