Chapter 15
LAPIT ka raw, gaga! Singhal ni Heart sa sariling isip. Humakbang siya kaagad bago pa magbago ang isip nito at layasan siya. Patawarin siya ng Diyos at ng asawa nito pero wala siyang ibang alam na kakapitan pa.
"Are you still safe?" Tanong nito sa kanya nang makalapit siya, kaya naman tumango siya.
Iniinom pa rin naman niya ang pills na bigay sa kanya ng duktor, hindi lang ang sleeping pills na hindi naman tumatalab iyon.
Hinawakan siya ni Lux sa magkabilang panga at saka siya hinalikan. Medyo naalangan pa siya dahil wala pa man lang siya ni mumog man lang. Her initial thought was not to respond to his kisses but she also did because it was necessary to respond.
And this man doesn't deserve to be called Mister K anymore. Hindi naman ito mukhang palaka na tinubuan ng malaking tiyan. Kabaliktaran ng lahat ng imahinasyon niya si Deluxe. He is close to perfect anyway.NAPABALIKWAS si Heart ng bangon at luminga sa paligid. Wala na siyang kasama sa kwarto, mag-isa na lamang siya at walang anumang saplot.
Humikab siya at niyakap ang unan. Gusto pa niyang matulog dahil doble ang pagod niya pero naalala niya ang Tatay niya. She has to visit her father and fix some papers. Kukuha siya ng mga requirements para sa paglalakad ng ayuda para sa hospital bills. She wants extra money, ‘di bale ng sobra ang maging pera, huwag lang kulang.
She sighed. Naamoy niya ang yakap na unan, amoy Deluxe Montesalvo. Ayaw ni Heart na alalahanin ang mga nangyari sa kanilang dalawa. Every piece must be deleted. Ayaw niyang mag-invest pa ng kahit na anong feelings do’n dahil may asawa na ‘yon at matatapos din ang lahat sa kanilang dalawa.
Nothing will happen between then except for plain sex. Pagkatapos ng lahat, bayad na siya at sawa na ‘yon sa kanya, babalik na siya sa kanyang normal na buhay.
Deluxe Montesalvo wasn't bad for her first experience.
Bumangon na ang dalaga at unang kinuha niya ay ang cellphone sa bag. She read a few messages from her siblings. Napangiti siya sa mumunting kwento ng kambal sa kanya. Nawala na ang kaba niya para kay Lexus. Malaking bagay sa kanya ang malaman na matinong nag-aaral ang mga kapatid niya.
Nagbasa pa siya ng ilang messages sa Mensahero, chat ni Cheesy, sasamahan daw siya sa pag-aasikaso niya ng mga requirements. She composed a message to reply but the door suddenly opened.
Gano’n na lang ang pagkatanga at pagkurap niya nang makita si Lux na nakatayo roon.
Shit!
Agad na naitakip ni Heart ang unan sa kahubaran niya pero kumibot ang kilay nito, na para bang nagpapahiwatig na mukha siyang tanga.
"I saw them," anito saka pumasok nang tuluyan.
Akala niya ay lumayas na ito. Ano na namang binabalikan nito sa kwarto?
Palinga-linga ito sa sahig tapos ay sa paligid.
"A-Ano pong hinahanap niyo?" Tanong niya rito.
"My wallet," anito sa kanya, sumilip sa kumot na nasa kama.
"Wala naman po akong nakuhang wallet kagabi sa pantalon niyo.
"Fuck," natutop nito ang noo, "I think I forgot it somewhere else," anitong tumigil na sa paghahanap at nameywang.
He looked at her and she blinked.
"Going out today?"
Tumango siya at inalis ang mga mata sa mata nito. Hindi niya ito kayang tagalan ng titig.
"P-Pupunta po kay Tatay saka mag-aasikaso po ng mga papeles para sa ayuda sa bayarin sa ospital," nahihiyang amin niya.
Sinulyapan niya ito muli.
Tumango ito sa kanya, "Good luck."
She smiled at him and nodded, "Thank you po, sir."
Tumalikod ito matapos siyang araruhin ng tingin kaya naman sumunod lang ang mga mata niya rito.
Nang tuluyan na lumapat ang pinto ng kwarto papasara ay saka siya tumayo para mag-asikaso. Daig pa niya ang taong nabubuhay sa dalawa o higit pang katauhan, mabuti, responsable at matuwid na anak na panganay, waitress sa umaga o gabi pero ang madilim na pagkatao ay nagtatago sa katauhan ng isang kabit ng bilyonaryong si Deluxe Montesalvo.
Aalis din siya sa pagkatao na ‘yon, ipinangangako niya sa kanyang sarili. Sa oras na matugunan na niya ang lahat ng obligasyon at pangangailangan ng pamilya niya, babalik na siya sa isang babaeng matuwid.
Gusto niyang maiyak sa pagkakamaling ginagawa niya. Ni minsan ay hindi niya pinangarap na makasira ng pamilya. Ang hindi niya alam ay kung may anak na si Deluxe. At sana ay huwag naman danasin ng magiging anak niya ang kung anumang sinapit niya.
Heart wants what's best for her family, how much more to her own children?
Patawarin sana siya ng Diyos sa pagiging isang imoral na anak niya sa ngayon.Lux
PASALAMPAK si Lux na naupo sa sofa. Every morning, it became his routine to check his grandmother. Kahit na gaano pa kalakas si Carmenzita, may edad na rin naman ang lola niya, na kailangang bantayan at silipin araw-araw.
Kapag nawala iyon, hindi niya alam kung paano niya matatanggap.
"My God! What happened to you?" Bulalas na tanong ng matanda nang makapasok sa kabahayan.
Galing ito sa paghu-hula hoop. Iyon ang exercise ni Carmen, at may schedule ng pagyo-yoga paminsan-minsan.
Clueless siyang tumingin sa Abuela, na parang hindi nasisiyahan sa nakikitang itsura niya.
"What?" Lux asked innocently.
Lumapit ito nang tuluyan sa kanya at hinalikan siya sa dalawang pisngi, pero natawa siya nang malukot ang mukha nito at pinaypayan ang ilong.
"You smell like alcohol. Did you drink?"
"Just a bit, Ma," tamad na sagot niya saka niya isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa.
"Ikaw nga magtapat sa akin, Deluxe. Is there something wrong?"
Umiling siya, "What makes you think that there's something wrong? Araw-araw mo naman akong nakikita. Masaya naman ako, ‘di ba?"
"Hmn," anito kaya nagmulat siya at tiningnan ang nakaismid niyang lola, "iba ang totoong masaya sa nagpapanggap na masaya. Baka nakakalimutan mong ako ang nagpalaki sa'yo. Kilala kita. Baka nga mas kilala pa kita kaysa sa kilala ka ng asawa mo," makahulugan na sabi nito pero napakunot noo lang siya kunwari.
"Don't make a face, Lux. Alam kong may mali sa inyo ni Diana. You don't have to exactly tell what's going on for me to fully decipher. Matanda na ako, marami na akong alam. Well, nagkamali ba ako sa pagpayag na pakasalan mo siya?"
"Ma," nakasimangot na saway niya sa lola niya.
Kaya nga siya pumunta roon para makapagpahinga, tapos ay kung anu-ano namang idadaldal nito sa kanya at tungkol kay Diana.
"Nagsumbong si Siony," anito kaya halos mapahilamos siya ng mukha, "Huwag mo siyang pagalitan," banta nito sa kanya.
Hindi niya ‘yon pagagalitan dahil parang pamilya na rin si Siony. Isa pa, anong magagawa niya kung magagalit pa siya. Nakapagsumbong na ‘yon kay Carmen, wala ng magbabago pa. Baka nakita lang din ni Siony kung paano siya nagalit kahapon kay Diana, na kahit kailan ay hindi pa nangyayari. They fight but not to the extent that he tosses a cup of coffee.
"Binatukan ka raw ni Diana," anito sa kanya.
"Hindi naman sinasadya, baka napikon lang," defensive na sagot niya.
"Napikon dahil late na siya umuwi?"
Diyos ko. Lahat na lang ba ay alam ng kanyang lola? Tumingin siya muli rito at hindi siya umimik, hanggang sa mapabuntong hininga siya.
Carmen hugged his head and kissed him, "Don't let other people take advantage of your kindness, apo. Kapag sobra na ang tao, hindi naman masamang ipakita sa kanya ang mga pagkakamali niya."
Lux felt that he was a little boy at this moment. Parang naluluha pa nga siya dahil yakap siya ng lola niya.
"Ewan ko ba, Ma, lahat naman ginagawa ko na. I respect our differences but at the end of the day, ako pa rin ang mali. Most of the time I question myself, ako ba talaga ang mali?"
"I have to be frank, Lux. The moment your wife ignored my calls, I was also questioning if you married the right woman. I certainly hope na magbago siya bago niya pa pagsisihan ang lahat," anito sa kanya.
Pakiramdam niya ay naroon na nga siya sa punto na kaya na rin niyang balewalain si Diana. He doesn't know why he feels that way, maybe it's because he's also tired of being the perfect husband. Bigla na lang na napuno na siya at ang nasa isip niya ngayon ay bahala na ‘yon sa buhay no’n.
Tulad ngayon, hindi na siya umuwi at lahat, wala pa ring pangangamusta sa kanya.
Tumingin siya sa smartphone niya at napakunot noo siya nang makitang may text si Heart sa kanya.
Kapuso: Thank you, sir. Ingat po sa pag-drive dahil baka po lasing pa kayo. Gagawa pa po ako ng maraming pera sa inyo, mga one month po, pwede?😁
May isang emoji na nakangisi sa hulihan ng text kaya napangiti siya. Gano’n. So, nag-i-expect ‘yon na i-extend niya ang kontrata para sa isang buwan?
Deal.
Biglang tumikhim ang lola niya habang nakatingin sa mukha niya. Lux immediately looked at Carmen's face, too.
"Who's that?"
"Ha? J-Just the telecom."
"Ah," tatangu-tango ito at parang hindi naniniwala, base sa eskpresyon ng banat na mukha, "Nakakapagpangiti na pala ngayon text ng telco."
He chuckled and kissed his abuela. Bagay ito at si Heart na magsama, parehas utak ewan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...