CHAPTER 74: REASON TO STAY
Nilabanan ko ang nag-aapoy na titig niya nang humakbang siya palapit sa akin. Umatras ako at dahil do'n ay kumunot ang noo niya.
"Why? Are you scared of me?" mayabang na tanong niya. "Or you just don't want me to remember that you cheated on me back then?"
"Anong pinagsasabi mo?" litong tanong ko pabalik dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.
"I know something ia going on with you and Travis. So why you're fucking telling me those things, huh?! Am I really Arvid's father?"
Nanlaki ang mga mata ko nang sumigaw siya habang nanlilisik ang mga mata. "Answer me 'cause I'm fucking confused, bitch!"
Nang muli niya akong sigawan at tawagin sa bastos na paraan ay kaagad na lumapat na ang palad ko sa pisngi niya. Puno ng galit at pagkairita ang puso ko nang pantayan ko ang nanggigil na titig niya.
"What was that for, huh?" Umigting ang panga niya at parang isang beses na sampal ko pa sa kanya ay sasaktan na niya ako gamit ang nakakuyom na kamao niya.
Suddenly, I felt an strange feeling of nervousness the way he looks at me dangerously. Kaya niya ba akong saktan?
"Kasi naiinis ako sa 'yo!" Sinuntok ko ang dibdib niya at hinayaan ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha sa pisngi ko. "I know you freakin' loss some of your memories but do you really have to call me a 'bitch'?! Bakit, Felix? Nasaang parte na ba ng buhay mo ang naalala mo?"
"I don't know..." humina ang boses niya at nanlambot ang ekspresyon niya.
Nang humikbi ako ay sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero mabilis ko iyong iniwas. "Paano mo naging girlfriend si Aphrodite?"
Umiling siya at hirap na nagpaliwanag habang nakakunot ang noo at parang hindi niya alam ang sasabihin. "I always dreamt of this girl named Aphrodite and it feels like she's my girlfriend 'cause we're sweet and..." Bigla siyang tumalikod sa akin at sinabunutan ang sarili niyang buhok. "I'm so fucking confused! Damn it!"
Namayani ang awa at pag-aalala sa dibdib ko kaya nilapitan ko siya lalo na nang suntukin niya ang pader ng kwarto. "Felix!"
"Fuck! My head hurts! My heart hurts!" sigaw niya at pinagsusuntok ang matigas pader.
"Felix, stop!" pigil ko sa kanya at ibinigay ang buong lakas ko para itulak siya palayo sa pader. "Tama na," ulit ko at niyakap siya nang subukan niyang tumayo.
"Shhh! Saan masakit?" mahinahong tanong ko at kinulong ang mukha niya gamit ang magkabilang palad ko nang makitang namumula ang buong mukha niya at umiiyak siya.
"I'm sorry. I'm sorry! I didn't mean to say that."
"Felix..." Kumirot ang dibdib ko at lumuhod sa harap niya para yakapin siya. Hinayaan ko siyang sumadal sa gilid ng leeg ko at hinaplos ang matipunong likod niya. "Shh, it's okay, I understand. Hindi mo pa ako naaalala. I'll wait for you, Felix. 'Wag mong pilitin ang sarili mo na maalala ako at ng anak natin. Hmm?"
Mariin akong pumikit nang muling maalala ang naging engkwentro naming iyon ni Felix. Hanggang ngayon ay hindi iyon maalis sa isip ko. That was the first time he broken down with me in person. Gusto ko siyang yakapin ulit.
Bumaling ako sa mini cabinet na nasa tabi ng kama ko at bumangon para kunin do'n ang bracelet na ibinigay niya sa akin no'n para gamiting self-defense. Kahit naghiwalay na kami rati, kahit kinasal na siya at hanggang ngayon na wala siyang maalala ay suot niya pa rin iyong bracelet na kapareha nitong sa akin.
Hinaplos ko ang pendant roon at muling napaluha nang umilaw iyon. Biglang bumalik ang sa isip ko ang pag-iyak niya sa harap ko kanina at napagtanto kong masyado akong nasanay sa pagiging pilyo siya at matapang. Lagi niya akong hinahabol kahit anong taboy ko sa kanya palayo. Kasi mahal niya ako!
"I'm sorry," bulong ko at humagulgol. "You're the only who's always fighting for us, Felix. But this time, ako naman."
Determinado ay binuksan ko ang bagong social media account ko. Simula kasi no'ng nagkaroon na ako ng mga endorsement ay dinelete ko na ang account kong under sa pangalang Aphrodite Saavedra. Hindi na rin active ang dati niyang account kaya kailangan kong mag-friend request at follow sa bago niya. Mabuti na lang ay may mutual pa rin kaya alam kong siya pa rin iyon. I'll wait 'til he accept and follow me back.
Napaawang ang labi ko nang makitang may nag-notif kaagad.
Felix Saavedra accepted your friend request.
Bigla akong kinabahan. It's already midnight. Bakit online pa siya?
Me: Hi!
Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil sa hiya nang makitang delivered na iyon. It feels awkward knowing na nag-away kami kanina. But five minutes later, it remains unseen.
Naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko. Did he ignored my chat? Or hindi niya pa nakita?
Me: Hi, again! This is Astrid Hannsen. Are you free tomorrow? Just wanna ask something about your contract in my Company since you're almost a month absent now.
Pumikit ako ng mariin at humiling na sana ay mabasa na niya iyon ngayon. Naglagay pa ako ng rason para magkita lang kami!
Felix Saavedra: I work in your company?
Kinabukasan ay iyon ang bumungad sa akin. Napangiti ako habang yakap si Arvid. "Nag-chat ang daddy mo," kwento ko pa rito.
Me: Yes. So, can we meet when you're free?
Napakurap ako dahil na-deliver agad ang mensahe kong iyon. Hindi ko napansin na online siya. Sana ay tinawagan ko na lang!
Parang napakinggan niya nga ang hiling kong iyon dahil tumunog ang phone ko. "Baby, pahinaan muna natin, okay?" pagtukoy ko sa tugtog na pinapakinggan ni Arvid sa iPad niya bago sagutin ang tawag ni Felix.
"Hi, Felix! Good morning," masiglang bati ko sa kanya.
"Yeah, mornin'," tamad at namamaos na sagot niya.
Mukhang kakagising niya lang. Ganito kasi ang boses niya tuwing umaga. Uminit ang pisngi ko nang ma-imagine ang gwapong mukha niya habang magulo ang buhok, namumungay ang mga mata at walang saplot pang-itaas.
Mariin akong lumunok bago sumagot, "Itatanong ko lang kung kailan ka pwede?"
"Pwedeng ano?" biglang naging mapanlaro ang boses niya.
"Makipag-meet sa akin!" mabilis na sagot ko. "Tungkol sa contract na sinasabi ko. Baka kasi gusto mo nang bumalik sa Kompanya niyo. Ayos lang naman sa akin kung—"
"Give me the address. I'll attend work today," pagputol niya sa akin dahilan para mapaawang ang labi ko.
"Today?!" Umayos ako ng upo sa kama nang mapansing masyado akong na-excite roon. Maging si Arvid ay nagulat at napatingin sa akin. Narinig ko pa ang panlalakeng halakhak ni Felix kaya nahiya ako lalo. "Sige! So, will you stay or leave after this day?"
"I'll think about that. If I find a reason to stay, then I won't leave," sagot niya na parang nanghahamon.
Ano kayang pwede kong gawin para hindi siya umalis?
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
