Chapter 67

25 0 0
                                        

CHAPTER 67: OBSESSION TO LOVE

"Grandma!" bulyaw ni Felix. Akmang tatayo siya pero kaagad kong hinawakan ang braso niya para patigilin siya.

"Sabihin niyo na po ang gusto niyong sabihin. Pero hindi po no'n mababago ang katotohanang may anak kami ni Felix," mariing paliwanag ko at napatingin sa mommy ni Felix nang tumayo siya at naglakad palapit sa amin ng anak niya.

"Arvid exactly looks like my son when he was a child, mom. I believe, Felix is his father," paninindigan niya at tinignan ako. "To make sure, can we do a DNA test, Astrid?"

Mabilis akong tumango kahit namumuo ang luha ko dahil pakiramdam ko ay kakampi namin ni Felix ang mommy niya.

"Tsk! Astrid is really a bitch, grandma. Maraming lalake 'yan!" dagdag na asik ni Clyde na hindi ko akalaing sasabihin niya.

Sa oras na 'yon ay hindi ko na napinigilan si Felix na sumugod sa kapatid.

"Oh my goodness! You're fighting over a girl!" gulantang na sigaw ng matanda nang suntukin ni Felix ang pisngi ni Clyde.

"Felix, tama na 'yan!" sigaw ko at inalu ang umiiyak naming anak. "Felix! Nandito tayo para makipag-ayos, hindi makipag-away!" dagdag ko at napatingin sa ginang nang dumaing siya habang nakahawak sa dibdib.

"Mommy, si lola po," pagtawag ko ng pansin sa mommy ni Felix na minsan nang naging mommy ko.

"Mom! Mom!" mas lumakas ang pagtawag niya sa ginang. Nanlabo ang paningin ko at naiyak dahil sa frustration.

Masama ang loob ko kay Felix nang mai-sugod ang gradma sa Hospital. Si mommy at Clyde ang sumama at kami nila Felix ang naiwan sa mansyon.

"Bakit mo kasi sinugod si Clyde?!" reklamo ko sa kanya at tinuyo ang luha ko pero nanatiling matigas ang ekspresyon niya at nakatiim pa ang bagang. "Mas lalo akong hindi magugustuhan ng pamilya mo!"

"Ma'am, sir, gusto niyo po munang mag-meryenda?"

Kumalma ako nang muling makita si Ate Gina, ang nag-alaga sa akin dati. Mabuti naman at nandito pa rin siya. "Tubig na lang po, ate," pakiusap ko dahil gusto kong mahimasmasan.

Nanginginig ako dahil sa inis. Akala ko pa naman ay mas magiging maayos ang pangalan ko sa pamilya ni Felix pero mas lumala lang!

"I won't let anyone call you like that, Astrid! Ako ang mas nakakakilala sa 'yo! Ayaw kong binabastos ka sa harap ko mismo."

Bumuntonghininga ako dahil sa paliwanag ni Felix. "Umuwi na lang tayo," sagot ko dahil masama pa rin ang pakiramdam ko.

"Fine, I'm sory!" lumambing ang boses niya at nilapitan kami. Kahit nasa tabi ko na siya ay hinapit niya pa lalo ang bewang ko palapit sa kanya na parang hindi pa sapat ang lapit namin sa isa't-isa.

"But let's stay here, baby. I think mom supports us. Let's see about dad and when they supported us, we will invite them to our marriage."

Hinalikan niya ang pisngi ko ng dalawang beses bago masiglang nilaro ang anak namin. Sa kwarto ni Felix dati kami nag-stay. Malinis pa rin kahit madalang lang daw siyang umuwi rito.

"I can still remember our first wild and sinful night here," ani Felix nang gumapang siya palapit sa akin at humiga sa tabi namin ni Arvid.

"Alin do'n?" kuryosong tanong ko dahil hindi ko alam ang 'una' na binabanggit niya. Kung iyong unang beses na may nangyari sa amin o iyong gabing binigay ko ang sarili sa kanya.

"When I first saw you sleeping. You looks so beautifully and innocent, Astrid. Your scent is addictive and your night dress is seductive," pagkikwento niya habang sinusuklay ang nakalugay kong buhok.

"I can't believe we're here again. But now with our own child," mula sa pagiging senswal ay sumigla ang boses niya. "I feel so lucky to be the father of your child, Astrid. Ang swerte ko sa 'yo."

Mabilis akong umiling at niyakap siya pabalik nang ilagay niya ang kamay sa bewang ko. "You made this possible, Felix," muling nanubig ang mga mata ko nang bumalik sa isip ang mga pinagdaanan namin simula no'ng kapatid pa lang ang turing ko sa kanya, no'ng panahon na nagpaligaw ako sa iba kahit alam kong mahal ko na siya, 'yong pumayag akong magpakasal sa iba para huwag na siyang mahirapan pa at ngayon na sabay namin pinaglalaban ang relasyon namin sa pamilya niya.

"Thank you kasi hindi mo 'ko sinukuan. I've always push you away pero palagi ka pa ring bumabalik hanggang sa makuha mo 'ko ulit."

"Well, my obsessison grew to love, baby," malambing na sagot niya at inabot ang labi ko para sa isang mabilis na halik.

Kinagabihan ay nai-uwi na rin si grandma ulit sa mansyon. Tumaas daw ang presyon niya kanina pero mabilis din namang naagapan. Maging ang daddy ni Felix ay dumating din kaya magkakaharap kami sa dining table.

"Good evening po," bati ko sa bagong dating.

"Oh, it's nice to see you again, hija!" Hinangkan niya pa ako kaya napangiti ako.

"Ako rin po," sagot ko at tinignan ang anak na nasa hita ko. "Si Arvid po pala."

"Felix's son?" may bahid ng pagkamanghang tanong niya at binuhat pa ang anak ko.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang hindi umiyak si Arvid habang hawak ng lolo niya. "Hi, boy! You looks like my son before! Hon, he looks like our little Felix, right?" masayang balita niya kay Tita Ellise.

"Some children really looks alike, David," masungit na puna ni grandma pero hindi nabura ang ngiti ni Tito David. Parang inignora niya lang iyon.

"What's your plan, Felix? Divorce with Stella now. Nakita ko siya sa Kompanya kanina, may kasama ring ibang lalake," pumait angg boses niya sa dulo.

"No need for divorce, our marriage paper is fake in the first place," cool na sagot ni Felix at uminom pa ng wine. "I'll marry Astrid this week," anunsyo pa niya dahilan para manlaki ang mga mata ko at mapatingin sa kanya.

"Agad?" bulong ko sa kanya.

"See?! Mukhang ayaw magmadali kasi hindi ka niya mahal, hijo!" mabilis na puna ng matanda sa akin.

"Hindi naman po. Nabigla lang ako kasi hindi ko pa po alam na next week na ang plano ni Felix. Marami pa po kasi akong pending na schedule."

"Ipagpapalit mo ang apo ko sa trabaho?! You must not love him!" determinado talaga siyang punahin ako. "I don't like this girl, Felix! Not a wife material!"

"You're not the one who will marry her, grandma. It will be my choice and I'm choosing her," pagbara ni Felix sa idinagdag ng matanda.

Lihim akong napangiti at nakita ko ang mas lalong pagtalim ng tingin ni grandma sa akin. "Hindi ko siya matatanggap sa pamilya natin!" sigaw niya at dinuro ako.

"Mom, calm down. Why don't you give her a chance to prove herself," pagpapakalma sa kanya ni Tita Ellise.

"That's better. For now, let's eat!" anunsyo ni tito at nagpaalam pang sa kanya muna si Arvid. Nakakatuwa dahil gustong-gusto rin ni Arvid sa lolo niya.

Kinagabihan ay maaga kaming nagpahinga ni Felix dahil maaga ang photoshoot ko para sa isang endorsement bukas. Pero hindi ako makatulog dahil nasa ibang bahay kami. Hindi ako komportable.

Bumaba ako para uminom ng gatas para pampatulog. Nang makasalubong ko si grandma at Ate Gina na siyang umaalalay sa matanda para umakyat ng hagdan.

"Good evening po," magalang na bati ko sa kanya at akmang lalampasan na siya nang magsalita siya.

"Don't be to contented that Ellise and David likes you as their daughter-in-law. I will make sure you will not be part of this family again, Hanssen."

Kinilabutan ako sa malamig na pagbanggit niya sa alpilyedo ng pamilya namin. Akala ko, simpleng banta lang iyon dahil magkalaban ang family business namin. Pero sana pala, hindi ko lang inignora iyon nang basta-basta.

Billionaire's Sinful ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon