Chapter 21

999 63 3
                                    

NAGULAT si Heart nang biglang bumukas ang pintuan habang kinukunan siya ng dugo. Alas syete na ng umaga at hindi pa siya kumakain.
Bumaba si Manang Siony para bumili raw ng mainit na sabaw sa kainan, malapit sa ospital.
"Good morning, Puso!" Sabay-sabay na bati ng mga kaibigan niya sa kanya.
Natawa siya nang makita ang mga iyon, sa pangunguna ni Gigi.
"Ang aga niyo naman," sabi niya at tila hindi na naramdaman ang sakit nang itusok sa ugat niya ang karayom.
"Aba, syempre. Hindi namin pwedeng ma-miss ang ganda ng mukha mo kahit umaga," anang bestfriend niya pero napansin niya ang lalaki sa may likod ng grupo.
Napakunot noo siya habang sinisilip  ‘yon.
"Sumama ang Bombay," bulong ni Gigi sa kanya, sabay irap.
"Hayaan mo na, wala tayong magagawa. Mag-aaway lang kayo niyan."
"Ang kulit, parang alipunga."
"Anong nangyari sa'yo, Puso?" Tanong ni Aiza sa kanya.
Sa pagkakataon na  ‘yon  ay itinago na ni Franco ang celphone at hinarap na rin siya. Ngumiti ang lalaki sa kanya.
"Nami-miss lang ako ng sweetheart ko," aniyon kaya lahat ay parang umirap.
"Wag ka ngang epal, Franco. Mataas ang standards ni Heart sa lalaki," sabi ni Santina roon.
"Aba, mataas ako. Kapag ako naging CPA, who you kayong lahat sa akin, ang sweetheart ko lang ang papansinin ko," mayabang na sagot naman ng lalaki.
May balak talaga kasi itong maging isang CPA. Nasabi nito sa kanya na mag-aaral daw ito ng Accountancy kapag pinayagan daw ng boss na mag-halfday lang sa trabaho.  ‘yon  ay kung payagan ito, kasi mula at mula pa ay naririnig na niya itong nagsasalita ng gano’n pero wala pa rin naman nangyayari hanggang ngayon.
Malamang ay hindi pa ito nakakapag-paalam.
Tumabi rin ito sa kanya, sa may mismong ulunan niya at hinaplos siya sa ulo.
"Hindi ko sinabi sa Nanay at Tatay mo ang nangyari, Heart. Baka bumuka na naman ang tahi ni Tatang."
Tumango siya rito. gano’n naman ang gusto talaga niya. Mag-aalala pa ang mga  ‘yon  sigurado kaya dapat ay huwag siyang magtagal sa ospital. Baka magtaka ang mga  ‘yon  kapag hindi siya dumadalaw. Lalo pa at alam naman ng mga  ‘yon  na hindi naman mahigpit si Senyora Carmen sa kanya ngayon.
May mangilan-ngilan nga siyang kasama sa trabaho sa gabi na parang naiintriga sa special treatment daw na natatanggap niya mula sa donya. Wala naman special treatment do’n. Sadyang naiintindihan lang ng matanda ang sitwasyon niya sa buhay
"Saan ka ba hinimatay?" Usisa naman ni Franco sa kanya.
"Susko naman, Franco. Bakit naman yan pa ang naisip mong itanong? Importante pa ba  ‘yon ?" Sagot ni Aiza sa lalaki.
"Malamang. Baka nabagok ang ulo niya ,di dapat siyang magpa-CT scan. Palibhasa kayo basta makadalaw, tapos," iritadong sagot naman ng lalaki.
"Kala mo naman boyfriend ka kung makaasta. Pasalamat ka nga isinama ka namin dito," naman ni Wina.
"Kaya ko naman pumunta ritong mag-isa na ‘di kayo kasama."
Napapikit siya dahil sumakit ang ulo niya sa bangayan ng mga ito. Wala naman talaga sa mga kaibigan niya ang may gusto kay Franco para sa kanya, dahil lahat ay nayayabangan  sa lalaki.
"Tama na. 'Wag niyo ng pansinin ang lalaking 'yan, baka lalo lang magkasakit si Heart sa kunsumisyon. Hayaan niyo siyang mangarap nang dilat," anaman ni Gigi.
Laking pasasalamat ng dalaga nang bumukas ang pintuan pero parang mas lalo siyang nagsisi nang ang iluwal no’n ay si Lux.
Natilihan  ‘yon  saglit.
"Ay, si sir!" Anang mga katrabaho niya. Parang kinilig ang mga  ‘yon  pagkakita rito, at hindi naman niya masisisi.
Sinumang babae ay kikiligin talaga kapag makita ito.
"Good morning, ladies," bati nito sa mga  ‘yon, kaswal na isinara ang pinto at ngumiti.
Lalong kinilig ang mga kasama niya kaya napangiti siya sa sarili. Tumingin ito sa kanya tapos ay kay Franco.
"Good morning, sir," bati ni Franco rito.
"Good morning po, sir," aniya rin.
"How are you?" Namulsa nitong tanong saka tumayo sa may gilid ng stretcher niya, nakatitig sa kanya.
"M-Maayos-ayos na po, sir," anaman niya rito.
Tumingin ito kay Franco, "You're Mister Rodriguez, right?"
"Opo, sir."
"Akala ko ikaw ang pasyente dahil okupado mo ang higaan ni Miss Chavez," anito kaya napakurap ang dalaga.
May himig ito ng pagbibiro pero may bahid din ng pang-iinsulto ang mukha. Hindi niya alam kung napapansin iyon ng iba niyang kasamahan o baka siya lang, o baka siya rin ang mali ng akala.
"Binabantayan ko lang po sir si Heart. Ayokong mawalan ng future wife," sagot naman ni Franco, na baka kung wala si Lux, malamang ay sangkaterbang daldal ang inabot no’n galing sa mga kaibigan niya.
"Kailan ang kasal? Mag-i-sponsor ako," ani Lux ulit pero siya ang para bang nasaktan sa sinabi nito. Biro  ‘yon  pero ayaw niyang isipin na si Franco ang mapapangasawa niya, at malala ay magiging sponsor pa ang lalaking nakauna sa kanya.
"Asahan ko 'yan, sir, kayo ni Ma'am Yana," sagot naman ni Franco kaya ngali-ngali niya itong barahin pero hindi na lang siya umimik.
Siguradong pulutan ang kalalabasan ni Franco kapag ginawa niya  ‘yon. Mabuti sana kung sila sila lang ang naroon, kaya lang ay nariyan ang boss nila.
"Anyway," Lux declared and glanced at his wristwatch, "Alis na ako, Heart. I just dropped by to check your condition."
"S-Salamat po," anaman niya.
Hindi niya magawang ialis ang mga mata niya rito. She doesn't want him to go, or at least she wants him to stay a bit longer.
But that is not possible.
"Mauna na ako ladies," anito sabay tingin sa mga kaibigan niya, "Franco Rodriguez," baling nito kay Franco.
Ngumisi si Franco at tumango.
"Ingat po kayo, sir Deluxe," ani Gigi sabay ngiti sa kanya kaya halos pandilatan niya ng mga mata ang kaibigan.
"Heart," Lux said and she abruptly looked at him.
"Opo, sir. Ingat po."
Tumalikod na ito at tuluyang lumabas ng kwarto.
"Ang mahal dito, Heart. Sinong magbabayad nito?" Usisa na naman ng tsismosong lalaki sa tabi niya, palinga-linga sa napakagandang kwarto niya.
"Bakit ba tanong ka nang tanong Franco? Nandito ka ba para makitsismis?" Tanong ni Wina na parang inis na talaga sa bunganga ni Franco.
"Nagtatanong lang ako. Wala namang masama sa tanong ko," defensive naman na sagot ng isa.
"Salary deduction, Franco. Wala naman akong aasahan na magbabayad nito para sa akin. Sa sahod ko ito kakaltasin," sagot naman ni Heart.
Nagsisinungaling siya pero  ‘yon  naman ang dapat niyang gawin dahil hindi naman niya rito pwedeng sabihin ang totoo. Sa tema ng bunganga ng lalaking ito, malamang na buong Metropolis ang makaalam ng mga sasabihin niya.
"Kung may maitutulong ako sa'yo, baby ko, sabihin mo lang sa akin ha," ani Franco sa kanya pero para lang siyang tanga na nakatulala rito.
Nananalangin siya na huwag naman sanang barahin nina Gigi ang lalaki dahil sumasakit ang ulo niya sa pakikinig sa mga bangayan ng mga ito.
"Mauna na siguro ako," anang lalaki kapagkuwan na hindi siya sumagot.
Salamat naman. Kanina pa dapat, actually. Aniya sa isip.
Ewan ba ni Heart sa sarili niya kung bakit hindi niya ito mapaniwalaan. Hirap na hirap siyang magtiwala sa karakas ni Franco.
Oo, pero sa lalaking may asawa ay tiwala ka from the start? Kontra na naman niya sa sarili.

CLEAR ang resulta ng laboratory ni Heart maliban sa mataas na UTI. Wala naman siyang nararamdaman na kahit anong sintomas, liban sa panghihina minsan ng tuhod niya at panlalabo ng mga mata. Lumilipas lang naman  ‘yon  at nawawala rin naman.
Ngayon ay tiningala niya ang swero na may nakakabit na isang lalagyan ng antibiotics. Naka-first dose na siya. Ang lagnat niya ay hindi na bumalik pa.
Daig pa niya ang hindi mapakali sa higaan. Maya't maya ang tingin niya sa pintuan, naghihintay na may pumasok na Lux.
She's expecting him to visit her before he goes home. Masakit umasa pero hindi niya talaga mapigil ang sarili. Nasasanay siya sa presensya ni Lux sa bawat araw. Para na siyang tanga na iisipin ay iiwas siya, magpaplano siya pero ang pesteng sarili niya ay ayaw naman sumunod sa kanya. Tulad na lang ngayon na hintay siya nang hintay na bumukas ang pinto.
Parang nangangati ang mga daliri niya na hablutin ang kanyang cellphone at mag-compose ng message para kay Lux. She wanted to ask him if he'd come to see her before she went to bed.
‘yon  ang hindi niya dapat gawin dahil mukha na siyang haliparot. Umaasa siya sa isang lalaking nakatali na sa ibang babae.
She looked away from her phone. Baka matukso siya nang tuluyan ay magawa niya ang nasa isip, pero sa pinto na naman siya  tumingin.
"Anak, may dinaramdam ka ba?" Tanong ni Siony sa kanya kaya agad na ibinaling ni Heart ang mga mata sa babae.
"W-Wala po, Manang."
"May hinihintay ka ba?" Tanong pa nito saka parang nangingiti sa kanya.
"P-Po? W-Wala po, Manang. S-Sino naman po ang hihintayin ko?"
"Ay ‘di sino pa, si Lux!" Bulalas nito kaya umiling siya.
"H-Hindi po, Manang," tanggi ng dalaga pero hindi niya alam sa loob niya kung kapani-paniwala ba siya, o kung kaya man lang ba niyang itago ang nararamdaman niyang paghanga sa lalaking  ‘yon.
Matanda na si Manang at marami na itong alam, pero kahit na gano’n man, ayaw  niya pa rin na sabihin. Baka mamaya ay kung anong isipin nito sa kanya.
"Kumain ka na muna tapos bababa ako saglit ha. Magpapadala lang ako ng pera do’n sa anak ko. Diyan lang sa tapat."
"Opo, Manang. Salamat po."
"Heto na ang pagkain mo, anak," inilagay nito sa mesang de tulak ang pagkain niya, tapos ay inilapit sa kanya.
Lumabas na rin si Siony pagkatapos no’n kaya napatingin na naman siya sa cellphone niya. Hindi niya natagalan ang sinisigaw ng utak niyang abutin niya  ‘yon. Pagkakuha niya ay agad siyang nag-compose ng message.
Heart: Sir, pupunta po kayo rito?
Miss ko na po kayo.
Mabuti na lang at hindi niya nai-send ang huling salitang naisip niya, tapos ay marahas niyang inilapag ang aparato sa mesita. Napatakip siya ng mukha, gamit ang mga palad niya.
Nakakahiya!

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon