"JERK!"
Nanlaki ang mga mata ni Lux nang bumuhat siya sa kama at lumilipad na calculator ang tatapal sa mukha niya.
Umilag siya kaya ang landing no’n ay sa dibdib niya.
Napahugot siya ng malalim na hininga at saka naikuyom ang mga kamao niya, nakatingin sa asawang posturado na.
"How dare you talk about me with those shits?! May nalalaman pa kayong counseling! So, anong pinalalabas mo sa mga barkada mong ‘yon, na may diperensya ako?!" Galit na singhal nito sa kanya at nanlilisik ang mga matang nakatunghay sa kanya.
Nakatayo ito sa may office table at mukhang nag-aayos ng bag, pero nauwi sa pambabato sa kanya.
"Will you damn calm down and explain that thing to me? Will you?" Aniya rito sa tonong hindi niya na rin alam kung galit ba o kalmado.
"Bakit hindi ikaw ang magpaliwanag sa akin, Lux? Bakit kayo nag-uusap ng tungkol sa counseling? May problema ka ba sa akin?" Matapang nitong tanong.
"Ask yourself," anaman niya, walang emosyon, saka niya initsa ang comforter, "Sa uulitin na batuhin mo ako, 'wag ka ng magpapakita sa akin, Diana. Baka hindi kita masanto."
Madilim ang anyo ni Lux, pati na ang titig niya sa misis niya, no, kaaway siguro niya. A wife is a companion while this one isn't.
Tumawa ito at tumaas ang mga kilay, "And what? You're going to hurt me? Idedemanda kita!"
"E ‘di idemanda mo!" Bulyaw niya sabay sipa niya sa isang parisukat na upuan, "You don't scare me! Talak ka nang talak wala ka naman alam sa pinag-usapan. Why don't you tell me exactly how you found out about that marriage counseling? Ako ang babasa!" Nanlalaki ang magaganda niyang mga mata habang galit na nakatitig sa asawa.
"I'm not a fool! Idinaan pa ni Destiny sa invitation. She thought I'd never find out that it was really what they intended for us to do? Alam ko ang takbo ng utak ng mga kaibigan mo, Lux!"
"O ‘di ikaw na ang maraming alam! You think I wanted that counseling?" He laughed, mocking, "Have you ever wondered why I never mentioned it, because I don't want it, too. Kung ako ang masusunod, annulment na ang gusto ko."
Masama ang tingin na iniwan niya rito saka niya sinipa ang kama. Hindi nakahuma si Diana sa sinabi niya.
He even saw how the blood drained from her face but he didn't pay attention to it. He is not interested anymore to check if her reaction was genuine. Lalayas na siya. Bahala ito sa buhay nito.MATAPOS niyang makapagbihis ay dinampot niya ang smartphone. He created a message for his friends in the group chat. Exclusive boys lang sila roon, wala ang mga asawa nila. Doon nila pinag-uusapan ang mga problema nila sa buhay, kabilang ang mga problema sa mga asawa nila.
For so long, Lux was just so quiet. Nagbabasa lang siya ng mga messages, nagbibigay ng payo, pero sa totoong buhay, may pinagdaraanan din siya, mas matindi pa.
Lux: Can you guys ask your respective wives who told Diana about the counseling? Binato lang naman ako ng calculator dahil akala niya itinitsismis ko siyang hindi siya mabuting asawa.
Sent. Delivered.
Si Vandros ang unang nag-seen.
Vandros: Why the hell? Isn't it true? Kamo masakit tamaan ng katotohanan. Lol.
May point si Vandros. Straightforward iyon pero may katuturan ang mga sinasabi.
Alejo: Si Destiny, bro. Wala naman siyang sinabi na kung ano. She said it decently. Here's the ss. Wait.
Maya-maya ay may pumasok na litrato ng screenshot. Binasa iyon ni Lux. Nakalagay nga roon ay iniimbitahan ni Destiny ang mga kaibigan na mag-undergo ng marriage counseling para sa isang healthy relationship.
Wala naman ngang masama roon. Talagang minasama lang ng asawa niya ang ibig sabihin ni Destiny.
Lux: I guess she just made an excuse for us to fight.
Vandros: ‘di na pinatatagal pa 'yan, bro. Ibalik mo ang feelings para matauhan. Baka magbalik-loob sa'yo.
Rex: I'm driving.
Glenn: Just reading.
Natawa siya sa nabasa niya. Mga sira ulo talaga. Kahit paano ay nawala ang sakit ng kalooban niya.
He exited the app and grabbed his coat but he remembered somebody. Naalala niya si Franco Rodriguez.
Pababa siya ng hagdan nang makita niya si Diana na tila balisa sa salas. Tutop nito ang noo at nakatingin sa smartphone.
"Pick up!" Singhal nito roon kaya halos mapailing na lang siya.
"Lux, ooperahan si Daddy!" Bulalas nito sa kanya, "Ngayon!"
"I know," he said dryly.
Hindi ba nito alam na ooperahan ang ama?
Nakatingin siya rito pero malamig pa kaysa sa mga bolang yelo ang mga mata niya.
"Look after him. I have to go out of town," anito at tumingin na naman sa smartphone.
Ngumisi siya, "You better choose whether it will be out of town or your father. Dalawa lang naman ‘yon, Diana, hindi ka mahihirapan na pumili," aniya saka siya naglakad papalabas ng kabahayan, nilalaro-laro ang susi sa mga daliri niya.
Congrats, Lux. Aniya sa sarili.
Hindi na siya ang tipikal na Lux na patay na patay kay Diana Almonte. His balls really spurted and it made him feel so proud.
"Lux, please…" umiiyak na habol sa kanya ni Diana nang makarating siya sa may kotse niya.
Tuloy-tuloy ito sa kanya at hinawakan siya sa pulsuhan, "Please, just this once. I promise, we'll go to that marriage counseling. If you think there's something wrong with us, we'll do that. Please, just look after Dad for me. I really can't miss this one."
Hinawakan ni Diana ang mga panga niya at hinalikan siya sa labi.
Ngumiti siya rito at ngumiti rin ito sa kanya pabalik. Nakamasid lang siya sa magandang mukha ng asawa niyang nakikiusap na sobra sa kanya.
Siguro ay napakaimportante ng gagawin nito out of town, that she can't miss it. Baka iyon ang susi sa sinasabi nitong pagpapayaman pa.
Muli siya nitong hinalikan pero nakatayo pa rin siya at nakatikom ang mga labi.
"Please… is that smile a yes?" Anito na malamlam ang mga mata na may luha. Titig na titig ito sa kanya at niyakap pa siya nang mahigpit.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...