Van: Your lady is here inside my car, crying.
Iyon ang chat ni Vandros sa kanya habang naglalakad sila ni Diana papasok sa mansyon. Halos iwanan niya ang babae at ni pagsabay ay ayaw niyang gawin. If she's really pregnant, pasensya na lang sa anak niya pero iba na siya ngayon.
Nagbago na ang damdamin niya at kung magkakaroon man ng koneksyon, bata na lang at suporta. ‘yon lang.
Sa living room sila napunta at pumameywang siya. May hawak na si Diana na mga papel.
"Evidences, baka ‘di ka maniwala. You can call the doctor if you want. He's an OB-Gyne. Sorry kung lalaki na ang nakuha kong duktor. He was the only available doctor."
"Yeah?" ngumisi siya at nagkunwaring tinitingnan ang mga dala nitong papel, "Then why I haven't seen any sign?"
"Sign?" Takang tanong nito, "Talagang naghanap ka pa ng sign, ha. Anong oras ba tayo naghihiwalay sa bawat araw? Hindi tayo nagkikita."
"Akin ba talaga 'yan?" Tanong niya pero lumagapak sa mukha niya ang mainit na palad ni Diana kaya nanigas ang panga niya.
Tumikwas ang sulok ng kanyang labi dahil sa ginawa nito.
"Ngayon pa lang, umpisahan mo ng kausapin ang anak natin na masanay na siya na hiwalay ang mga magulang niya."
Nanlaki ang mga mata nito na nakatingin sa kanya at parang hindi makapaniwala.
"How dare you?! Napakawalang hiya mong ama!"
"Don't accuse me of being an irresponsible father because you were also an irresponsible wife!" Gigil na hinaklit niya ito sa braso at pinakamasdan ang mukha, "sa oras na malaman kong nagsisinungaling ka at iba ang ama ng batang dinadala mo, makikilala mo talaga kung sino ang Montesalvo na sumamba sa'yo."
Binitiwan niya ito at tinalikuran pero nang lingunin niya si Diana ay nakahawak sa puson at may umaagos na dugo sa binti.
Jesus Christ!
Parang tinakasan si Lux ng dugo sa mukha at agad niyang nabuhat ang dating asawa para isakay sa kotse niya at dalahin sa duktor.KUMAWALA ang mga luha sa mata ni Lux habang naghihintay sa resulta ng pag-eksamin ng resident doctor sa isang ospital na hindi sikat sa Maynila ngayon at bagong tayo pa lamang.
Lalaki nga ang duktor pero wala siyang pakialam. Nakasandal siya sa pader at masama man na sabihin, naghihintay siya sa text ni Heart.
Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit wala siyang kasiyahan na nararamdaman sa pagbubuntis ni Diana…biglaang pagbubuntis, take note.
He's suppressing his damn self to stop thinking inappropriate thoughts about her pregnancy. Baka nga totoong buntis naman at siya talaga ang ama, napakalaki ng kasalanan niya sa anak nila dahil sa kung anu-anong kaisipan ang tumatakbo ngayon sa buong sistema niya.
The doctor went out of the room and so he stood up.
"Mister Montesalvo, right?" Tanong ng lalaki sa kanya.
This guy looks damn familiar.
"Yes."
"I'm doctor Christian Mayor. Your baby is safe."
"Thank God," nausal niya.
"Please take care of the mother. Medyo maselan siya. May mga ibinigay ako sa kanyang gamot kanina para inumin niya. Medyo mahina ang kapit ng bata kahit na dalawang buwan na. Kailan niya ng bed rest, complete bed rest at huwag na munang ma-stress sa trabaho o sa kahit no. Stress and numero unong contributor sa mga sakit ngayon."
Tumango siya.
"Is there a way to find out if the baby is mine?" Tahasan niyang tanong sa lalaki na kaagad na napatanga.
"T-There is a way but…are you not the father?" Takang tanong pa nito.
"I don't know."
"Hindi naman sa kinakampihan ko ang sino sa inyo ha pero paano kung ikaw nga talaga ang ama, ilalagay mo ba sa alanganin ang sarili mong anak?"
Umiling siya.
"I suggest you wait for how many months from now. Saka ka na magpa-DNA. Ililipat na siya sa kwarto maya-maya."
Wala na siyang naging sagot pa at walang lakas na lang na naupo sa bench chair. Hindi siya matatahimik ng ganito, lalo pa at may mga patunay na naghabol si Diana kay Enrico. Ang iho de puta na iyon.
Agad siyang tumayo ulit at naglakad papalabas ng ospital. Mamamatay siya sa paghihintay. Walang laman ang utak niya kung hindi si Heart, at lalo siyang pinahihirapan ng pag-iisip tungkol sa anak na ipinaama sa kanya.
He found himself calling Enrico at hindi ‘yon sumagot.
"Sumagot ka, tang-ina mo!" Gigil na sigaw niya sa aparato at ngali-ngali niyang ibato.
Tinawagan niya muli iyon at kahit na mapudpod ang screen ng smartphone niya sa katatawag ay hindi siya titigil.
Maya-maya ay sumagot iyon.
"Tang-ina mong hayop ka!" Bulyaw niya sa lalaki.
"Hayop ka rin! Puta ka, Montesalvo kaya kong makipagmurahan sa iyong hayop ka! 'Wag mong pinaiinit ang ulo ko na dati ng mainit ha. Kadarating ko pa lang galing U.S! Problema mong demonyo ka? Kung si Diana na
"Oo, si Diana! Ikaw ba ang ama ng anak niya?"
Saglit itong napatda, "Ano? Ikaw ang asawa hindi mo alam?"
"Answer me, Enrico. Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo. She was always with you a couple of months ago."
"Diyos ko, Montesalvo. Wala akong kinalaman sa pagbubuntis ng misis mo. Negosyo lang ang sadya ko sa kanya. Hindi ko na siya gusto. Sa maniwala ka man o hindi, wala kaming relasyon. Kaya ko 'yan patunayan sa iyo. Kahit magpa-DNA kami ng bata."
Napabuntong hininga siya. Nasasaktan na rin siya para sa sarili niya. Daig pa niya ang gago.
"B-Bakit? Are you suspecting that it isn't yours? M-May iba pa ba si Diana?"
"I don't fucking know and I'm helpless."
"Para mapanatag ka na hindi ako ang ama, willing akong magpa-DNA. Montesalvo, hindi naman ako masamang tao. Si Diana ang kumontak sa akin dito sa America, dati pa. She had been there, too. Nagkita pa nga kami do’n kaya niya nai-open sa akin ang firm. But God knows I was casual to her. I've been so formal. Wala akong kahit anumang intensyon o ano, dahil kagagaling ko lang din sa breakup sa asawa ko. May lalaki ang asawa ko at nakipaghiwalay ako nang mahuli ko. Alam ko kung paano maagawan at maloko kaya hindi ko ‘yon balak na gawin sa iba. Kaya gusto ko dalaga."
Tang-ina mo! Lalong ‘di mo makukuha si Heart.
"Whatever you say. Oras na mapatunayan ko na ikaw ang ama nito, mapapatay talaga kita."
"Damn it. Tawagan mo lang ako kahit anong oras, Montesalvo, makakaasa ka."
He ended the call and a nurse was standing at the door, looking at him. On the wall, he saw the resident physician's name.
Dr. Christian Mayor
CM General Hospital
"S-Sir, kayo ho ang asawa ni Ma'am?"
Hindi siya umimik pero hindi na niya kaya pang tanggapin na mag-asawa pa rin sila.
"Hiwalay na kami."
Yumuko iyon at tumango, "Ililipat na po siya sa kwarto."
"Pwede bantayan mo muna siya? I can't stand beside her, baka lalo lang mapasama ang lagay niya."
Tumango muli iyon at tiningnan siya.
He walked away. Iiwas siya dahil baka kung anu-anong masabi niya. Anak man niya o hindi ang bata, ayaw niyang may masamang mangyari dahil wala naman ‘yong muwang. Kung kanino man ‘yon, kanya man o ibang lalaki, tulad ni Katy na anak ng Mommy niya sa ibang lalaki, hindi niya gugustuhin na mapahamak.
Isa pa, kailangan niyang mapag-isa dahil litong-lito siya sa gagawin.
He wanted DNA testing right this very moment but how? Maraming isasakripisyo kapag ginawa niya iyon. Pero iisa lang naman ang kanyang nasisiguro, hindi na talaga niya kayang pakisamahan si Diana ngayon kahit para sa bata na lang.
Sumakay siya sa sasakyan at saglit na napasandal sa upuan, nakatingin sa pribadong ospital na iyon.
Nakita niya si Elizabeth na halos tumakbo papasok doon, nagmamadali. Tama na ang beyanan niya ang magbantay sa anak no’n dahil siya ay hindi niya ‘yon kayang gawin.
All of a sudden, everything turned so hard. Hindi matanggal sa isip niya ang mukha ni Heart kanina habang nagpapaalam sa lola niya at sa kanya. Her words were simple yet he knew that it came out along with her pain.
Kayang itago ng mukha no’n ang sakit pero hindi ng mga mata. Fuck.
Napapikit siya at napalunok.
He would never forget such a beautiful and innocent face, full of pain.
Heart…
Naluha siya habang nakapikit.
She just has to hold on. Itutuloy pa rin naman niya ang annument at walang nagbago sa damdamin niya.
Binuksan niya muli ang smartphone at napasinghot na lang at pinahid ang mata.
Lux: Baby, don't leave. Nothing has changed. Maselan lang ang pagbubuntis ni Diana pero itutuloy ko pa rin ang annulment. Just wait for me. I love you and her pregnancy can't ever change that.
Naghintay siya ng kaunti.
Tang-ina. Walang sagot.
Paano ba namang nabuntis niya iyon? Hindi na niya maintidihan ang nangyayari. Hindi na talaga sila nagtatalik pero noong mga nakaraang buwan ay mayroon pagkakataon, bago niya nakilala si Heart.
Kung alam lang niya, sana ay hindi na nangyari pa.
Pinausad niya ang sasakyan at lumarga na. Pinindot niya ang numero ni Katy roon st sumagot naman kaagad ang kapatid niya.
"Kuya," anito kaagad sa kabilang linya.
"Si Mama?"
"She's still awake and really waiting for your call. La-loudspeaker ko."
"Lux, kumusta?"
"Okay lang, Ma. I left the hospital. I can't stand beside her, Ma. Baka kung anu-ano pang masabi ko, makasama sa bata," pagod na sambit niya.
"Deluxe, bakit ka nagdudududa na ikaw ang ama. May kailangan pa ba akong malaman, ha? Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip. I'm too old for this kind of drama. Sabihin mo ang totoo."
"Nakausap ko si Enrico Mariano. Nagsabi siya sa akin na inuutusan siya ni Diana na hiwalayan ang asawa niya at hihiwalayan din niya ako."
"Oh my God! Are you sure about it? Baka siya ang ama!"
"No, Ma. Nakausap ko siya kanina lang. He is not the father and he was willing to take a paternity test."
"K-Kung gano’n, apo, ikaw nga malamang."
"Dalawang bagay lang ito, Mama, ako ang ama o hindi siya buntis. Ayaw na ayaw niyang magkaanak, Ma, paano siya mabubuntis? For sure, kaya hindi siya nabubuntis sa loob ng tatlong taon ay may ginagawa siyang paraan. Hindi ako makapaniwala na nabuntis ko siya. Ang inaalala ko ngayon ay kung totoo man, ayokong ipagsapalaran ang anak ko kapag pinilit ko si Diana na masunod ang mga gusto ko. Like what happened earlier. Halos makunan siya. I have to wait a little while. Kikilos ako," bumuntong hininga siya.
"You have a point, apo. Just take care. Ayokong masaktan ang apo ko kung sakali kapag nakunan si Diana."
Ngayon, naiisip niya na ang anak niya ay lalaki na tulad niya, hiwalay ang mga magulang. At kung siya ang tatanungin, it's not bad to have a broken family especially if the parents aren't longer connected to each other.
Kung toxicity lang din naman ang makikita ng mga anak niya habang lumalaki, ano ang silbi ng pagiging buo ng isang pamilya?
At ngayon baka kaya hindi pa siya nagiging ama ay dahil ipauunawa pa sa kanya ng Diyos na ang pagiging magulang ay hindi lang basta pagsuporta sa pinansyal sa anak, o paghubog ng pagkatao no’n. Obligasyon niya na bigyan iyon ang magandang pagsasama ng mga magulang, hindi iyong bangayan at batuhan.
Sa kaso ni Diana, anong magandang ehemplo ang ipakikita nila sa bata? Wala.
At hindi pa siya talo dahil malakas ang loob niya na ginagawa lang ito ni Diana para balikan niya.
Pero pasensya na dahil hindi na siya mauuto pa.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...