HE pushed the door of the office when he didn't find his secretary at her table but he was halted when he saw luggage on the floor, just in front of a teenager.
She's wearing a black jumper and a white cap, hair was parted and dangling in front of her chest.
"What the hell are you doing here, lady?" Salubong ang mga kilay na tanong niya sa dalagitang kapatid.
Nakatingin lang ito sa kanya kaya isinara niya ang pinto.
Ang laki na ni Katy at napakaganda sa edad na desi sais. Daig pa nito ang isang beauty queen. Sitting on a sofa with a very straight back and crossed legs, she could pass a Bb. Pilipinas candidate.
"Anong ginagawa mo rito, Katyleene Anne?" Seryosong tanong niya ulit gamit na ang buo nitong pangalan pero umiyak ito bigla kaya napatigalgal siya.
"Jesus," aniya at saka ito nilapitan.
Tinaggal niya ang suot nitong sombrero at pinakamasdan ito.
"Kuya," anitong napahikbi ulit pero bigla na lang itong napatakip sa labi at parang naduduwal.
Daig pa ni Lux ang binuhusan ng yelo sa kinauupuan niya. Hindi siya nakakilos nang tumakbo ang kapatid niya papunta sa banyo.
Fuck.
Nanlalaki ang mga mata niyang tumunghay sa bonsai na nasa center table.
Mauunahan pa ba siya ni Katy na magkaroon ng anak?
Biglang nawala ang pagkatulala niya nang rumehistro sa utak niya ang totoong edad ng kapatid na naduduwal. Hindi dapat siya mag-isip ng advance. Baka naman sinisikmura lang ang kapatid niya o may hyperacidity. Porke ba naduduwal lang, buntis na?
Tumayo siya at kinolekta ang sarili. Sumunod siya sa may pintuan ng banyo, na hindi na nagawa pang isara ng nakababata niyang kapatid. From where Lux stood, he could watch his sister and study her.
Matangkad talaga ito, siguro ay 5'8. Tatangkad pa ito sigurado dahil wala pa itong desi otso. Namana nito parehas ang tangkad ng ina nila at ng ama nitong isang Fil-Australian. Ang ina naman nila ay Filipina-Latina, at ang middle name nila ay Ortiz.
Dumuduwal ito sa lavatory at siya ay nanonood lang. Paluluksuhin na niya ito para makasiguro siya at huwag ng manghula pa.
"How many months?" He asked, still staring at his sister. Magkakrus ang mga braso niya sa dibdib, normal lang ang aura ng mukha at pati na tindig.
Maya-maya ay tumigil na ito at parang hinang-hina. Hindi niya malaman kung siya ay lalapit para haplusin ito sa likod o ano. Hindi naman sila malapit sa isa't isa pero bakit narito ito ngayon?
"Four weeks, t-three days," mahinang sagot ni Katy sa kanya.
"Fuck!" Napamura siya, "Alam ba ito ni Elisa?"
Humarap si Katy at parang hindi makapaniwala sa narinig na sinabi niya. He just called their mother by her first name.
Umiling ang kapatid niya.
"Bakit ako? Shit, Katy! Bumiyahe ka mula sa Cebu papunta rito. Buntis ka sa edad na desi sais?"
"Kuya, please. Huwag mo na akong pagalitan," anito sa kanya na namumula ang mga mata sa pag-iyak.
"Whoa! And you want me to throw a party?" Sarkastiko niyang tanong pero hindi naman mataas ang boses niya, "Hindi ito dapat."
Naglakad siya papunta sa mesa niya at agad naman itong pumihit para tingnan siya, "Please no."
Napatingin din siya rito at umiiyak na naman ito.
"Daddy will get so mad."
"You have to face it, Katy. Paano ka nakalusot sa tatay mong batas militar?"
Nagtataka siya na sobra. Ang ama ni Katy ay isang politician, si Alfonso Allen. Mahigpit ang lalaking ‘yon sa pagkakaalam niya. Kahit na nga siya nang pumunta roon, una at huling bisita niya sa inang ipinagpalit sila sa lalaking ‘yon, pinaghigpitan pa siya.
Bawal siyang gumala kapag lagpas na ng alas nueve. Hindi iyon umiimik. Wala iyong kinakausap kung hindi si Elisa lang. Kahit na si Katy ay kinakausap lang no’n ay kapag papaalalahanan na huwag magbo-boyfriend, huwag gagamit ng bawal na gamot, huwag sasama sa mga lalaki at huwag maglalandi.
Pero sa murang edad nito ay nangyari ang ilan sa mga ipinagbabawal ni Alfonso. Worst is, she's pregnant.
"Sino ang ama niyan at ipahahanap ko?" aniya rito, "That's the only help I can give. Bukod doon, wala na, Katy. I have to inform you that I don't want to get involved with this. What will your parents say?"
Hindi ito nakaimik at parang nanlulumo na naupo sa upuan sa harap ng mesa niya.
He sighed and put his hands on his hips, eyeing his sister.
"He was a basketball player. B-Bagong dating siya sa apartment namin kasi nando’n ang pinsan niya p-pero…he's gone," malungkot na sabi nito at nag-umpisa na namang umiyak.
Hindi niya alam kung sisisihin ba niya ito o hindi. Kahit naman sisihin niya ito, wala naman siyang magagawa. Katy is already pregnant now. Nothing will ever change.
"Kailan pa siya nawala? Simula nang malaman na buntis ka?"
"S-since…since that night it happened…" tumingin ito sa kanya, laglag ang mga mata at puno ng mga luha.
Ngayon napansin ni Lux ang mga mata nitong itim ang ilalim, parang hindi na natutulog. Nakaramdam din siya ng awa dahil babae ito at lalaki siya.
He is a responsible man to his woman. Gusto niyang magkaanak para alagaan pero ang kapatid niya ay tinakasan ng lalaking nakabuntis dito.
And that man is a basketball player?
Sumakit ang ulo ni Lux at napaupo siya sa swivel chair.
"Kumain ka na ba?"
Umiling ito kaya halos mapabuntong hininga siya. Tiningnan niya ang sandamakmak na papel sa ibabaw ng kanyang side table. Kailangan niya ‘yong pag-aralan kaya napakaaga niya sa opisina, pero tila mas maaga ang nakababata niyang kapatid kaysa sa kanya. And this lady knows his company.
"Let's go. I'll treat you to breakfast. I have a lot of questions and you have to be honest to me," he declared and Katy just nodded.
Spoiled ito, brat nga kung tutuusin pero ngayon ay tila nag-matured na ito sa nakikita niya. No, she's still immature for him, that's why she got pregnant at the age of sixteen. And he couldn't just turn his back on Katy. Hindi nga niya alam kung may iba itong kamag-anak sa Maynila, dahil kung meron man, bakit sa kanya ito pumunta kahit na hindi naman sila close?
Hinawakan ni Lux ang kapatid sa siko nang tumayo ito. Alalay niya ito dahil baka bigla itong mahilo o kung ano. Ayaw na niya ng babaeng matutumba sa harap niya, baka mauna siyang himatayin kahit na brusko siya.
Sa paglabas ay nariyan na ang kanyang bagong hired na secretary. Baguhan iyon dahil nag-resign na ang dati niya kailan lang, pero mabait din si Angelina, at mapagkakatiwalaan.
"Anj," aniya sa babae na agad tumingin kay Katy.
"Ay, akala ko po wala pa kayo. Pinapasok ko na po ang kapatid niyo. Nakita ko po kasi ang I.D, iisa kayo ng nanay."
"It's okay," he said, "Nobody will ever know about this."
"Yes, sir. Makakaasa po kayo."
"Thanks. Hindi ko alam kailan ako makakabalik. If there's an urgent matter needed, give approval."
"Yes, sir," tango ulit ng babae sa kanya.
Inakay na niya si Katy papaalis. Hindi mapaghahalataan na kapatid niya ito dahil sa tangkad nito. Parang girlfriend niya ito kung tutuusin, huwag lang titingnan ang mukha na napakabata pa naman talaga.
Pumasok sila sa private lift at sa parking na sila bababa, pero kinuha niya ang smartphone sa bulsa ng coat nang makapasok sila sa elevator.
He composed a message.
Lux: Heart, my sister is here. I'll try my best to see you before you go to bed.
He sent it without thinking and that's the time he realized and asked himself why he did that.
Napatingin siya kay Katy na nakatingin sa smartphone niya.
"Katy, bakit mo ite-text ang isang tao na ‘di naman kayo gaano pang magkakikala, informing her or him what you're up to?"
"I like him?" Patanong na sagot nito sabay kibit-balikat kaya inilipat niya ang tingin sa may itaas ng lift.
I do like her.
"K-Kuya, ‘di ba may asawa ka na?"
Malapit ng mawala.
Hindi niya sinagot ang kapatid at naitikom na lang naman nito ang mga labi. Kung anuman ang isipin nito ay wala siyang magagawa. Hindi naman ito basta-basta magsusumbong. In the first place, wala naman sa ugali ni Katy ang manghimasok. Noon pa man, hindi ito nakikialam sa kung anong bagay o usapan ng mga matatanda.
She just manages her own life. Namana nito iyon sa Mommy nila dahil ang ama nito ay kulang na lang pati na ang isusuot na kulay ng panty ng anak ay pakialaman.
"Kuya, please don't let me go home," anito nang mag-angat ng paningin sa kanya.
Nakikita niyang may takot ito sa mga mata. Normal lang naman ‘yon pero hahanapin ito ng mga magulang kapag hindi niya ito pinauwi.
"It's normal for you to be afraid but you have to go home."
Umiling ito sa kanya at mukhang desidido talaga na huwag umuwi sa Cebu.
His phone vibrated and it caught his attention again. Lux opened the messaging app.
Kapuso: May kapatid ka pala. Gwapo ba?
Napakunot noo siya. Puro na lang ba gwapo ang gusto ng mga babae sa buhay?
Lux: MAGANDA siya.
Kapuso: Ay babae pala.
Asa ka pa na may iba ka pang makukuha na gwapo. Ako lang ang gwapo, Heart Chavez. Itaga mo 'yan sa arteries ng tatay mo.
Nanlaki ang mga mata niya nang tumingin siya sa thread.
Fuck! He just sent the words in his mind and there's no way he could undo it.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Mistress
RomanceHeart has no other option to make except to ask for help from her manager. Kailangan ng kanyang ama na maoperahan sa puso sa halagang limandaang libong piso. Bilang panganay na anak ay sa kanyang mga balikat nakaatang ang bigat ng responsibilidad na...