CHAPTER 69: ACCIDENT
"Again! Relax your face, Ms. Astrid! Your eyes is telling you're sad!" pagalit na puna sa akin ng direktor.
Pinagpapatuloy ko kasi ang photoshoot sa kabila ng masamang balita ni Tita Ellise. Nang matapos ay kaagad akong umalis para pumunta sa Hospital na itinext sa akin ni tita. Sakay ako ng kotseng ipinadala ni tita para safe ako sa buong byahe.
Sinubukan ko ulit siyang tawagan para makamusta si Felix pero hindi ito sumasagot. Mas lalo tuloy akong kinabahan. I couldn't imagine Felix with blood due to accident. Bumaliktad ang sikmura ko dahil sa naisip at tumaas ang mga balahibo.
The trauma that the death of my family left begin to hunt my mind again. God, not Felix, please? 'Wag na siya! 'Di ko yata kakayanin kung nawala siya sa akin!
Nagmadali akong tumakbo nang makarating sa Hospital. Kahit mataas ang suot na heels ay hindi ko iyon ininda basta makita ko lang si Felix.
"What are you doing here?!"
Halos matumba ako nang huminto pagkatapos ng mabilis na pagtakbo. Nakasalubong ko si grandma na galit na galit ang tingin sa akin. Nasa harap siya ng Emergency Room Department.
"Nasaan po si Felix?" naluluhang tanong ko sa kanya at binalewala ang mariing tingin niya.
"Umalis ka rito! I will not let you see and be with my grandson again! You did this to him! Kasalanan mo!" sigaw niya at dahil sa pagwawala ay may staff na humila sa akin palayo.
"Hindi po ako nanggugulo, gusto ko lang makita si Felix," pakiusap ko pero tuloy lang ang paghatak nila sa akin.
"Pasensya na po, ma'am. Bawal po ang gulo sa loob. Nakakaabala po kayo ng mga pasyente," mahinahong paliwanag ng isa pero mabilis akong umiling.
"Hindi na ako gagawa ng gulo. Please, papasukin niyo 'ko!" muling hirit ko at tinawagan pa si Tita Ellise para humingi ng tulong pero hindi siya sumasagot.
Mas lalo akong nanlumo at nanghihinang umupo sa isang bench na nasa Hallway. Mabilis akong nagtipa ng mensahe para kay tita at tinawagan si tito.
Nang sa wakas ay may sumagot do'n! Kaparehong numero pala ang gamit niya sa dati. "Hello, hija? What is it?"
"Tito, nasaan po kayo?"
"Opisina. Why? Ang dami niyong tumatawag sa akin. Saktong tumawag ka no'ng binuhay ko ang phone ko," kwento niya pa, walang kamalay-malay sa lagay ng anak niya.
"Tito, na-aksidente raw po si Felix," panimula ko at napatakip ng bibig nang hindi ko makontrol ang paghagulgol dahil sa masakit na kirot sa dibdib.
"Nandito po ako sa St. Lukes ngayon. Pero ayaw po akong palapitin ni grandma kay Felix. Nag-aalala na po ako!" sumbong ko sa kanya na kabaliktaran ko ay nanatiling mahinahon at inutusan akong hintayin siya.
Muli akong tumawag kay tita dahil hindi ako mapakali. Mas lumalalim ang kaba ko ngayong hindi ko nalalaman ang lagay ni Felix.
"Astrid!" humahangos ulit na boses ni tita ang bumungad sa akin.
"Tita, nasa—" akmang ibabalita ko pa lang sa kanya na nasa Hospital na ako pero nabitin iyon sa ere dahil sa idinagdag niya.
"Arvid is missing! Kanina ay kasama lang no'ng nanny na dumating kagabi pero nawala na!" pagtukoy niya kay Yaya Vi dahilan para tuluyang gumuho ang mundo ko.
Mas 'di ko kakayaning mawala silang dalawa sa akin!
Pinilit kong kumalma habang naghihintay kay Tita Ellise at Yaya Vi pero hindi natigil ang luha ko. Mas lalong kumirot ang dibdib ko nang makitang wala ngang dalang bata si Yaya Vi o tita man lang.
"Sorry po talaga, ma'am! Patawarin niyo po ako," umiiyak na sambit ni Yaya Vi at lumuhod pa sa harap ko. "Nilinlang po ako ni Ma'am Amelia. Patawad po, ma'am!"
"Si Amelia?!" hindi makapaniwalang tanong ko at napatayo dahil sa gulat.
Agad namang tumabi si tita sa akin at hinaplos ang braso ko para pakalmahin. "Anong ginawa niya? Paanong napunta siya rito?!"
"Yaya Vi!" tumaas ang boses ko dahil puro lang siya hagulgol. Kung may dapat na humagulgol ngayon ay ako 'yon!
"Magkasama po kami ni Arvid na pumunta rito dahil walang maiiwan sa bahay nina Ma'am Ellise. Pero kaninang isinugod na po sa Emergency si Sir Felix, bigla kong nakasalubong si Ma'am Amelia. Akala ko naman po, aksidente lang na nandito lang din siya. Nagalit pa nga po siya sa akin kasi bakit hindi ko pa raw po kayo papuntahin dito. Inalok niya po ako ng phone niya kasi wala akong dalang gadget na pantawag..." humikbi siya at ipinakita pa sa akin ang phone na ibinigay sa kanya. "Sabi niya lumabas raw po ako saglit kasi walang signal at kargahin niya raw po muna si Arvid para hindi ako mahirapan. Pero pagdating ko po, wala na sila. Wala na rin si Arvid."
Napatapik ako ng noo dahil sa panghihinayang at tuluyang sumabog dahil sa pinaghalo-halong kaba, pag-aalala, galit at sakit. "Bakit mo ibinigay sa kanya ang anak ko?! Alam mong masamang tao si Amelia, yaya!"
"Pinagalitan niya po kasi ako, ma'am. At gusto ko ring matawagan ka kaagad," sising-sising dagdag niya pero umiling ako at napaluhod din sa sahig.
"Hindi kita mapapatawad kung may nangyaring masama sa kanya, yaya," dismayadong banta ko sa kanya bago ako muling tumayo habang nakakuyom ang dalawang palad.
"We have already report this to the security department, Astrid. Let's check the CCTV to have an evidence and inform the authority."
Mabuti na lang ay nandito si Tita Ellise. Kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko. Masyadong maraming negatibong pangyayaring pumapasok sa utak ko para sa mag-ama ko pero walang pumapasok na ideya kung anong gagawin ko.
"You need rest, hija," paalala niya sa akin nang muntik na akong matumba matapos mapatunayang na kay Amelia nga ang anak ko.
Mas lalo akong kinabahan. Ano na naman bang binabalak niya? Muli kong naalala ang huli namin pag-uusap no'ng inaayos ko ang annulment paper namin ni Fredrick.
"I can tell them the truth that I force you to marry your husband. I am also one of those who signed as your marriage's consent. Mas mabilis na maga-grant ang annulement niyo. In one condition, Astrid. I need money."
Sinasabi ko na nga ba! May kapalit na naman ito! "Magkano ang kailangan mo?" mariing tanong ko dahil naiinis pa rin ako sa kanya. Ang dami niyang mamahaling luho pero wala naman siyang permanenteng trabaho para makaipon ng sarili niyang pera!
"Two million," mabilis na sagot niya na akala mo ang liit na halaga ng hinihingi niya bilang kapalit.
"Two million for just a testament? Really, auntie? No thanks!" mabilis ring tanggi ko at akmang tatalikuran na siya nang muli siyang magsalita.
"Fine, 1 million?" mataray na hirit niya.
Tinaasan ko siya ng isang kilay at pinagkrus ang braso ko sa ibaba ng dibdib. "A hundred thousand. Mahal din ang annulment process, auntie!"
Kaagad siyang napangiwi. "Pang-isang araw ko lang iyon kasama ng baby boy ko! Make it half a million, please? I promise, 'di na kita guguluhin after this!"
"Okay, fine! But I'll pay after our annulment is grant. Para sigurado!" dagdag ko sa kasunduan namin dahil baka bigla na lang siyang bumaliktad kapag nakuha na niya ang pera. Kilala ko ang auntie ko, tuso siya!
"Fine! Sisiguraduhin kong mabilis kang iyon!" kompyansang sagot niya at ngumisi.
Pera. Pera na naman ba ang dahilan kaya niya ito ginagawa?
Mas pinili kong umuwi ng Probinsya namin para hanapin si Arvid. Hindi ko pa rin nakikita si Felix dahil parang hindi ko kakayanin. Nasa ICU na siya base sa huli kong balita dahil malubha ang trauma na natamo ng ulo niya. Kahit hindi ko pa nakikita ang katawan ni Felix ay parang hihimatayin na ako dahil sa pag-aalala. Hindi ko tuloy maisip kung paano siya naaksidente ng gano'n ka-grabe. Magaling naman siya magmaneho at hindi naman siya gaya ng iba na feeling hari kung magpatakbo.
Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip na naman ng kung ano-ano. May kinalaman din ba si Amelia rito? Kung oo, para saan na naman?
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomantiekAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
