Jake Carlo POV
Aalagaan ko si Rei.Kahit palayasin niya ako,hinding-hindi ako aalis sa tabi nya.Mahal na mahal ko siya katulad ng pagmamahal na pinaparamdam niya sa akin.Mahal ko siya.Hindi pa rin siya gising hanggang ngayon dahil sa sakit niya.Kapag iniisip ko ang sakit niya,lalo akong tumitibay.Hawak-hawak ko ang kamay niya habang natutulog siya.Kinuha ko ang upuan at umupo ako.
"Hindi mo sinabi na malala na pala ang kalagayan mo,Rei.Madaming naghihintay sa'yo na makita ka kaya naman,gumising ka na,Rei.Lalung-lalo na ako.Mahal na mahal kita,Rei.Wake up.Please." Sana gumising ka na,Rei.
"Jake,mas mabuti kung umuwi ka muna para makapagpahinga ka.Dalawang araw ka pa nandito." sabi ni Mrs. Villanueva.
"Hindi pa po ako pagod.Mas gusto kong nasa tabi lang ako ni Rei...para mabantayan ko po siya.Nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ko na siya sasaktan at iiwan." Kahit ako pa ang maiwan ng nag-iisa.Sasaluhan ko siya sa sakit na nararamdaman niya.Nang makita ko na pinipilit niyang idilat ang kanyang mga mata,napatayo ako.
"Mrs. Villanueva,halika po.Nagising na si Rei." Wala pang isang minuto,nandito na siya sa tabi ko.Tumayo si Rei ng dahan-dahan at inaalalayan ko siya.
"Rei...A-Anak..." Pumasok na silang lahat sa loob ng kwarto para makita si Rei.Anak?!What does she mean?Lumapit si Mrs. Villanueva kay Rei.
"Huwag mo akong tatawaging anak.Dahil para sa akin...matagal ka ng patay.Noong seven years old ako,pinili mong sumama sa ibang lalaki dahil hindi mo mahal si papa.Namatay si papa dahil sa lung cancer two years ago.Kaya namatay si papa dahil sa sama ng loob at walang nag-aalaga sa kanya kundi ako lang.Kahit iniwan mo kami,hindi siya nagalit o nagselos.Makasarili ka!Sarili mo lang ang iniisip mo!Sarili lang ang iniisip hindi ang ibang tao!Kaya kinamumuhian kita dahil hindi mo kami mahal!!!!Lalung-lalo na si papa!!!!!!!" Lumuhod si Mrs. Villanueva sa harapan ni Rei.Anak niya si Rei?!
"Ate Rei..."
"Matatanggap ko pa si Jennifer bilang kapatid ko pero ikaw?Huwag kang umasa na mapapatawad kita hanggang sa mamatay ako dahil hindi 'yon mangyayari.Tandaan mo 'yan."
"Anak...Patawarin mo ako sa lahat ng mga kasalanan ko sa inyo ni Ricardo...Mahal na mahal kita,anak...Alam kong...hindi mo ako mapapatawad pero...alam kong balang araw...magkakaayos rin tayo at handa mo na akong patawarin...hihintayin ko ang araw na 'yun." nakangiting sabi ni Mrs. Villanueva.Rei smirked.
"Puwedeng umalis ka na sa buhay ko?Nakakairita ka kasi sa paningin ko.Lalo ka na,Jake." Hinding-hindi ko gagawin 'yun,Rei.Dito lang ako sa tabi mo.Hindi ako aalis sa tabi mo dahil nangako ako sa sarili ko.Hinding hindi kita iiwan.Tumayo na si Mrs. Villanueva at niyayakap si Rei.
"Rei...I'm sorry...I'm so sorry..." Tinulak niya si Mrs. Villanueva na dahilan para matumba siya sa sahig.
"Sana hindi ka na bumalik sa buhay ko....Para hindi na magkanda-leche-leche ang buhay ko!!!" Ayokong nakikitang nagagalit si Rei sa kanyang ina.Siya ang umayos ng pamilya ko kaya gagawa ako ng paraan para maging maayos naman silang lahat.At...Para wala nang gulo.Umalis na silang lahat maliban sa akin.Ayokong iwan siya.Dito lang ako sa tabi niya.
"At ikaw.Umalis ka na rin sa buhay ko,Jake." she coldly said.
"Hindi ko gagawin 'yon,Rei." Tumaas ang kilay niya.
"Nangako ako sa sarili ko na...Hindi na kita iiwan.Atsaka,gusto kong makabawi sa'yo." She scoffed.
"Pangako?Isang pangako na hindi mo tinupad 20 years ago,Jake.Tapos pagbalik mo,may iba na palang nagmamay-ari ng puso mo.Samantalang ako,nagpapakatanga para sa isang tulad mo.Naghintay ako ng maraming taon para sa'yo.Kung kailan may taning na ang buhay ko,saka ka magiging mabait sa akin at sasabihin sa akin na mahal mo ako?Huwag mo akong lokohin."
BINABASA MO ANG
Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓
RomanceHindi alam ng marami na may tinatagong sikreto ang lahat ng tao.Walang lihim na hindi nabubunyag.Tulad ni Rei,marami siyang tinatagong sikreto pero may isa siyang sikreto na hindi dapat malaman ng ibang tao,lalo na si Carlo.Hindi nila alam na may le...