CHAPTER 68: RING
"You're so gorgeous, baby," manghang puri ni Felix sa akin habang pinapaanood niya akong mag-ayos.
Light make-up lang ang ginagawa ko dahil may propesyonal namang gagawa no'n mamaya. Gusto ko lang mas maging presentable bago ang photoshoot.
"Thank you!" Humagikgik ako at hinalikan pa siya sa pisngi niya matapos kong maglagay ng lipstick.
Napalayo siya sa akin at tinignan ang pisngi niya sa salamin. Akala ko ay magrereklamo siya pero mas lumawak ang ngiti niya. "Love this!" Ni hindi niya iyon binura!
Si Felix ang naghatid sa akin at si Arvid naman ay pansamantala naming iniwan kay Tita Ellise. Ang saya ko dahil unti-unti na nilang tinatanggap si Arvid!
"You looks fabulous, Ms. Astrid!"
Suot ko ang kulay baby pink na maxi dress nang matapos akong ayusan. Komportable ang tela kahit niyayakap no'n ang curve ng katawan ko, spaghetti ang strap at may slit sa kaliwang bahagi. It's giving elegant yet seductive vibe!
Sinunod ko ang lahat ng pose na ibinigay nila sa akin. Clothing brand lang naman itong minomodelo ko ngayon pero ang dami nilang pinapagawa.
"Perfect! Now, turn your back, Ms. Astrid," utos sa akin ng direktor kaya hinawi ko ang buhok ko paharap para ipakita ang detalye ng suot ko sa likod.
"Nice shot!" Nang matapos ang papuri niya ay humarap na ako ulit sa camera pero napatakip ako ng bibig nang makita si Felix na parang prinsipeng nakaluhod sa harap ko! Pormal pa ang suot nito. Kanina ay naka-black t-shirt lang siya as his top.
"Felix..." hindi makapaniwalang tawag ko sa kanya nang makita ang hawak niyang maliit na box na may lamang singsing.
"Astrid, baby, thank you for still taking care of me and our son even you were busy achieving greater things. Are you willing to have in your side to take care and protect you forever? Will you my own Mrs. Saavedra, Astrid?" emosyonal na paliwanag niya habang kitang-kita ko ang adorasyon at pagmamahal sa nanunubig na mga mata niya.
"Yes! Of course, yes, Felix!" ulit ko habang malawak ang ngiti lalo na nang isuot niya ang singsing sa akin bago siya tumayo at hinalikan ako sa labi.
"Thank you and I love you, baby!" ramdam ko ang saya sa boses niya. Tinupi ko ang isang binti nang bigla niya akong binuhat at inikot.
Humalakhak kaming dalawa. At kahit maraming nanonood, hinaplos ko ang pisngi niya at yumuko para muling angkinin ang labi niya. "I love you, Felix."
Hindi nawala ang ngiti ko nang makauwi kami sa mansyon. Sinalubong kasi kami ni tita Eliise at Arvid.
"You're on time! Lunch is ready!" balita niya at ibinigay sa akin ang anak. "He missed you both."
"Salamat po, tita," marahan ding banggit ko at napatingin kay Felix nang pumulupot ang braso niya sa bewang ko.
"Mom, can you tell what changes with Astrid?" mapanlarong tanong niya sa mommy niya.
Napangiti naman ako nang maalala ang surprise proposal niya kanina sa mismong photoshoot ko.
"Huh? Is there any?" litong banggit ni tita at pinakatitigan ang mukha ko.
Habang buhat ang anak ay itinaas ko ang kamay ko para ipakita sa kanya ang daliri ko. Mabilis niya iyong nakuha at nakita kong napangiti siya. "You proposed to Astrid! You really love each other, huh? I still can't believe this but welcome again to our family, Astrid!" masayang sambit ni Tita Ellise dahilan para matuwa kaming parehas ni Felix.
"Thank you po, tita!"
Umiling siya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti. "You can call me 'mommy' again, hija!"
"Thank you, mommy," pagpalit ko sa tawag sa kanya dahilan para humagikgik siya. Sunod ay si Felix naman ang nagpasalamat sa mommy niya.
Lahat kami ay nasa living room nang dumating ang hapon. Nilalaro namin si Arvid nang biglang dumating si tito.
"Hon, you're early today!" bati sa kanya ni Tita Ellise at niyakap ito.
"Well, I missed my apo!" natutuwang sagot nito at agad na nilapitan si Arvid. Tumawa naman ang anak. Tumabi ako kay Felix para hayaan muna si Arvid sa lolo at lola niya.
"Baby, do you want to get married now?" malambing na tanong niya at niyakap ang bewang ko.
Mabilis akong tumango. "Sabi mo next week," dagdag ko pa.
Pero ngumuso siya. "You sched is jampacked."
"Hindi kita ipagpapalit sa mga 'yon, Felix!" natatawang sagot ko sa kanya. "Kaya kong hindi umattend sa mga meeting at endorsement, 'wag lang sa kasal natin."
"I love you!" matamis na banggit niya at pinaulanan ng halik ang mukha ko. Muli akog humalakhak.
Sobrang saya talaga ng araw na 'to! Sana lang talaga, huwag agad bawiin ang mga ngiti ko.
"Bless na kay lola at lolo," pambatang utos ko kay Arvid nang magpaalam kami para pumasok na sa trabaho. Isasama muna namin siya ngayon si Felix para alagaan ang anak.
"Good job, Arvid!" manghang puri ng dalawa nang sundin ako ng anak.
"Mag-iingat kayo," paalala ni tita bago kami nagpaalam sa isa't-isa. Papasok din kasi sila sa trabaho at si Clyde nasa University kaya walang maiiwan dito.
"Baby, can I work in your office?" malambing na tanong ni Felix habang nagmamaneho siya.
Imbes na magreklamo na naman ay tumango ako. Para rin maalagaan namin si Arvid. Pwede naman 'yon, 'di ba?
"Nabanggit pala ni Yaya Vi na babalik na siya bukas. Papuntahin ko siya rito sa Manila para may mag-alaga kay baby?" paghingi ko ng opinion niya.
Mas busy kasi ang sechedule ko bukas dahil Friday. Paniguradong sasama na naman si Felix sa Photoshoot ko para naman sa endorsement ng isang make-up brand. Hassle kung sasama si Arvid sa byahe namin.
"Sure, she's welcome! Anything you are more comfortable, baby," nakangiti pa ring sagot niya.
Kahit stressful ang mga pending na trabaho ay naging magaan dahil sa kakulitan ni Felix. Hindi ko nga alam kung paano niya nagagawang makipaglaro kay Arvid habang nagtitipa sa laptop niya.
"Ang galing mo talaga sa multi-tasking," puri at makahulugang saad ko.
Napangisi naman siya na parang proud na proud sa sarili. "Don't worry, Astrid. Ikaw naman ang papakitaan ko mamaya kung gaano ako kagaling sa multi-tasking... sa kama," dagdag pa niya kaya mabilis ko siyang hinampas.
"Back to work!" sita ko at napangisi nang humalakhak siya.
Sabay-sabay din kaming naka-uwi sa mansyon ng mga Saavedra kinagabihan. Payapa ang naging hapunan namin pero linggid sa kaalaman namin na parating na ang isang bagyo na muling magpapabago sa ikot ng buhay namin.
"Astrid! Oh my god! Astrid, where are you?!"
Kaagad na kumunot ang noo ko nang marinig ang humahangos na boses ni Tita Ellise mula sa phone.
"Wait lang," pigil ko sa make-up artist at lumayo para ako lang ang makarinig ng usapan namin. "Bakit po, mommy?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Felix got into a car accident!" umiiyak na balita niya dahilan para manghina ako at nabitawan ang phone.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
