Chapter 70

70 0 0
                                        

CHAPTER 70: REVENGE

Hindi ko kinibo si Yaya Vi kahit buong araw niya akong sinamahan sa bahay at opisina. Ramdam ko ang takot niya sa akin sa tuwing makapagdadabog ako dahil sa inis pero hindi niya ako iniwan.

"Ma'am, gusto niyo po ba mag-kape? Ipagti-templa ko po kayo," alok niya kaya napatingin ako sa orasan.

Alas dose na ng madaling araw. Kanina pa pumipintig ang magkabilang gilid ng ulo dahil sa mahabang pagkakababad sa harap ng laptop.

Busy ako sa trabaho at paghahanap kay Arvid. Kahit naroon na ang pulisya ay nag-hire pa rin ako ng private investigator para alamin kung nasaan si Amelia ngayon.

Magda-dalawang araw ba bukas na hindi ko kasama ang anak! Kahit anong pilit kong isubsob ang sarili sa trabaho ay pilit na sumisiksik ang pag-aalala sa isip ko.

"Ma'am Astrid..." mahinang tawag ni Yaya Vi sa akin nang tumayo ako.

"Pakiligpit ang gamit ko," malamig na utos ko at lumabas ng opisina para pumunta sa sarili kong kwarto.

Nakakapanibago! Simula no'ng iniluwal ko si Arvid ay palagi na kaming magkatabi at tuwing gabi ay umaalingawngaw rito ang pambatang tugtog.

Muling tumulo ang luha ko kaya niyakap ko ang sarili. Please, God, make Arvid and Felix safe. Kunin niyo na lahat ng sa akin, 'wag lang silang dalawa.

Mabigat ang pakiramdam ko nang muling magising kinabukasan. Mahapdi rin ang mga mata ko dahil sa magdamag na kakaiyak.

"Mom-my!"

Napakurap ako para gisingin ang sarili nang marinig ang boses ni Arvid. Paglingon ko sa pinto ng kwarto ko ay naroon siya habang hangkan ni Yaya Vi. Nananiginip ba ako?

"Mom-my!" muling tawag niya sa akin gamit ang masaya at maliit na tinig.

Nanunubig ang mga mata ni Yaya Vi nang lumapit siya sa akin at ipinasa sa akin ang anak.

"Ma'am Astrid, pasensya na po talaga sa nangyari," humagulgol pa siya bago napangiti nang haplusin niya ang likod ng anak kong hindi pa rin ako makapaniwalang muli kong nahangkan!

"Totoo po ba 'to, Yaya Vi? Hindi po ba 'to panaginip lang?" hindi makapaniwalang sagot ko.

Mas lumawak ang ngiti niya at hinawakan pa ang kamay ko. "Totoo po! Nasa ibaba po si Ma'am Amelia. Siya po ang nagbalik kay baby Arvid," paliwanag niya bago siya tumayo at nagpunas ng luha.

"Ipag-aahin ko lang po kayo ng agahan," paalam niya kaya muli kaming naiwan ni Arvid.

Kinurot ko ang sarili ko para mas lalong gisingin ang sarili at humalakhak dahil sa tuwa. Totoo nga! Nandito na ulit ang anak ko!

"I missed you, baby!" Niyakap ko siya at hinalikan ang noo niya. Mabango rin siya at nang suriin ko ang katawan niya ay malinis naman at walang anumang galos.

Para saan bakit siya kinuha at biglang ibabalik dito ni Auntie Amelia gayong puro pagbabanta ang itinext ko sa kanya at walang inalok na pera?

Nilubos ko ang pagyakap at ang muling pakikipaglaro sa kanya. Maging ang tugtog na lagi niyang pinapakinggan ay na-miss ko rin!

Nang makapag-ayos ako ay dinala ko si Arvid pababa. Nasa pool area raw si Auntie Amelia kaya dumiretso kami roon.

Napangiwi ako nang maabutang naka-relax siya sa inflatable swan na nasa ibabaw ng pool at may baso pa ng wine sa kaliwang kamay. "Good morning, my dear Astrid!" masayang bati niya sa akin.

"You must've been worried about your cute son! But don't worry, I didn't harm him!" agad na depensa niya. "The truth is, I saved him!"

Humalakhak ako dahil sa pagka-irita. "Niligtas mo siya sa paraan ng pag-kidnap sa kanya?" sarkastikong tanong ko.

Billionaire's Sinful ObsessionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon