Rei POV
Tinignan ko ang calendar at kinuha ko ang ballpen sa drawer para lagyan ang ekis ang mga natapos na araw.Oo.Yan ang lagi kong ginagawa para hindi ko malimutan ang petsa.Makakalimutin ako pagdating sa petsa.20 days na lang at malapit nang matapos na ang 1st month ng sakit ko.Haaaay...Pupunta nga pala ako sa ospital kapag may day-off ako.Umuwi na ako para makapagpahinga at makapunta sa doctor bukas.
*Next day*
Narating ko na rin ang St. August General Hospital kung saan nagtatrabaho si Oliver.Nakita ko si Oliver na kinakausap ang nurse.Dumiretso na ako sa opisina ni Dr. Lopez.Pumasok na ako at sinarado ang pinto.Umupo na ako.
"Alright Miss Dela Rosa,now you're here,let's start your check-up.Follow me." Sinundan ko siya palabas ng opisina niya.Ang daming ginagawa sa akin ng mga nurse katulad ng blood tests,bone marrow test,ct scan at kung anu-ano pa.After 30 minutes,natapos na rin ang mga tests.Napagod ako ng husto.Nakakawalang-gana ang pagpapacheck-up sa ospital.Haaaaay...
"Rei?Anong ginagawa mo dito?" Hindi ako makasagot.Napalunok ako.Anong sasabihin ko kay Oliver?Kinakabahan ako.Mag-isip ka ng palusot,Rei.
"Ah...eh...May kaibigan kasi ako na...na-comatose dahil naaksidente siya kaya naisipan ko sana siyang dalawin." palusot ko.
Sana maniwala ka sa akin,Oliver.Please.
Napabuntong hininga na lang siya.Bumalik na siya sa trabaho.Bumalik na lang daw ako kapag tapos na ang lunchbreak sabi ni Dr. Lopez.2:00 pm daw ako kailangan bumalik para malaman ang test results.Maglalakad sana ako papunta sa isang restaurant nang biglang huminto sa harapan ko ang kotse.Binuksan ng lalaki ang kotse at nagulat ako kung sino ang may-ari.
"Get in,Rei." Naku po!Si Oliver.Anong gagawin ko?Bahala na ang mga paa ko.Sumakay na ako sa kotse ni Oliver.Nagdrive siya papuntang Kenny Rogers.Lumabas na kami ng kotse.Pumasok na kami sa restaurant at umorder ng pagkain.Parehas kami ng inorder ni Oliver na pagkain.After 35 minutes,dumating na ang order namin at kumain na kami.Pagkatapos naming kumain,bumalik na kami sa ospital para puntahan si Dr. Lopez sa office.
"Miss Dela Rosa,may itatanong lang ako sa'yo.Iniinom mo ba ang gamot mo?" Hindi agad ako kumibo sa tinanong ni Dr. Lopez.Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Sa totoo lang...itinigil ko na po ang pag-inom ng gamot,Doc.Ayaw ko na pong umasa na gagaling talaga ako.Tanggap ko na ang katotohanan na hindi na ako gagaling.Sorry po." Pakiramdam ko,nai-guilty talaga ako dahil hindi ko na iniinom ang gamot ko.Napayuko ako.Nagulat na lang ako dahil napabuntong hininga si Dr. Lopez kaya tumingin ako sa kanya.
"Kaya pala.Nakikita ko sa katawan mo na nanghihina ka at hindi lang 'yon,namumutla ka pa.So,tinanggap mo na talaga na hindi ka na gagaling?" Tumango ako.Huminga siya ng malalim.
"Makakaalis ka na.Kung kailangan mo ng kausap,nandito lang ako.Mag-iingat ka,Rei Dela Rosa." Umalis na ako sa ospital at pumunta ako sa suermarket para may mailuto mamaya.Hmmmm...Ano kaya ang lulutuin ko para sa dinner?Aha!Bumili ako ng ingredients para sa Tonkatsu na gagawin ko mamayang gabi.After 1 hour,umuwi na ako para makapagluto na ng dinner.Ang hirap kaya maghanap ng ingredients para sa Tonkatsu.After 35 minutes,natapos ko na rin ang Tonkatsu kaya kumain na ako.Pagkatapos kong kumain,pinag-aralan ko ang tungkol sa mga kaso ng mga kriminal.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa.
*Next day*
Na-late ako sa trabaho ng mahigit isang oras.As usual,sinesermunan na naman ako ng Prosecutor kapag lagi akong nale-late. Nagsorry ako.Bumalik na ako sa trabaho ko.
>>>>>>>>>>Fast Forward>>>>>>>>>>>>>>
Nang matapos ako sa pagsasaliksik,bigla na lang nanghina ang mga tuhod ko.Para akong hindi makatayo sa inuupuan ko.Okay lang 'yan,Rei.Tinakpan ko ang bibig ko at dali-dali akong pumunta ng C.R. at sumuka.Dumudugo na naman ang gums ko.Kailangan ko na talagang maghalf-day dahil kung hindi...magiging delikado at ayokong may makakita na nasa ganitong sitwasyon ako.Pinuntahan ko si Prosecutor Johann Walter sa ospisina.Yes.His real name is Johann Sanchez Walter.He is a half-german & half-pinoy.Dito na siya ipinanganak at lumaki sa Pilipinas.Ang Mommy niya ay isang pure filipina at ang Daddy niya naman ay isang pure german.Kaya hindi kataka-taka sa mukha niya kung bakit iba ang pananalita,ang itsura at ang kanyang katawan.6'4 lang naman ang height niya at pwede na siyang maging basketball player.
"Rei,bakit ka nandito?Kung wala kang sasabihin,bumalik ka na sa trabaho mo."
"Prosecutor Walter,gusto ko sanang maghalf-day kahit ngayon lang.Kasi po---." Natigilan ako dahil lumapit sa akin si Johann at tinitigan ako ng mabuti.
"Rei,uuwi ka ba dahil may date ka o kaya naman,may sakit ka?Kaya ba gusto mong maghalf-day dahil sa hindi ka pa magaling?Noong isang araw,nahahalata ko na parang gusto mong umuwi at gustong magpahinga ng katawan mo.Baka nagugutom ka na.Halika,ililibre kita ng lunch para naman maging malakas ka.Atsaka,huwag ka nang mag-alala pa,inayos ko na ang half-day papers mo kanina kaya dapat magcelebrate tayong dalawa,Rei.Tara na." Inakbayan niya ako.Umalis na kami at nagpunta sa isang restaurant.Nag-order siya ng 2 appetizers,2 main course,2 drinks at 1 dessert.Napataas ang kilay ko.Sa lahat ng dessert na inorder niya,bakit eto pa ang napili?Pineapple cake ang nasa lamesa.Allergic talaga ako sa pineapple.Oo.Allergy ako sa pinya.Kapag kumakain kasi ako ng pinya,biglang namumula ang balat ko,namamantal at nangangati talaga ang buo kong katawan kapag kumain ako ng pinya.Kahit labag sa loob ko,kumain pa rin ako ng pinya.After 1 hour,lumabas na kami ng restaurant.Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko para maramdaman ang pamumula ng balat ko.
"Rei,are you alright?Bakit parang namumula ka yata?" Umaatake na naman ang allergy ko.Nakakainis!
"Huh?A-A-A-Allergic kasi ako sa pinya kaya naman,namumula at nangangati talaga ako." Mukhang nalaglag ang panga ni Johann.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?!Ayan tuloy,inaatake ka na ng allergy mo.Sorry talaga.Sorry.Hindi ko alam." natatarantang wika niya.
"It's not your fault,so please,don't blame yourself.Besides,it's my fault." pagpapakalma ko sa kanya.
"Gusto mong sabay na tayong umuwi,Rei?Para naman makabawi ako sa'yo." Pumayag ako.Naglakad kami pauwi ni Johann.Hanggang sa nakapasok na ako sa loob ng condo.Kumuha ako ng notebook para magsulat ng mga wishlist ko.
My Wishlist Before I Die
1.Go on a romantic dinner.
2.Dedicate and sing a love song to your loved ones/boyfriend/special someone.
3.Go ice skating with your boyfriend.
4.Go to the Amusement Park.
5.Go stargazing with him.
6.Dance and kiss with your special someone in the rain.
7.Experience a sunrise.
8.Fly a kite.
9.Visit Subic.
10.Learn to use the Wake-boarding and jet-ski.
11.Go snorkeling with your loved ones/boyfriend.
12.Be a matchmaker/cupid.
13.Fly in a hot air balloon with your loved ones/boyfriend/special someone.
14.Tell your parents,siblings & friends that you love them.
15.Visit Subic one last time.
16.Experience a sunset.
Haaaaaaay,sa wakas,natapos na rin ang pagsulat ng mga wishlist ko.Grabe,ang hirap pala mag-isip ng kung anu-anong hiling mo bago ka mawala dito sa mundo.Simple lang ang mga sinulat ko sa wishlist ko.Yung mga activities na hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko.Habang sinusulat ko ang mga bagay na gusto kong gawin bago ako mawala dito sa mundo ay umiiyak ako.Hindi ko alam kung bakit ako pa ang kailangang magkaroon ng malalang sakit na ito.Bakit sa akin pa napunta ang sakit na 'to?Bakit hindi na lang napunta ang sakit ko sa mga masasamang tao para matauhan sila?Bakit?!BAKIT?Ayoko na.Gusto ko nang matapos 'to.Para matigil na ang pagdurusa ko sa mundong ito.
Author's note:Good evening,readers.Pasensya na po sa paghihintay.May mga inayos lang po kasi ako kaya hindi po ako nakakapag-update ng maaga.May mga binago at idinagdag lang po ako sa chapter na ito.I hope that you like it.Please read,comment,share my stories to your friends & vote WYBMBIJ6M(Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?) and also MBSL(My Bodyguard Sweet Lover).I love you all.Saranghae.Thank you.Goodnight.
BINABASA MO ANG
Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓
RomanceHindi alam ng marami na may tinatagong sikreto ang lahat ng tao.Walang lihim na hindi nabubunyag.Tulad ni Rei,marami siyang tinatagong sikreto pero may isa siyang sikreto na hindi dapat malaman ng ibang tao,lalo na si Carlo.Hindi nila alam na may le...