Chapter 12

955 50 3
                                    

Lux

HE LOOKED at Heart and she was damn terrified. Nakasilip ito sa siwang ng pintuan at parang naninilip lang ng bold.
Pumihit siya para balikan sana ang kanyang smartphone na inilapag niya sa bedside table pero heto ngayon si Heart, nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya. He thought she was asleep. Wala itong kagalaw-galaw kanina. So, nagpanggap itong tulog para talagang kilalanin siya. How nice?
He inhaled deeply and pocketed his hands.
"So, what's your plan, lady?" He asked her seriously.
Kumurap ito at nakagat ang daliri.
"Open the door and let's make this clear. I bet you didn't get it so clearly when Vandros explained my rules."
Binuksan nito ang pinto at nakatulala lang ito sa kanya. Sinundan siya ng maiinit nitong mga mata nang maglakad siya papasok, saka kinuha ang smartphone niya.
He gazed at her as he walked back to the door, shaking his head. Galit siya. Walang sinuman sa mga naging babae niya ang nangahas na gumawa ng ganito, na kilalanin siya. The worst thing is, nagpanggap itong tulog kaya tiwala siya.
"You broke my trust," he said with madness.
"S-Sir…" anito at sumunod sa kanya sa may sala, "K-Kasi naman po, naalarma ako sa amoy niyo. Hindi naman 'yan ang amoy niyo noong una. Hindi…hindi ko po alam kung ilan ba kayo, magkaiba ba kayo o ano…" maluha-luhang paliwanag nito sa kanya at saglit siyang hindi nakaimik.
Noon lang niya na-realized na ang regular na gamit niyang pabango ang nagamit niya ngayon. Fuck. Siya yata talaga ang may kasalanan.
"Ako lang," matigas na sagot niya, "Walang iba. Ako lang."
"S-Sir…s-sorry po…"
"Sorry?" Mainit ang ulo na pumihit siya kaya napatigil ito at nakatingala sa kanya.
She's just wearing her nighties, white to be precise. Wala itong panty alam niya, at wala rin itong sapin sa mga paa. Her taut nipples were so vivid, taunting him for a bite.
Shit no, not when she did what he told her not to do so.
"If I tell you that you have to repay me for breaking the rule, I will just feel sor—"
"H-Hindi po!" Sabi nito sa kanya at saka umiling nang sunod-sunod, "W-Wala po akong ibabayad, Sir. Please naman po. Wala naman pong kaso kung i-ikaw. Wala naman po akong pagsasabihan. W-Wag niyo po akong papagbayarin. I-extend ko na lang po hangga't gusto niyo. Kahit ano po, kailangan ko pa po ng pera."
Kumibot ang mga kilay niya, "And what makes you think I'll want you more? After what you did today? You broke the rule. Hindi malayo na baliin mo ulit ang mga batas na saasabihin ko."
Umiling ulit si Heart at naluluha na habang nakatitig sa kanya, "Please po, Sir. Kailangan ko po  ‘yong  pera. Kailangan ko pa po ng pera, sir."
Parang gusto siya nitong hawakan pero hindi nito magawa. At ayaw din naman niya. Sa lahat pa naman ng ayaw niya,  ‘yon  sinusuway ang mga bilin niya. Bihira siyang magbilin. Sa asawa nga niya ay ‘di niya  ‘yon  ginagawa, kaya naman gano’n na lang ang pagsasamantala sa kanya.
"I'll think about it. If not, humanap ka na lang ng ibang lalaki."
Yumuko ito at nakikita niya ang pagtatago ng hikbi, pero tuluyan siyang naglakad papaalis sa harap ni Heart.
She disappointed him.
Walang pag-iingat na kinabig niya ang pinto papasara nang makalabas na siya. Nawala na sana ang init ng ulo niya pero ngayon ay bumalik na naman.
Ano ba ang naisip ng babaeng  ‘yon  para kilalanin siya? Wala  ‘yong  takot na suwayin siya, dahil ba nakuha na no’n ang pera?
Heart made him feel so disgusted. Hindi gano’n ang sinabi ni Vandros tungkol do’n. Hindi rin  ‘yon  ang first impression niya rito. He felt that she was responsible and she values her words. He was damn wrong.

Heart

SHE feels that she was the most stupid and dirtiest woman in the world. Humanap na lang daw siya ng ibang lalaki, lalaki na bibili sa kanya ulit.  ‘yon  ang dating sa kanya ng mga salita ni Lux.
Nakatunganga siya sa pintuan na nilabasan no’n. He's gone, and this time she is not sure what he'll do next. Napaupo siya at nahulog sa malalim na pag-iisip.
Anong ipambabayad niya?
Hindi niya nga rin alam kung matutuwa na siya o hindi sa nalaman na si Lux ang lalaking bumili sa kanya.
Susko.
Napapikit siya at natutop ang noo. Napaisip siya kung bakit iyon gagawin ni Lux. Mukhang mahal na mahal no’n ang asawa. Dapat na ba siyang matakot, na wala sa ganda at yaman para dagdagan ang isang babae o tunay na asawa?
Ang ipinagtataka pa niya ay kung alam ba ni Lux na siya ang babaeng binili no’ng una pa lang.
Agad siyang tumayo nang maalala si Vandros. She has to tell that man that she committed a mistake. Naiirita siya. Masyado siyang confused nang maamoy niya si Lux. Hindi siya nagkamali, talagang iyon na nga.
Nagmamadali siya sa kwarto at kinuha ang kanyang cell phone. At anong katangahan na naman ang gagawin niya? Makikiusap na naman siya na sabihan no’n si Lux na bumalik sa kanya?
Napaisip siya. Bahala na.
Dalawang attempt ang ginawa niya bago may sumagot sa kabilang linya. Isang mahinang 'hmn' lang ang narinig niya.
"Sir, sir, may ginawa ako," natatarantang sabi niya.
"Anong ginawa mo? I'm expecting na hindi ito tungkol sa kontrata mo kay boss."
"K-Kilala ko na po si boss," aniya rito.
"Diyos ko naman, Heart! Did you just disobey the rules?" Gimbal na tanong nito sa kanya at hindi siya nakasagot.
"My God, you did," kumpirmasyon nito sa kanya, "Wala na akong magagawa para sa iyo. Ano bang pumasok sa isip mo?"
"Kasi po sir,  ‘yong  amoy niya. Alam ko  ‘yong  gano’ng amoy. Ilang beses ko na pong nakasama si Mister Montesalvo. Hindi ko po natagalan na huwag alamin. Sumilip lang naman po ako sa pinto."
"Pero nabuking ka," anito sa kanya kaya nakagat niya ang labi, "You know the rules. Let's wait, Heart. For the mealtime, I hope na maawa siya sa kalagayan ng Tatay mo para huwag niyang bawiin ang pera, at huwag ka na rin mag-expect ng kahit na ano pa.  ‘yong  sa salary deduction, granted na  ‘yon  ni lola. You should've thought better, Heart. Alam mong maraming pera pa ang kakailanganin mo. Si boss sana ang bahala sa'yo pero inalis mo ang tiwala niya."
"Sir…" nanlulumo niyang sabi saka siya napaiyak. Talagang rumehistro na sa isip niya ang lahat ng ginawa niya.
"Let's see, Heart. Let's just hope that your job will never be compromised."
"Ano po?!" Nanlalaki ang mga mata niya, "hindi naman po pwede  ‘yon, sir. Labas naman po  ‘yon."
"Hindi tayo ang makapag desisyon, Heart. He's the owner and we're just the followers. He makes the rules, we follow the rules."
Hindi siya umimik tapos ay mahinang nagsalita kapagkuwan, "S-Sige po, sir."
Napatunganga si Heart sa cellphone na nawala ang tawag. Hindi pwede na gano’n. Ilalaban niya ang trabaho niya kay Mister Montesalvo. Wala sa kontrata na matatanggal siya sa pagiging waitress kapag siya ay lumabag sa Kontrata ng Kalaswaan. What she did only compromised her service as his hidden mistress, not her official work in the restaurant.
Walang buhay siyang napahiga sa kama, naghihintay kung may sasabihin pa si Mister Montesalvo sa kanya pero wala.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon