Chapter 38 Dinner Date

151 2 0
                                    

Jake Carlo POV

Hindi ko maipaliwanag ang sayang narararamdaman ko dahil...ikakasal na kami ni Rei sa linggo.Three days to go.It's our wedding.Ano kaya ang magiging itsura niya kapag nakasuot na ng wedding gown ang mapapangasawa ko?Ang hirap i-imagine pero masaya na parang kinakabahan.Gusto ko kasi agahan ang kasal namin kaya minadali ko ang kasal.Sana pala...Noon ko pa binuksan ang puso ko para sa kanya.Ang dami kong pagsisisi sa buong buhay ko.At naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko napapansin o binabalewala ang nararamdaman ko para kay Rei.I love her.Natutulog na si Rei pero ako,hindi pa.I can't sleep because I want to look at her before I go to sleep.It makes me happier than anything else.Nandito ako sa condo niya.2:00 am na pero hindi pa ako natutulog.Gusto kong pinagmamasdan ang kanyang napakagandang mukha kahit saglit lang.Dahil sa pagmasdan ko sa kanya,nakatulog na ako.

*Next day*

Naman!Sana natulog ako kagabi ng maaga.Late na ako sa trabaho ko!!Mapapagalitan na naman ako ni Eric!Nagmamadali akong maligo,nagbihis at kumain.Pagkatapos kong kumain,kinuha ko na lang ang bag ko at bago pa ako makaalis,lumapit ako kay Rei.I kissed her for a few seconds.Umalis na ako.Pagdating ko sa trabaho,as expected,pinagalitan ako ni Eric. 

>>>>>>>>>>>Fast Forward>>>>>>>>>>>>>

Yes!Makakauwi na rin ako sa wakas.Biruin niyo,pinag-overtime tuloy ako ni Eric dahil na-late ako kanina.Asar talaga!Nakarating na rin ako sa condo dahil ang sabi niya,magluluto daw siya para sa amin.Pagpasok ko sa condo,nagtataka ako dahil madilim ang paligid.I turn-on the switch and then..........

"HAPPY 27TH BIRTHDAY,JAKE CARLO REYES." Napa-'woah' tuloy ako.Tumakbo si Rei papalapit sa akin at niyakap ako.

"Happy birthday,Carlo.I love you." 

"I love you too,Rei." We kissed.

"Wait!Where's your gift for me?" She blushed.

"Bakit?Hindi pa ba ako sapat sa'yo,Carlo?" Now,it's my turn to blushed.I cupped her face.

"Kahit wala akong regalo na natanggap mula sa'yo,ikaw lang,sapat na." Naghiyawan ang mga lalaki sa mga sinabi ko.

"Pare,ang cheesy mo!" 

"Mag-aasawa ka na nga,kaya puwede bang bawasan mo ng kaunti ang pagiging cheesy mo?!" Napakamot tuloy ako sa ulo ko sa sobrang hiya.

"Heh!Tumigil nga kayo!" Tawa dito,tawa doon.Masaya ang birthday ko.Sobrang saya.Dahil kasama ko siya.Lumingon ako kay Rei habang tumatawa siya.Napakaganda niyang ngumiti at tumawa.

>>>>>>>>>Fast Forward>>>>>>>>>>>>

Pagkatapos ng birthday celebration ko,umuwi na silang lahat.Tinutulungan ko si Rei sa pagligpit ng mga kalat.Masaya ang celebration ng birthday ko ngayon.Kasi 27 years old na ako ngayon.Pareho na kami ngayon ng edad ni Rei.Pero...Bakit ganito?Bakit hindi ako mapalagay?Oo nga pala,yung regalo na binigay niya sa akin kanina ay necklace na susi na may angel wings.Dalawa 'yon pero ang isa ay sa kanya.

"Ah...Eh...Jake,puwede ba tayong mag-usap?Just the two of us." Si Dylan.Ano kaya ang pag-uusapan namin?Pumayag ako.Pero bago ako lumabas,lumapit sa amin si Rei.

"Saan kayo pupunta?Sasama ako sa inyo." Pinigilan ko siya.Hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Pupunta kami sa bar.Atsaka,bawal ka doon.Ganito,babalik ako sa'yo sa loob ng isang oras.May pag-uusapan lang kami ni Dylan.Pangako.Babalik ako sa'yo." I cupped her face.

"Promise?" 

"I promise." I kissed her forehead.Umalis na kami.Ang totoo,hindi naman kami iinom sa bar.Mag-uusap lang kami.Habang naglalakad kami,binigyan ko siya ng canned drink na alak pero tumanggi siya.

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon