Tristan Point of view."Ahh! Ang dami mo namang tanong. Hanapin mo nalang siya, sabihan mo nalang ako kapag nahanap mo na siya, okay ba?"
"Bakit? Papatayin mo ba siya? Kapag sinabi kong patayin mo siya, papatayin mo ba?" tanong ko.
"Pasensya ka na.. pero nandito lang ako para hanapin siya dahil may nagutos sa akin." saad niya.
"Gusto mo ng pera? I will give you! milyon? bilyon? Basta mapatay mo lang siya."
Tumawa naman siya ng sarcastic.
"Hindi ako mukhang pera, hindi pera yung kailangan ko. Alam mo kung sinu-sino ang mga pinapatay ko? Yung mga walanghiyang demonyo na hindi man lang nabigyan ng hustsiya. You can call me, Mr. J as in Justice."
Nalaglag naman ang panga ko nang sabihin niya iyon.
Natawa lang siya sa reaction ko.
"Ikaw yun? Yung nagviral na police na killer? Drake tama ba?" hindi niya lang sinagot ang tanong ko kaya nagsalita nalang ako ulit.
"Masamang tao yun, he killed my sister! And I need justice for that! I want you to kill HIM!" Sigaw ko.
"Okay, pero kapag nahanap mo na siya. Maghihintay lang ako dito, nakakapagod na kasi kanina pa ako dito, ikaw naman. Para fair diba?" nakangisi pang saad niya at umupo sa may branch ng puno. Nakikita ko sa mata niyang ngumingiti o ngumingisi siya.
Hindi niya ba ako papatayin? Siguro hindi kasi wala naman akong kasalanan?
Tumango lang ako at nagsimula nang maghanap at malayo-layo na ako nang biglang may umaalingawngaw na police car.
Nansilakihan ang mga mata ko syempre, paano sila napadpad dito!?
Hindi ko na rin makita yung Mr. J kasi nakalayo na ako sa kaniya.
"Tristan! BATA!" Mas lumaki pa ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Dark.
Bakit siya nandito!?
Hindi ko siya sinagot at mabilis akong tumakbo para hanapin pa sana si Frederick.
Hanggang sa narinig ko ang putok ng baril, napatigil ako. Fuck si Dark!
"DARK!" Sigaw ko na para makita niya na ako at nang makabalik ako sa pinanggalingan ko kanina ay nakita ko si Frederick na tinutukan ng kutsilyo ang leeg ni Dark.
I think ang baril kanina ay galing sa mga police na pinaputok sa ibabaw para patigilin si Frederick pero ginawa niyang hostage si Dark.
Nagulat ako syempre, nanlakihan din ang mga mata ko lalo na't nakita ko ang kutsilyong hawak niya. Iyon ang hawak nung nagpakilalang Mr. J kanina.
So nasaan na siya!? Bakit bigla siyang nawala? Tsaka naalala ko na nakagloves siya ng itim at nakahoodie ng itim na para bang may pinlano siyang patayin.
Hindi eh may dugo na ang kutsilyo kaya ibig sabihin lang nun ay may pinatay na siya?
Pero bakit hindi si Frederick? Sino yung pinatay niya? Bakit siya pumunta dito para ano? at kaninong dugo ang nasa kutsilyo na 'yan kung hindi niya naman sinaksak si Frederick ni kahit isa!?
Wait may pinatay na ba talaga siya?
Tinignan ko ang buong paligid para mahanap yung Mr. J na yun pero hindi ko na siya mahanap pa.
Kalaban ba siya o kakampi!?
Ano ka ba Tristan, killer siya so bakit mo iniisip na kakampi mo siya!? Ah bahala na!
"Kaninong kutsilyo ‘yan?" tanong ko na.
"Nakuha ko lang dito sa sahig, dinampot ko para patayin ang kaibigan mo!" sigaw niya.
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...