Chapter 16
LuxLUX quietly walked inside the mansion. Si Siony ang nagbukas ng pintuan para sa kanya, patingin-tingin lang. Tumingin lang din siya rito, saka sa tuktok ng matarik na hagdan.
"Si Diana?" Tanong niya kahit na alam na rin naman niya ang sagot sa tanong niya.
He never saw her car parked in the garage. It means to say, she is not around.
"Pumasok na sa trabaho, sir. Sir... pasensya na k-kung nasabi ko kay Senyora," nakatungon sabi ni Siony sa kanya kaya tumango lang siya.
Syempre ay concerned ito dahil medyo bata pa siya ay nasa kanila na si Siony. Kahit na anong mangyari, nasa kanya ang simpatya nito at wala kay Diana.
"Wala na po 'yon, Manang Siony. Diana is just...different. I know that you don't have any intention," puno ng pang-unawa na sagot niya rito.
"Salamat po, sir."
"I'll take some sleep. Don't wake me up for a couple of hours even if I have phone calls," bilin niya sa babaeng kasambahay, na mabilis naman na tumango.
Humakbang na siya papunta sa hagdan pero nagpahabol si Siony.
"Paano po si Ma'am?" Tanong nito na nagpatigil sa kanya.
"Kahit sino pa, except for Mama," may katigasan na sagot niya.
If Diana wants cold play, he'll give her twice the fun of being cold. If he had made himself so available for her all the time, not anymore. Ibang Deluxe na siya ngayon. She taught him to be like this. She deserves it.
Lux continued walking after Siony gave him a light nod. Ramdam pa rin niya ang pares ng mga matang nakatunghay sa kanya.
"Sir, bakit hindi kayo mag-usap nang maayos?" Pahabol na nga ni Siony kaya naman napatigil siya sa pagpanhik, "Hindi naman sa nangunguna ako."
He sighed again and mentally shook his head. He was so damn tired of trying to talk to Diana. Wala naman do'n malumanay na usapan. Wala nga silang pinag-uusapan. Ang gusto no'n gano'n lang sila, walang pakialaman dahil ang rason no'n ay puro trabaho naman daw ang ginagawa no'n at wala namang iba.
'yon na nga. Trabaho lang ang karibal niya.
Diana is oozing with so much self confidence. Nang hamakin no'n si Heart sa harap niya dahil isa lang iyong waitress, nakuha na niya na masyadong bilib si Diana sa sarili, na sigurado no'n sa sarili na wala siyang ibang pwedeng ipalit do'n.
Well then, ang sinasabi lang naman no'n na waitress ay maasikaso. He appreciated her effort of washing his clothes though she was so damn tired at work.
"Para namang hindi niyo kilala si Diana, Manang Siony," 'yon ang naging sagot ni Lux sa kasambahay.
"S-Sayang naman kasi kung parating ganyan ang mangyayari. Tatlong taon na kayong mag-asawa."
"That's the point, Manang. We've been married for three years yet nothing has changed and it is getting worse. I'll let her do her thing from now on."
Tuluyan na siyang umakyat at iniwan si Siony. Kung nagpapaka-busy si Diana ay gano'n din ang gagawin niya sa buhay niya.
Heart
Nakangiting pumasok ang dalaga sa kwarto ng kanyang Tatay, pero kamutik ng mapalis iyon nang makita nita mukha ng Nanay niya ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Daig pa no'n ang nautangan ng sampung katao na hindi na nagbayad.
Ano kaya ang ipinagdadalamhati ng Nanay niya?
"Kumusta ang Tatay kong pogi?" Tanong niya sa ama, hindi na muna pinansin si Lumeng.
Nakangiti na si Conrad sa anak. Yumakap si Heart dito matapos na ilapag ang envelope sa may mesa.
"Pogi pa rin, anak," anito sa kanya kaya lalo siyang ngumiti, "Pasensya na, anak."
"Sus naman si Atay. 'Wag ng humingi ng pasensya. Magpagaling ka na kaagad para makauwi na."
Tumango ito at hinaplos ang ulo niya, "Kumain ka na?"
"Tapos na, Tay. Kayo ni Nanay?" Sumulyap siya sa ina at pasimple iyon na inilingan, dahil ang mukha no'n ay hindi talaga maipinta kahit na siguro ni Picasso o ni da Vinci pa.
Ngumiti iyon na parang nakuha naman ang ibig niyang sabihin. Nag-usap na kasi sila, na kahit anong maging problema ay sila lang na dalawa muna ang makakaalam. Ayaw niyang mag-alala ang Tatay niya dahil baka makasama lang dito lalo kapag nakaisip pa ng problema.
Siya nga kahit parang mababaliw na ay nilalakasan ang loob niya. Hindi na lang niya iniisip dahil kapag bumigay pa siya, paano na ang pamilya niya?
Iisang tao lang ang naiisip niyang kapitan ngayon, si Deluxe Montesalvo. Isa pa 'yon na gumugulo sa kanya, sa damdamin niya. Gusto man niyang tanggalin ang paghanga niya roon ay hindi niya magawa.
Talagang nasa impyerno na ang kaluluwa niya, naisip niya. May gusto siya sa lalaking may asawa na. Napakaimoral na talaga niya.
"Kumusta ka naman anak sa trabaho?" Malumanay na tanong ni Conrad sa panganay nito.
Nakangiting ibinalik ni Heart ang mga mata sa ama, "Maayos, Atay. Si Senyora Carmen, pinauuwi agad ako ng alas singko ng umaga dahil daw kailangan kong magpahinga dahil pumupunta pa ako dito. Tamo, Tay, ang bait niya no kahit na mayaman siya? Hindi siya matapobre."
"Mabait ka naman kasi kaya pinagpapala ka rin ng Diyos. Kahit na maraming problema, hindi ka pinababayaan ng Diyos."
"Oo naman, Tay," mabilis na sang-ayon ng dalaga. Wala siyang pagdududa sa bagay na 'yon, kaya nga hindi siya bumibitaw kahit napakahirap ng lahat.
"ANONG problema, Nay?" Tanong ni Heart sa ina nang makalabas sila sa kwarto. Doon na siya nakakuha ng tyempo na tano'ngin ito dahil peke ang mga ngisi nito kanina, kitang-kita niya.
"Nakausap ko si duktor, anak."
"May problema daw ba kay Tatay, Nay? Gumuhit kaagad ang kaba sa dibdib niya, dahil sa itsura ng Nanay niya, parang may malubha pang sakit ang ama niya.
"Sa bayarin," anito kaya halos mapapikit siya.
Diyos ko. Akala niya ay kung ano na, bayarin lang pala.
"Nanay naman. Sinabi ko na sa iyo na 'wag mo ng isipin nga. Akala ko tuloy may kung anong sakit pa si Tatay. Nakakatakot naman ang mukha mo."
Natawa ito nang kaunti kaya natawa rin siya, pero sumeryoso rin si Lumeng kapagkuwan.
"Mahigit sa three hundred thousand ang babayaran natin, anak. Hindi dalawang daan lang. Kulang na kulang ang pera natin. 'yong panggastos pa rito, do'n pa kinukuha." Problemadong sabi pa nito.
"Syempre, Nay. Alangan naman na hindi kayo kumain ni Atay. Ako na nga ang bahala. Naglakad nga kami ng katrabaho sa mga government agencies para sa tulong. May makukuha pa tayo sa DSWD saka sa PCSO."
"Ih," anito saka nag-umpisang umiyak kaya inakbayan niya kaagad, "Nakakaawa ka na kasi. Sobra-sobra na ang paghihirap mo, lahat mo sinosolo. Wala naman akong maitulong. Hindi mo naman kami obligasyon. Napakamalas mo na kami ang mga magulang mo."
"Nay!" Saway niya rito. Maluha-luha siya. Kahit na ganito ang lagay ng buhay nila, ni minsan man ay hindi niya hiniling na sana ay iba ang mga magulang niya.
Baka kung iba ang mga magulang niya, naranasan niyang masampal at paluin. Napakababait ng mga magulang niya, kahit na mga halos walang gaanong pinag-aralan. Masasabi niyang mga tao itong totoo.
"Kung anu-ano na ang sinasalita mo. Tama na 'yan. Gagawan ko ng paraan ang three hundred thousand o five hundred hanggang sa gamot sa paglabas ni Tatay. Pangako ko 'yan," aniya rito kahit na hindi naman niya sigurado kung may mamimina pa siya na gano'ng halaga.
Desidido na siya. Kapag wala na siyang makuha at ayaw na sa kanya ni Lux na dagdagan pa siya ng bayad, o mag-extend, sa ibang lalaki siya magpapabayad.
Napansin ni Heart na wala sa kanya ang atensyon ng Nanay niya. Nakatanga ito sa may likod niya.
"Anak, may duktor na pogi."
Agad siyang napalingon at siya man ay napatanga rin. Anong ginagawa nito rito?
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...