CHAPTER 66: TRUTH
Napangiti ako nang makitang nilalaro pa rin siya ni Felix at sinasabayan pa ang pambatang kanta na tumutugtog. "Dad-dy!" Kita ko ang pag-awang ng labi ni Felix nang masambit iyon ni Arvid.
"Wow! You know what to call to daddy now, baby?" tanong ko sa kanya at mas lumawak ang ngiti nang tignan ko si Felix.
"Can you repeat what you said, baby? Say daddy!" pagtuturo niya rito.
"Daddy," inulit ko iyon at pareho kaming nakaabang kay Arvid nang humalaklak siya.
"Dad-dy!" banggit niya sa maliit na boses.
Kusa akong napapalakpak roon dahil sa tuwa at mas lalong sumaya ang puso nang ginaya niya ako. "Yehey! Good job, baby!"
"I'm so happy!" emosyonal namang sambit ni Felix at niyakap kaming dalawa. Hinalikan niya ako sa noo bago si Arvid. "I love you!"
"We love you too, daddy," sinserong sagot ko at pinatakan ng halik ang pisngi niya.
"Paliguan na natin siya," pagpalit ko ng usapan dahil iyon naman ang dahilan kaya ko sila pinuntahan dito. Naihanda ko na kasi ang mga gamit ni Arvid.
"Later na ulit play, okay, baby?" pagkausap ko sa kanya at pinatay ang tugtog muka sa iPad.
Ngayon kami pupunta kina Felix at isasama namin si Arvid para makilala na rin nila sila. Gusto ko rin namang lumaki si Arvid na kilala at tanggap siya ng lolo at lola niya.
"Round and round," paggaya ko sa pampatang kanta na pinapatugtog habang nasa byahe kami. Nasa driver's seat kami ni Arvid at si Felix ang nagmamaneho.
Dahil hindi pa rin sigurado ang seguridad ko tuwing bumabyahe ay may nakasunod sa aming dalawang sasakyan kung nasaan ang mga tauhan ko.
Habang palapit kami nang palapit sa dating bahay na tinirahan ko ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila, lalo na si mommy na recently, naka-away ko pa!
Ngayon ay pupunta rin sina Stella roon at si Nathan na siyang naging driver ko. Nang malaman ang istory nilang dalawa ay napagtanto kong ganon kaliit ang mundo para sa mga pamilya namin.
"Hi, Stella!" masiglang bati ko sa tumawag.
"Hello! We're here na! Bilisan niyo rin para sabay-sabay na tayong pumasok, okay?" ramdam kong nakangiti siya habang sinasabi iyon.
"Yup! Malapit na rin kami. See you!"
"Yup, see you! Bagalan niyo pala! We'll have a quicky!"
"Stella–" si Nathan at narinig ko ang halakhak ni Stella bago ko pinatay ang tawag.
Grabe talaga ang babae 'yon! She's too extrovert to share the things like that with me!
Ikinuwento ko ang sinabi ni Stella kay Felix at saktong pagkarating namin ay pumarada rin ang isa pang puting sasakyan sa tabi ng kotse ni Felix.
"Grandma!" Napatingin ako kay Felix nang batiin niya ang ginang na puti na ang buhok pero sopistikada at nakakalakad pa rin. Nandito rin pala pati ang lola ni Felix! Mas lalo akong na-conscious!
Sinuklay ko ang buhok at humigpit ang kapit ko kay Arvid dahil sa kaba. Ngumiti para batiin siya, "Good morning po."
Nakangiti niyang bineso ang apo na katabi ko at nang bumaling sa akin ay kita ko ang pagtapang ng itsura niya.
"She's Astrid and our child, Arvid," pagpapakilala niya sa anak namin bago niya ito kinuha sa akin.
Nakuha ko iyong tanda para abutin sana abutin ang kamay ng ginang at mag-mano pero itinago niya ang kamay niya at salubong ang kilay na tinignan ako. "A Hanssen?" mataray na tanong niya matapos hagurin ng tingin ang buong katawan ko.
"Yes, ma'am," nagawa ko pa ring ngumiti at magalang na sumagot kahit natatakot ako sa kanya.
Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Felix kaya kumapit ako sa braso niya at ngumiti sa kanya para iparating na ayos lang ako.
"What is the meaning of this, Felix?" matigas na tanong ng ginang na kanina pa hindi natutuwa sa akin.
"Let's talk inside," mahinahong sagot ni Felix sa kanya at hinaplos pa ang bewang ko nang sumabay ako sa kanya maglakad.
Sinuri ko ang dating naging tahanan at gano'n pa rin iyon. May kaunting pagbabago sa mga disenyo pero alam ko pa rin kung saan dadalhin ang mga mata ko.
Si mommy at Clyde ang unang matagpuan ng mga mata ko pero masiglang boses ni Stella ang narinig ko kaya naagaw niya ang atensyon ko. "Finally! Hi, Astrid and baby Arvid!" bati niya sa amin.
Tinugunan ko ang sinserong ngiti niya at bumeso sa kanya. "Hi, Seira! Na-miss kita!" bati ko rin sa anak niya.
"Hello, tita Astrid! Me too po, I missed you, Arvid and Tito Felix!" matinis at masayang banggit niya habang nagbibilang sa daliri niya kung ilan ang nag-miss niya.
"Tito Felix?!" ang lola ni Felix. "Seira, apo, that's your dad!"
"No po, grandma! My daddy is papa Nathan!" Yumakap pa siya sa ama.
"My goodness! What is happening?!" naghisterikal na ang matanda. "Ellise, do you know about this?!" pasigaw na tanong niya sa mommy ni Felix.
"No, mama. All I know is that Felix have a child with Astrid." Hindi pa ako matignan ni mommy sa mga mata kaya napayuko ako.
"That's bullshit! Anong nangyayari?! Stella! Why are you with someone else?!" si Stella naman ang hinarap niya.
"I'm sorry but Felix and I are not married, grandma. Seira is my child from Nathan, years ago. And Felix has Arvid with Astrid. Niloko namin kayo dahil kahit may mahal na kaming iba, pinipilit niyo pa rin kaming dalawa!" maluha-luha at nahabang paliwanag ni Stella dahilan para kumirot din ang dibdib ko.
Kung mahirap para sa amin ni Felix, paniguradong hindi rin naming madali ito para kina Stella at Nathan lalo na't ilang taon ding itinago ni Stella si Seira bilang anak niya.
Bakit ba kasi ang hirap magmahal? Ang dami pang pwedeng pagdaan!
"It's my idea, gradma," si Felix ang sumunod na nagsalita. "I have the fake documents of our marriage. And now, I want this to be clear to all of us. Astrid is who I've always wanted to marry. May you agree or abandon me, I'm choosing her and our child."
Nanubig ang nga mata ko dahil sa matapang at sinserong pagtatanggol ni Felix para sa amin ni Arvid.
"Me too!" dagdag ni Stella. "I'm ending my contract in your Holding Company. Kahit wala na rin akong balikan sa Fontabella, I will stay with Nathan. That's all! I wish your family the best, Felix and Astrid! Aalis na kami!" kaagad na paalam nila.
Tahimik ang mansyon nang makaalis sila. Nakaupo ako sa gilid ng couch, katabi ko si Felix at si Arvid ay nasa hita niya. Himala nga dahil hindi nag-iingay o umiiyak si Arvid.
"Dad-dy!" maya-mayang sambit niya at nagpalit ng pwesto. "Mom-my!" tawag pa niya sa akin at itinaas ang braso. Nasa akin ang direksyon no'n kaya mabilis ko siyang kinuha.
"What is it, baby? Gutom ka na ba?" tanong ko sa kanya at napanguso nang bigla siyang umiyak. "Shhh!" mabilis na pagpapakalma ko pero mas lalo iyong umingay.
"Is he really kuya's child, Aphrod— I mean, Astrid? You got married with Fredrick last year," paninigurado ni Clyde.
Hindi pa ako nakakapagpaliwanag nang magsalita rin ang lola ni Felix. "You got married?! You daughter of a bitch!" singhal niya sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko at ikuyom ang kamay dahil sa galit at pagka-insulto.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomansaAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
