NAGPATULOY ang dalaga sa pagkain ng kanyang ice cream habang nakadikit sa tainga ang smartphone. Hindi naman siya sanay na gumamit ng earbuds kaya hindi niya dinala iyon.
"May babae ditong nakatitig sa akin," mahinang bulong ni Heart kay Lux.
"Hmn? Baka nagagandahan sa'yo." Anitong natawa pa kaya nahihiya rin siyang natawa.
"Hindi. Maganda rin siya, sobra."
"You know, baby, nowadays, nakakatakot na rin ang mga babaeng magaganda dahil lesbian na rin sila"
Humalakhak ito kaya pigil na pigil naman niya ang matawa rin. Sira ulo rin talaga si Lux kung minsan.
"Ako, okay na ako sa'yo especially now that you know how to move on top. I was sleeping yet you were raping me."
"Hoy!" Saway niya rito at napalakas ang boses niya kaya hiyang-hiya siya. Agad siyang napatakip sa bibig dahil pinagtatawanan siya ni Lux.
Hindi nga niya maintindihan kung anong sumapi sa kanya at ginawa niya iyon kagabi kay Lux. And now he's using it against her. Nakakainis ang lalaking ito kahit kailan.
"Gusto ko gano’n ka lagi," anito sa kanya kaya pakiramdam niya ay uminit ang ice cream sa bibig niya.
"Hi, Miss."
Nawala ang ngiti sa mukha niya at tumingin sa babaeng kanina pa sa kanya nakatitig, na ngayon nga ay lumapit na sa kanya.
"Wait lang ha. May lumapit sa akin, babae," aniya.
"Don't drop it, baby."
"Uhm," tango niya, "A-Ano po ‘yon, Ma'am?"
"Si kuya ba 'yan?" Nakangisi nitong tanong kaya naman napamulagat siya, "Si kuya Lux?"
Diyos ko. Hindi siya makasagot dahil baka patibong ito. Baka ibang tao itong nagpapanggap na kapatid ni Lux. Hindi naman niya kilala si Katy.
"H-Hindi…"
"Nakita kita," anitong naupo na sa harap niya, dala ang ice cream na flavor naman ay strawberry.
Diyos ko. Saan siya nito nakita?
"Baby, speak up. Sino 'yan?"
Hindi siya makasagot.
"You were that woman we've been following. Pumunta ka sa Heart Center. Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw ‘yon," daldal pa ng babae kaya napalunok na siya.
Sinusundan siya ni Lux? Kailan pa?
"Don't be afraid. I'm his sister. Did I scare you?"
Medyo tumango siya at lito pa rin siya kung anong gagawin niya o sasabihin. Pintaya niya ang tawag at nag-compose kaagad ng message.
Heart: Kapatid mo ba ito? Maganda, napakatangkad at parang model, napakaputi, parang gatas. Mahaba ang buhok tapos ang mukha parehas ng labi mo.
Naghintay siya ng reply.
Lux: Katy? Pic baby and send as mms.
Sinigurado niyang naka-off ang kanyang flash at pasimple niyang kino’nan ang babae. Sana ay may extra load pa siya para maisend iyon.
Nag-send nga.
Lux: Yeah, si Katy nga.
Nakaginga siya nang maluwag at halos makapa pa ang dibdib.
"You're nervous. Don't worry. I'm really his sister. Nagulat lang siguro kita sa bigla kong paglapit," daldal pa ng babae, "I didn't mean to scare you."
Ngumiti siya sa wakas, "O-Okay lang."
"Crush ka ni kuya," anito pa kaya naman halos maubo siya. Ano naman ang isasagot niya rito? Alangan naman na sabihin niya ang sitwasyon nila ni Lux.
"I think he likes you. Alam ko naman na hindi ikaw si Diana pero okay lang," kibit balikat nito.
Heart couldn't think of a better idea how to make Katy understand that it is not safe to talk about it in a public place.
"K-Katy ang pangalan mo, ‘di ba?" Nakangiti niyang tanong dito.
"Uhm," tango ng dalaga at kumakain ng ice cream, "Niyayaya ko si Lola Carmen na samahan akong mag-mall, ayaw naman kasi puyat daw sa opera, opera as in theater. Ako na lang mag-isa at naswertehan kita."
"Ahm, 'wag mong sasabihin ‘yong sinabi mo kanina ha kahit kanino, na sabi mo sinusundan ako ng kuya mo," marahan niyang sabi rito.
"Oh yeah. I know. Gets ko naman kaagad," kibit balikat nito pero ninenerbyos pa rin siya dahil baka idaldal nito kung kani-kanino iyon. Mukha pa naman itong madaldal.
"Kain ka na. Shopping tayo pagkatapos ha," anito pa kaya naman tumango siya,"Did he tell you my story na ba?"
Muling napaawang ang labi ni Heart pero tumango siya.
"Alam ko kasi kausap ka niya sa phone nang pinuntahan ko siya. I was wondering to be honest what made him change his mind about accepting me here. Ramdam kong ikaw ang nagsasabi sa kanya na 'wag akong pabayaa. Thank you for that…what's your name?"
"Heart."
"Ate Heart."
Ngumiti siya sa itinawag nito sa kanya at kumain na lang din siya.
"Kumusta ka naman?" Naisip niyang itanong.
"Maayos-ayos na kahit paano ngayon na kinukupkop ako ni kuya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung tinanggihan niya ako."
"Alam mo, napakabait ng kuya mo. Hindi ka niya pababayaan at walang mananakit sa'yo hangga't nasa poder ka niya. Alagaan mo ang sarili mo at ang baby mo. Pakatatag ka. Ako, ang dami kong problema sa buhay pero kahit paano nasolus ‘yon an ko naman lahat. May mga pagkakataon lang talagang ang hirap lumaban pero dumarating na lang ang tulong galing sa Diyos."
"Wow," anito sa kanya at napakurap, "Yoy really speak so sweet. Hindi na ako magtataka na na-convince mo si kuya na arugain ako. Maraming thank you talaga, Ate Heart."
"Welcome," finally she said with a smile.
Maayos naman pala ang kapatid ni Heart kahit na nakakailang na kaharap dahil mukhang napakayaman at maarte. Hindi naman pala.Pagkatapos nilang kumain ng ice cream ay lumabas silang dalawa, nagkukwentuhan pa rin. Nakayakap siya sa braso ni Katy dahil mas matangkad ito sa kanya, at nakalimutan na niya ‘di Lux. Busy siya sa pagmamarites sa buhay ni Katy, na libang na libang sa pagkukwento, at kung paano ito kinilig sa ama ng batang dinadala.
Dumaan sila sa may bilihan ng mga mamahaling bags at napatingin ito sa naka-display.
"Let's go inside, ate," anyaya nito sa kanya pero nang papaliko na sila sa may pintong salamin ay siya namang paglabas ng isang babaeng kilalang-kilala niya.
They both stopped. Her heart raced. Diana Montesalvo is in front of her. Halos magpantay ang dalawa ni Katy sa tangkad at siya ay naiwan na isang kapos-kapalaran, liit.
Ang dibdib niya ay tumatahip dahil sa pagkakatitig niya sa mukha nitong parang inagawan ng mamahaling bag sa loob.
Nakatingin ito kay Katy at napakunot-noo, tapos ay tumingin sa kanya, lalong nagdikitan ang mga kilay.
"Katy," ani Diana pero sa kanya nakatingin.
"I…believe I'm Katy, ate Diana," ani Katy kaya nagbalik muli ang mga mata no’n sa kapatid ni Lux.
Ngumisi iyon na parang napakaplastik, "Yeah, right. She's the waitress, right? Natatandaan kong dala ka ni Lux doon sa firm para…makiihi. How's your father, buhay pa ba?"
Nahigit ni Heart ang paghinga pero pinigil niya ang sarili na huwag makasagot ng masama. Halatang wala itong tulog at itim ang mga eye bags.
"N-Nakauwi na po Ma'am sa probinsya," magalang na sagot niya.
"Tamo nga naman ang nagagawa ng pera kahit ambag lang."
Muli siyang napatiim-bagang.
"You know her, Katy?" Usisa pa no’n.
"Yes," tumingin ito sa kanya at kinabahan siya sa kung anong isasagot nito sa hipag.
Bata pa si Katy at baka hindi nito naiintindihan ang sitwasyon.
"Kumain ako sa restaurant, with Lola Carmen. I saw her there. Day off niya and it happened that I saw her here, so niyaya ko siyang samahan ako kasi wala rin naman siyang kasama. Why? May problema ba, Ate Diana?" Nakangiting tanong nito sa babae.
"Nothing," anaman no’n pero parang hindi siya kumbinsido.
"If you'll excuse us, papasok kami."
Lumihis ng kaunti si Diana at sumunod na lang siya nang hilahin siya ni Katy papasok. Nakatingin ito kay Diana nang umalis iyon.
"Ang sama ng ugali niyan. Unang dating ko sa mansyon nila kung anu-anong sinabi kaya dinala ako ni kuya kay Lola Carmen," nakasimangot na kwento ni Katy sa kanya, "Para siyang ewan, Ate Heart. Tapos nagsigawan sila ni kuya. Galit si kuya, tapos no’ng gabi sabi ni Lola Carmen, a ‘yon, alsa balutan na ang lolo mo."
Hindi siya umimik dahil alam niya ang dahilan ng mga gano’ng ugali ni Diana. Hindi no’n mahal si Lux dahil si Enrico pa rin ang gusto. Ngayon na umayaw si Enrico, ano na kaya ang plano ni Diana sa pagiging mag-asawa ng dalawa ni Lux?
Ayaw niyang isipin dahil hindi lang siya natatakot, nasasaktan pa siya kung sakaling magkasundo ang dalawa at siya ay mukhang haliparot na tanga.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...