Chapter 8 One Rule

110 4 0
                                    

Carlo POV

Nanginginig ako sa galit habang iniisip ko ang mga nakita ko noong isang araw.Sino kaya ang lalaking nakabuntot kay Jennifer na nakita ko nakaraang tatlong linggo?Nasa bar ako na pagmamay-ari ng pinsan ko na si Daniella Valdez Torres.Ella for short.Nag-order ako ng dalawang beer para sa sarili ko.Gusto kong makalimutan ang mga problema ko noong tatlong linggo hanggang ngayon.Bubuksan ko sana ang beer na iinumin ko nang biglang may umagaw ng beer sa kamay ko at umupo siya sa tabi ko.Speaking of the devil,here she comes.

"Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na bawal kang uminom ng beer lalung lalo na kung may problema ka,wag mong solohin ang problema mo,dapat i-share mo sa iba." payo ng pinsan ko na si Ella.She's 24 years old and I'm 26 years old.Kaya mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon pero parang matanda kung magsalita.Inagaw ko sa kanya ang beer,binuksan at ininom ko ito.

"Mahal mo ba talaga siya,JC?" Lumingon ako sa kanya.Oo.JC din ang tawag niya sa akin.Nasanay na akong tawagin na JC. 

"Oo.Mahal na mahal ko siya kaya hinding hindi ko siya ipagpapalit sa iba.Kahit na maghanap siya ng ibang lalaki.Martyr na kung martyr pero kung maghahanap siya ng iba habang wala ako sa tabi niya,hindi ko siya iiwanan kahit masakit,tatanggapin ko.Basta nasa tabi ko lang siya,masaya na ako."

Oo.Ganoon ko siya kamahal.Pwede niyo na akong bansagan na tanga.Kapag ako ang nagmahal,hinding hindi ko siya pakakawalan kahit na may iba na siyang mahal.Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang isang bote ng beer kaya kinuha ko ang isa pang beer,binuksan ko ito atsaka ininom.Ang sabi ng classmate ko dati,may pagka-stick to one daw ako,pero totoo lahat ng 'yun.Stick to one talaga ang puso ko pagdating sa isang tao.Hinding hindi ko ibibigay sa ibang babae itong puso ko.Nang maubos ko na ang dalawang bote ng beer,nilapag ko ito sa mini table.Tumayo ako.

"Magkano ang beer na ininom ko ngayon,Ella?" Kinuha ko ang wallet sa bulsa ng pantalon ko para bayaran ang dalawang bote ng beer.

"You don't have to pay that.It's my treat.I know that you have a problem.So,it's okay to me." I smirked.Lumabas na ako ng bar at naglakad pauwi.Habang naglalakad ako sa daan,nakaramdam ako ng pagkahilo.Aish!I place my palm to the wall para pangsuporta at para hindi ako mawalan ng malay sa daan.Matutumba na sana ako kaya lang,may naramdaman ako na yumakap sa akin.

"Carlo,ayos ka lang ba?"My eyes widened.It's Rei.Tumango na lang ako.Dinala niya ako sa condo niya.Inihiga niya ako sa sofa.Hindi ko makita kung ano ang ginagawa ni Rei.Nagkakaroon ako ng hangover.Aish!Hindi na dapat ako uminom ng alak.Sa susunod talaga,hindi na ako iinom ng alak.Naramdaman ko na lang na may nakabalot na kumot sa katawan ko.

"Dito ka na matulog,Carlo.Kung may kailangan ka pa,tawagin mo lang ako.Nandun lang ako sa second floor." Tumango na lang ako.Aalis na sana siya papunta sa kwarto niya para matulog kaya lang,tinawag ko siya.

"Rei!Thank you.At...Sorry kung naabala pa kita." Ngumiti na lang siya.Umakyat na siya sa second floor para matulog.Natulog na ako.

*Next Day*

Bakit parang ang bango?Bumangon ako para malaman kung ano ang naaamoy ko.Pagkain ba 'yun?Galing sa kusina.Pumunta ako sa kusina para malaman kung sino ang nagluluto.Si Rei at...ang ganda ng boses niya kapag kumakanta.

Sa simula pa lang

Nu'ng una kang makita

Ibang iba na ang aking nadarama

Nagkakulay ng bigla ang aking buhay

Bakas sa labi ang saya

Parang ikaw na nga talaga

Ngunit 'di ko man alam

Na may mahal ka nang iba

Bakit mo pinaasa..

Ngayong lahat ay huli na...

****

Ang ganda ng boses ni Rei habang nagluluto.Mas lalo pa siyang gumaganda.Ano kaya ang sikreto niya kung bakit gumaganda siya lalo?

*lub dub lub dub*

Bakit ganito?Ang bilis ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko si Rei.Hindi ko maintindihan itong damdamin ko.Ano ba ang nangyayari sa akin?

Ngayong alam ko na

Na may mahal ka nang iba

Paano ang puso ko na nabihag mo

Labis nangungulila sa'yo

Ngunit ipagpapatuloy ko

Pagmamahal kong ito

Kahit alam ko na

Alam na alam ko na

May mahal ka nang iba

****

Sa tono pa lang ng kanta na kinakanta niya,parang nalulungkot siya.Pinalakpakan ko siya.Humarap siya sa akin at base sa mga galaw niya,parang nagulat siya.Lumapit ako sa kanya.Ipinagpatuloy na niya ang pagluluto.

"Mind if I help you to finish that?" Pumayag naman siya.Tinulungan ko siya na magluto ng sinigang.After 1 hour,natapos na rin ang sinigang.Ano kaya kung dito na ako kumain mamayang tanghali?Tama.Tutal naman,Sunday ngayon baka pwede akong mag-stay dito sa condo unit ni Rei.

"Ah...Eh...Rei,may sasabihin sana ako kung okay lang sa'yo.Pwede bang mag-stay ako dito tuwing weekend kasi alam mo na...galing ako sa trabaho tuwing Monday to Friday.Hindi na ako nakakauwi sa bahay ko kapag weekend.Sige na please,pumayag ka na.Please?" Totoo naman ang lahat ng sinabi ko.Hindi talaga ako nakakauwi kapag weekend dahil sa trabaho ko sa kompanya.At ngayon,malapit nang matapos ang buwan ng January.Nagulat na lang ako dahil biglang gumiti siya.

"Payag ako.Pero sa isang kondisyon..." Lumapit siya sa akin hanggang sa 1-inch ang pagitan ng mga mukha namin sa isa't isa.Nakatingin lang ako sa kanya.Ngayon ko lang narealize na napakaganda niya pala kapag tumingin ka sa kanyang mukha.May mahabang pilik mata at matangos na ilong  na perpekto ang shape na mas lalong bumagay sa kanya.Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi.Ngayon ko lang napansin na may kissable lips pala siya.Napalunok ako nang palihim.

"Bilang girlfriend mo in just 6 months...Ako lang ang susundin mo.Hindi pwedeng sabihin sa ibang tao na boyfriend kita o girlfriend mo ako.I have one rule.NO BUTS." paliwanag niya.Huh?Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

"Paano kung aksidente kong nasabi ko na girlfriend kita sa ibang tao?Malalaman nila na two-timer pala ako tapos aawayin ako.Hindi lang ako ang malalagot pati na rin ikaw,Rei."

"Huwag mo akong alalahanin,Carlo.Ako na ang bahala. *wink* " sabi niya.Hmmm...Sa tingin ko,kailangan ko na talagang maglihim kay Jennifer.I'm sorry,Jennifer.

Author's note:Hello there,readers.Good evening.Pasensya na po sa paghihintay.Nagkaroon lang po ng medyo...malaking problema ang laptop namin kaya hindi po ako nakakapag-type.Please support my stories like WYBMBIJ6M? & MBSL.Please read,vote,comment & share.Thank you.I love you all.

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon