Chapter 4

1.1K 50 4
                                    

Chapter 4

HINDI halos makahakbang si Heart nang tuluyang isara ni Vandros ang pintuan ng condo unit. Naroon na siya sa loob. Naihatid na siya. Napakaganda ng unit na  ‘yon, napakalaki na parang isang malaking pamilya ang pwedeng tumira. Napakayaman talaga ng lalaking bumili sa puri niya. Walang simpleng may kaya ang kayang bumili ng gano’n klase ng condo unit. Hindi lang basta may kaya si Kerokeroppi, ubod  ‘yon  ng yaman sigurado.
Ano pa bang gagawin niya, tatayo na lamang? Nag-text ang nanay niya na malapit na ang mga iyon sa Maynila. Kailangan na niyang magmadali sa pag-aasikaso ng certificate na siya ay virgin.
Tuluyan ng humakbang ang dalaga matapos niyang makapag-chat kay Gigi na naroon na siya sa bago niyang tirahan.
Tirahan nga ba o lugar ng parausan? Kahit ano pa man, wala na rin siyang magagawa. Kahit na ilang milyong beses man niyang tano’ngin ang sarili, ulit-ulitin sa sarili, wala na. Tapos na. Pagmamay-ari na siya ng isang lalaking mahilig sa sex.
Heart walked. May mga pinto siyang nakikita, tatlo, apat.
Hindi na niya naitanong pa kay Vandros kung saang kwarto siya tutuloy. Pwede naman siguro kahit na saan sa mga kwartong  ‘yon, basta nasa loob ng condo unit na  ‘yon.
Diretso lang ang tinumbok ng mga paa niya sa paglalakad. Pinakagitna rin na pinto ang tinapatan niya. She held the knob and twisted it. It ticked.
Bigla siyang nakaramdam ng takot. Mag-isa siya. Hindi naman siya takot sa multo pero dahil sa napakalaki ng unit ay nagkakaroon siya ng mga imahinasyon na mga hindi magaganda, mga nakakatakot.
Susko. Tinakot pa talaga niya ang sarili niya. She inhaled deeply and pushed the door.
Napanganga siya nang sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng kabuuan ng kwarto.
Everything is white. Parang tulugan  ‘yon  ng hari kung tititigan niya, napakaganda at napakaelegante sa simpleng aspeto. She doesn't know. Simple pero elegante. Ngayon lamang siya nakakita ng gano’n. Walang maraming abubot doon. May isang couch sa paanan ng kama, may dalawang bedside table. May closet, may sofa na kulay puti, may sariling telebisyon, malaki.
Naglakad ulit siya papunta sa isa pang pinto na kulay brown. Binuksan niya iyon at tumambad sa mga mata niya ang napakagandang shower room, na may banyo. Kulay puti rin iyon, highlights ay ang brown na kabinet na may lavatory na rin sa ibabaw.
Hindi na siya pumasok pa. Isinara ulit niya ang pinto na  ‘yon  saka siya dumiretso naman sa mga kabinet. Salamin ang mga iyon. Isa-isa pa niyang binuksan ang mga  ‘yon  pero lahat naman ay walang laman. She just put out her towel and her personal things. Isinaksak na lang niya ang kanyang bag doon, at ang dala niyang paper bag pagkatapos.
Pumunta siya sa banyo at pinakamasdan ang paliguan. Hindi siya tumapat sa shower dahil baka mamaya ay mainit ang ibuga no’n na tubig, baka pinakuluang tao ang labas niya.
Todo ilag siya sa tapat ng shower pero walang tubig. Peste! Pinaikot-ikot niya ang handle pero wala talaga. Paano siya maliligo kung wala roong tubig?
Aksidente niyang napindot ang laylayan ng handle ng control valve at bigla na lang bumuhos ang tubig.
"Ay! De push, pull pala. Naloka ako. Wala kasi nito sa Japan," natatawa siya sa sarili niya. Maligamgam ang tubig na lumalabas doon kaya naman napapikit siya dahil iba ang hatid no’n sa katawan niyang parang nanghihina kahit na umaga pa lang.
Daig pa niya ang isang kriminal na naghihintay ng oras ng kanyang bitay dahil mawawala ang kanyang virginity.

HAWAK niya ngayon sa kanyang kamay ang certificate na nagpapatunay na wala siyang anumang lacerations sa kanyang hymen. Mayroon na rin siyang sleeping pills at spray.
Nagtataka siya paano kung magising naman siya kahit na gumamit siya ng mga gano’n?
Naglalakad siya sa tabing kalsada at nag-iisip nang malalim. Alerto siya sa mga tawag at texts sa kanya kaya hawak lang niya ang kanyang phone.
Tumunog na nga  ‘yon, at kakambal ng pangalan ni Vandros ay ang kaba na bigla ring sumusulpot kapag nakikita niya ang number at pangalan ng amo.
"S-Sir…" tumikhim siya.
"Where are you? Dadaan ako sa condo."
"N-Naglalakad pa po ako, sir. Galing ako sa duktor. May tanong sana ako paano kung magising ako, s-sir? Paano  ‘yong  sabing papagamit ng tulog?" Luminga siya dahil baka may makaranig pero wala namang mga tao sa nilalakaran niya dahil office hours pa. Alas diyes pa lang ng umaga.
"Magpapanggap kang tulog. You will wear a blindfold. Hindi mo  ‘yon  tatanggalin, Heart. Terminated ang kontrata kapag may nilabag kang isa sa rules. You will repay."
Susko.
"H-Hindi ko po ibi-break ang rules."
"Alam ko. May tiwala ako sa'yo. Oh, there you are. Stop right there, Heart. I'll get the certificate."
She automatically refrained from walking. Tumingin siya sa kalsada at natanaw niya ang paparating na sasakyan ni Vandros. Tumigil ito sa may mismong tapat niya at bumaba. He's the most handsome Vandros ever.
Iniabot kaagad niya rito ang certificate galing sa duktor.
"Buy your fold, Heart. Maglibot ka sa condo building para makita mo ang kainan do’n. If you're hungry, grab something to eat. Here's the card. Ipapakita mo lang ito sa cashier. Anything you want, nando’n lahat. May grocery do’n sa baba. Ito rin ang ipapakita mo."
Kinuha nito sa wallet ang isang card na kulay platinum. Nakamasid lamang siya rito, walang salita. Kinuha niya  ‘yon  at saka siya tumango.
Hindi niya alam kung magpapasalamat siya dahil bayad naman lahat ng  ‘yon  ng kanyang serbisyo sa kama.
"Baka magbago ang rules. Depende  ‘yon  sa gusto ni boss."
Tumango siya muli. Kung sana ba ay kasinggwapo ng apo ng Senyora ang sinasabi nitong boss, kampante sana siya kahit paano.
Gaga man siyang matatawag, naghahangad din naman siya ng gwapong aangkin sa kanya, huwag naman literal na Kerokeroppi talaga.
Diyos ko. Hindi pa man lang ay nasusuka na siya.
"B-Binigyan ako ng pills. L-literal na pills p-para hindi…mabuntis."
Alanganin siyang nakatingala sa amo, na kaswal lang naman na tumango. Seems like Vandros is already immune to this kind of work. Ilang babae na kaya ang natulad sa kanya, na dating waitress nito? Hindi naman niya ito pwedeng ireklamo. Siya naman ang may kagustuhan ng lahat. Wala naman itong kasalanan.
Sinabi niya sa duktor na pinapunta siya roon ni Vandros.  ‘yon  kasi ang bilin nito kanina sa kanya. Parang alam na alam na rin ng duktor ang gagawin. Uminom na raw siya ng pills. Eksakto pa naman na kakatapos lang ng regla niya no’ng isang araw. May kaunti pa nga kahapon pero hindi na halos tumalab sa panty niya.
"Take it."
Halos mapapikit na naman siya. Wala siyang alam. Kapag nabuntis siya, paano? Pero susundin niya ang sabi ng duktor para siguradong walang mintis.
Hangal siya sa pakikipagtalik. Ni panonood ng mga malalaswang panoorin ay hindi pa niya nagagawa kailanman.
Balaha na si Batman.
"I'll go, Heart." Tumalikod ito pero agad na pumihit ang ulo papatingin sa kanya, "Nga pala, Lola Carmenzita already granted the request. Magsa-salary deduction ka na sa sunod na buwan. Ipu-fully paid ng management ang utang mo sa House Credit na laptop at idaragdag na lang sa utang mo sa restaurant."
"Talaga po?" Masayang tanong niya sa naiiyak na tono. Maluha-luha na kaagad ang dalaga.
"Yes. I told her your problem. Besides, may donation silang one hundred thousand. Galing sa foundation niya."
Napatalon siya at wala sa loob na yumakap kay Vandros.
"Salamat po!" Tuluyan siyang humagulhol pero marahan lang siya nitong hinagod.
"Pakatatag ka, Heart. You'll move on from this. Remember, hindi kita ipapahamak. Makinig ka lang sa pinag-usapan natin, makaka-survive si Tatang."
"Opo, salamat po," kusa siyang bumitaw dito at nagpahid siya ng luha.
Ngumiti ito nang kaunti sa kanya at saka muling sumakay sa sasakyan. She looked at his car as it moved away. Nang tuluyan na lumiit iyon sa mga mata niya ay saka niya binawi ang paningin.
She looked at the card in her hands and smiled.
Nasa tabi niya ang Diyos at hindi siya pinababayaan. Napakalaking halaga ng one hundred thousand para sa tulong sa ama niya.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon