Chapter 26

998 64 4
                                    

NAKANGITI si Heart kay Vandros nang ihatid siya nito sa condo. Alalay siya nito papunta sa elevator pero napatigil siya nang lumabas naman do’n si Enrico. Nabuhayan ng ngiti sa mukha ang lalaki nang makita siya pero binalingan ng tingin si Vandros.
"You know him?" Pasimpleng tanong ng manager sa kanya kaya tumango siya.
"Heart," masayang bati ng lalaki sa kanya, agad na lumapit.
"Anong nangyari sa'yo? Ang tagal kitang hindi nakita."
"N-Nagkasakit kasi ako. Na-confine ako sa hospital."
"Kaya pala," anito saka siya sinuri ng tingin. Mukha itong may tama ng alak pero hindi naman masyado.
"Excuse me, Enrico," aniya saka tinanguan si Vandros para pumasok na sila sa elevator.
Kinakabahan siya dahil paano kung si Lux ang kasama niya ay magkakilala ang dalawa. Parang hindi na siya safe sa condo na  ‘yon. Kailangang malaman ni Lux ang lahat para makalipat siya. Kahit na simpleng apartment lang ay ayos na, basta wala sa kanyang makakakita.
"Kilala mo pala  ‘yon," sabi sa kanya ni Vandros nang sumara ang pinto ng lift.
"Opo e, nagpakilala po sa akin tapos no’ng bago ako maospital, pino’ntahan ako sa Macho cafe."
"And you like him?" Tanong nito pero agad siyang umiling.
Iba ang gusto niya. Si Lux ang gusto niya pero suntok din sa buwan ang nararamdaman niya roon. Kahit na maayos ang trato no’n sa kanya, parati siyang kausap sa cellphone o ka-text, hindi pa rin siya dapat na mag-assume ng kahit na ano. Siya ay isang kabit na bayaran. Masakit man tanggapin ay iyon ang mananatiling katotohanan.
"W-Wala po sa isip ko ang magseryoso sa lalaki, sir Van. Pamilya ko po ang priority ko," aniya.
Wala rin naman kasi siyang balak na seryosohin. Ayaw niya kay Franco. Kung magseseryoso si Enrico, ayaw niya rin dahil iba ang gusto niya.
"Masasabi mo ba 'yan kung may gustong magseryoso?" Ngingiti-ngiti na tanong nito sa kanya.
Sino naman ang tinutukoy nito, ang lalaking nakasalubong nila? 'Wag na lang. Mas pinili niyang huwag ng sagutin ang pasaring ni Vandros.
"Sir, kaya ko na po makapunta sa unit," aniya sa lalaki dahil alam niyang busy din naman ito. Sapat na ang ginugol nitong oras sa ospital para bayaran ang bills niya at ibili siya ng gamot.
"Ihatid na kita hanggang sa pinto. May mga damit kang dala, baka mapagod ka."
Hindi na tumutol ang dalaga. Sumabay na lang siya rito.
"Kapag may kailangan ka, tumawag ka na lang sa ibaba. Magpahatid ka ng pagkain, ‘di bale na may charge. That's what Lux said. You have to rest. Sa Lunes ka pa papasok. May tatlong araw ka pa para magpahinga at babalik ka na sa morning shift."
"Po?" Kunot noong tanong niya. Paiba-iba na ang schedule niya at hindi na niya maintindihan kung ano na ba talaga. Baka paglipas na naman ng ilang araw ay balik panggabi na naman siya.
"You heard me right. Same lang din
Mas maaga ka rin uuwi hangga't nandito pa ang mga magulang mo. You'll be out four in the afternoon. Alas seis nasa restaurant ka na."
Tumango siya, "Opo, sir."
Okay lang naman din dahil sa pag-out niya ay didiretso na siya sa ospital para samahan ang Nanay niya. Uuwi siya alas syete, may tatlong oras  din siyang nagugol para makasama ang mga magulang  niya. Sapat na rin  ‘yon. Parehas lang din naman ang sumatotal.

Pagkapasok ni Heart ay inilagay lang niya ang bag sa may couch sa paanan ng kama. May mga nare-receive siyang chats kanina pa galing sa gc nila pero hindi pa niya napapansin dahil kay Vandros.
Manager pa rin ang tingin niya sa lalaki kahit na nasa labas sila ng trabaho niya. Mas sanay at komportable na rin talaga siya kay Lux kahit na  ‘yon  naman talaga ang pinakaboss sa lahat.
Naglakad siya papunta sa kanyang balkonahe at binuksan ang pintuan. Nalula siya nang makita na nasa mataas na bahagi siya ng condominium pero saglit lang  ‘yon.
She stepped out when a cold wind blew on her face. Napangiti siya at naalala ang probinsya. Wala pa ring tutulad sa napakasariwang hangin ng probinsya anumang oras.
Naupo siya sa silya roon at binuksan ang kanyang cellphone para tingnan ang chat sa gc pero sa Nanay niya na text ang una niyang nakita at tiningnan.
Nanay: Nak, pwede na raw lumabas si Tatay sa isang araw.
Natuwa siya sa nakita niyang message kaya naman agad niyang tinawagan ang ina.
"Nanay," aniya nang sagutin no’n ang cellphone.
"Nak, lalabas na si Tatay sabi ng duktor."
"Oo, Nay. Salamat sa Diyos. May mauuwian na kayo,  ‘yong  sabi kong paupahan ng manager ko."
"Hindi na anak, papadiretso na kami sa probinsya, sa ambulansya na lang kami sasakay tapos didiretso kami sa ospital ng gobyerno. Bibigyan naman daw kami ng referral na i-monitor ng ilang linggo ang Tatay niyo."
Agad siyang nalungkot sa kaisipan na hindi na pala niya makakasama ng medyo matagal ang mga magulang niya sa Maynila. Kung bakit naman kasi nagkasakit pa siya. Tuloy ay nawalan siya ng panahon sa mga magulang niya.
Napahikbi siya sa kaisipan na mag-isa na naman siya sa Maynila.
"O, 'wag ka ng umiyak. Makakapagbakasyon ka rin naman sa atin at kami rin dito, kapag maayos na talaga ang tatay mo. Tumawag kasi sa akin ang kapatid mo. Nagsasalita na raw ang tiyo Apolo ninyo tungkol sa pagtira do’n ng kambal. Ang mahal mahal daw ng bigas, dagdag palamunin pa raw."
"Anong palamunin?" Umalsa ang galit niya at medyo nahilo pa siya nang tumaas ang boses.
"Nagpapadala ako ng pera, Nay! Kakapadala ko pa lang! Ang kapal naman ng mukha niya samantalang kay lolo naman ang palayan na kinukunan ng bigas!"
"Hindi ko nga maintindihan, anak. Pinag-iisipan niya ang mga kapatid mo, samantalang no’ng nanganak naman ang tiya mo sa apat nilang mga anak ay ako ang parating kasama kahit halos ilang linggo kami sa ospital."
"Ang kapal ng mukha niya, nay!"
"Ulam lang daw kasi ang binibigay. Kakasya raw ba ang wampiti sa maghapon? Para lang daw  ‘yon  sa kambal, wala pa raw ang bayad sa bigas."
"Diyos ko!" Napatutop si Heart sa noo habang umiiyak.
Alam naman niyang wala silang palayan dahil lahat  ‘yon  ay nawala na ng mag-aral siya. Hindi na  ‘yon  natubos pa dahil din sa mga gastusan nila. Dalawang sagip na lang ang naiiwan,  ‘yon  ay sa parte ng tiyain na niya. Pamana  ‘yon  ng lolo niyang tenant ng isang malawak na palayan pero naubos halos lahat dahil sa sakim na panganay na kapatid ng Nanay niya. Nabawi ng may-ari ang malaking parte ng lupain at natira ang kakapiranggot sa kanila.
Hanggang ngayon ay nakasanla pa rin ang parte ng Nanay niya sa halagang sixty thousand. Unang sanla ay nang magkasakit ang tatay niya noon, pangalawa ay nang ma-confine si Lexa sa Malaria tapos ay enrollment niya sa College.
"Sige, Nay, umuwi na kayo at ang una mong gawin ay bumili ka ng isang sakong bigas para sa inyo nina Tatay.  ‘yong  mga gamot ha," pinahid niya ang mga luha pero masamang-masama pa rin ang loob niya sa narinig, "Sumunod kayo sa schedule ni Tatay para sa checkup."
"Oo, anak. Pumarito ka bago kami umuwi ha. Gusto ka namin makita ng Tatay mo," umiiyak na sabi nito sa kanya.
"Oo, Nanay. Bukas ng hapon pupunta ako d'yan at d'yan ako matutulog para makasama ko kayo."
"Sige, anak ko. Nakabalik ka na ba sa branch ng talagang pinapasukan mo?"
"Oo, Nay. Kakadating ko nga lang."
‘yon  kasi ang sinabi nilanh dahilan, na siya ay nadestino muna sa medyo malayong lugar dahil nawalan ng waitress, pero ang totoo ay nadestino siya sa ospital dahil sa UTI.
"O, sige na, magpahinga ka na muna. Tawagan mo ako ha o iteks."
"Sige, Nanay. Babye."
"Babay."
She ended the call and sighed. Tumingin siya sa kabilang building at sa kaliwa niya pero nagulantang siya nang makita si Enrico sa balkonahe roon.
Ngumiti iyon na ang aura ay nakikisimpatya kaya napabuntong hininga siya ulit.
"I didn't mean to listen. Nagpapahangin kasi ako dahil sa stress," anito na nagsindi ng sigarilyo, "Yan pala ang unit mo."
Hindi siya sumagot at itinuon ulit ang mga mata sa ibabaw ng mesang gawa sa mgga maliliit na sanga.
"I was out of town and just decided to leave the Philippines again. Mali siguro ako ng kino’nsultang tao para tulungan ako sa negosyo ko."
Tumingin siya rito.
Humihithit ito ng sigarilyo at parang may malalim na iniisip.
"Na-scam ka ba?" Tanong naman niya rito pero umiling ito.
"I hired my ex."
Ex? Napakunot noo ang dalaga sa tinuran nito. Sinong ex naman kaya ang tinutukoy nito ay ex ito ng asawa ni Lux ngayon.
Gusto niyang magtanong pero hindi niya magawa.
"A-Anong negosyo?"
"Traveling and tours."
Tumingin ito sa kanya kaya tumango siya. Iba naman pala. Baka ibang ex ang sinasabi nito dahil nasa Accounting naman ang asawa ni Lux.
"Sira na nga ang relasyon ko sa asawa ko kaya ako nandito, hindi ko akalain na sisirain pa lalo ng ex-girlfriend ko."
"Baka mahal ka pa niya."
"She told me she still does. Wala siyang idea na kaya ako nandito ay nasa process na kami ng paghihiwalay ng misis ko. I just got so shocked when my ex told me that I should divorce my wife and she'll annul her husband."
Diyos ko.
Napatigalgal si Heart at napakurap. Parang sobra naman siguro ang  naririnig niya. Masyado ng personal ang mga sinasabi nito, at noon lang niya napansin ang hawak nitong maliit na stainless na botelya, the ones she saw on TV. Lalagyan  ‘yon  ng alak kung hindi siya nagkakamali.
"I went out of town for site visitation. Sino’ndan pa ako," natawa ito na nailing, "Fuck, ayoko na sa kanya, Heart. Her parents never wanted me for her because I was not as rich as her husband. Tapos ngayon babalik siya. Kung maghahanap ako, gusto ko  ‘yong  dalaga at wala pang asawa."
Umiwas ng tingin ang dalaga dahil direktang nakatitig sa mga mata niya si Enrico. Pero may malakas siyang kaba na hindi niya maipaliwanag tungkol sa sinasabi nitong ex.
Pakiramdam niya ay hindi siya makakatulog kapag hindi niya nalaman. Bahala ng magmukhang tsismosa siya.
"Anong sabi mo sa kanya?"
"Ayusin niya ang relasyon nilang mag-asawa dahil sila ang gumusto na magkatuluyan silang dalawa. I told her I'd leave. I left her."
"A-Anong pangalan ng ex mo?" Tumigin siya rito pero natawa ito saka umiling, "Hindi ko sasabihin."
Bwisit! nainis siya dahil parang hindi nito sasabihin sa kanya. Lalo siyang nangangati na malaman dahil sa kakaibang kutob  niya.
Saglit itong tumitig sa kanya, nagdadalawang-isip kung sasabihin sa kanya o hindi. Nakipaglabanan naman siya para makita nitong tapat siya sa sinasabi niyang walang makakaalam.
"Your boss' wife."
Diyos ko.
Parang bomba na sumabog sa tainga niya ang mga salitang  ‘yon, at mas lalo siyang nalito kung dapat ba siyang maniwala o hindi.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon