Chapter 53 Losing Hope

156 2 1
                                    

Jake Carlo POV

Hawak-hawak ko ang kamay niya habang nakaupo sa isang upuan na malapit sa kanya.'Yung nangyari sa amin kagabi,'yun ang pinaka-memorable para sa akin.Hindi ko na naman alam kung kailan ako maghihintay sa pagdilat ng kanyang mga mata.Basta maghihintay ako.

"Umiiyak ka na naman,JC.Tama na." sabi ni Mommy.

"Kapag nakita ka ni Rei na umiiyak,lalong masasaktan 'yun.Magigising rin siya mamaya." sabi ni Mommy ulit.Pinunasan ko ang luha ko na kanina pa bumubuhos sa aking mga mata.

"S-S-Sorry po,Mommy.L-L-L-Lumalabas na naman po ang weak side ko kapag nakikita ko na n-n-n-nahihirapan ang asawa ko,lalo po a-a-akong nasasaktan." Kapag tinitignan ko ang asawa ko,ang nakikita ko sa kanya ay paghihirap.Ayokong nakikita na nasa ganitong sitwasyon ang asawa ko.Dapat may gawin ako para kay Rei.Pero ano?

"Uuwi na muna kami ng Daddy mo,JC.Ikaw muna ang bahala kay Rei.Huwag kang susuko.Nandito kaming lahat para sa'yo.Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa.Kaya mo 'yan." Tama si Mommy.Niyakap ko si Mommy.Nagpasalamat ako sa kanya.

"Huwag na huwag mong pababayaan ang asawa mo,JC.Kahit na hindi ako magkaroon ng apo,ang mahalaga,kasama pa natin ang asawa mo,ang mahalaga ay 'yung masaya ka sa piling niya...kahit sa..." Hindi na niya tinuloy ang pagsasalita nang umiiyak na siya.Hinawakan ko ang mga balikat niya at pinaharap ko siya sa akin.Pinunasan ko ang mga luha niya.

"I'll be alright.Don't worry for me,Mommy.I will always love her.Forever.Even if she die.Until her last breath in this world.She's my world and no one can replace her." Ngumiti si Mommy.

"Let's pray for her." I closed my eyes.I held my hands and then,I pray.

Lord,

Unang-una sa lahat,humihingi po ako ng kapatawaran sa mga nagawa kong kasalanan.Alam ko po,walang kapatawaran ang mga nagawa ko pero...Sana ako na lang.Sana ako na lang ang nasa sitwasyon ni Rei.Kahit anong parusa,tatanggapin ko po.Please,Lord.Maawa po Kayo sa asawa ko.Patawarin Niyo po ako.Kahit ilang beses akong humingi ng tawad,gagawin ko.Gagawin ko ang lahat.Please.Give us a miracle.

I opened my eyes.Maya-maya,nakita ko ang paggalaw ng mga daliri niya.Am I hallucinating?Kinusut-kusot ko ang mga mata ko para makita kung gumagalaw talaga ang mga daliri niya.At...Hindi nga ako nagkamali sa mga nakita ko.Tumingin ako sa mga mata niya na pilit idinidilat.Tumingin siya sa amin isa-isa.Bumangon siya kaya inalalayan ko siya.

"Carlo,puwede na ba tayong umuwi?Ayoko na kasi dito." Hinawakan ko ang mga balikat niya.Umiiling ako.

"Hindi pa tayo puwedeng umuwi,Rei.Kapag tapos na ang pagpapa-check-up mo sa dokor,uuwi rin tayo.But for now,you need to rest.NO BUTS.Okay?" Inihiga ko siya sa hospital bed ng dahan-dahan.She pouted.

"Opo,Daddy." Tumawa na lang kami dahil sa pagtawag niya sa akin na 'Daddy'.

"Nagtatampo na naman ang baby ko." Hinampas niya ako sa balikat.Ang cute niya.Kyaaa...Bakit?Masama bang kiligin ang mga lalaki?Hindi naman,'di ba?'Di ba?!'DI BA?Umuwi na muna silang lahat maliban sa akin.

"You don't want to go home,Carlo ko?" I shook my head.I hold her hand.

"Gusto kitang makasama araw-araw o gabi-gabi kaya huwag mo akong pauwiin kung hindi kita kasama,Rei ko.Mas gusto ko na manatili na lang ako sa tabi mo kahit saan,kahit kailan." Hindi na siya nagsalita pa.Sa halip,natulog na siya.Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo.Natulog na rin ako.

*Next Day*

Nagising ako dahil sa boses ni Rei.Bakit iba yata ang naririnig ko sa boses niya?Parang chipmunk.Pagdilat ng mga mata ko,nakita ko si Rei na nakatingin sa akin.Ang cute niya talaga.

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon