Chapter 1

1.8K 46 0
                                    

Chapter 1 - Heart

TINATANTYA niya ang sariling kilos nang buksan ang pintuan ng opisina ng kanyang Manager. Agad na sumalubong sa mukha ni Heart ang malamig na simoy ng hangin mula sa loob, dahil sa malakas na air condition doon. Kasama no’n ay ang mabangong amoy, amoy ng pabango ng kanyang manager sa restaurant na iyon.
She saw Vandros Montero sitting on his chair with a cigarette in his hand. Ang ekspresyon ng kanyang mukha ay hindi niya mawari. Parang maiiyak na siya, wala pa man lang nasasabi. Ni mga paa nga niya ay halos hindi pa nakakapasok sa nakaawang na pintuan.
Vandros looked her way and motioned his fingers, 'come in'. Wala itong ekspresyon. Seryosong nilalang si Vandros. Hindi ito ngumingiti at nakakailang itong tingnan pero, napakabait nitong tao. Hindi ito mayabang at hindi ito naninigaw sa kanila. He always speak to them with ethics and respect, pero kaakibat ng mga taglay na pag-uugaling  ‘yon  ang katapatan dapat nila sa trabaho, dahil baka lumitaw ang tunay na kulay nito.
That's what Heart did. She shut the door and started to gently rub her palms on the sides of her skirt, to calm her roaring emotion as she walked toward this man. She's nervous but at the same time she has other agenda in her mind. Kagat niya ang labi dahil suntok sa buwan ang pagpasok niya para magbakasakali na humiram ng pera sa kanyang manager, kahit na ang rason ng pagpapatawag nito sa kanya ay ang nagawa niyang pagkakamali kanina sa isang customer, ang lalaking matiim kung tumitig sa kanya, na para siyang kakainin nang buo.
"Hi, Heart," ngumiti si Vandros pagkasabi no’n sa kanya pero hindi malaman ng  dalaga kung ngingiti rin ba siya.
She stood still in front of his table and just gave a very light smile in return for that greeting.
"What happened? I need the reason why it happened," anito sa kanya sa napakalumanay na boses, tapos ay humithit ng sigarilyo.
Alam ng dalaga na ang tinutukoy nito ay ang tungkol sa pagkakatabig niya mga pagkain sa mesa ng mayamang lalaking iyon kanina.
Hindi iyon umimik. Hindi siya minura o pinagsalitaan ng kung anong masakit, na magpapamukha sa kanyang isang dakilang tanga sa harap ng marami, na serbidora na nga lang siya, wala pa siyang utak. She was wiping that man's trouser when he lifted his hand to stop her. Napaawang lamang siya at sumunod sa utos no’n. Pagkatapos niyang humingi ng paumanhin nang paulit-ulit ay umalis na lamang iyon, kasama ang isa pang lalaki na kasama sa iisang mesa. Nasa meeting siguro ang dalawa, o baka bakla ang isa sa mga iyon. Hindi niya alam. Mukha namang parehong lalaki pero marami namang gano’n ngayon. Bihis lalaki pero pusong mamon.
Doon siya natauhan sa pagkatulala niya, nang layasan siya ng dalawang customer na iyon. Naapektuhan na ang trabaho niya sa bigat ng problema. Pasensya na lang pero hindi siya mayaman, na hindi iniinda ang halagang limandaang libong piso para sa pagpapa-opera. At ‘di hamak na mas mabigat doon ang kaisipan na anumang oras ay pwede na siyang mawalan ng ama. Isipin pa lang niyang nahihirapan ang Tatay niya, parang mas mauuna pa siyang mautas.
"S-Sorry po, sir Van..." hingi niya ng dispensa habang nakayuko, nasa harap ang mga kamay, magkahawak, "Nakatanggap po kasi ako ng masamang balita galing probinsya kaya po…w-wala ako sa sarili ko,"   dagdag paliwanag pa niya.
"Alam mo bang walang bayad ang mga na-order nila dahil sa nagawa mo? That means, kalugihan  ‘yon  para sa restaurant na pinagtatrabahuhan mo. Due to that mistake also, your co-workers are affected. Tataas ang expense dahil sa pagkasayang ng mga pagkain, wala namang income."
Kinagat niya ang labi nang sulyapan ito.
"Ang halaga ng pagkain sa mesa niya ay thirty-two thousand. When you signed your contract here, did you read the policy?"
Hindi niya binasa  ‘yon  dahil napakarami at napakahaba. Tiwala naman siya na wala  ‘yong  laman na masama dahil management naman ng restaurant ang gumawa. Si Vandros na rin ang manager noong makapasok siya rito, mahigit isang taon na ang nakalilipas.
"Salary deduction ang mangyayari ngayon, Heart," anito kaya napaangat siya ng tingin at nakanganga sa lalaki.
Maya-maya ay hindi na niya napigil ang sarili. Napaiyak siya dahil doon. It sinks in her mind. Sa sahod na lang siya umaasa, kung mababawasan pa, paano na? Hindi na niya maipaopera ang Tatay niya, wala pa ba siyang maipapadala sa mga kapatid niya? Mababalewala na ba ang pagsasakripisyo niya para makapag-aral ang kambal dahil kung hindi siya titigil ay baka  ‘di na makapagtapos ng hayskul ang mga iyon.
"Sir…" humihikbi na sambit niya.
Umangat ang mga kilay ni Vandros.
"Tuliro lang po ang isip ko. Nasa ospital po si Tatay at ooperahan sa puso. Wala po ako sa sarili kanina kaya  ‘yon  nangyari. B-Baka naman po pwedeng sa mga susunod na sahod ko na lang bawasin. Huwag lang po ngayon, sir," lumuluhang pakiusap niya, "Problemado na po ako. Gusto ko nga pong makiusap na i-advance na po ang mga sahod ko p—"
"That is not possible."
Kinapalan ni Heart ang mukha at naupo siya sa silya, sa harap ng mesa ni Vandros.
"Sir, Van, please po. Kahit po ako ang makiusap kay Senyora Carmen. Kahit po isandaang libo lang na pang down payment. Please po, sir," puno ng luha ang mga mata na pakiusap niya.
Sa pagkakaalam niya ay mabait si Carmel Montesalvo. Minsan lang niyang nakita ang babae roon at hindi na naulit pa pero palangiti iyon at nakikihalubilo sa mga tauhan. Baka maawa iyon sa kanya at payagan siya.
"Kilala mo ba ang natapunan mo ng pagkain kanina sa damit niya? He wears a Brioni or Armani suit almost everyday. Apo siya ni Senyora."
Diyos ko.
Napapikit ang dalaga. Wala na talaga siyang pag-asa rito. Baka magpakamatay na lang siya dahil sa mga nangyayari sa buhay niya. Parang ‘di na niya kakayanin pa. Ayaw na niya.
"Pakisabi po huwag naman nila akong sisantehin. Sir, alam niyo naman po na ito lang ang trabaho ko. Sana po patawarin nila ako ngayon. Unang beses ko lang naman po itong nagawang pagkakamali," pakiusap niya, "Saka baka naman po payagan nila akong bumale."
Bumale? Bumale ng gano’n kalaking halaga?
Yumuko na ulit siya at suko na. Sinong mayaman nga ba naman ang magpapautang sa kanya ng gano’ng halaga? Para sa mga mayayaman ay barya lang  ‘yon  pero mahalaga.
"Kailan dapat operahan ang Tatay mo, Heart?" Pag-iiba ni Vandros sa topic nila.
Umiling siya. Kilala ni Vandros ang ama niya. Minsan na iyong bumisita sa kanya sa Maynila at sa trabaho. Libre  ‘yong  pinakain sa restaurant. Sa isang taon ay dalawang beses pwedeng dumalaw ang mga kapamilya ng mga empleyado sa trabaho, libre ang pagkain doon sa loob ng dalawang araw.
"H-Hanggang bukas daw po siguro o sa isang araw. Down payment ang kailangan ko. Kapag hindi ay pauuwiin na nila si Tatay at wala na silang magagawa."
"Tapos paano ang balanse sa ospital? For sure they will not permit your father to leave until the bills are fully settled."
Umiling siya muli. Hindi niya alam kaya napaiyak siya.
"W-wala akong alam, sir. ‘di ko na po alam," tila tuluyan siyang nawalan ng pag-asa kaya wala na siyang magawa kung hindi ang umiyak nang umiyak.
"Umuwi ka na, Heart. I'll see what I can do. May kakausapin akong tao. Tatawagan kita. Leave me your number."
Tila nabuhayan siya ng katiting na pag-asa at sunod-sunod ang kanyang naging pagtango. Mas mabilis pa sa alas kuwatro niyang isinulat ang numero niya sa sticky note na iniabot sa kanya ni Vandros.
"Kahit ano, sir na trabaho o side line, o anong gusto ni Senyora Carmen na ipagawa sa akin. Sana po ay mapakiusapan niyo pong makuha ko na ang pera agad-agad para kay Tatay," aniya nang isulong  ‘yon  pabalik sa manager.
"I'll see what I can do."
"Salamat po," mahinang sagot niya. Sapat na  ‘yon  salita ng manager niya para makakita siya ng kaunting liwanag man lang sa madilim na kinalalagyan niya ngayon.
Tumayo na siya para umalis na. Wala ng dahilan para magtagal pa siya roon. Sana ay mapakiusapan na rin nito ang may-ari na saka na siya singilin sa pagkakamaling nagawa niya kanina. Huwag naman na sana iyong makisabay pa sa hirap ng buhay niya ngayon. Kahit na  ‘yon  naman na lang sana ay makabawas na sa isipin niya.
Pagkalabas niya sa opisina ay dumiretso na siya sa locker room para kunin ang kanyang bag. Iyon ang sabi ni Vandros, umuwi na muna siya. Baka mga naman sa katangahan niga ay maulit pa ang nangyari kanina at makaaksidente na naman siya ng tao. Baka sa halip na makaipon siya para sa amang may sakit ay makaipon siya ng bayaran sa damages na magagawa niya, dahil sa pagka tuliro.
Susko. Bakit naman sa dami ng tao sa mundo ay ang mismong amo pa niya ang natapunan niya ng pagkain kanina? Parang sobra ang dagok sa kanya ngayon. Patung-patong na sa ulo niya ang mga problema at isipin sa buhay.
"Kumusta?" Biglang tanong sa kanya ni Gigi na nasa may pintuan.
Best friend niya ito at kababata niya. Ito ang kasabay niyang lumuwas ng Maynila. Parehas sila ng kapalaran na magkaibigan, ang pagkakaiba lang nila ay nakapagpatuloy na si Gigi sa pag-aaral ng Kolehiyo, habang siya ay napag-iwanan na. Wala naman kasing sinusuportahan si Gigi. Wala itong kapatid.
"Anong nangyari?" Dagdag na tanong nito kay Heart.
"Pinauuwi na ako ni Sir Van. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin, Gi."
Tumingin siya sa dala-dala nitong plato. Lunch break na nila at toka-toka lang ang pagkain nila. Hindi pwedeng maubos ang lahat ng serbidora sa restaurant kapag sabay-sabay na nananghalian.
"Anong ibig mong sabihin? Masisesante ka dahil sa nangyari na  ‘yon ? Sino ba kasi ang nakaimbento ng number 9 at 6, isa-salvage ko na? Nalito ka tuloy."
Natawa siya nang kaunti. Sira ulo talaga si Gigi.
"Huwag naman sana," malungkot na sagot niya.
"Ano ba ang totoong nangyari? Magsabi ka nga habang lunch break pa ako. Alam ko may nangyari. Hindi ka pa nagkakaganito sa trabaho. Ikaw ang most outstanding waitress of the year. Ikaw ang pinakamagaling sa atin. Alam mo 'yan. Bakit nagkagano’n ka kanina, Heart?"
Napatigil siya sa pagsasara ng zipper ng bag at yumugyog na naman ang mga balikat. Hindi niya napigilan ang muling pag-iyak.
"Hoy…" nataranta si Gigi na pumasok sa kwarto na  ‘yon  para aluin siya.
Inilapag nito ang plato sa mesa at inakbayan siya kaagad. Yumakap siya sa kaibigan.
"Si Tatay…"
"Diyos ko! Anong nangyari kay Tatang?" Naitikal siya nito.
"Kailangan operahan at hindi biro ang gagastusin. Five hundred thousand, Gi. Saan ako kukuha no’n? Wala naman kaming yaman."
Halos dumausdos siya sa paghagulhol. Napakahirap maging mahirap. Parang pakiramdam ni Heart ay hindi patas ang mundo.

"Tahan na. Alam ko mahirap sabihin pero gagawa tayo ng paraan. Bukas, magpapatulong ako sa mga magdi-day off. Papupuntahin ko sa mga ahensya ng gobyerno. Tapos hihingi ako ng tulong sa kanila. Kahit mahirap ang five hundred thousand na makuha, kakayanin."
Diyos ko. Paano kakayanin? Hindi niya alam. Hindi naman siya nawawalan ng pag-asa pero alam niya ang kalakaran sa mundo. Hindi madali ang mabuhay na isang pobre.
"Humingi ako ng tulong kay Sir Van. Maghihintay ako ng tawag kung papayag si Senyora Carmen sa salary deduction."
"Oo, oo," maluha-luha na rin ito at pinahid ang mga luha niya sa mga mata.
Matatag siya pero pag tungkol sa pamilya ay napakahina niya. Nawawalan siya agad ng lakas kapag pamilya niya ang apektado. She has nothing except for her family. Ang isipin na mawawalan siya ng ama ay napakasakit para sa kanya.
"Mag-usap tayo pag-uwi ko ha. Matatapos na ang oras ko sa break. Mag-ingat ka ha."
She nodded when she wiped her tears. Wala na siyang magagawa kung hindi ang maghintay sa maitutulong ni Vandros, at habang lumilipas ang sandali ay parang lalo siyang nanghihina.
Tinanaw niya ang kaibigan na lumabas ng locker room. Lumingon pa si Gigi at puno ng pakikisimpatyang ngumiti sa kanya. Tuluyan niyang isinukbit ang bag para umuwi na. Kahit siya man ay gusto niyang umuwi para makapag-focus sa pag-iisip ng solusyon sa problema, hindi iyong nasa trabaho siya pero okupado ang buong utak niya ng problema.

SA PAGLABAS niya sa restaurant ay may pahabol sa kanya ang katrabaho niya. Pinakikisuyo na makipadala ng pera sa Eagle Express para raw sa mga magulang na nasa probinsya. Tinanggap naman niya  ‘yon  kasi wala naman siyang gagawin. Mabuti iyon at malilibang pa siya sa paglalakad sa tabing kalsada, habang nag-iisip, papunta sa Eagle Express. Huwag lang siyang mawala sa sarili at baka masagasaan na siya o dahil sa katangahan ay siya ang bumangga sa sasakyan.
Hawak niya ang bag at naglalakad nang marahan nang may biglang may humablot doon mula sa likuran, kaya naman gano’n na lang ang panlalaban ni Heart.
Biglang humalakhak ang lalaki at binitiwan ang bag niya nang lumingon siya.
"Bigat ah!" Sabi ni Franco kaya gano’n na lamang ang paghinga ni Heart nang maluwag.
"Akala ko kung sino na," tinatamad na sambit niya.
Nasulyapan niya ang lalaki. May dala itong bag.
"Saan ang punta mo, baby ko?"
Naalibadbaran siya sa itinawag nito sa kanya pero wala siya sa mood na makipag-bangayan. Masyado na siyang maraming iniisip para dumagdag pa si Franco Rodriguez.
Kalapit-upahan nila ito. Nasa katabi itong apartment, dangan lang na sila ay libre ang tirahan, habang ito naman ay nagbabayad ng upa para sa kakapirasong kwarto na inuukupa nito. Franco is working in an Accounting firm.
Mabait naman si Franco, matulungin din kaya lang ay napakayabang nito lalo na sa mga kwento pagdating sa babae. May mga itinuturo ito sa kanilang mga babae sa ‘di kalayuan ng apartment, mga naging girlfriend daw nito, at ang iba ay one-night stand. She doesn't know if it's true. Who cares?
Siya naman ay matiyaga nitong sinusuyo. Siya lang daw ang niligawan nito dahil kakaiba raw siya. At kapag daw sinagot niya ito, ipakilala siya nito kaagad sa mga magulang na taga Laguna.
Tumingin siya sa mukha nito. Gwapo si Franco. Mukha itong Bombay pero hindi naman ito purong Bombay. Kwento nito ay Bombay ang ina nito pero nang maghiwalay ang mga magulang ay napunta ito sa sa kustodiya ng ama at doon na naghirap ang buhay. Inayawan na raw ito ng ina kaya matindi raw ang galit nito sa mga babaeng gumugusto sa mga mayayaman para lang sa pera.
Ano kaya kung sagutin na niya ito para makahingi siya ng tulong para sa Tatay niya?
Kumurap siya at ngumiti.
Bigla itong napahilamos ng mukha, "Ganda naman talaga. Anong problema, Heart? Parang lutang ka."
Nag-umpisa muli siyang lumakad. "Nasa ospital si Tatay at ooperahan."
"Ha? E, saan punta mo ngayon?"
"Sa Eagle Express, may pasuyo si Aiza para sa family niya. Ikaw?"
"Do’n din. May papadala rin akong bayad para sa documents. Mukhang malaking pera ang kailangan mo, Heart."
Tumango siya, malungkot.
"May pera ka pa ba?"
She doesn't know how to answer it. Oo, may pera siya pero kulang na kulang.
"May ipon ako," sabi nito pero agad siyang umiling.
Ayaw niya. Maghahanap na lang siya sa iba. Pakiramdam niya kapag tumanggap siya rito ay mababaon siya sa utang na loob at hindi na siya pwedeng bastedin ito.
"H-Hindi na, Franco. Kailangan mo  ‘yon," mahina niyang sagot.
"Sus sa kailangan. Ayaw mo lang."
Lumipad ang mga mata niya rito.
"Feeling mo maniningil ako."
"H-Hindi naman sa gano’n, Franco. Nakakahiya naman kasi."
"Bakit ka naman mahihiya? Kailangan mo naman ng pera. Ang masama ay kung hindi. Wala naman akong hihingin na kapalit. Utang naman  ‘yon."
Hindi siya umimik at ibinaling ulit ang mga mata sa dinaraanan. Gipit na gipit talaga siya. Kung pwede lang niyang ibenta ang kaluluwa niya ng isandaang ulit para kumita, ginawa na niya. Sumasagi na nga iyon sa isip niya sa totoo lang. Baka mag GRO na lang siya kapag wala na siyang makapitan.



The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon