Chapter 35

1K 73 9
                                    

LUX lazily entered the mansion to look for his abuela. Sinalubong siya ng kapatid na si Katy, na talagang sadya rin naman niya para balitaan sa nangyari na pakikipag-usap niya sa ama ng batang dinadala nito.
"Kuya," masayang bati no’n sa kanya, may hawak na manggang hilaw.
Parang umasim ang bagang niya pagkakita kung paano nito lantakan ang mangga, na tingin niya ay sobrang asim.
Parang hindi na ito nag-aalala kung papanagutan man ng lalaki o hindi.
"Let's talk," aniya rito at sumeryoso naman ang mukha nito.
Naupo siya sa sofa kaya naupo rin si Katy.
"I just want you to know that I already talked to your boyfriend."
"A-Anong sabi?" Tanong nito at noon na parang nakaramdam ng pag-aalala sa sasabihin niya.
"They're just starting their lives, Katy. Hindi mayaman ang lalaking nakabuntis sa iyo, at ngayon pa lang ay sinasabi ko na, na nakikita kong hindi siya maguhustuhan ng Daddy mo. He is willing to take his responsibility. Iyon din naman ang gusto ng mga magulang niya, but they didn't want him to live in Cebu. His career is here. Nagpapagawa pa lang sila ng bahay galing sa sahod ni…"
"Caleb," salo nito sa kanya kaya tumango siya.
"You will choose Katy. He's willing to take you and your baby but he needs assurance that your father will not meddle. I said, you're still a minor and he has no choice. Mamili siya kung kulungan o panagutan ka. And I said that he was not in the right position to demand because he had corrupted a minor."
"And what did he say?"
"Basta hindi lang daw niya makakasama ang Daddy mo," aniya rito.
Hindi ito nakaimik. Alam na nitong sasabit ang lalaki ngayon kapag sumuway sa mga kagustuhan ni Alfonso.
"Kapag gano’n kasi parating makikialam si Dad. Gusto ko kay Caleb, kuya kaya lang baka siya idemanda ni Daddy," naibaba nito ang hawak na platito na may mangga at parang nawalan na ng gana.
"You have to talk to him. Dapat kasama ang mga magulang niya at magulang mo."
Nakatitig lang ito sa kanya na para bang imposible ang sinasabi niya para rito. Mas mabuti pa nga ito at tinatayuan ni Elisa, pero siya noon ay mag-isa sa lahat ng  bagay at ang lola lang  niya ang nariyan.
Napabuntong hininga ito at parang litong lito na kaya naman hinawakan niya sa kamay.
"He'll visit you. Magpapaalam lang daw siya sa manager niya," ngumiti siya rito kaya ngumiti rin ito, "Whatever happens, Katy I want you to pursue your studies."
"Oo, Kuya. Thank you for talking to him."
"Walang kaso," aniya naman saka siya sumandal sa sofa, kapa kaagad ang smartphone niya sa bulsa.
Tiningnan niya iyon kung may reply si Heart sa kanya. Sabi niya ay nakabalik na siya sa Manila at sinusundo na ang lola niya para makapunta sila sa lamay.
Napakamot siya sa ulo dahil kanina pa siya nag-text. Tumatawag nga siya pero hindi naman sumasagot.
"What?" Tanong niya sa kapatid na nakatingin sa kanya.
"You look so upset," ani Katy.
"No, I don't," tanggi naman kaagad niya.
"Sus si kuya!" Tumawa ito ng malakas, "Deny, deny pa e halatang patay na patay ka naman na sobra!"
Bwisit.
Pwede bang saksakan ng throw pillow ang bunganga ng buntis? Kung hindi lang masama ay kanina pa niya ginawa.
"Sinong patay?"
Lalong naalarma si Lux nang marinig ang boses ng lola niya kaya pinanlakihan niya ng mga mata si Katy.
"Patay… ako mamamatay sa paghihintay sa'yo, Ma," aniya saka tumayo at lumapit sa abuela niya.
Humalik siya rito at parang ‘di naman ito naniniwala sa sinabi niya, "I heard something and it was ikaw ang patay na patay."
"Kaya nga!" Aniya kaagad, "patay na patay na nga ako sa paghihintay sa'yo. What took you so long, Mama?"
"Oh, nag-ayos lang ako nang kaunti. Kumusta ang lakad mo, apo? Ayos na ba? Will Katy be okay now?"
"Yes, Ma. Maaayos ito basta maging mapagkumbaba lang din si Alfonso."
"You're right. This isn't about money anymore. Bata ang pinag-uusapan dito."
Tumango siya habang akbay ito saka niya inakay para makapunta na sila.
"Ingat kayo, kuya, lola," ani Katy na kumakaway sa kanila.
"Thank you, apo. Matulog ka ng maaga ha."
"Opo, lola."
Nang makalabas sila ay muli niyang tiningnan ang aparato niya. Wala pa ring text si Heart kaya ninenenerbyos na naman siya.
"Ikaw nga umamin sa aking bata ka. May babae ka ba?" Biglang tanong ng lola niya kaya naman ang reaksyon ng mukha niya ay hindi niya malaman kung gulat o ano.
"Naku," ani Carmen, kusot ang mukha, "Kilalang kilala ko ang mukha mo, Montesalvo. You have!" She declared and he was speechless.
"Pipigilan mo ba ako, Ma"
"O tamo, susko. Pati ako dinadamay mo pa. Magpa-annul ka na muna. Mahirap na baliktaran ka ni Diana. Mas mahirap para sa babaeng itinatago mo 'yan. Babae ako at against ako sa ginagawa mo pero naiintindihan naman kita dahil alam ko ang sitwasyon mo sa asawa mo. Kahit na ako ang ganyanin  ng asawa ko, makakapag-isip talaga akong maghanap ng pagmamahal sa iba, but you have to be legal, apo. Be civil," pakiusap nito sa kanya kaya tumango siya at binuksan ang pinto para rito.
Sumakay naman ito at nagkaroon siya ng pagkakataon na mag-compose ng message para kay Heart. Nag-iisip siya nang malalim kung bakit hindi siya sinasagot o nirereply ng asawa niya. Ano na naman kayang problema?
Tulala siya nang makapasok sa sasakyan. Humawak siya sa susian pero hindi naman niya inistart ang makina.
"Deluxe," untag ni Carmen sa kanya, "Ano bang problema at tulala ka? Baka lumipad ang kotse kasama ng utak mong lumilipad. Whoever that woman is, I think you're baldly in love with her."
"She isn't replying. I think she's mad. wala naman akong ginawa."
"Baka nagseselos kasi pupunta ka sa lamay at makikita mo ang asawa mo," kibit balikat ni Carmen kaya napatitig siya rito.
Yeah. Right. Nagseselos si Heart kay Diana kaya tinotopak.
"You're right,  Ma!" Bulalas niya saka dumukwang at niyakap sa ulo ang lola niya, hinalikan sa noo ng may tunog.
"Deluxe, my hair! You're going to ruin it," anito, "Susko, hindi kaya sabunutan tayo roon ng magnanay? You know me, hindi ako patatalo."
Bumuntong hininga siya. Hindi naman siguro dahil kahit paano ay matanda naman ang lola niya at dapat na igalang.
Isa pa, pupunta rin doon sina Vandros. Sabay-sabay silang makikilamay, at may message na nga sa gc na papunta na ang mga  ‘yon. Iisang sasakyan lang daw ang dinala, sasakyan ni Vandros.
"Hindi naman siguro, Ma. I hope so." Said Lux, composing a message for Heart.
Lux: Baby, we're going now. Don't be jealous. I'll be home with a complete sperm count.
Nangiti siya sa sarili niyang text tapos ay tumingin siya sa lola niya na iiling-iling naman.

Dumating sila sa funeraria na halos magkakasabay lang. He gave Heart an update. Kahit na walang reply ay patuloy siyang nag-a-update sa dalaga.
Binuksan niya ang pintuan para makapasok na sila, at agad naman na lumingon ang mga naroon.
"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong kaagad ng ina ni Diana sa kanila.
"Oh my God. This is what I was talking about," bulong ni Carmen sa kanya saka humawak sa braso niya.
"Eliz," anito sa babae pero umiling iyon.
"You're not welcome here anymore, Senyora Carmen. Hindi na kami magpapapasok ng kahit na sinong pamilya niyo, dahil hiwalay na si Yana sa apo niyo! Masama ang apo niyo kaya niya hiniwalayan ang anak ko. Sapat ba na dahilan ang pagiging busy sa trabaho para hiwalayan? Sobrang kahihiyan ang dinala niyo sa buhay ni Diana! Magsilayas kayo!" Tumatangis na sigaw ng babae babang inaalo naman ni Diana.
Gustong-gusto niyang sumagot pero hindi niya ginawa. May tamang pagkakataon para siya ay magsalita, at ang recording niya ng tawag kay Enrico ay sa abogado na niya ipinadala para mapabilis ang kanyang annulment process. He had a ground to file it.
"Papatulan ko 'yan, Lux," bulong ni Carmen sa kanya kaya nagkatinginan sila kaagad ni  Vandros.
To the rescue iyon at agad na inakbayan ang matanda.
"Let's go, Lola. Manonood na lang tayo ng opera, isang buong linggo, hanggang sa araw ng libing," ani Vandros at inakay na ito papalabas.
Naiiling na lang siya habang nakatingin kay Diana. This woman deserves not to be loved anymore. Masyado itong sinungaling at ngayon ay nakikita na niya ang totoo.
She's mad because Enrico turned her down. At nang talikuran ng lalaki ay sa kanya naman ipipilit ulit na isaksak ang sarili. That was funny and thank God for He never let it happen. ‘di sana ay buong buhay na siyang biktima ng isang babaeng dakilang manloloko.
Tumalikod na lang din siya at lumabas. Hindi naman din niya gustong makiharap pa ang mga ito, dangan lang naman ay gusto ng lola niyang makiramay. Pinagbigyan lang niya ang kagustuhan ng matanda.
Oo, malapit din siya kahit paano sa kanyang mga in-laws noon pero wala siyang magagawa kung ayaw tanggapin ang kanilang pakikiramay. It's better for him to go home and sleep beside Heart.
And fuck for he misses her so much.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon