"Bye, sir!" One of his female employees in the lobby said when he passed by, yet he remained stern and grumpy.
Lagpasan lang ang tingin niya roon.
He couldn't fake a smile, damn it! Napakainit ng ulo niya mula pa kaninang umaga. Sa umpisa ay hindi niya maintindihan kung bakit gano’n ang mood niya pero habang lumilipas ang sandali, na parang may mga imahe na nakapkaster sa loob ng utak niya, nalaman niya kung anong ipinagpuputok ng butsi niya.
Mali ang kanyang nararamdaman. Hindi ‘yon tama dahil nabibwisit siya nang dumating siya kanina sa ospital, at nabungaran niya ang pesteng si Franco Rodriguez, nakahaplos sa ulo ni Heart.
He's claimant. In his mind, he was concluding that Heart was his. She's his woman, damn it! Walang ibang dapat na humahaplos kay Heart, siya lang.
Why was that man acting like he was her boyfriend? Baka nagsisino’ngaling sa kanya si Heart. Baka talagang may relasyon ang dalawa ng Franco na ‘yon.
And she didn't protest about the wedding. Siya naman si gago ay nag-alok pa na maging sponsor, tapos ay siya rin mismo ang nabwisit sa bunganga niya.
At hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya ang pagkabwisit.
Sumakay siya sa kanyang kotse. Naiinis siya kay Heart. Naiinis siya sa lahat. Wala siyang gustong kausapin ngayon. He wants to be alone and keep his stupid mouth shut.
He checked his phone after fixing his seatbelt. Salubong ang mga kilay niyang nagbasa ng messages.
May message ang ina ni Diana at may message si Heart. Ang ina ni Diana ay nagsasabi na ooperahan sa puso ang beyanan niyang lalaki. Si Heart naman ay nagtatanong kung pupunta siya roon.
Hindi siya nag-reply kaninuman.
Up until this moment he's still irritated. Iniisip niya kung saan siya pupunta. Ayaw naman niyang uminom dahil baka mabangga siya. The last time he got drunk, hindi siya nakasampa sa kama at sa sahig pala siya bumulagta. Ayaw na niya ng gano’ng pakiramdam.
It's better for him to head home and drink at home.
He revved his car after deciding and finally drove off. Matutulog na lang siya pero bago ‘yon ay iinom siya nang kaunti.
Habang nagmamaneho siya ay nakita niya na umiilaw ang smartphone, tumatawag si Vandros. Kinapa niya ang earpiece sa dashboard at ikinabit niya sa tainga.
"Ano?" Lukot ang lahat ng tissues sa mukha na tanong niya.
Humalakhak ito sa bungad niya, "Napakainit ng ulo mo. Dahil ba 'yan nasa ospital si Kapuso?"
Hindi siya umimik. Naiirita siya sa bunganga ni Vandros. Does this man really have to remind him of her? Ayaw nga niyang maalala dahil sa tuwing naaalala niya ay nakikinita rin niya si Franco Rodriguez sa balintataw niya.
Masama mang aminin pero nagseselos siya. Walang ibang pakahulugan sa galit na nararamdaman niya mula pa kaninang umaga.
His entire damn day was ruined all because of Franco. Ayaw niyang tanggapin dahil may asawa siya. Ayaw niyang tanggapin dahil kailanman ay hindi siya tinamaan sa babaeng binayaran niya para gawing palipasan ng oras. Ngayon lang siya nagkaganito.
"Anyway, nandito kami sa Kabibe. Baka gusto mong pumunta, may pa-dinner si Alejo, promoted as CEO ang kaibigan natin."
"I'll be there," mabilis niyang sagot.
"Isama mo raw si misis," anito pa na may himig ng pang-aasar pero hindi siya umimik.
Pinatay niya ang tawag at saka niya iniliko ang sasakyan. Mas mabuti pang do’n siya pumunta sa mga kaibigan niya, malilibang pa siya. Baka sakaling bumuti ang pakiramdam niya at makalimutan niya ang mga eksena sa ospital kanina.DUMATING siya sa restaurant at pumasok doon. Natanaw kaagad niya si Vandros na kumaway sa kanya. As always, he feels so envious seeing her friends dine with their wives with them. Siya kasi, bilang lang sa daliri na nakasama si Diana sa mga gano’ng event, pilit pa.
Lucky for Vandros because he's still single. Libre iyon sa mga tanong kung nasaan ang asawa. Nauubos na nga ang mga alibi niya, pero sa mga sandaling ito, Lux doesn't care if Diana isn't with him.
"Nandito na ang binata sa grupo," asar pa ng kinakapatid sa kanya.
Nag-beso siya sa mga kababaihan at kinamayan niya si Alejo, saka niyakap.
"Congrats, bro," aniya sa lalaki na ang laki ng ngisi.
"Where's Yana?" Tanong nito sa kanya pero ngumisi lang siya at umiling.
"Don't ask for the usual answer, bro," ani na lang ni Lux.
Wala na siyang panahon na magtakip pa ngayon na busy iyon, na maraming ginagawa, na pinasasabi ni Diana na pasensya na kahit na hindi naman talaga humihingi ng dispensa. He's so fucking tired of doing those foolish stuffs for her. She doesn't deserve that.
"Busy, as always," dagdag komento niya at tumango na lang naman ang mga iyon.
"Well, may isa pang blessing ngayon bukod sa promoted ako bilang CEO," ani Alejo saka tumingin sa asawa na si Destiny.
Siya ay nanatiling nakatulala sa wine glass, nakangiti pero ‘di nga niya alam kung totoong ngiti iyon.
"Destiny is pregnant with our second child."
Daig pa no’n ang pompyang sa tainga niya. Siya na lang ang walang anak sa kanilang tatlong magkakaibigan na may mga asawa. Si Rex at Vira, kambal ang mga anak. Si Glenn at Mirasol, tatlo na ang mga anak. Siya ay bugok pa rin. Bugok siya sa loob ng tatlong taon, not to count in the years he was fucking Diana a year before they got married.
"Cheers to that!" Aniya nang damputin ang wine glass at itinaas iyon.
"Cheers!" Sagot naman ng lahat.
Sinarili niya ang buntong hininga. Gusto na rin sana niyang magkaanak kaya lang wala pa sa mood ang misis niya, at baka nga hindi na magkaroon ng mood pa.
"Don't ask me if Diana is pregnant because my answer is a big, no and perhaps, it will never be a yes."
"Cheers to that!" Sigaw ni Vandros na nakangisi at sumakay naman ang lahat do’n.
He just shook his head. Sira ulo talaga si Vandros kahit kailan.
"May problema ba kayo ni Yana, Lux?" Tanong ni Mirasol sa kanya.
He looked at her.
"I mean, no offense. Matagal na rin naman kasi talaga naming napapansin na hindi siya sumasama sa ganito, na para bang hindi niya kami gusto o hindi ka niya sinusuportahan sa mga ganitong bagay."
"She's right," sang-ayon naman ni Vira, "We just don't want to ask you or confront you pero sa'yo na rin nanggaling. Mukhang hindi kayo okay ni Diana."
"I am a liar if I say that we're good," amin niya sa mga ito.
"Why not try marriage counseling?" Suhestyon ni Destiny.
Tumango si Alejo roon, "Yes, bro. She's right. That's the last resort of hope you can get when you're struggling with your married life."
Hindi siya umimik. Ngayon pa lang ay iniisip na ni Lux kung paano niya bubuksan kay Diana ang tungkol sa counseling na sinasabi ng mga kaibigan niya. Ano na naman ang sasabihin no’n? Parang nakikinita na niya pero bakit nga ba hindi?
If that's what it needs to start anew, why not? Baka mawala rin ang nararamdaman niyang hindi tama para kay Heart.
Tumingin siya kay Vandros at nakatingin na pala ito sa kanya, seryoso ang aura. Itinaas nito ang baso na hawak.
"Good luck, bro."
He just lifted his drink. Good luck talaga sa kanya dahil hindi niya maiwasan na mag-isip kaagad ng negatibong bagay. Hindi niya masisisi ang sarili niya dahil nasanay siya na kakaumpisa pa lang niyang magsalita, iba na kaagad ang sagot ng asawa niya.
He's not expecting that he'll receive a positive answer from her, not this time.
Hindi nga rin alam ni Lux kung gusto pa ba niya ng sinasabing counseling. He doesn't fucking need it, Diana does.NAGULAT si Lux nang sa pagbukas niya ng pintuan ng kwarto ay may babaeng nakaupo sa kama, nakasandal sa headboard at nakapatong ang laptop sa isang mesita.
Diana lifted her face and looked at him.
"Saan ka galing?" Tanong ng asawa niya sa kanya.
If it was still the usual him, he'd be happy to hear her asking where had he been, pero sa mga sandaling ‘yon ay tila ba manhid siya at walang katuwaan na makapa sa sarili.
"I had a dinner with the gang," simpleng sagot niya saka niluwagan ang kanyang necktie.
Naglakad siya papunta sa walk-in closet.
"They were looking for you," he said.
"They can never make me rich."
Napatigil si Lux sa pagkalkal ng damitan niya. So, is that the reason why Diana's working so hard, to become richer? Ilang milyon o bilyon pa ba ang kailangan nitong idagdag sa ipon sa bangko bago nito masabing mayaman ito?
"Promoted na si Alejo sa CEO. May second baby na rin sila ni Des."
"Saan 'yan papunta, Lux?"
Napakunot noo siya saka siya lumabas sa walk-in, "What do you mean, saan papunta?"
"'Yan, 'yan kwento mong 'yan tungkol sa anak." Masungit na turan nito sa kanya.
"Jesus. Wala akong ibig sabihin," halos malukot ang mukha ni Lux at umiinit na husto ang ulo niya ulit.
Hindi naman ‘yon gaanong nawala kanina kahit nasa harap siya ng mga barkada niya. He was still quiet and thinking.
"I told you, ayoko pang mag-anak. I'm still so young. Ikaw, matanda ka na kaya baka gusto mo na. Well then, sorry. It's not on my plans."
Napatiim-bagang siya lalo na nang irapan siya nito at dumutdot ulit sa laptop.
Matiim siyang nakatitig sa asawa, nagpipigil na huwag makapagsalita ng kahit na anong masakit.
"Nobody asks you to count it on your plans, Diana. Wala na rin ‘yon sa isip ko dahil hindi ko rin alam kung ilang taon pa o buwan ang itatagal natin. I can't bear to see my child grow up without a mother…or a father perhaps."
Tumalikod siya pagkasabi no’n. He felt that she looked at him and followed his footsteps toward the bathroom.
He meant what he said. Binura na niya ang sinasabing marriage counseling sa utak niya dahil alam na niya ang sasabihin ni Diana, it's going to be a big no.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...