Chapter 23 Hatred

137 3 0
                                    

Jennifer POV

Kumusta na kaya si Ate Rei?Sana nasa mabuti siyang kalagayan ngayon.Namimiss ko na ang ate ko.Ilang linggo na ang lumipas simula ng umalis ng hindi nagpapaalam si Ate Rei sa bahay.I promise to myself that I will find her no matter what it takes.Habang kumakain ako ng peras,umupo sa harapan ko si Dylan.

"Palimos po." sabi niya with matching puppy eyes.Kinagat ko ang peras na nasa bibig ko at nagulat ako dahil bigla siyang lumapit sa akin at kinagat ang peras na nasa bibig ko.Indirect kiss!Namumula na yata ang pisngi ko.Oh my gosh!Kinikilig talaga ako!  

"You're so cute when your cheeks are burning red." He pinched my cheeks.I cupped his face.I rubbed his nose into mine.

"I love you,Peach."

"I love you more,Peaches." 

Sa sandaling makita ko na ang kapatid ko,hindi ko na siya hahayaang mawala pa sa amin.Ang nakakalungkot lang ay yung hindi mo nalaman ang totoo sa umpisa pa lang.Noon pa man,hiniling ko na gusto kong magkaroon ng sariling kapatid na yung laging nandyan sa tabi ko,lagi akong pino-protektahan,lagi kaming mags-shopping,lagi ko siyang katabi sa pagtulog,araw-araw kaming magkukuwentuhan at yung makakasama ko sa mga lakad.Sobra talaga akong nagsisisi ng mga panahon na nag-away kami dahil sa selos at pinalayas ko siya.

"Dylan,can you help me?I want to find my sister.I'll do anything to find her.Please." Napabuntong hininga siya.He cupped my face.

"Pero,Jennifer.Baka may hindi magandang mangyari sa'yo lalo na sa magiging baby natin kapag tumulong ka pa sa paghahanap kay Rei.Kaya ipaubaya na lang natin sa mga pulis ang paghahanap sa kanya.Konting-tiis na lang.Makikita din natin siya." Sa mga sinabi ni Dylan,doon lang ako kumalma.Tama si Dylan.Hinimas-himas niya ang tiyan ko at nagulat na lang ako ng umakyat ang kamay niya papunta sa breast ko pero bago pa magawa ang balak niya,hinampas ko ang malikot niyang kamay.Napa-aray siya.

"Hep hep!Dalawang beses na natin ginawa 'yun,huwag mo nang gagawin ulit 'yun sa akin.Kasi nakakadalawa na tayo." Nagpout siya.Tsk!Hindi bagay.Joke lang.Ang cute niya pala talaga.

"Kung nakakaistorbo man ako sa paglalandi ninyo,aalis na lang ako." Umayos kami ng pagkakaupo ng dumating si Oliver.Umupo si Dylan sa tabi ko habang si Oliver naman ay nasa harapan namin.May center table na naghahati sa dalawang sofa.Inilapag ng maid ang maliit na tasa sa table at umalis na ang maid.

"Oliver,bakit ka nga pala pumunta dito?" Mga ilang minuto na ang lumipas pero wala pa siyang sinasabi.Huminga siya ng malalim.

"Kung wala kang sasabihin,mabuti pang umalis ka na." Magw-walk-out na sana ako kaya lang,parang tumigil ang mundo ko nang banggitin niya si Ate Rei.

"Alam ko kung saan makikita si Rei." Napalingon ako sa kanya.Si Dylan,nagulat at ako din.Alam niya kung saan makikita si Ate Rei?Umupo ako sa tabi ni Dylan.Dumating sina Mommy at Daddy.Umupo sila sa tabi namin ni Dylan.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo,Dr. Santos." sabi ni Mommy.Inulit nga niya.

"Nasaan si Rei?Sabihin mo sa akin kung saan siya matatagpuan.Sabihin mo kung nasaan ang anak ko.Nasaan?" naluluha na tanong ni Mommy.Napatakip si Mommy ng sinabi niya 'yun but it's too late.Huminga siya ng malalim bago magsalita.

"Ah...Eh...May sinabi ba ako?Hahahaha..." She made a fake laugh.Napatayo si Oliver sa gulat.

"A-A-Anak niyo si Rei?!Tama ba ang narinig ko?!Anak niyo siya?" Tumango si Mommy.Paano na 'to?Nalaman na ni Oliver ang totoo.

Oliver POV

Anak ni Tita Elizabeth si Rei?!Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.Kinuwento nilang lahat sa akin ang nakaraan ni tita.Pinakita rin nila sa akin ang DNA Test.Habang binabasa ko ang nasa DNA Test,nakikinig ako sa kanila.Pagkatapos kong malaman ang nakaraan ni tita,parang na-dissapoint ako.Ang tingin ko pa naman sa kanila ay isang mabuti at mabait na pamilya pero sa nalaman ko,parang lumayo ang loob ko sa pamilya nila at kay Rei.

Will You Be My Boyfriend In Just 6 Months?✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon