Chapter 3

1.1K 57 4
                                    

Chapter 3


Naghihintay ng tawag si Heart alas singko na ng hapon sa loob ng apartment, pero wala pa rin. Para na siyang pusang 'di mapaanak sa kinatatayuan niya. Sumisilip na rin siya sa bintanang kahoy at tinatanaw ang daan, baka sakaling may maligaw na mamahaling Nissan Calibre sa harap ng gate nila, na pag-aari ni Vandros.

Hindi na siya matahimik habang hawak ang kanyang cellphone. Paroon at parito siya, uupo at tatayo, saka maglalakad na namang muli.

Walang humpay ang pagsulyap ng dalaga sa orasan. Pakiramdam niya ay ang bilis ng takbo ng oras. Panay ang lagitik nito sa tainga niya, sabay sa puso niyang kumakabog.

Malayo ang isip niya, nakatuon sa amang hindi niya alam kung ano na ang sitwasyon sa mga sandaling iyon. Ang isip niya ay negatibo na. She has stupid imaginations, that her father is already dying.

Napatigil siya at napahikbi. Baka nahihirapan na ang Tatay niya.

Diyos ko. Napatakip si Heart sa mukha niya gamit ang sariling mga palad. Hindi tama ang mga nai-imagine niyang senaryo sa utak niya. Mali. Mali na mag-isip siya ng gano'n. Ang dapat niyang isipin ay magiging maayos ang Tatay niya at maoperahan sa puso. Magsasama pa sila ng matagal na panahon sa mundo. Makikita pa no'n ang mga apo sa kanya, ang mga apo sa mga kapatid niya. Mag-aalaga pa 'yon ng mga bata at magsasaka ng matagal na panahon. Magkakaroon pa 'yon ng sariling bukirin at pataniman ng mga gulay.

Makikita pa no'n na makakapagtapos siya ng pag-aaral. Marami pang masasayang mangyayari.

Sir Vandros... piping usal niya nang bigla na lang mag-ring ang cellphone niya, kasabay ng malakas na vibration.

Agad siyang napatuwid ng upo at halos mabitiwan niya ang aparato dahil sa sobrang pagmamadali.

It was an unknown number. Susko. Iyon na nga siguro. Dali-dali niya 'yong sinagot.

She made sure that her phone was fully charged. Hindi niya matawagan ang Nanay niya dahil wala pa naman siyang sasabihin. Gusto niya, tatawag siya ay kapag sasabihin niyang paoperahan na ang kanyang ama.

"Hello, s-sir Vandros?" Agad niyang bungad sa nasa kabilang linya kahit hindi niya sigurado kung si Vandros na nga.

"Seems like you're really expecting my call, Heart," malat na boses no'n kaya napatango siya kahit na wala naman ito sa harap niya.

Daig pa niya ang mamamataying dahon ng kamote pero nabuhay nang marinig ang boses ng among inaasahan niyang makatutulong sa kanya.

"Opo, sir. Kanina pa po," aniya.

Hindi niya itatago rito ang katotohanan. Hindi na siya magpapaka-iporkrita. Kahit siguro alukin siya nitong tulumulay sa sinulid habang lumululon ng apoy ay gagawin niya.

That's how much she loves her father. She is willing to do everything for her family. Naalala naman kasi niya na noong bata pa siya ay hindi naman siya pinabayaan ng kanyang mga magulang, lalo na sa tuwing nagkakasakit siya. Kahit na wala silang pera, parati siyang ipinagagamot ng mga iyon.

Now that her parents are old and the situation already twisted, she'd do the same thing they did for her. 'yon ang kanyang misyon bilang anak, gantihan ang kabutihan ng kanyang mga magulang lalo na ang 'di matatawaran na pag-aaruga ng mga iyon sa kanya. Oo, mahirap sila pero nagmamahalan sila na sobra.

"Meet me so we can talk personally. You have to sign something," ani Vandros sa kanya.

Sign? Ibig ba no'n sabihin ay may kontrata na siyang pipirmahan? Magkakaroon na ba siya ng sideline?

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon