OUT OF REACH.
Tang-ina! Makailang beses na nagmura si Lux nang hindi niya makontak si Heart. Pang-ilang tawag na niya iyon sa dalaga mula pa kanina.
Kating-kati na nga siya kanina pa na magkaroon sila ng pag-uusap. He was damn so excited for he never had any chance. Ngayon ang pagkakataon niya para makausap iyon dahil hindi na siya binubuntutan ni Diana, na kapag nasa sala siya ay gusto nasa sala rin. Para iyong isang asong ulol na ayaw mawalay sa amo. Kapag dumukot siya ng smartphone ay nakasiksik kaagad ang mukha at sumisilip.
Hindi na tama pero para na siyang nasasakal at hindi makalaban. Ginagamitan siya no'n ng armas, at iyon ay ang pagbubuntis no'n.
Ang ginawa niya para matahimik iyon ay sinamahan niya sa kwarto para mahiga lang.
Bukas lang ang pintuan at hindi niya isinasara. Nasa bahay sila nina Katy tumutuloy pero humingi siya ng hiwalay na kwarto.
Siya ang tumayong tagapamagitan sa pag-uusap ng mga magulang ni Caleb kay Alfonso. The entire moment, Katy was beside him. Ayaw no'n na bumitaw sa kanya dahil natatakot sa ama pero wala namang ginawa si Alfonso, at pasalamat siya roon.
Mas nanaig pa rin ang pagiging ama no'n kay Katy.
The family will now move to Manila. Susunod na lang si Alfonso at tatapusin ang termino sa pulitika. Mauuna ng sumama si Elisa sa kanila sa Maynila.
At masaya siya para sa kapatid niya na may mga magulang itong buo at nagmamahal dito.
He doesn't feel so envious right now. He was so happy for his sister. Iyon ang Heart magic, na naimulat siya sa tamang maramdaman para sa kapatid niya at ina.
Gano'n din ang ipinakikita no'n sa kanya, tinatanggap siya kahit na magkakaanak na siya kay Diana.
Nasa balkonahe siya sa mga sandaling iyon at humihithit ng sigarilyo, hindi mapakali. He called Vandros. It's already eight in the evening. Pang-unang gabi niya sa Cebu pero wala siyang natatanggap na kung ano mula sa girlfriend niya. Ang una at huling mensahe ni Heart ay pupunta raw sa duktor dahil magpapa-checkup.
Hindi na nga niya iyon nai-reply dahil si Diana parang mga teleskopyo ang mga mata.
Naireply niya iyon ay makalipas na ang isang oras dahil nagpanggap siyang babanyo.
Ngayon ay tulog na ang babae kaya naman nakatakas siya. Ang hirap ng sitwasyon pero kakayanin niya. He has to be strong for Heart without endangering his baby.
Tinawagan niya si Vandros para alamin kung anong numero ni Gigi.
"Bro," sagot nito sa kabilang linya, "Sorry, I was preparing something on my laptop."
"Number ni Gigi, meron ka?"
"Bakit?"
"Hindi ko makontak si Heart. I'm so damn worried here. She said she'd go to the apartment and stay there for several nights until I was back."
"Sige, pre. Sandali. Diyan ka lang."
Hindi siya sumagot pero may kaisipan siyang hindi maganda. Baka kung napaano na iyon sa clinic ng duktor. Hindi niya naman alam kung saang duktor iyon.
"Bro, hindi sumasagot si Gigi. Pupuntahan ko na lang. Tawagan kita kaagad."
Nawala na iyon sa linya kaya napahawak siya sa railing at napabuntong hininga.
"May problema ba, anak?" Boses iyon ni Elisa sa likuran niya pero umiling siya.
"Kanina ka pa rito. Tingnan mo 'yang mga upos ng sigarilyo mo. Para kang si Alfonso kapag nababalisa, nakakailang stick na halos mabangag na."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...