CHAPTER 71: GIRLFRIEND
"From 87th to 10th! Looks like your exposure and collaboration to endorsement and runways paid off, Astrid! Good job! Konti na lang, Hanssen na ang top 1!" may kilig at excitement na hiyaw ni Auntie Amelia.
Nagkasalubong kasi kami. Pababa ako ng hagdan habang nasa braso ko si Arvid at si siya naman ay paakyat.
"Hindi ko na po itinuloy ang pagde-demanda kay grandma," balita ko para mabawasan naman ang tuwa niya kahit papaano.
"What?! Why?! That's the best way to get rid of them, Astrid!" reklamo niya pero humakbang na ako pababa. Humawak pa ako sa railings dahil baka mamaya ay itulak niya kami ni Arvid.
"Ayaw ko at wala ka nang magagawa, auntie," pagtapos ko sa usapan at tinignan si Yaya Vi na siyang may dala ng mga gamit namin ng anak ko.
Luluwas kaming Maynila ngayon para bisitahin si Felix. Mag-iisang linggo na siyang wala malay. Gano'n na katagal na hindi namin siya nakasama ni Arvid.
"Daddy is sleeping," kwento ko kay Arvid habang binabantayan namin si Felix. Tatlo lang kami ngayon nina mommy na narito dahil kaninang umaga raw dumalaw ang grandma niya na galit pa rin sa akin.
"I'm sure you missed your dad, Arvid," natutuwang pagkausap niya sa anak ko dahilan para mapangiti ako kahit malungkot pa rin ang puso.
"Opo, mommy! Minsan nga po, nagtatawag siya ng 'daddy' sa akin," pagkikwento ko at hinawakan ang kamay ni Felix, iyong walang nakakabit na dextros.
"I wish Felix will recover soon," muling lumungkot ang boses niya.
Nanubig rin ang mga mata ko pero kaagad kong kinalma ang sarili. "Baby, tell daddy to wake up!" ginamit ko ang pambata at maliit na boses para kausapin ang anak. "Daddy, wake up na. We missed you!"
Sana naririnig kami ni Felix ngayon. Nabasa ko kasi sa internet na gumagana pa rin raw ang hearing sense ng mga coma patient at parang nagiging panaginip nila ang mga naririnig ngayong wala silang malay.
Gusto ko na siyang magising! I've missed him so much! Ngayon ko lang napagtantong iba talaga kapag wala siya. Iba 'yong saya kasi walang nangungulit sa akin, walang nanlalandi, walang nangyayakap at walang nanghahalik.
"Astrid," marahang bati ni Travis sa akin nang magkita kami sa Cafeteria ng Private Hospital.
Bumili kasi ako ng pagkain namin ni mommy para sa dinner. Siya na muna ang pinabantay ko kay Felix para hindi na siya napagod magtaas-baba sa kwarto ni Felix.
Napangiti ako at agad ba binati siya pabalik, "Travis, ikaw pala! Hi!"
"I'm sure Felix will be happy to see you if he wakes up now," mahina pa siyang natawa. "Kakarating mo rito?"
"Oo, kasama ko si Arvid at si Yaya Vi," pagki-kwento ko at may napagtanto. "Naipakilala ko na ba sa 'yo si Arvid?"
"Hmm, not yet but it's Felix who actually told me about him. He's your son, right?" pabalik na tanong niya kaya muli akong napangiti.
"Oo," maikling sagot ko at mas lalo nadagdagan ang pagka-miss kay Felix dahil ikinukwento niya pala kami ni Arvid sa mga kaibigan niya.
"You know what, Astrid, he have always been proud boosting something about you. Sa social media siya nagkakalat kapag hindi niya kami kasama. And now, pati sa anak niyo. I remember one time, he celebrated 'cause Arvid called him 'daddy'..." tumigil siya saglit dahil sa paghalakhak.
Kumirot naman ang dibdib ko dahil ngayon ko lang iyon nalaman. Hindi na kasi ako active sa mga social media account ko simula noong na-bash ako ng malala dahil sa amin ni Travis.
"...Felix treasures you both so much. He's far from that womanizer fucker I've met in College. You changed him for the better."
Ngumiti siya sa akin. Pumatak ang luha ko dahil sa pinaghalong saya at lungkot.
"And whenever he's stressed, 'di na rin siya nambababe. Alak lang sapat na sa kanya simula no'ng naging kayo," muli ay humalakhak siya kaya mapait akong napangiti.
"No'ng kinasal ako, ikinuwento niya iyon sa inyo?" tanong ko sa kanya dahil parang hindi alam ni Travis na kasal ako no'ng nagkita kami ulit sa birthday party ni Seira o sadyang pinagti-tripan niya lang ako no'n.
"I didn't know about that. Nasa ibang bansa kasi ako no'n. But surely, he told that to other boys," aniya at tinignan si Felix na nakahiga at animo'y payapa lang na natutulog.
"Dati, kami lang ang napagsasabihan niya ng lahat, Astrid. May it be the happiest day of his life or the most fucked up. Lumaki kasi siyang kami na ang laging kasama, hindi 'yong pamilya niya," mula sa malungkot na tono ay hinarap niya ako at marahan siyang ngumiti. "But now, I'm glad he found a family in you and his family are also supporting and taking care of him."
Dahil do'n ay naging sinsero na ang ngiti. "Thank you, Travis. Masaya ako na naroon kayo para sa kanya rati."
"Of course! Kahit naman gago 'to, mabait din naman minsan at maasahan talaga," pagbawi niya at muling tumawa bago ako niyakap.
Huminga ako ng malalim at saglit na dinama ang mainit na yakap niya bilang kaibigan. "Please treasure him too, Astrid."
Tumango ako dahil sa bilin niya at kapwa kami napahiwalay sa isa't-isa nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalake.
"Travis?"
Napaawang ang labi ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang gising na si Felix. Namumungay ang nga mata niya at kita ang kalituhan sa mga mata niya.
"Dude!" Kaagad tumayo si Travis at yumuko para yakapin ang kaibigan na ilang araw naming hinintay na magising. "We missed you, fucker!"
Napangiti ako habang nanlalabo ang mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha. Sa wakas, gising ulit siya!
Nang punasan ko ang luha ay malinaw kong nakita ang titig niya sa akin na may halong pagtataka.
"Felix..." tawag ko sa kanya at akmang hahawakan na ang kamay niya nang tumingin siya kay Travis.
"Your girlfriend, dude?" tanong niya sa kaibigan dahilan para malaglag ang kamay ko at hindi na siya hinawakan.
"What?! Hindi mo siya kilala?" may pagtataka ring tanong ni Travis sa kanya.
"No," sunod ay malamig na ang titig na ipinukol niya sa akin dahilan para mulin mawasak ang puso ko.
Bakit si Travis lang ang kilala niya? Nakalimutan niya ba ako?
BINABASA MO ANG
Billionaire's Sinful Obsession
RomanceAphrodite Saavedra is an orphan who only wants peace and freedom from those criminal who took her love ones from her. She was busy hiding until she met Felix Saavedra-his stepbrother and a billionaire who turns her world upside down when she became...
