Chapter 20

1.1K 71 4
                                    

PAGOD na pagod si Heart nang matapos ang araw na  ‘yon  ng kanyang pag-aasikaso. Positibo naman ang resulta ng nilakad niya. Nasa otsenta mil ang ayuda na mababawas sa bill ng tatay niya, sa oras na lumabas na  ‘yon  sa ospital. Tumawag na raw ang ahensya sa ospital at may voucher na ang eighty thousand.
The doctor already restitched her father's  wound. Maayos na daw  ‘yon, sabi ng Nanay niya.
Naglalakad siya sa lobby ng condo nang makaramdam siya ng pagkahilo at panghihina pero sinusubukan niya na tawagan ang mga kapatid niya para kamustahin ang mga  ‘yon.
Parang trumpo ang paligid kaya kumurap siya nang maraming beses. At gano’n na lang ang pagpihit niya nang bumukas muli ang pintuan. It was dim. Blurry ang paningin niya at hindi niya makita ang tao na pumasok. Sigurado ay si Lux  ‘yon. Sila lang naman ang may susi roon, wala ng iba.

NAPAPIKIT si Heart nang sa pagmulat niya ng mga mata ay napakaliwanag ng ilaw na bumati sa kanya.
She groaned.
What happened?
"Thank God, you're fucking awake!" Bulalas ng boses ni Lux kaya kahit na nasisilaw man ay natingnan niya ang pinagmulan ng boses nito.
Gano’n na lang ang pag-itsa nito ng hawak na magasin at agad na tumayo mula sa isang sofa.
Nakatunghay lang siya rito at nagtataka kung bakit wala sila sa condo.
Nang makalapit ito ay sinalat siya nang paulit-ulit at saka inilapat ang pisngi sa noo niya.
She passed out. That was what happened and she already remembered.  ‘yon  lang ang huli niyang natandaan pero ang dating sa kanya ngayon ay isang panaginip lang, na hindi niya mawari kung totoo bang nangyari o hindi.
Kumurap siya kay Lux nang mag-angat ito ng mukha at tiningnan siya sa mata.
"You're not too hot anymore," Nakangiting sabi nito sa kanya.
Heart just simply nodded, "Salamat sa paghatid mo sa akin dito pero sana do’n na lang ako sa condo. Dagdag pa ito sa gastusin ko," aniya rito.
"Jesus, Heart," napatayo ito nang tuwid, parang ang timbre ay naiirita sa kanya, "Hanggang ngayon ba naman na ikaw na ang may sakit ay gastusan pa rin ang iniisip mo? Will you try to relax even just for now?"
Hindi siya umimik. Napakasungit naman nito kaya umiwas siya ng tingin at ibinaling ang mga mata sa mga daliri niyang nilalaro-laro niya lang sa may dibdib.
"I'll pay the hospital bills. Just get better, okay?" Tila lumambing ang boses ni Lux dahil nahalata yata na nasungitan siya rito.
She nodded at him.
"Vandros texted me. Hindi raw niya makontak si Gigi."
"B-Baka nasa ospital, kasama ni Nanay. Kaya ko naman mag-isa rito. Okay lang ako rito. Pwede na nga rin siguro akong umuwi ngayon," aniya.
"Siony will be here. She'll look after you," anito kaya naman napatanga siya.
Sinong Siony?  ‘yon  ang tanong sa isip ng dalaga na hindi niya naisatinig, pero parang nahulaan ni Lux kaya nagpaliwanag sa kanya.
"She's my nanny. I can trust her. You don't have to be worried that she might tell Diana."
"Y- ‘yong  asawa mo?" Tanong niya at para siyang tanga. Nagtanong pa talaga siya kahit na alam na naman niya ang sagot. Gusto rin talaga niyang saktan ang sarili niya ano?
Hindi umimik si Lux kaya hindi na rin naman niya inulit pa ang tanong. She sounded so stupid.
"Hindi ba at nakakahiya? Ibang tao na  ‘yon  tapos mag-aalaga sa akin dito."
"I treat her like a family member. Mabait siya, Heart. Hindi ka dapat mag-alala sa kanya."
"Sige," napipilitan na sabi niya dahil wala naman siyang magagawa. Mukhang desidido itong ibigay si Siony sa kanya para makasama niya.
Tumingin ito sa smartphone na hawak nang umilaw  ‘yon  at tumunog.
"She's here. Give me an update. My phone is safe," anito na nakuha niya kaagad ang ibig sabihin, na ito lang ang nakakaalam ng password ng smartphone nito.
Saglit silang nagkatitigan at parang nailang siya nang kaunti, pero bumaluktot ito ulit at saka siya hinalikan sa labi.
"I'll see you tomorrow, Heart."
She nodded but wasn't able to look at him. Nahihiya siya na ipagkanulo siya ng sarili niyang damdamin. Baka hindi  ‘yon  maitago ng mga mata niya rito.
"I-Ingat ka saka s-salamat ulit…sa lahat," papaiwas siyang sumulyap dito, hindi tulad nitong titig na titig sa mukha niya, na kung nakakatunaw lang ang mga iyon, malamang kanina pa siya umaagos sa sahig.
Naglakad na ito papunta sa pintuan at siya naman ang napatitig sa likod nito. He has to go home to his wife. That hurts her but what's her right to stop him? Hindi niya gagawin  ‘yon. Pasasaan ba at masasanay naman siya sa gano’ng setup, at isa pa ay tatlong linggo na lang naman ang itatagal ng deal. Tapos na. Magkakanya-kanya na sila pagdating ng oras na  ‘yon.
Lumingon pa si Lux nang nasa may pintuan na ito kaya ngumiti na lang siya nang kaunti. After that, he went out.
Napapikit siya at pinakiramdaman ang kanyang sarili. He still feels tired but not same as earlier. Daig pa niya ang isang baterya na na-drain kanina. Ngayon ay medyo may charge na siya, dahil siguro iyon sa swero na nakakabit sa kanya.
Makalipas ang ilang sandali na nakatunganga siya ay may kumatok sa pintuan, saka pumasok ang isang medyo may edad na babae. May mga bitbit iyon.
"Ikaw ba si Heart, ineng?" Nakangiti no’n na tanong sa kanya.
"Opo," sagot niya na may kasama ring ngiti.
"Tama pala ang kwarto na pinasok ko. Akala ko nagkamali ako," natatawa ito sa sarili.
Inilagay nito ang mga bitbit na bag na gawa sa tela, sa ibabaw ng mesita.
"May dala akong ilang damit dito. Mga damit ito ng anak ko no’ng nagbakasyon sa mansyon. Sabi ni Lux, baka magkasya sa iyo. Ako pala si Manang Siony. Pinapunta niya ako rito para bantayan ka."
Tumango siya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang mahiya, dahil baka naghihinala ito kung sino siya sa buhay ng alaga nito. Baka nakangiti si Manang Siony sa labas pero sa loob ay nabib-bwisit sa kanya, sa mga babaeng tulad niya na naninira ng pagsasama ng mga mag-asawa.
"Hinimatay ka raw sa restawran?" Tanong nito kaya kahit paano ay nakaramdam siya ng kaunting kapanatagan.
"O-Opo. Dala po siguro ng pagod dahil maghapon akong pumila sa DSWD. Nasa ospital po kasi si tatay, inoperahan sa puso. Sayang naman po  ‘yong  ayuda na makukuha ko."
"Napakahirap talagang humanap ng pera, ano? Ako nga, kahit na may edad na rin at gusto ko na rin sanang magpahinga sa pagiging kasambahay, nanghihinayang ako sa sahod, saka isa pa, malaki ang utang na loob ko sa mag-lola kaya hindi ko rin maiwan. Si Lux medyo bata pa  ‘yon  ay ako ang nag-alaga, hanggang ngayon na may asawa na, naroon pa rin ako sa kanya."
Hindi siya umimik. Nakinig lang siya sa kwento ni Siony.
Inilabas nito ang isang lalagyan na may laman na sopas. Naglabas din ito ng bowl at isang plato na patungan. Sumandok ito ng sopas at pagkatapos ay ibinigay iyon sa kanya.
"Salamat po."
"Luto ko 'yan. Sabi kasi ni Lux, magluto ako ng may sabaw para sa iyo," nakangiti nitong sabi.
"Kayo po?"
"Kumain na ako bago umalis. Pagkakain mo, magbihis ka na."
"Opo," sagot ni Heart saka siya nag-umpisang kumain.
Pagkatapos niya ay parang pinagpapawisan siya dahil sa sabaw na nahigop niya. It made her feel so much better.
"Ang sarap po, Manang Siony," natutuwang sabi niya rito.
Crab and corn soup ang niluto nito at talagang nagustuhan niya. Napakasimple ng pagkain pero nabusog siya na sobra.
"Salamat at nagustuhan mo, anak. 'Yan talaga ang nasa isip ko kapag nagluluto ako, ang magustuhan ang niluluto ko, kasi halos kahalati na siguro ng buhay kong ginagawa ang pagluluto," natatawa nitong sabi sa kanya.
"Alam niyo po ba no’ng bata pa ako ay madalas akong kumain ng alimango,  ‘yong  mga sinlaki po ng plato dahil kalakasan pa ni tatay, marami siyang pambili galing sa pamamasada, pero po nang tumagal na ang mahal na ng alimango. Tapos, noong bata po ako namaga ang mukha ko at bibig ko dahil sa alimango. Allergy po pala  ‘yon."
Masaya siyang maalala ang kabataan niya, noong mga panahon na siya pa ang umaasa sa lakas ng kanyang mga magulang  pero ngayon na lumaki na siya, masarap din sa pakiramdam na ang lakas niya ang dahilan kaya sila nakakasurvive sa hamon ng buhay. It makes a great sense  being the strength of the family.
"Baka mamaga ka ulit dahil kumain ka ngayon. Hindi kita natanong kung may allergy ka."
"Wala na po  ‘yon  ngayon basta kaunti lang ang kinain ko. Sabi kasi nina tatay noon ay  ‘yon  din ang gamot. Ewan ko po kung totoo pero effective naman po sa akin. Siguro po ay basta kaunti lang ang kakainin ko."
Natigil siya sa pagsasalita nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse.
"Hello po! Kukuha  lang po ng bp, saka may dala akong lalagyan ng ihi. Pagkatapos pong umihi ay pakihatid po sa station. Bukas po ng umaga ay kukunan kayo ng dugo. Huwag po munang kakain o iinom nh tubig simula alas diyes. Fasting po  ‘yon."
She nodded.
"Parang magaling na nga ako, nurse. Pwede na siguro akong lumabas bukas."
"Naku, baka po himatayin na si Mister niyo kapag po hindi pa talaga kayo gumaling."
"S-Sinong mister?" Takang tanong niya.
May asawa na pala siya, hindi siya na-informed.
“‘yong  kasama niyo po kagabi. Halos magsisigaw po pagpasok ng emergency," nangingiti na sabi ng babae sa kanya.
Nagkatinginan sila ni Siony at ito man ay parang natatawa rin sa narinig.
"Akala po nila ay manganganak kayo."
She giggled. Nerbyoso pala si Lux pero hindi lang halata. Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang gano’n ka-bruskong lalaki ay nini-nerbyos din pala.
"May lagnat pa po kayo," anang nurse, "pero hindi na kasintaas ng kanina. Baka po may infection kayo or may viral infection. Hintayin oi natin ang result ng lab niyo bukas," dagdag pa nito kaya napatango na lang naman siya.
Tumalikod na rin ang babae kaya naman siya ay naupo na. Agad na nakaalalay si Siony sa kanya.
"Kaya mo na ba, anak?" Nag-aalala na tanong nito sa kanya nang magtangka siyang bumaba.
"Opo, Manang. Medyo magaan lang po ang ulo ko," aniya pero hindi siya nito binitiwan.
Kinuha nito ang swero niya at inihatid siya hanggang sa banyo. Dala niya ang lalagyan ng ihi at dala naman ni Siony ang damit na ipampapalit niya.
"Tawagin mo ako kapag tapos ka na ha," bilin nito sa kanya.
Nasilip niyang bumalik ito sa may mesita.
Nang lumabas siya ay nagmamadali itong lumapit sa kanya para alalayan siya ulit.
"Tumawag si Lux, nasa bahay na daw siya. Kinakamusta ka. Sinabi ko na ang mga sinabi ng nars."
Hindi umimik si Heart. Hindi niya alam ang isasagot dito kaya mas pinili na lang niyang manahimik kahit na sa loob niya ay may kilig siyang nararamdaman. Nasa bahay na  ‘yon  pero naalala pa rin siya at nagawa pang tumawag.
"Nag-aalala siya sa'yo, bagay na ginagawa lang niya sa mga taong malalapit sa puso niya."
Diyos ko. Sinasabi ba nitong malapit na siya sa puso ni Lux?
Kahit na ayaw man ng dalaga ay kusa siyang napatingin kay Siony. Baka talagang naghihinala na ito sa kanya.
"Mabait po talaga siya, Manang Siony," papaiwas naman na sagot niya para mas safe ang lalabas sa bibig niya.
"Napaka, kaya nga nararapat lang na ang kabaitan na  ‘yon  ay suklian din ng kabaitan," makahulugan na sabi nito pero hindi siya umimik pa.
Bakit ang dating sa kanya no’n ay may pakahulugan ito? Nanatili siyang nakatitig dito kaya ngumiti ito sa kanya.
Ayaw niya na umasa sa sinabi ni Siony na malapit siya sa puso ni Lux. That will never happen because he's already married. Kung ano man siya sa buhay ni Lux,  ‘yon  ay isa siyang laruan na kapag pinagsawaan ay bibitawan.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon