Chapter 31

1.1K 81 23
                                    

HAWAK ni Lux ang payong nang bumaba siya sa sasakyan at lumipat sa kabilang side, para ipagbukas ng pinto si Heart. Nasa parking na sila ng ospital, kaya lang ay medyo nasa malayo sila at kailangan pang maglakad ng dalaga para makarating sa mismong building.
"Tatakbo na lang ako," anito na kanina pa problemado sa payong. Wala raw pala  ‘yon  sa loob ng dala nitong bag, na basta na lang naman niya binitbit papaalis.
"Nope," he said to her and wiped her cheel using his thumb. Pinapantay niya ang blush on nitong inilagay kanina pa na parang hindi pala pantay.
Nagkatitigan sila.
"Finishing up the blush," aniya rito kaya napangiti ito.
"Ihahatid na kita sa may entrance. Baka mabasa ka."
"Sure ka ba? Baka may makakita rito sa'yo.
"Saglit lang naman. No one will suspect. Let's go, baby."
Dala niya ang mga pagkain at ito naman ay bitbit ang bag.
Sinipa na lang niya ang pinto ng sasakyan at saka ito pina ‘yong an. Humawak ito sa braso niya at hinayaan naman niya. The hell he cares if anyone sees. Papunta naman siya sa abogado niya ngayon para sa annulment.
Para sa kanya, si Heart ang tipo ng babae na gusto niyang ipakilala sa lahat na girlfriend niya. Hindi siguro ito titulado o mataas ang pinag-aralan, mayaman o ano pa man, pero mabuti itong babae at pinasasaya siya nito.
"Thank you," anito sa kanya nang marating nila ang entrance ng ospital. Kinuha nito ang mga dala niya.
"No small talks, baby." Paalala niya rito sabay hawak niya sa baba nito habang nakatakip sila ng payong.
"H-Ha? Small talks kanino?"
"Those who will attempt."
"Sus, wala naman. Saka nandito ako para kina Nanay, hindi po para makipag-small talk. Makakaalis kang mapayapa na walang small talks," anito pa sa kanya na parang inaasar siya.
"Kiss na," aniya rito saka siya pasimpleng luminga at hinalikan ito sa labi tapos ay pinindot niya ang payong at ibinigay dito.
"O, anong papa ‘yong in mo? Umuulan. Babalik ka pa sa sasakyan," ayaw nitong tanggapin ang payong pero umiling siya.
"Waterproof," aniya lang sabay kindat, saka siya tuluyang umalis. He just lifted his coat and covered his head.
"Mag-ingat ka!" Pahabol ng dalaga sa kanya.
"I will, baby."
It will be so very unmanly for him to bring that umbrella again. Hindi niya maaatim na siya ay magpayong tapos uuwi si Heart na walang pandong mamaya. More that what his mouth can utter, he feels that he cares for her a lot now.
Ayaw niya  ‘yon  magkasakit na ulit, worse is masaktan.

Pagbalik niya sa sasakyan ay nakita niya ang pag-ilaw at walang habas na pag-vibrate ng kanyang smartphone.
He looked at it intently and saw that it was Desire. Tinatawagan siya ng babae kaya naman sinagot niya kaagad ang kumare gamit ang kanyang earpiece.
"Sire," aniya rito.
"Don't dare check the gc. Nagawawala ang asawa mo. Ano ba ang pinagsasani nito, Lux? Pinagbibintangan niya kaming mga kunsintidor daw sa mga kalokohan mo? Sinulsulan ka raw namin na hiwalayan mo siya!"
"What is she talking about?" Kunot noo siya dahil wala naman talagang alam si Diana sa mga ginagawa nila ni Vandros. Kung may problema man, si Vandros ang unang tatawag sa kanya.
"Kaya nga tinatanong kita. Naiinis na kami, baka i-kick ko ito."
"Do it," matigas na utos niya.
Napakakapal naman ng mukha ni Diana na magwala matapos ang nalaman niyang katotohanan sa dalawa ni Enrico.
Fuck it. Kung hindi lang masamang magkwento ay ibubulalas niya lahat.
At nakukuha na niya ang lahat ng aksyon ng asawa niya. Dahil inayawan  ‘yon  ni Enrico ay nagbabalik loob sa kanya, kaya trying hard na maging mabuting asawa kuno, pero nasasaktan malamang sa rejection na natanggap mula sa first boyfriend no’n.
Well, sorry. Hindi siya panakip butas dahil minsan na siyang naging gano’n. Mula umpisa ay naging panakip na siya at sa ikalawang pagkakataon ay hindi na siya papayag, lalo na at may iba namang babae ang mas karapat-dapat na pagtuunan niya ng pansin at pagmamahal,  ‘yong  babaeng nagpapahalaga rin sa kung anong damdamin niya.
"Are you sure?"
"I'm sure. Saka na ako magkukwento pero hiwalay na talaga kami. She was only looking for a possible person to blame, innocent people to be precise. Remove her from your GC."
"You said it. I'll do it. I don't want to make friends with a woman who doesn't want to befriend me either."
Nawala ito sa linya kaya naman napabuntong hininga na lang siya. Diana will always be Diana.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon