Chapter 50

1.3K 59 6
                                    


NAPALINGON si Heart sa bintana nang marinig niya si Mocha na kumakahol, alas otso mahigit ng gabing iyon.
Si Lexus lang ang kasama niya sa bahay dahil sa karinderya raw matutulog ang Nanay niya, ang Tatay at si Lexa. Dahil bakasyon naman ay si Lexa ang kasama roon ng Nanay niya. Si Lexus naman ang tagabuhat.
Napakaswerte niya rin na maaasahan ang mga kapatid niya at tulong-tulong sila.
Nagbibilang siya ng pera. Si Lexus ay inutusan niya saglit na maghatid ng balabal sa Tatay niya. Walking distance lang naman ang palengke kaya walang problema, pero sabi niya ay sumakay na.
Napakunot noo siya nang makakita siya ng sindi.
She immediately stood up and ran to the window, shutting it.
Ano ba ang umaapoy na  ‘yon ? Galit na galit si Mocha. Hindi kaya may kapre? Parang dulo ng sigarilyo ang nakita niya.
"Heart?" Tawag ng kilalang-kilala niyang boses sabay katok.
Si Lux Diyos ko! Kapre pala talaga! Ipakukulong na siya nito. Nagmamadali niyang tinakbo ang pintuan para i-lock iyon pero bumukas iyon at tumambad sa kanya ang napakaseryoso nitong mukha.
Sabi ni Gigi no’ng nagkausap sila noong isang gabi ay galit na galit ito.
Tumingin siya sa mga pera at agad na lumapit do’n at isinilid iyon sa kanyang bag, nagmamadali.
Mukha talaga siyang scammer pero wala siyang magagawa. She needs the money.
He was just looking at her and she couldn't do the same. Hiyang-hiya siya na hindi niya maipaliwanag.
Nasaan na ba si Lexus?
Saglit niya itong tiningala at inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng kanilang bahay, na kalahati ay simento, kalahati ay hindi niya maintindihan kung tabla ba o kahoy na mga pinagtagpi-tagpi.
Hindi niya napigil ang sarili na huwag makaramdam ng panliliit habang ginagawa  ‘yon  ni Lux. Agad siyang napahikbi, yakap ang bag.
"Nakita mo na ang buhay ng scammer na kabit tapos may isa pang lalaki na nilalandi? Anong masasabi mo? Nagsama ka na ba ng pulis at abogado para ipakulong na ako dahil sa laki ng perang nakuha ko sa'yo, kapalit ng sarili ko?" Umiiyak na sabi niya rito.
Uunahan na niya itong pagsalitaan dahil hindi niya matanggap na basta na lang hahayaan ito na lamunin ng kasinungalingan.
Ito ang pagkakataon na dapat niyang ipagtanggol ang sarili niya.
Nakatingin lang si Lux sa kanya at ang mukha nito ay napakalungkot tapos ay napatiim-bagang.
"Nakita mo ba? Kahalikan ko si Franco! Kayakap ko si Franco! Idedemanda mo ako kasi niloko kita!" Pumiyok siya.
Lux is just so relaxed, hands in his pockets but he swallowed.
"Niloko mo nga lang ba ako?" Tanong nito sa napakabait na paraan kaya napatanga siya.
Naiyak siyang muli habang nakatingala rito.
"Stand up," anito pa at napasinghot, "Halika rito sa akin."
Umiling siya, "E kung sakalin mo ako!"
Sukat doon ay tumawa ito at umiling, "Kahit na inakala ko talagang niloko mo ako at may iba lang lalaki, hindi ko naisip na sakalin ka. I was about to give you a fair trial. Kung si Diana nabigyan ko ng pagkakataon na imbestigahan, ikaw pa ba hindi?"
"Naniniwala ka sa akin?" She cried and hugged her bag tighter.
"Kahit wala akong nakuhang footage, magpaliwanag ka lang, alam kong maniniwala ako kahit siguro niloloko mo ako maniniwala ako," nanubig ang mga mata nito, "I never saw it in your eyes that you were only lying to me. Lahat alam kong totoo because your actions showed me more than words can tell."
Tumayo siya at lumapit kaagad kay Lux. Yumakap siya rito nang napakahigpit na para bang taon silang hindi nagkita.
"Mahal mo pa ako?" Tanong niya rito.
"Jesus. Mahal na mahal. Gumastos na ako ng ilang milyon mahanap lang ang mga nanakit sa'yo. Natagalan lang ako dahil hindi ko pwedeng iwan ang kaso ni Franco at Diana pero nandito si Vandros at Gigi, binabantayan ka."
Tumingala siya rito at hinaplos siya nito sa pisngi. Wala siyang maapuhap na salita kaya bigla na lang niya itong hinalikan.
Ito, ito lang ang lalaking gusto niyang humalik sa kanya at wala ng iba pa dahil ito lang ang lalaking mahal niya.
"M-May kasalanan pa ako sa'yo. Hindi ko sinabi kasi baka sabihin mo ay pinipikot na kita," amin niya rito dahil ngayon ay nasisiguro niyang hindi na ito mag-iisip ng gano’n. Kumpirmado na niya kung gaano siya nito kamahal kahit na magkakaanak na ito sa dating asawa.
Kunot noo si Lux na nakatingin sa kanya.
"Hindi ako nakakainom ng pills dati pa pagkagaling kong ospital."
"And?" Ngumisi na kaagad ito at kumislap ang mga mata, "Buntis ka?!"
Excited na sobra ang tunog ng boses ni Lux at agad siyang naangat sa sahig.
"Daddy na ba ako?!" Muli nitong tanong kaya napahagikhik siya.
"Buntis si Diana a, ‘di ka naman ganyan ka-excited."
"She's not pregnant, sweetie," anito saka siya ibinaba.
"Ha?"
"Though I felt disappointed because I really wanted to have a baby, I was thankful she was not pregnant. Ayoko lang na siya ang maging ina ng mga anak ko dahil hindi ko alam kung anong mabuti niyang maituturo sa bata. Salamat sa Diyos," she grinned, "Nandito pala ang totoong buntis."
"Hindi pa ako nagpapa-private doctor kasi tinitipid ko  ‘yong  fifty thousand. Ino’na ko  ‘yon  karinderya kasi pag ako naging single Mom wala akong ipambubuhay sa anak natin."
"Ah, balak mong solohin si baby. ‘di naman ako papayag d'yan. Ako ang gumawa niyan at kahit lahat ng private doctors sa buong mundo puntahan natin, dadalahin kita."
She giggled and hugged his neck.
"Mahal na mahal kita, Heart. Next time, don't run away. Find me first and tell me everything. May tiwala ako sa'yo higit kaninuman. Pinagbabasehan ko kung paano mo itrato ang pamilya mo kaya alam kong hindi ako nagkamali ng pagkakalilala ko sa'yo."
"Sorry," muli niya itong niyakap at pumikit habang nakasandal ang pisngi niya sa dibdib nito.
"Wala akong singsing pero bibilhan kita. Pakasalan mo ako pagkatapos ng annulment."
"Tanong ba 'yan, Mister Montesalvo? She looked up.
"Hindi. Demand, Mrs. Montesalvo."
Hinawakan ni Heart si Lux sa mga panga at tinanguan ito saka hinalikan sa labi. Syempre pakakasal siya rito dahil wala naman siyang ibang pangarap kung hindi ang maging isang legal na asawa.
Minsan man siyang naging babaeng sabit lang sa buhay nito, iyon sigurado ang paraan ng Diyos para matagpuan nila ang isa't isa. At nandito si Lux ngayon dahil ito ay para sa kanya at hindi para sa iba.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon