Chapter 37

1K 79 17
                                    


Napabalikwas si Heart. Parang tuyo ang lalamunan niya at napatingin siya sa natutulog na si Lux. Matamis siyang ngumiti at hinalikan ito sa ilong.
Ang naalala niya ay binuhat siya nito papaakyat sa kama. Tumingin siya sa orasan ng kanyang cellphone at alas singko na ng umaga.
Bumaba siya sa higaan para mag-asikaso. Mukhang nalasing siya kagabi pero mabilis lang din naman na nawala iyon. Ngayon ay papasok na sila sa trabaho at kailan niyang kumilos. Ayaw niyang pumasok si Lux na hindi pa kumakain.
Bumaba siya at nag-umpisang kumuha ng mga pwedeng lutuin sa  ref. Iyong pinakamabilis lang ang kinuha niya dahil baka matagalan siya.
Nang makatapos siya ay napahawak siya sa kanyang tagiliran dahil bigla iyong sumakit na halos ikapilipit niya. It was so sudden and after a while it was gone. Para lang iyong nagdahilan.
"Morning, sweetie…" nakangiting bati ni Lux sa kanya sa may gitnang bahagi ng hagdan, nakasilip sa kanya.
Umayos siya ng tindig at ngumiti rin, "Morning, rapist."
Humalakhak ito sa kanya at pupungas-pungas pa.
"Matulog ka pa. Maaga pa naman. Mag-aasikaso lang ako tapos kapag gusto mo ng kumain, tawagin mo ako."
Lumapit siya rito at hinalikan ito sa labi. Sabay silang pumanhik at ito ay humilata ulit sa kama. Siya naman ay tumuloy sa banyo.
Parang kumukulo-kulo ang tagiliran niya. Kinakabagan siguro siya kaya hindi na lang niya pinansin iyon.

Siya ang naunang mag-asikaso pero siya pa rin ang nahuli kaya halos tumakbo siya papasakay sa sasakyan ni Lux. Nagbabasa ito ng message sa smartphone tapos ay napamura bigla saka ibinagsak iyon sa dashboard.
"A-Anong problema?" Tanong niya rito.
"Si Mama, birthday pala ngayon ni Mama. Jesus. I forgot it. Nagtatampo ang matanda at ‘di ko raw siya binati. May party siya mamayang gabi. I was so addicted to you and never paid attention to other things," tumawa ito nang sulyapan siya.
"Wala namang problema. Madali ka lang naman na makaka-attend do’n."
"Ang problema," hinawakan nito ang kamay niya, "Gusto ko nando’n ka. But they will suspect if you're invited and the other's are not."
Hindi siya umimik. Parte na  ‘yon  ng lahat, ang hindi siya mapabilang sa mga kasiyahan dahil wala namang nakakaalam na siya ay kakilalang personal ng mga Montesalvo."
"O-Okay lang," aniya kapagkuwan pero malungkot na siya sa loob niya.
"But Mama said you're invited!" Anito sabay tawa kaya ang laki ng naging ngiti ng dalaga.
"Talaga?" Nakangisi niyang tanong at tango ang sagot do’n ni Lux.
"I'll just shut the restaurant today. I'll call Vandros. Ang hayop na  ‘yon  kasabwat siguro ni Mama sa pagtatago ng lahat sa akin. I'll extend the invitation to all the waitresses, so you'll see your friends there."
"Parang nakakahiya naman na pumunta do’n. Wala naman akong damit."
"Baby, walang pasok ngayon. You don't have to go to work. Instead, find a dress to wear. Pasama ka kina Gigi."
"Hindi na. Meron akong damit pala,  ‘yong  sinuot ko noon. Pwede naman na itim ‘di ba?"
"Of course!" Natawa ito ulit.
"E kasi sa probinsya sina Nanay nagagalit kapag itim ang damit na pupunta sa birthday-an. Taliwas daw sa karamihan. Pero sa mayayaman siguro swerte ang itim. Black is elegant nga, sabi."
"What's important is, you came. Baka ayaw mo pang maniwala na inimbita ka ni Mama, basahin mo ang text."
"Anong regalo mo kay Senyo…Mama Carmen?" Nailang siya bigla sa sinabi niya pero nakangisi si Lux sa kanya.
"Nothing." Kibit balikat nito kaya hindi siya makapaniwala sa narinig.
"Napakabait mong apo."
"Baby, lahat na meron si Mama. I don't think she still needs anything."
"Sabagay."
"Mama isn't fond of material things. Masaya na siya sa lahat. You see, ang phone niya basic phone," humalakhak ito, "Siya na lang siguro ang tao sa mundo na may isang kiluhin ang bigat na phone."
"Sira ka. Lola mo  ‘yon  no," anaman niya rito pero tatawa-tawa ito.
"But I love her so much, you know," anito saka humalik sa kamay niya, "Siya ang nagmahal sa akin nang maghiwalay ang parents ko dahil nanlalaki si Mommy. But my grandmother is just so kind to still welcome Elisa, like nothing happened. She's just so…refined. Hindi ko alam paano niya nagagawa  ‘yon."
"Kasi si lola Carmen, hindi niya ibinababa ang sarili niya sa lebel ng mga taong… mapanakit," labi niya, "I'm not saying na mapanakit ang Mama mo pero subukan mo rin na intindihin siya. Tamo ikaw, hindi rin successful ang buhay may asawa mo. May dahilan ang bawat tao, Lux. Baka hindi lang sa iyo gaanong naipaliwanag pero baka may dahilan ang lahat. Mas mabuti sigurong patawarin mo na rin ang Mama mo habang buhay pa siya. Kasi ‘di mo alam, baka mapatawad mo siya pero hindi ka na niya marinig pa sa hinaharap."
Tumingin ito sa kanya at ang mga mata nito ay nagkaroon ng kaunting lamlam. Hindi ito nakaimik at parang tinamaan sa sinabi niya.
"Mahirap 'yan gawin para sa'yo alam ko, pero si Katy na kapatid mo na dati ay kasama sa galit mo, inaalagaan mo ngayon at ayaw mong masaktan. Ibig sabihin kaya mong magpatawad. Saka para maging masaya ka na rin na wala kang dinadala sa dibdib mo. gano’n siguro ang tao, hindi perpekto ang buhay. Kami, magkakasama, buo ang pamilya pero may mga kulang sa amin kagaya ng pera, pagkain, materyal na bagay, na kahit kailangan sa pang-araw-araw na buhay ay hindi namin nakukuha. Ako," nanikip ang dibdib niya, "Pag-aaral. Ikaw naman nasa'yo ang lahat ng yaman, wala kang problema sa pera at lahat ng materyosong bagay sa mundo pero wala kang ama at ina, pero ang nanay mo ay buhay pa, may kapatid ka, may lola ka. Tingin ko ay malaking bagay na  ‘yon  na dapat mong ipagpasalamat sa Diyos."
"Jesus," bulong nito saka napalunok, "Gusto mo ba akong paiyakin sa mga salita mo, Heart?"
"Ikaw, kung iiyak ka," she said and laughed.
Umiling ito saka ngumiti sa kanya, "Saan kita ihahatid, since ipasasara ko ang restaurant?"
"Sa restaurant na lang din para hindi sila maghinala na alam ko na, na ipapasara mo. Anong oras ang party? Sasabay na lang ako sa kanila. Baka do’n na lang ako magbihis sa apartment. Kukunin ko lang ang damit ko sa townhouse.
"Seven. Mag-ingat ka ha. I'll see you tonight. And text me."
"Opo," anaman niya.
Naghanda siya para bumaba na. She quickly kissed Lux and hopped out. Hindi na siya tumingin pa sa sasakyan at diretso lang siyang naglakad.
Narating niya ang restaurant at bumusina nama  si Lux sa likod niya, pero hindi na siya lumingon pa. Tuloy na siya papunta sa entrance nila at naroon na ang ilang mga kasamahan niya.
"Di ka nagbabasa sa gc," sita kaagad sa kanya ni Celine.
"Bakit?" Pagkukunwari niya.
"May order na si Sir Vandros sa kahera na pauuwin na tayo. Lahat daw tayo imbitado sa party ni Senyora!" Sagot ni Aiza sabay tili kaya tuwang-tuwa na nagsipag-tilian ang mga kasamahan niya.
"Sino lang nasa loob?" Tanong niya sa mga ito.
"Sina Gigi lang saka sina Denzel. Papatapusin lang daw ang mga customers at pauuwin na rin."
"Excited na ako, susko. Unang beses ito na may imbitasyon tayo. Baka dahil ito kay Heart kasi nakilala ni Senyora ang kaibigan natin. Lagi ka lang dumikit sa amin, Hearty para kasama kami sa mga parties!" Inosenteng sabi ni Feliz sa kanya sabay alog pa.
"Baliw talaga kayo. Dinamay niyo pa ako."
"Sira! Alam naman namin na sa iyo talaga malapit yon mag-lola mula no’n naospital si Tatang."
"Wala naman  ‘yon  kaso sa amin, Heart. Wag kang mailang. Hindi kami tulad nina Mabel. Kaya nga sinesante na dahil mga tsismosa. Kami, masaya kami para sa iyo kasi alam din namin kung paano maghirap sa buhay. Kaya kung may isang makaangat sa atin, masaya kami."
"Salamat," aniya, "Sama ako sa apartment ha. May kukinin lang ako sa bahay na damit tapos sabay tayo sa party mamaya," aniya sa mga ito.
"Sige, mag-ingat ka."
Pumihit siya at hindi niya inasahan na biglang malulusaw ang ngiti niya nang makita niya si Diana Montesalvo.
"Where's Vandros?" Nakataas ang mukha na tanong nito.
"Sino 'yan?" Usisa ng isa sa mga kasamahan niya pero si Diana ang humarap do’n.
"Hindi mo kilala ang asawa ng amo mo?" Mataray na tanong ng babae kay Janica at agad na parang nahintakutan ang mga ito, "I am Diana Montesalvo, Lux's wife!"
Baka ex-wife.
"S-Sorry po, Ma'am," hingi ng paumanhin ni Janica habang siya ay nakatingin lang sa babae.
"Ikaw, bakit ang sama mong makatingin?" Baling no’n sa kanya.
"Hindi po ako masamang makatingin, Ma'am. Nakatingin lang po ako dahil hinahanap niyo ang manager namin."
Hindi niya inaasahan na bigla siya nitong sasampalin kaya napasinghap ang mga kasamahan niya.
Gigil niya itong tiningnan dahil parang naghahamon pa ang tingin nito sa kanya. Kumulo ang dugo niya at hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanya para lumakas ang loob niya at saka niya ito sinampal ng kanyang body bag."
"Ang yabang mo!" Singhal ni Heart sa babae at napatili ito nang tila ma out of balance dahil sa taas ng suot na takong.
"Hindi kita pinakikialaman kala mo kung sino ka!" Galit na sabi niya saka niya ulit iyon sinampal pa gamit ang bag kaya natumba iyon ang tuluyan.
"Diyos ko!" Bulalas ni Vandros nang abutan sila sa gano’ng sitwasyon.
Agad no’n na dinaluhan si Diana at itinayo.
"Fire that woman!" Galit na utos no’n pero humahangos siya at kahit na si Vandros ay sinamaan niya ng tingin.
"Diana, ano bang nangyayari?" Tanong ni Vandros sa halip.
"Humingi ka ng tawad sa akin!" Utos din sa kanya ni Diana kahit na mukha itong bruha sa gulo-gulong buhok.
"Bakit ako hihingi ng tawad sa iyo? Ikaw itong naunang manakit tapos uutusan mo ako? Hoy, Mrs. Montesalvo, hindi mo ako pag-aari para paluhurin sa harap mo at ituring kang Santa. Kung gusto mo ng respeto, matuto kang ibigay  ‘yon  sa ibang tao!" Sigaw niya sa babae saka niya akma pang hahampasin kaya si Vandros ay lumaki na lang ang mga mata sa kanya.
Her teeth were pressing against each other so hard.  Pigil niya ang sarili na ihampas talaga ang bag sa babae.
Iniba niya iyon nang marahas saka siya nagmartsa papaalis. Kapag hindi siya umalis ay baka masabunutan pa niya ang walang hiyang  ‘yon.
Kahit nanay niya ay ‘di siya nasampal ni minsan, tapos sasampalin lang siya ng isang matapobreng si Diana? Hindi siya papayag. Mabait siya at matiisin pero kapag siya ay sobrang nasaktan, kaya rin niyang lumaban.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon