CHAPTER 73: APHRODITE
"Nice to meet you again, Aphrodite!"
Kumunot ang noo ko dahil sa bati sa akin ni Beaumont, isa sa mga kaibigan ni Felix.
"Me?" biglang tanong ng babaeng kasama ni Felix.
"Huh?" mas lalo akong nalito dahil sa akin nakatingin si Beaumont kanina.
"Gago ka talaga!" Binatukan ni Travis ang kaibigan at hiniwala palayo sa akin. "'Wag mong pansinin 'tong mga 'to, Astrid."
"Killjoy!" si August naman ang bumara kay Travis. "Kingina kasing Felix 'to! Nagdala ng ibang babae sa birthday ng anak niya! Gago talaga!"
"He can't remember them yet. Hayaan na muna natin," mahinahon pa ring paliwanag ni Travis dahilan para bumalik ang atensyon ko kay Felix.
"What's up?" cool na tanong niya sa akin at inilahad ang isang paperbag. "Me and my girlfriend's gift for your son," dagdag niya pa at inilibot ang tingin sa lugar.
"Thanks!" pormal na sagot ko kahit ang sakit no'n sa dibdib.
Sunod ay binalingan ko ang katabi niya. Tall, slim with back long wavy hair, and fair skin. Bigla kong naalala ang ayos ko noong si Aphrodite Saavedra pa ako. "Nice to meet you, Aphrodite?" alanganing tanong ko sa babaeng katabi niya.
"Me too! What's your name again?" tanong niya pabalik kaya napahalakhak ako.
"Astrid," nakangising tanong ko at tinignan ang kamay niyang nakahawak pa rin sa matipunong braso ni Felix.
Ayaw niya talagang alisin, huh?!
"Gaano na kayo katagal?" kuryosong tanong ko para mas makilala siya lalo.
"13 hours? Kahapon lang naging kami!" masayang sagot nito dahilan para mas lalong lumakas ang tawa ko.
Coincidence lang bang kapangalan ko siya rati at nandito siya ngayon bilang girlfriend ni Felix?
Pansin ko namang napabaling si Felix sa akin kaya ngumiti na lang ako. "Welcome here! Pasok kayo," pag-imbita ko sa kanila at mapait na napangiti nang marinig si Arvid.
"Dad! Dad-dy!" bati niya sa bagong dating gamit ang maliit at masayang tinig.
"Arvid, baby, let's play with yaya muna," anyaya ko sa kanya dahil ang atensyon niya ay na kay Felix. Ni hindi na niya pinapansin ang pag-alu sa kanya ng lolo David at lola Ellise niya.
"Da-da!" Bigla itong umiyak.
"Shhh! Play na lang ulit tayo ng balloons?" muling subok ko para pakalmahin siya.
"What's the matter?" Halos mapatalon na ako sa gulat nang marinig ang boses ni Felix sa likuran ko.
"Wala," mabilis na sagot ko at akmang iiwas nang pigilan niya sa paglagay niya ng kamay sa lantad na bewang ko. Backless kasi ang suot ko kaya niladlad ko lang ang mahabang buhok pero hinawakan niya ako roon kaya ramdam ko ang mainit-init na palad niya.
"Hmm? Is he really my son?" kuryosong tanong niya at binitawan ako. "Hi, baby! What's your name?" pagkausap niya kay Arvid.
Napanguso ang anak ko at bigla na lang huminto sa pag-iyak. "Dad-dy!" Gumalaw pa siya para magpabuhat kay Felix.
"Okay lang po ba?" nag-aalalang tanong ko kay tita.
Nang ngumiti siya at tumango ay tinignan ko si Felix. Saktong nasa akin ang tingin niya at mas malapit ang mukha niya ngayon kaya uminit ang pisngi ko. "Tss! Ba't si mom ang tinatanong mo? Ako ang gusto niya!" masungit na reklamo niya sa akin at hinaplos ang manipis na bubok ni Arvid
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
