Chapter 49

991 64 6
                                    

SAGLIT siyang hindi nakaimik habang nakatingin sa babaeng nagpupunas ng mga plato sa loob ng isang karenderiya, sa tabi lang mismo ng kalsada.
Ang daming lalaking nagkukumahog na tumulong kay Heart at sa Nanay no’n sa paglilinis.
Nakikita niya iyo  sa video call.
"Lalapitan ko na ba?" Tanong ni Vandros sa kanya.
"No! Bakit mo ako uunahan?" Naiinis na tanong niya.
Pinauna  niya si Vandros sa Legazpi para lang masiguro niya kung naroon si Heart. Si Gigi mismo ang kasama ni Vandros dahil ayaw ng lalaki na maghanap kung saan-saan.
Hindi kaagad siya nakabyahe para makita ang dalaga dahil nahuli kaagad si Franco nang magpa-televised siya ng wanted na tao sa katauhan ng lalaking iyon.
Nasa airport iyon nadakip, papalabas na sana ng bansa. He wanted immediate action from the policemen after he reported the incident. And just the other morning, agad niyang nakuha ang kanyang gusto.
Kung siya lang, nang makita niya  ‘yon  na nasa presinto, gusto na sana niyang barilin pero hindi niya ginawa.
Kumanta man  ‘yon  sa hindi ng totoong mastermind, mabubulok pa rin iyon sa bilangguan. Sapat na ang nakuha niyang video with audio. Heart doesn't have to prove it to him that she's innocent. He knows the truth.
Tinawag pa siyang bobo ng demonyong si Franco. Fuck. Wala sa kanyang tumawag na bobo kailanman.
Ang reypist na tulad ni Franco ay hindi na dapat pang gumala-gala sa lansangan, at ang tulad ni Diana.
Hindi na nakaisip na tumakas ang babae na iyon at pinakiusapan na ng ina na sumuko para mapagaan ang sintensya.
Sumunod naman iyon, bagay na ipinagpapasalamat din niya nang malaki. Diana had also been his wife. Iyon na lang ang inisip niya para umandar pa ang katiting niyang respeto para roon, pero hanggang do’n na lang dahil kasama iyon na hihimas ng rehas. Isa na lang ang hinahanap, ang pekeng Mabel na iyon na naka televised din ang pagmumukha, at magbibigay siya ng dalawang milyong pabuya sa makakapagturo kung nasaan iyon. It was the same thing he did to Franco, limang milyon ang nakapatong sa ulo no’n.
Gwardiya sa airport ang tumawag sa mga pulis nang mahantad ang mukha ni Franco Rodriguez sa telebisyon.
He gave the money. It was nothing for him.
Iiling-iling na lang ang mga pulis sa kanya. Lola pa ba niya ang hindi makilala? Laman ng telebisyon si Carmenzita. Siya lang ang hindi mahilig magbandera ng gwapo niyang mukha.
Isang tawag lang no’n sa management ng mga TV stations, sasabog agad ang balita.
And it happened.
"Bilisan mo na, bro. Pagod na kami ni Gigi na maging gwardiya. Saka maraming umaaligid dito sa chick mo. Kita mo?"
"Oo, 'wag mo ng ipamukha. Baka  gabi na ako makarating. Medyo malayo pa kami. Sa bahay na nila ako tutuloy. Salamat sa pagbabantay. Pwede na kayong bumalik sa Maynila ni Gigi. Doblehin mo na ang sagod ni Gigi at bigyan mo ng increase ang lahat ng kaibigan ni Heart."
"Ay, salamat po sir Lux! Susko daig ko pa si President sa sahod!" Excited na tili ni Gigi.
"Dagdagan mo rin ang trabaho niya."
Sabay silang napahalakhak ni Vandros nang sumimangot iyon sa camera.
"Joke lang. I really appreciate the true kind of friendship you and Heart have. Parang kami lang din ni Van. You deserve the increase."
"Salamat po, sir. Ang laking ginhawa po."
"Welcome."
"Paano naman ako? Wala ba akong increase? Langyang buhay naman to. Gwardiya ako sa halos dalawang araw tapos nganga," reklamo ni Vandros sa kanya kaya ang sama ng tingin niya sa kaibigan.
"Ano bang gusto mo?" Aniya sa kaibihan na totoong scammer sa lahat.
"Magandang tanong 'yan. Pwede bang si Heart?"
"Putang ina ka! Subukan mo at mamamatay ka ng maaga." Pikon na sabi niya at halos maubo ito sa pagtawa.
"Sira ulo. D ako nagkakagusto sa bebe ng kaibigan ko. Extensuon ng motorcycle store ko."
"Deal."
"Woo! You're the best!"
"You're the best, too."
Ngumiti siya sa kaibigan at sumaludo naman ito bago nawala sa video.
Napasandal ang ulo niya sa headrest. Hindi murang magmahal ng isang Heart Chavez, huh. In a day or two nasa limang milyon ang nagastos niya, may dagdag pa.
Pero do’n siya masaya, ang gumastos para sa babaeng hindi niya ipagpapalit kahit maghirap pa siya.




The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon