Rei POV
Ano kaya magandang gawin?Sa pangalawang araw na nang linggong ito na kasi magtatapos ang February at wala akong maisip na puntahan na destination.Hmmm...Kung pumunta kaya ako ng Museum ngayon?Puwede rin,puwede ring hindi.Mag-isip ka kung saan ka pupunta,Rei.Aha!Alam ko na.Sa Ecopark.Ipahinga ko muna itong puso ko dahil sobrang nasaktan talaga ako sa mga sinabi ni Carlo.Gusto ko munang makalimot.Nagsuot ako ng pantalon,red rubber shoes at yellow t-shirt.Lumabas na ako ng condo at tumawag ng taxi atsaka sumakay.After 1 hour,nakarating na ako sa Ecopark.Bago ako pumasok,binigay ko muna ang ticket at pumasok na.Nagdala na rin ako ng camera para magselfie.Gusto ko kasi...Bago ako mamatay,gusto ko munang magpunta sa isang lugar na hindi ko pa napupuntahan.Habang naglalakad ako,may bumangga sa akin.
"Rei?!" Ang boses na 'yon.Si Carlo.
"Anong ginagawa mo dito,Rei?"
"Namamasyal lang ako.Ikaw,anong ginagawa mo dito?" Ngumiti siya.
"Ganun din.So,gusto mong mag-date na lang tayo?Tutal naman,tayong dalawa lang ang nandito." Second date?Ayyyiiie...Kinikilig tuloy ako.He scratched his nape shyly.Pumayag ako.Inakbayan niya ako.Naglakad na kaming dalawa.Nagtungo kami sa Lagoon Flowers Forest.Pinicturan ko ito.Kinuha ni Carlo ang camera ko at siya naman kumukuha ng litrato.
"Rei,smile." Ngumiti ako at...*flash* .Kumuha siya ng cellphone at kinuhanan ako ng litrato.Lumapit ako sa kanya at binigay na niya sa akin ang camera.Naglakad kami papunta sa iba't ibang destination dito sa Ecopark.Ang ganda naman dito.Hinawakan niya ang kamay ko.May tinuro siya kaya napatingin ako doon.
"Saan ba ang tinuturo m---." O//////////////////////////////////////////////////////O Naghiwalay na ang mga labi namin sa isa't isa.Grabe,five seconds pa lang ang halik na 'yon pero...kinikilig talaga ako.Ang bilis ng tibok ng puso ko,kasing bilis ng water falls.
"Let's go,Rei." Lumabas na kami ng Ecopark at dinala niya ako sa playground.Nakakainis!Ninakawan niya ako ng halik kanina.Ilang beses na ba niya akong ninakawan ng halik?Umupo kami sa swing.Kumakain kami ng ice cream.Hmmm...Ang sarap.Chocolate ice cream.
"Aish!Ang dumi ng mga daliri mo,Rei.Akin na nga." Kinuha niya ang kamay ko at...Dinilaan niya ang mga daliri ko.Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
"Ah...Eh....Carlo,wala ka bang tissue na dala?O kahit panyo man lang?" Umiiling siya.
"Hindi ako sanay na nagdadala ng tissue o panyo.Minsan lang ako nagdadala kapag nasa trabaho." sabi niya.Ganun?
"Halika nga,Rei.Isasayaw kita." Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at nagplay ng kanta.Hinawakan niya ang kanang kamay ko habang ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa bewang ko.Samantala ang kaliwang kamay ko ay nakahawak naman sa balikat niya.Ang title ng kanta ay 'Sabihin mo na - Top Suzara'.Sasayaw na sana kami kaya lang,pag tinamaan ka nga naman ng malas,umulan pa.Aish!We're dancing slowly with the beat.
"Let's go,Carlo.Umuulan na ka---." Pinigilan niya akong magsalita.He put his finger on my lips to shut up.And then,he kissed his finger.Ngumiti siya.
Gusto kong magpaliwanag sa'yo
Ngunit 'di kinakausap
'Di inaasahang diringgin mo
Nakatingala sa ulap
Alam kong nasaktan na naman kita
Ngunit 'di ko naman sinasadya
Hinding-hindi na mauulit sinta
Sana'y maniwala ka
****
Kahit saktan mo pa ako ng paulit-ulit,ikaw lang ang mamahalin ko.Hindi mo dapat malaman ang sikreto ko dahil masasaktan ka lang,Carlo.
BINABASA MO ANG
Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓
RomanceHindi alam ng marami na may tinatagong sikreto ang lahat ng tao.Walang lihim na hindi nabubunyag.Tulad ni Rei,marami siyang tinatagong sikreto pero may isa siyang sikreto na hindi dapat malaman ng ibang tao,lalo na si Carlo.Hindi nila alam na may le...