CHAPTER 72: RECOVER
"Who's son is that? Kay Clyde?" kuryosong tanong ni Felix patungkol kay Arvid. Lahat sila, kilala niya. Mula sa pamilya at kaibigan niya. Pero kami ng anak niya, hindi niya maalala!
Katahimikan ang namayani sa buong kwarto. Parang walang gustong magsalita. Pati ako ay naduduwag na magpakilala sa kanya.
"Ah, let me guess! She's Clyde's girlfriend and he's their son! He got her pretty eyes!" may bahid ng pagkamanghang dagdag niya.
"Tangina mo!" mura sa kanya ng kaibigang si Beaumont.
Tumawa naman ulit si Felix at nagtatakang napatingin sa kaibigan. "I missed you too!" mapanlarong sagot niya sa kaibigan dahilan para humalakhak sila.
"Gago ka talaga! Iyak malala ka kapag nakilala mo kung sino sila," pagtukoy niya aa amin ni Arvid.
"Why? Is she my girlfriend? I don't remember having one. And I always use protection, dude! 'Di ako makakabuntis!" panay ang iling niya.
Oo na, 'di mo na kami maalala! Tama na, Felix! Ang sakit-sakit na!
"Excuse me po," paalam ko kay tita at tumayo para lumabas na muna dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako at hindi makahinga.
Pero bago pa ako tuluyang lumabas ay narinig ko ang boses ni grandma. "She's not your girlfriend, hijo."
Ang kapal talaga ng mukha ng matandang iyon! Padabog kong isinarado ang pinto at wala nang pakialam kung mawalan ako ng respeto sa kanya. Tama lang bang iniurong ko ang kasong kidnapping para maparusahan siya sa ginawa sa anak ko?
"Hija, his doctor explains that he has a selective amnesia. Pero dahil kaunting araw lang siya nawalan ng malay, mabilis lang iyong babalik. Maaalala rin niya kayo," paliwanag ni Tita Ellise at hinawakan ang kamay ko sabay hinaplos iyon. "Let's help him recover."
"Ayaw ko pong makasama si grandma sa pagtulong kay Felix na makaalala. Paano po kung ibang kwento ang sabihin niya kay Felix at tuluyan niya kaming makalimutan ng anak ko?!" tumaas ang boses ko dahil sa pagkairita sa matanda.
"What are you doing here?"
"Wala," maikling sagot ko kay Felix at kinuha na ang mga gamit ko. Iritang-irita pa rin ako dahil hindi umaalis ang matanda sa tabi niya.
"Who are you then?"
"Maalala mo rin ang pangalan ko, Felix," mariing paliwanag ko at tinignan ang matanda. Gusto ko siyang saktan dahil para siyang takot na takot sa akin ngayon.
"Don't you dare looking at my grandma like that!" sigaw ni Felix sa akin dahilan para mapalunok ako ng mariin.
"Okay," malungkot akong ngumisi. "Tignan natin kung masasabi mo pa rin 'yan kapag naalala mo kung anong mga ginawa niya sa 'yo rati."
Matapang akong lumapit ako sa kanya at yumuko para tignan siya ng mabuti. Wala na akong makitang pagkamangha at pagmamahal sa mga mata niya sa tuwing titignan niya ako. Pagkalito at gulat na lang ang nakikita ko. "One day, kusa mo kaming maaalala ni Arvid," kompyansang paalala ko sa at hinaplos ang umigting na panga niya bago ko pinatakan ng mababaw na halik ang labi niya.
Napangisi ako nang hinabol niya ang labi ko nang humiwalay ako sa kanya. "I'll wait for that day na kusa kang babalik sa amin, Felix," paalam ko sa kanya bago ko sila tuluyang iniwan.
Kailangan kong magpakatatag sa aming dalawa. Hahayaan ko ang panahon para natural na humilom sa mga sugat niya at magbalik sa mga alaalang pansamantalang nakalimutan niya.
Sa ngayon, sarili ko muna ang tutulungan ko. Para kapag dumating ang araw na hindi talaga ako naalala, may sapat akong lakas para bawiin siya sa kung sino mang mangahas na ilayo siya ulit sa akin.
"Happy 1st birthday, Arvid!"
Umagang-umaga ay malakas na boses na naman ni Amelia ang narinig ko. Bigla ba naman itong pumasok sa kwarto namin at ang dumagdag ng pagkairita ko ay ang malakas na pagsabog ng confetti sa buong kwarto.
"Auntie, ang kalat!" puna ko sa kanya dahil hindi naman siya ang mahihirapang magliliis!
Kinuha niya pa si Arvid pero nagsimula agad itong umiyak kaya ibinalik niya sa akin. "Tsk! I don't really like your son! Napaka-iyakin!" masungit na reklamo niya at lumabas.
Napailing na lang ako at nilaro si Arvid. "Your Lola Amelia is really crazy, baby! Ayaw mo rin sa kanya, 'di ba?"
Nahawak ako sa tawa niya nang humalakhak siya. "Happy birthday, baby!" masayang bati ko at pinaulanan ng halik ang nagkabilang pisngi niya nang muli siyang humalakhak.
Abala ang mga kasambahay nang bumaba ako. Imbes na sa Hotel ay rito na lang sa mansyon ang napili kong veneu para sa celebration ng unang pagpapalit ng edad ni Arvid. Napuno ang pool area ng mga dekorasyon na pambata at mga lobo. Ang dating lounge area ay napalitan mahabang lamesa at upuan na ang disenyong balot ay kulay puti, baby blue at blue sunod sa tema ng mga disenyo. Mga pagkain na lang ang kulang sa buffet area.
"We're on the way na!" masayang balita ni Stella nang kamustahin ko siya. Kanina pa kasi wala si Nathan dahil nagpaalam na susunduin niya ang asawa at anak.
I also invited Mrs. Tan and Felix's family. Excited na akong makita sila ulit except for Felix's grandma. Hindi ko nga alam kung pupunta siya gayong hindi niya kami tanggap ng anak ko. Pero atleast, I invited her. Pati si Travis at mga tropa nila ni Felix ay inimbita ko. Para naman may ibang kalaro si Arvid na lalake. Puro kasi kami babae na nag-aalalaga sa kanya rito sa mansyon. Ang mga bodyguard at guwardya, syempre busy sila sa trabaho nila na pagbantay sa amin.
"Kumusta, hija?" masayang bati sa akin ni Tito David nang makarating sila.
"Okay lang naman po! Tuloy kayo!" anyaya ko sa kanila at nakangiting iniwan muna si Arvid sa lolo at lola niya.
"Happy birthday to your son, Astrid," si Clyde na ngayon ko na lang ulit nakausap ng matino at kalmado.
"Thank you, Clyde! Feel at home," paalala ko pa sa kanya bago ko tinanggap ang regalo niya at muling naging abala nang dumating sina Travis.
Panay ang linga ko sa likuran nang mabati silang lahat hanggang sa tuluyan kong nakita ulit si Felix. Nakahinga ako ng maluwag dahil nandito siya sa birthday ni Arvid!
Pero saglit lang iyon dahil may kasunod siyang isang magandang babae at humawak pa iyon sa braso ni Felix. Kaagad na nanliit ang mga mata ko dahil sa selos.
So, hindi niya pa rin kami naalala?!
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
