Chapter 38

968 82 8
                                    

SOBRANG dami ng tao sa loob ng bakuran ng mga Montesalvo at parang umaatake na naman ang masakit na tagiliran ni Heart. Hindi niya alam kung dala  ‘yon  ng kaunting nerbyos niya o may iba pa.
"Oh my G! Ate Heart!" Iyon ang tili ni Katy na agad na nagpangiti sa kanya at nagpalingon.
Ang ganda ni Katy na sobra, at ang pogi na sobra ng kasama nitong lalaki.
Bigla siyang niyakap ng desi seis anyos na dalaga pero ang mga mata niya ay nasa kay Lux, na agad din niyang inalis.
"Good evening po, sir Lux!" Bati ng mga kasama niya.
"Evening, ladies. Sis, pakilala mo naman ako sa magandang babae na 'yan."
Susko. Kilig na kilig na naman ang mga kaibigan niya sa mga pa-style ni Montesalvo pero siya ay hindi ito pinapansin.
"Magpa-annul ka na muna!"
Halos matawa siya sa pabirong sagot ni Katy sa kapatid.
"Isasako na kita mamaya pa, Katyleene Anne. You better take them to their seats now."
"Opo, sir Lux."
Natatawa siya sa mga asaran ng magkapatid. Parang na-miss niya tuloy ang mga kambal niyang bunso at panoorin  ‘yon  kung paano mag-away. Natutuwa ang dalaga sa nakikita niyang progress sa pagkatao ni Lux para sa kapatid. From being so cold and mad, now he's a real mature big brother to Katy.
Personality development, check!
Inihatid sila ng dalawa sa kung saan sila uupo. Sa dami nila, sampung mesa ang kanilang inangkin dahil lima lang naman ang upuan sa isang mesang bilog.
Inilapit sila ng magkapatid kay Carmen at ramdam niya ang titig ni Lux sa kanya, malaking bagay na ikinaiilang niya dahil maraming tao ang napalibot sa kanila.
"One, two, three!" Sabi ni Jemena kaya napatanga siya saglit pero nakisabay sa kanta na may sayaw na pinag-praktis nila kanila patungkol sa birthday.
Ang laki ng ngisi ng matanda at napapalakpak pa, kaharap ang mga amiga.
"Happy birthday, Senyora Carmen!" Sabay-sabay nilang bati.
"Thank you, ladies! One more!" Aniyon at saka luminga, "Salvacion, i-video mo!" Tawag nito sa isang tomboy na may hawak na camera.
Agad iyong lumapit kaya halos mapakamot si Heart. Nabubwisit siya kay Lux na hindi matanggal ang titig sa kanya. Pakiramdam niya ay hinuhubaran siya nito sa titig.
"Atras ng kaunti at hiwa-hiwalay!" Utos ni Salvacion at iyon naman ang ginawa nila.
Nag-thumbs up iyon kaya inulit niya ang jingle para sa matandang donya. Masayang-masaya na  ‘yon  sa jingle nila na ginawa, at kanina lang  ‘yon.
"Maupo na kayo, mga apo. Don't be shy. Don't be shy. Maiwan ko muna kayo ha. Heart, I'll see you later, apo."
"Opo, Senyora," tango niya rito.
"Lux, entertain them. Huwag mo silang pabayaan."
"Anong klaseng entertain, Mama? Gusto mo sayawan ko si Heart and friends?"
Napahagikhik sila at si Carmen naman ay napalo ang apo sa dibdib.
"Katy, saan ang…banyo?" Tanong niya sa kapatid ni Lux dahil parang sumama ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung dahil  ‘yon  sa dami ng tao sa paligid o dahil sa mga pailaw.
"Kuya, pakihatid mo si ate Heart sa banyo. Ako ng bahala sa friends niya," aniyon sa nakatatandang kapatid.
"With pleasure," anaman nito saka siya tinanguan.
"Sa banyo kuya ha," bilin pa ni Katy kaya humalakhak ito.
Sumabay siya kay Lux sa paglalakad at nang nasa may parte na sila na walang tao ay hinaklit siya nito sa baywang, siya namang pag-iwas niya na sobra.
"Masisira ang ayos ko!" Naiinis na piksi niya na ikinatawa lang nito, "Nando’n ang banyo!"
Itinuro ng dalaga ang isang banyo kung saan may mga nakapila na tao.
"You're so special to pee there. Para 'yan sa mga tauhan at kasambahay. Dito ka sa loob…loob ng kwarto ko."
"Baliw ka!" Nangingiti na sabi niya rito at sinulyapan ito.
Isinama siya nito sa loob ng mansyon at nakasalubong nila si Siony.
"Manang Siony!" Tili ng dalaga at gano’n din naman ang may edad na babae, nakabihis din ito at aattend din ng party hindi bilang isang kasambahay.
"Kumusta ka na,  Heart? Namiss kitang bata ka." Hinaplos siya nito pagkasabi no’n at pinakamasdan, "Parang payat ka ngayon, neng."
"Po?" Natingnan niya ang mga braso. Hindi naman niya napapansin iyon na payat siya pero may mga pagkakataon ma masama ang pakiramdam niya.
Iniisip niyang dala lang  ‘yon  ng pagka ospital niya at hindi pa siya nakaka-fully recover sa pagkakaroon ng sakit.
"Ay baka sa damit lang. Babanyo ka ba?"
Tumango siya pero tumingin iyon kay Lux, "May mga gumagamit ng banyo, mga amiga ni Senyora."
"Maraming banyo, Manang Siony. Sa kwarto ko."
Natawa ang babae at gusto niyang pandilatan ang lalaking ito pero hindi niya magawa.
"Sige na at baka magkaihi pa itong si Heart."
Nakangiti siyang yumakap sa babae bago sila umalis sa harap nito. Hinawakan ni Lux ang siko niya at kahit na gusto niyang palisin ay hindi naman din niya magawa. Nagpapaka-pormal lang siya kahit na parang sasabog na ang dibdib niya sa kaba.
"You look pale," anito sa kanya, hila siya sa isang elevator.
"Natatakot lang ako kasi ang daming tao, baka tayo mahalata."
"Ako, okay lang," kibit nito kaya napatingala siya, "Ikaw lang ang iniingatan ko. Saka bakit ba nagtatampo ka na naman? Ano na naman ang kasalanan ng mister mong gwapo?"
Lumabas sila sa elevator at dinala siya nito sa isang kwarto. Luminga siya at hindi sumagot pero bigla siya nitong niyakap ulit at hinalikan sa leeg.
"Damn it. Gusto ko, Heart," anito at naninigas na naman ang pagkalalaki.
"H-Hindi pwede. Masisira ang ayos ko."
Ang lakas ng tawa nito saka siya isinandal sa pader at ipinagdidiinan sa tiyan niya ang nagyayabang nitong sandata.
Kailan ba  ‘yon  hindi naninigas? Parati naman.
"Ang ganda mo nga, sobra," anito sa kanya saka siya hinalikan sa noo, "Fuck."
Nakatingin lang siya sa mukha nito.
"I know what you did. Sinaktan mo si Diana," ani Lux sa kanya kaya tumaas ang kilay niya.
Ito na nga ang sinasabi niya. Sa oras na magalit ito sa kanya, baka kahit ito ay hampasin niya rin ng bag sa mukha.
"Nasaktan ka ba?" He asked her.
Nakagat niya ang labi at napaiwas ng tingin.
"Hindi ka galit na pinatulan ko ang asawa mo?"
"Silly," Lux chuckled, "magagalit ako kung nakita kong may galos ka. You're my concern now, baby. Wala na akong pakialam sa iba."
She smiled and kissed him.
"Tapos ako na naman ang hindi kinikibo," natawa ito pagkatapos na sabihin iyon kaya naman umalis na siya sa harap nito at pumunta sa banyo. Tama ang pinto na napasok niya.
"Ino’nahan lang kita kesa ako ang kagalitan mo."
Lalong lumakas ang tawa ni Lux kaya naman natawa rin siya.
"You're so clever you know that. Alam mong ninenerbyos ako kapag nagagalit ka kaya mo ako inuunahan."
She giggled. Kahit na medyo hilo siya ay natatawa siya sa pagkakabisto nito sa mga style niya.
Lumabas siya sa banyo kapagkuwan.
"Pwede ba akong makainom ng tubig?" Aniya rito kaya napakunot noo ito at nawala ang ngiti.
"Are you okay?" Asked Lux, touching her forehead.
"Ayos naman. Parang nahihilo lang ako sa dami siguro ng tao."
"Let's go downstairs."
Alalay siya nito sa paglabas nila ng kwarto pero sa hagdan siya dumiretso dahil parang mas lalo siyang nalulula sa elevator.
"Baby, aalis pa ako ha."
Heart immediately paused and looked at him. Aalis? Ano  ‘yon ? Paraan para iwan siya?
Natawa ito at malamang dahil sa itsura niya iyon.
"What's with that face? Gusto kasi ni Katy na sumama ako sa Cebu. Mamamanhikan na siguro si Caleb pero natatakot ang kapatid ko sa Daddy niya. To ease her mind, I will go with them. Pababantayan naman kita rito."
"Sus," aniya at napawi na ang nerbyos niya. Nagiging matatakutin yata siya ngayon. Ano bang nanagyayari sa kanya?
"Hindi na. Kaya ko naman ang sarili ko. Parang normal na buhay lang tulad no’ng ‘di pa kita nakikilala. Babalik ka rin naman agad, ‘di ba?"
"Of course. ‘di ko rin kayang matagal na ‘di ka nakikita. Baka mga tatlo hanggang apat na araw."
"Kailan ang alis mo?"
"It depends on Caleb. Of course, my baby will know. Hindi naman ako basta pwedeng umalis na lang na ‘di sa'yo nagpapaalam. Baka hindi mo lang ako sampalin ng bag, baka ipakain mo pa."
Ang lakas ng naging tawa niya at napayakap siya sa katawan nito. Niyakap din siya nito pabalik at hinalikan siya sa ulo.
"I just also thought that you were right about my mother. I want to talk to her, that's why I also want to go to Cebu."
Ngumiti siya rito at masaya siya na nakapagdesisyon na ito sa buhay, at nagpapasalamat siya na may kontribusyon siya sa bagay na iyon.
"Masaya ako para sa'yo at sa Mama mo. Nakikita ko naman na mabait siya at parang matatakutin nga."
Nagpatuloy na siya sa pagbaba at ito naman ay nakasunod lang sa kanya.
Nang nasa paanan na siya ng hagdan ay agad na napapihit ang ulo niya dahil parang may naaninag siyang tao sa may likuran pero wala naman siyang nakita.
"Why?" Tanong ni Lux sa kanya at napalinga rin.
"Parang may tao, Lux," aniya rito at may bumundol na kaba sa kanya, kaba na hindi niya maipaliwanag. It was so sudden.
Nakakaramdam lang siya ng gano’n ay kapag magagakasakit ang pamilya niya.
Sinilip ni Lux ang likod ng malaking display na kabayo pero wala naman itong nakita.
"Perhaps a household, sweetie. Wala naman basta-basta nakakapasok dito, except for Mama's friends. Let's go. Inom ka na ng tubig."
Tumango siya nang hawakan siya nito ulit sa braso at inakay papunta sa kusina pero lilingon-lingon pa rin siya kaya pinagtawanan na siya ni Lux.
"Baka multo," anito kaya gano’n na lang ang pagtalim ng mga mata niya rito.
"Sasapakin kita!" Angil niya rito kaya napahalakhak itong inakbayan siya.
"Dito na lang kaya tayo para nasosolo kita. Ang daming tao sa labas, ‘di ako makalapit sa'yo."
"Loko ka talaga. Alam mong birthday ni lola Carmen ngayon kaya pass ka muna sa mga kalokohan mo."
"Di bale, ibabawi ko ang sarili ko," anito pa kaya napapahagikhik siyang yumakap sa braso nito kahit saglit lang.
Dito sa loob ay nagmamahalan sila. Sa labas ay mag-amo sila.
Pagkatapos niyang makainom ay bumuti ang pakiramdam niya kaya kumilos na rin siya para makalabas na ng bahay. Kanina pa sila at baka maghinala na ang mga kasamahan niya.
"Mauna na ako ha," aniya kay Lux na nakapamulsa, tahimik na nakatitig at sinusundan siya.
He nodded and smiled.
Ngumiti siya rito at nilakihan na ang mga paghakbang niya.
"Heart…" he called and so she looked back.
"I love you," anito at saglit siyang naparalisa at para siyang maiiyak.
Mahal daw siya ni Lux.
"A-Ako rin,"  ‘yon  lang ang naisagot niya pero parang sapat na  ‘yon  dito dahil lumaki ang ngiti nito at tingin niya ay parang kinilig din.
Umalis na siya nang mabilis dahil may mga papalapit na tao, isinisigaw ang pangalan ni Lux. Mukhang mga kaibigan nito iyon dahil kasama si Vandros sa grupo.
At sobrang saya niya na sabihin nitong mahal siya. Sana lang ay hindi iyon magbago kapag malaman nito ang itinatago niyang lihim na matagal na siyang hindi gumagamit ng contraceptives.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon